Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

CHAPTER 10

ADELINE ISLA RAMIREZ

My head was pounding and throbbing so bad when I woke up in the morning. Gusto ko mang matulog pa, pero tinutuloy-tuloy ko na ang pag jojogging ko ng maaga every weekend dahil nararamdaman ko na bumibigat na naman ang katawan ko at hinihingal ako kahit na naglalakad lang.

Nakailang ikot din ako sa village bago ako bumalik sa bahay. Nakaligo at nakabihis na rin ako ng puting shirt na may cute pink cat na design sa bandang chest area at isang mom jeans.

Maya-maya ay aalis na rin ako papunta sa bahay ni Nari para tapusin ang script sa roleplay namin sa foreign language na gaganapin by next week.

I thought my hangover would go away after I drank my favorite spanish latte but i'm wrong! Argh! I want to puke, pero parang wala na akong maisusuka! Pakiramdam ko ay parang laman-loob ko na ang lalabas sa bibig ko kung tutusukin ko pa ang lalamunan ko.

Nakayuko ako at nakahawak sa aking ulo habang hinahalo ang iced spanish latte.

It's okay, Isla. Pinili mong uminom kagabi kaya panindigan mo 'yan! That Gin na kwatro kantos is evil.

"Makakaalis ka ba ngayon, Isla? Puwede naman siguro kung ipagpabukas niyo na lang ang gagawin niyo ngayon para makapagpahinga ka."

Umangat ang tingin ko ng marinig ang boses ni Manang. May nilapag siyang French toast na may nakapaibabaw na guacamole sa harapan ko kaya kinuha ko na 'yon at kinagatan para magkalaman man lang ang tyan ko.

And I just wish na hindi ko isuka ito mamaya! Ang sarap pa naman ng gawa ni Manang na french toast.

"Manang, it's okay lang. Kailangan din namin na matapos yung script for foreign language kasi ayaw ko rin na sakupin ang time ni Nari bukas kasi kapag linggo alam kong family day 'yon," tugon ko sa mababang boses at sumisimsim sa kape ko.

Napabuntong hininga na lang si Manang at tumango.

"Oh siya, ikaw na nagsabi niyan, pero kapag masama na talaga ang pakiramdam mo, magsabi ka lang sa akin para mapasundo kita kay Amelio."

Tumango ako at ningitian siya. "Okay, Manang. You're the best na talaga."

Napailing na lang siya bago ako talikuran para hugasan ang ginamit niya sa pagluluto. Maya-maya ay narinig ko ang pamilyar na tunog ng sapatos ni daddy tuwing naglalakad pababa ng hagdanan.

Umaalingawngaw din ang takong ng kanyang sapatos sa tiles at palapit nang palapit na 'yon patungo sa akin dahil palakas nang palakas ang tunog no'n.

"Manang, aalis na ako," dinig kong pagpapaalam ni daddy.

"Ay, sige ho, Sir Arden. Magiingat kayo sa byahe," tugon ni Manang.

Inabala ko ang aking sarili sa aking kinakain at hindi siya pinansin. Pero narinig ko ang patikhim nito at nagsalita.

"Adeline, can we talk, anak? Follow me to the garage," malumanay na utos ni daddy.

Napalingon ako sa kanya dahil doon at walang nagawa kundi na sundin siya. Nauna itong lumabas sa bahay at nagtungo sa garahe dahil nandoon ang kanyang kotse.

Nang tumigil siya sa pintuan ng driver seat ay agad niya akong nilingon at muling tumikhim. Napahalukipkip na lang ako at hinintay ang kanyang sasabihin habang nakakunot ang noo.

"Amelio talked to me last night after Manang helped him bring you into your room," seryoso ngunit malumanay ang tono ng boses ni daddy ng magsalita.

Tumigil muna ito ng ilang segundo bago ko narinig ang isang mahabang buntonghininga niya.

"Anak. . . Adeline, hindi ako naghihigpit sa gusto mong gawin sa buhay mo dahil alam kong may sarili ka nang desisyon at ayaw ko rin naman na masakal ka sa pagiging mahigpit ko. Pero anak, you were drunk last night. Pinasundo na kita agad kay Amelio dahil wala ka pa ng makauwi ako kagabi at sobrang nagaalala ako sa 'yo."

