CHAPTER 1
CHAPTER 1
ADELINE ISLA RAMIREZ
Almost one hour din ang naging byahe namin bago makarating sa Northvale. Sobrang traffic sa crossing ng Zabarte na halos umaabot lang ng lima o sampung segundo ang green light bago mag red light. Ngayon nakapasok na kami sa gate ng school, ay dadaan muna kami sa mahabang driveway para makarating sa building ng HM department.
Nakapalumbaba lang ako habang pinagmamasdan ang mga iilang estudyante na naglalakad sa sidewalk ng campus. Ang iba naman ay nakasilong lang sa mga shed at ang iba ay nakaupo sa mga naglakad na bench.
I was wondering kung makakahanap ba ako ng kaibigan dito. Well... I had a solid circle of friends for the past years, but I cut them off. I'm just too dumb not to realize that I've become a backburner friend.
Nagiging kaibigan lang nila ako kapag wala sila mahanap, makausap, o makasama. But when their close friends are there, I've already become a ghost to them.
"Ma'am Isla, nandito na po tayo."
Agad akong nabalik mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni kuya Amelio—my personal driver. Inayos ko ang sarili. Sinuklay ko muna ng mabilis ang buhok ko bago kinuha ang pink sparkling compact mirror para tignan ang sarili. Pagkatapos ay sinuot ko na ang coat ko at pinagpag pa 'yon para masigurado na walang kahit na anong dumi ang nakadikit doon.
"Thank you very much po, kuya. Please don't forget to fetch me before mag 1 pm. Ayon kasi yung oras ng dismissal ko," nakangiti kong wika.
Agad siyang tumango. "Yes po, Ma'am."
"Thank you po ulit!"
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
This is such a huge-ass school, to be honest. Malaki ang building at umabot pa yata hanggang pitong palapag ang building na 'to. Building pa lang 'to ng HM department, paano pa kaya ang building ng ibang course?
Marami akong nakakasalubong na estudyante na mukhang naghahanap na rin sa kanilang mga room. Sa paglilibot ko ay nakarating ako sa second floor gamit ang hagdanan nila na paikot ang disenyo.
And that's where I found the lobby of this building. There are so many tables and chairs around the area where students can sit and study. Carpeted pa ang lapag at kitang kita ko 'yon sa labas ng glass door ng lobby.
Napangiti na lang ako dahil do'n. Ngayon alam ko na kung saan ako magpapalipas ng oras.
Awtomatikong bumaba ang tingin ko ng biglang magring ang cellphone sa loob ng aking bag. Agad akong gumilid para hindi makaharang sa daanan nang biglang may bumangga sa akin. Napasandal ako sa vending machine sa likuran ko at nanlaki ang mata dahil sa nangyari.
What in the hell!?
"Dude! Bakit ka ba nagmamadali? Hintayin mo nga ako."
"I don't want to be late, tanga. Kailangan sa likuran tayo pumwesto kaya dapat maaga tayong makaregister."
Hindi ko na namalayan na nakakunot na ang aking noo habang pinagmamasdan ang dalawang lalake. What a rude person! They didn't even say sorry to me?!
"Tsk. assholes," irita kong bulong sa sarili bago kunin ang cellphone para sagutin ang tawag na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil.
"Hello?" bungad ko ng masagot ang tawag.
"Adeline, did you already receive your allowance?"
Natuwid ko ang aking tayo ng marinig ang boses ni daddy sa kabilang linya. Napatikhim ako at tinignan ang notifications sa cellphone para tignan kung may nag-appear na ba na may nag-transfer ng pera sa GoTyme ko.
"I already received it, dad," tipid kong tugon.
"Okay. don't forget to tell me if kulang pa 'yan, ah. I know your course is expensive, especially since you'll have to cook at the kitchen lab."
"Okay."
"Adeline... anak. When will you ever stop being like this?" malambot ang tono ng kanyang boses.
Naikuyom ko ang aking kamao kasabay ng pagkirot ng aking dibdib.
"Kapag naging maayos na kayo ni Mommy at bumalik sa dati."
"Anak, alam mo naman na hindi na mangyayari 'yan."
Ilang beses na niyang sinasabi sa akin 'yan. Paulit-ulit na rason at nakakasawang pakinggan. Mas lalong sumikip lang yata ang dibdib ko.
