CHAPTER 11
CHAPTER 11
ADELINE ISLA RAMIREZ
"Oh my gosh!" malakas kong sigaw.
Napahawak ako sa aking dibdib at nanlaki ang mga mata nang maramdaman na dumulas ang paa ko dahil basa pa rin 'yon! Para bang may sariling utak ang mga kamay ko na umangat at naghanap ng makakapitan para hindi lang ako lumagapak sa sahig.
Dahil doon nalihis pababa ang suot kong tuwalya kaya mas lalong nanlaki ang aking mata at napasinghap dahil makikita niya na nakahubad ako!
He's going to see me naked! He's going to see me naked! Mas dumoble ang taranta na nararandaman ko dahil sa takot na baka makita niya ang katawan ko!
Hindi ko na alam ang kinikilos ko ngayon; ang nasa isip ko na lang ay makaisip ng paraan para hindi tuluyang mahulog ang tuwalya na nakatapis sa akin.
But I think this is my fate. For the first time in my life someone will be going to see my naked body except me. Mariin kong pinikit ang aking mata at tinanggap na lang ang mangyayari 'to sa akin.
Alam kong babagsak ako sa lapag dahil ang dulas ng paa ko pero naramdaman ko na lang ang isang kamay na humawak sa aking braso para hilain patayo. Naidilat ko ang aking mata. Kasunod no'n ang isang napakalaking itim na tuwalya na tumakip sa harapan ko at binalot na parang burrito
"Anak ng teteng na 'yan! Hoy! Anong ginagawa mo rito!?" dinig kong sigaw ni Alastair na bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat dahil nakita niya ako sa loob ng kanyang kuwarto at nakatapis pa ng tuwalya!
I glared at him and shoved his chest away as I slipped my hand through the black towel he used to cover my front. Para lang talaga maitulak siya dahil sa inis. Bakit ba siya naninigaw!?
"Ikaw ang hoy! Why are you shouting, ha!?"
"Ampucha, ikaw na nga pumasok sa kuwarto ko gumaganyan ka pa. Magbihis ka nga at wala akong balak makakita ng bold ngayong tanghaling tapat," pambabara niya sa akin at mabilis na tumalikod.
Napaawang ang aking labi kasabay ng pamumula ng aking pisngi dahil sa sinabi nito. I felt cold all over from the water, but my cheeks were burning! Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.
"Asshole," mahina kong bulong.
Umangat ang tingin ko sa kanya, nakatalikod ito, at hindi nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng tenga niya.
"Hoy, ano? Bold na lang habang buhay? Uso uso magbihis tapos na yung kapanahunan ni eba't adan. Wala tayo sa jungle."
Napasinghap ako at awtomatikong umangat ang aking kamay sabay biglang hinampas ang kanyang likod sa inis. There's really something about Alastair's wording that makes my blood boil. Lagi niyang nakukuha ang inis ko sa kung paano siya mang-asar.
Okay, fine, I admit that i'm easily annoyed. Pikon na kung pikon!
"Aray! Ampucha na 'yan, nanakit pa—" reklamo niya pero hindi niya natapos ang kanyang sinabi ng biglang may pumasok sa loob.
"Isla—"
May hawak-hawak na frying spatula si Nari at nanlaki ang kanyang mata na tumingin sa akin bago dumako kay Alastair na ngayon ay nakaharap na sa aming dalawa. Umiwas siya ng tingin at nagkakamot-kamot sa leeg na parang bang hindi niya alam kung ano ang gagawin nito.
"Alastair!? Anong ginagawa mo rito!?" nanlalaking mga mata na tanong ni Nari at palipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Alastair. "Anong ginawa..."
Mas lalo pa yatang nanlaki ang kanyang mata na parang may narealize bago sumugod kay Alastair at hinampas sa braso gamit ang hawak niyang frying spatula.
"Anong ginawa mo kay Isla!? Gago ka talaga, Alastair!"
"Aray ko! Ano ba, wala akong ginawa diyan sa malditang 'yan! Aray! Huwag mo nga akong hampasin niyan, ang init, Nari, masakit sa braso!"
"Talagang magsisinungaling ka pa!"
"Uhmm. . . guys stop fighting, please," mahina kong wika.
Mabilis akong nilingon ni Nari at nilapitan ako. Magaan ang kanyang kamay na hinawakan ang aking braso para matignan ng maayos.
"Okay ka lang ba? Bakit ka nandito, Isla? Dinala ka ba ni Alastair dito?"
"Ay talaga naman ang galing mambintang. Ano tingin mo sa 'kin, Nari? Manyakis?"
"Che!" sikmat ni Nari.
"I'm okay, Nari. maling room lang ang napasukan ko," nakangiti kong tugon sa kanya. "Can I have some of your clothes? I really need to get dressed; nilalamig na ako."
"Sure, sure! Sorry, nakalimutan ko pala sabihin sa 'yo na nalipat sa kabilang kuwarto ang mga gamit ko dahil kay Alastair. Hindi ko alam na ngayon pala makakabalik dito ang baliw na 'yon."
"Wow, frontstab lang? Excuse me, ladies, nandito tayong tatlo sa kuwarto ko at harap-harapan niyo akong ginaganyan," pagsingit ni Alastair.
Wala sa sarili na dumako ang aking paningin sa kanya. Typical na pambahay outfit ang suot niya. He was wearing a plain white tank top—the kind that looks like a white shirt with the sleeves cut off. That was the style of his tank top, and he paired it with gray jogger shorts.