Napalunok ako at hindi makasalita sa kanyang sinabi. My gaze at him softened, nanatiling tikom ang aking bibig at parang nilamon ng kahihiyan.

"Just don't let yourself get drunk like last night, okay? Paano kung hindi pala available si Amelio na sunduin ka? I'm just worried that someone might take advantage of you in your vulnerable state and I don't want that to happen."

Umiwas ako ng tingin ng tuluyan ng nilamon ng konsensya ang aking puso ng makita ang pagdaan ng pagaaalala na ekspresyon sa mga mata ni daddy.

"You're my only daughter, Adeline. The daughter that I always pray for. I'm sorry if I sound like I'm scolding you but i'm just really worried. Hindi ko kakayanin na baka may mangyaring masama sa 'yo, anak."

Isang masuyong ngiti lang ang ipinakita niya sa akin bago hinaplos ang aking ulo. Maya-maya ay yumuko siya at hinalikan ang tuktok ng aking ulo bago buksan ang pintuan sa driver seat at pumasok doon.

Akmang isasara niya 'yon ng bigla akong magsalita.

"I-i'm sorry," biglang kong wika at nahihiya pa.

I admit that it's really a bad thing that I let myself get drunk last night. Napasarap lang ang kuwentuhan namin lahat at naparami ang inom but that's not a good reason to tell dad about it.

This time it's really my fault and I could clearly see the worriedness in his eyes while he was talking at me.

Nakita ko kung paano natigilan si daddy sa pagsara ng pintuan ng kanyang kotse dahil sa sinabi ko.

"I'm sorry, dad. I'll never drink anymore."

I heard his chuckle. "It's okay to drink sometimes, Adeline. Our body also needs some alcohol but don't drink so much that you can't even make it home. Lagi mong tatandaan na kapag iinom ka, magtira ka para sa sarili mo, okay?"

Dahan-dahan na lang akong tumango.

"Okay, dad."

Isang maliit ang ngiti na binigay niya sa akin bago magpaalam ulit.

"Alright, now that I finally talk to you about last night I'll go ahead. Narinig ko kay Manang na aalis ka mamaya. You're going to make a script for your foreign language subject?"

I nodded. "Yes."

"Okay. take care, okay? Amelio is not available today, nagkaroon ng emergency sa bahay nila at mamayang hapon pa siya makakabalik dito. Siya na ang magsusundo sa 'yo sa bahay ng classmate mo. Saan pala nakatira 'yang pupuntahan mo?"

"Nari is from Malaria, around Caloocan pa rin."

"Hmm. okay, okay. Take care again, I'll go ahead. Bye," pagpapaalam ni daddy.

"Bye."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Umabot muna ng ilang oras bago ko napagpasyahang umalis na ng bahay. Dahil wala si Kuya Amelio ay si Nari ang nag book sa akin ng Angkas dahil hindi ko naman alam kung paano 'yon gumagana.

But she'll teach me later on how will i'm going to book an Angkas, para raw kung sakaling hindi ko alam paano umuwi puwede ko raw gamitin 'yon. I'll just put my address at home at ang location kung saan ako susunduin para mapadali ang lakad ko.

Naging mabilis lang din ang nangyari kaya nakasakay na agad ako sa motor na binook ni Nari. The weather is clear and windy but in the middle of the highway, hindi ko alam kung malapit na ba kami or what, pero nalagpasan na namin ang SM Fairview. . . bigla na lang umulan ng malakas!

Oh my gosh! I'm so drenched na! Hindi puwedeng tumigil si kuya agad-agad sa gilid dahil highway pa itong dinadaanan namin.

Malakas ang mga butil ng ulan na tumatama sa aking balat at ang lakas pa ng hangin!

"Ma'am, pasensya na po, hindi po tayo puwedeng tumigil kanina. Magsusuot pa po ba kayo ng kapote?"

Wala sa sarili na napangiti na lang ako ng alanganin habang nakaangkas kay kuya driver na akala mo ay makikita niya ang reaksyon ng aking mukha.

"Oh, no, it's okay, kuya! I'm already drenched na po, kaya it's useless na rin na gumamit ng raincoat!" sigaw ko habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho dahil nangingibabaw ang malakas na tunog ng ulan na pumapatak sa kalsada.

"Pasensya na po talaga, Ma'am."