"Then I'm so sorry to tell you but I'll never stop being like this," matigas kong wika. "It's all your fault why Mom left us."
Hindi ko na hinintay ang sunod niyang sasabihin. Agad kong binaba ang tawag at napabuntong hininga para labanan ang luha kong nagbabadyang tumulo.
Tumalikod ako at tumingin muna sa labas ng floor-to-ceiling na glass window dito sa hallway dahil nakakahiya na makita ng ibang estudyante ang ayos ko.
Nang mahimas-himasan ay saka lang ako pumasok sa loob ng lobby. Tumatagos sa suot kong coat at white polo long sleeve ang lamig na binubuga ng aircon. Napangiti na lang ako dahil ang presko nito sa pakiramdam.
Pero agad din na napawi ang ngiti sa aking labi ng makita ang dalawang lalake na bumangga sa akin. Naghaharutan sila sa pila para raw kuno makaregister.
Are they even 2nd-year college students? Naligaw ba sila dito sa HM building? Kung makakilos kasi sila, akala mo mga highschool students.
Atsaka, para saan ba yung register bakit parang wala naman nakapagsabi sa akin patungkol doon?
Napairap na lang ako at tahimik na pumila sa likod nila; kung majority magreregister, e'di magreregister na rin ako kahit hindi ko alam kung anong dahilan—
Malakas akong napasinghap nang maatrasan ako ng isa sa dalawang lalaking bumangga sa akin.
Oh my god! Why are they testing my patience, lord!
Parehas silang natigilan at mabilis na lumingon sa akin ng makitang nanlilisik na ang paningin ko sa kanila.
"You two! Kanina pa kayo sa labas ng lobby, huh. You even bumped me a while ago and you didn't even apologize to me!" naiinis kong wika. "Ang gagaslaw niyo kumilos. What are you? A highschool students? Elementary students?"
"Shit. patay pare, englishera," dinig kong wika ng lalake may bagsak at itim na buhok.
Samantala, itong kasama niyang lalaki na medyo maalon at brown ang buhok ay nakangisi pa rin na parang nangaasar pa. Maputi ang kanyang kutis at medyo mapanga ito kahit na soft ang features ng mukha.
Mas nangingibabaw ang ekspresyon ng kanyang mukha ng pagiging pilyo, na para bang pinanganak na siya para manginis at mang-irita ng tao!
Matangos din ang kanyang ilong. Ang kilay naman niya ay makapal, at lalo na ang pilikmata; makapal na nga ang pilikmata niya, dumagdag pa na mahaba 'yon. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkinang ng suot niyang stud earring sa kaliwang tenga; mukha lang siyang jejemon!
Mas lalo lang yata akong nairita sa naging reaksyon niya. Bumaba ang tingin ko sa stockings kong may bakas ng sapatos nito.
May bahid ng kulay itim 'yon! Gosh! Ano bang tinapakan niya bago pumasok dito?
Ispalto? O baka naman nilublob niya yung sapatos niya sa imburnal na maraming burak kaya ganito kadumi ang sapatos niya! It's so disgusting!
Gusto ko na lang mapapadyak sa inis. Pakiramdam ko ang dumi na ng buong uniform ko ngayon dahil sa simpleng dumi sa stockings ko!
"Hindi namin napansin," wika ng lalaking may maalon at brown na buhok. "I'm sorry, Ma'am. Nagmamadali kami kasi kailangan namin mag-register," may mapang-asar na ngiti pa ito sa labi niya.
"You don't need to run. Akala niyo naman tatakbo 'tong lobby," iritable kong tugon.
"Good morning, Valenians! Puwede rin na mag-proceed dito ang mag-reregister para mahati ang pila."
Inirapan ko sila at nagtungo agad sa babae ng marinig ang kanyang sinabi.
"Kulot salot talaga," iritang bulong ko at nilagpasan sila.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkabigla sa lalaking may maalon at brown na buhok at ang kasama nitong kaibigan na tumawa na dahil sa sinabi ko.
"Salot ka pala pre, eh!" natatawang wika ng kanyang kaibigan.
"Tangina mo."
My gosh! Grabe ang lutong pa ng mura, akala mo ay nagdadasal!
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com