"It's really okay, kuya. Don't worry!"

A minute later, nakarating na kami sa bahay ni Nari. nakaabang si Nari sa akin sa labas ng gate ng kanilang bahay na may dalang payong.

Nang makababa sa motor ay nagmamadaling nagtungo ako sa kanya at ningitian. Bayad na rin naman na si kuya driver dahil kay Nari.

"Hala, Isla! Nabasa ka pa tuloy ng ulan! Tara, pasok ka muna bilis para makapag banlaw ka. Baka mamaya bigla ka pa magkasakit niyan," nagaalalang wika ni Nari sa akin ng mahawakan ang aking kamay.

Natatawang nagpatianod na lang ako sa kanyang hila ng makapasok kami sa kanilang bahay. Isang simpleng modern 2-storey house ang bahay nila Nari.

Nang makapasok sa loob ay dinala niya agad ako sa isang bakanteng banyo nila malapit sa kusina para raw agad na makabanlaw ako. Inabutan niya lang ako ng isang malinis na bagong tuwalya at basta na lang tinulak sa loob na parang nagaalala pa.

"Maligo kana, okay? Hindi ako papayag na magkasakit ang frenny ko. Don't worry, wala si mama at papa rito; umalis sila papuntang SJDM Bulacan at bukas pa ang uwi kaya solo natin 'tong bahay."

Napangiti na lang ako at tumango. "Alright, alright, thank you, Nari."

"You're welcome!"

Agad kong sinarado ang pintuan ng banyo at agad na naligo. Lahat ng suot ko ay basa simula sa bra at underwear ay hindi nakaligtas. Mukhang kailangan ko pang manghiram ng damit kay Nari.

"Isla! Kuha ka na lang ng bagong sabon at shampoo diyan sa maliit na plastic!"

"Okay! Thank you!"

Agad kong inasikaso ang pagbabanlaw sa sarili kahit na masama pa ang pakiramdam ko dahil sa hangover. Hindi ko alam kung ilang oras 'tong mawawala.

Bakit parang ang tagal niya mawala sa sistema ko?

Gusto ko man na magtagal at magbabad na lang sa shower nila Nari dahil nararamdaman ko na kahit papaano ay medyo hindi ko na ramdam ang sakit ng ulo ko dahil sa malamig na tubig, ang kaso ay wala akong choice kundi lumabas na ng matapos ako.

"Can I borrow your clothes?" tanong ko sa kanya ng makalabas ng banyo.

I'm holding the white towel that covered my nakedness. Ang damit na basa ko ay isinampay ko sa loob ng kanilang banyo para matuyo.

"Of course! Akyat ka na lang sa taas. Nasa left side ang kuwarto ko," abala siya ngayon sa kanyang niluluto kaya hindi niya ako maasikaso.

"Thank you again!"

Agad akong maingat na umakyat sa hagdanan para hindi madulas. Tumutulo pa ang ilang butil ng tubig pababa sa aking leeg hanggang sa tuluyan nang makaakyat sa second floor ng kanilang bahay.

"Left door. Left door. Left door," bulong ko sa aking sarili.

Isang puting pintuan ang aking nakita sa kaliwang bahagi kaya nagmamadali akong nagtungo roon. Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang malinis na kuwarto.

Lahat ng design sa kuwartong ito ay puro dark color. Hindi ko alam na mahilig sa ganito si Nari.

Naglakad ako patungo sa isang puting cabinet at binuksan 'yon para maghanap ng masusuot na damit, pero puro t-shirt na dark colors at mga white shirt ang bumungad.

Hindi pa ako nakuntento, hinila ko ang drawer sa gilid ng cabinet at bumungad sa akin ang mga boxers and briefs! Wala man lang bra at underwear!

Oh my god! Don't tell me maling kuwarto ang napasukan ko!?

Isang kaluskos ang narinig ko sa gilid kaya mabilis kong sinarado ang pintuan ng cabinet at bumungad sa akin ang isang taong hindi ko inaasahan na makita ngayon!

Nanlaki ang aking mga mata at napaatras sa gilid dahil sa pagkabigla.

"Nari, ano ba 'yan. Dumidekwat ka na naman ng mga tshirt ko d'yan? Quota ka na sa 'king babaita ka hindi ka pa naman marunong magbalik ng damit ko—ay gago!"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com