As usual, ang stud earrings nito ay suot niya pa rin kaya kitang kita ko ang pagkislap no'n sa tuwing natatamaan ng ilaw dito sa kanyang kuwarto. Magulo ang wavy brown hair niya na parang hindi pa yata sinuklayan.
"Napaka oa mo, Alastair! Bakit hindi ko alam na ngayon ka babalik dito?" kunot noong tanong ni Nari.
"Aba'y malay ko ho sa 'yo," tugon ni Alastair. "Baka nakalimutan lang ni tito sabihin sa 'yo."
Napabuntong hininga na lang si Nari at nilingon ako. "Sorry, ang daming aberya. Tara na, magbihis kana."
Tahimik lang akong tumango at nauna na akong lumabas para sabay na kaming papasok sa kanyang kuwarto pero nakita ko na dumiretso siya sa damitan ni Alastair. Para siyang customer na nagwiwindow shopping sa isang department store.
Naghanap siya ng t-shirt doon, at nang may napili siya kasama ang isang jogger short na kulay itim ay saka niya lang ako nilapitan.
"Hep! Hep! Teka nga, bakit damit ko ang gagamitin?" pagpigil ni Alastair kay Nari.
"Hindi ko pa pala nalalabhan yung mga tshirt ko—"
"Tsk! Sabi na, eh. Kababaeng tao ang tamad tamad—Aray!"
"Daming satsat! Tara na nga Isla," hinila ni Nari ang aking kamay at basta na lang lumabas sa kuwarto ni Alastair.
Dumiretso kami sa isang kuwarto at sa tapat lang 'yon ng kuwarto ni Alastair. Agad akong iniwan ni Nari roon para magbihis dahil baka raw masunog ang niluluto niya, kaya ngayon ay mag-isa ako ngayon sa kuwarto niya habang tulala sa hawak kong damit ni Alastair.
I'm holding the shirt and shorts of the guy who always loves teasing and ruining my day and worse, susuotin ko pa! Huminga ako ng malalim at pabagsak na naupo sa kama ni Nari.
Agad na akong nagbihis at tinuyo ang buhok para makababa na sa sala. Pumasok ako sa banyo nito at sinampay sa nakita kong rack ang basang tuwalya bago lumabas.
Masakit pa rin ang aking ulo ng mapuntahan si Nari sa kusina. Agad siyang napalingon sa akin at ningitian ako bago muling balingan ng tingin ang kanyang pinipritong manok.
"Kumain muna tayo bago gawin yung script. Nagugutom ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Sakto lang," I answered. "To be honest, Nari. May hangover pa ako sa ininom natin kagabi. I felt like my head was being bulldozed," reklamo ko. Mahina akong napaungot at napahawak na lang sa aking ulo. "I hate this feeling."
Narinig ko ang mahina niyang tawa at napailing na lang.
"Inom pa kasi," pang-aasar niya sa akin.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Hindi ko talaga alam na pinsan mo si Alastair," gulantang kong wika habang nakaharap sa kanyang laptop.
Katatapos lang namin mananghalian at inaya pa ni Nari si Alastair na mananghalian kasama namin ang kaso aalis daw ito kasama si Ciro kaya ngayon ay kaming dalawa na lang ni Nari ang nagtatao sa bahay nila.
Dito pala nakatira si Alastair kela Nari. I thought taga Philcoa siya kasi sumabay pa siya sa akin na sumakay sa jeep pababa ng FCM. Napailing na lang ako at kinalimutan ang bagay na 'yon
Agad akong napalingon sa pwesto ni Nari ng marinig ang mahinang hagikhik niya ng marinig ang sinabi ko.
"Hindi ka rin naman nagtanong," natatawa niyang sagot sa akin.
Napabuga na lang ako ng hangin at natulala saglit sa script na ginawa ko; draft pa lang naman ito dahil may dinadagdag at binabawas kami. Spanish na ang script no'n pero naglagay muna kami ng english lines sa ibaba no'n para malalaman namin kung may tatanggalin pa kami o wala na.
Kapag final na ang script, tatanggalin na lang namin ang english lines na nasa baba ng ginawa naming mga lines na spanish.
"Nagugutom ka pa ba?" tanong ni Nari sa akin.
Humaba ang nguso ko natulala sa chicken pops na ginawa niya. Gusto ko pa talaga kumain kasi ang sama pa rin ng pakiramdam ko dahil sa hangover. Puro malamig na tubig na lang ang iniinom ko ngayon dahil ang kinain namin kanina na fried chicken ay naisuka ko lang.
"No. Siguro hindi muna ako kakain ngayon ng marami baka maisuka ko lang. Magtutubig na lang ako," tugon ko at tinignan siya. Mukhang normal pa naman itong si Nari, parang hindi tinatablan ng hangover. I envy her.
"Alam mo Pocari sweat lang katapat niyan. Bibili ako mamaya pag tapos nitong ginagawa natin."
Mabilis akong umiling. "You don't have to do that, Nari. Malamig na malamig lang talaga na tubig ang kailangan ko."
Umismid siya at binaba ang ballpen. "Nako, hindi ako papayag ng ganyan. Promise magandang inumin 'yon kapag may hangover kaya trust me."
Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa sa kanyang sinabi. Tinuloy na agad namin ang aming ginagawa at tinapos 'yon dahil ayaw na naming may part two pa na ganitong gawain dahil sa pagiging madaldal namin sa isa't isa.
Inabot kami ng ilang oras sa paggawa ng script dahil nagpapractice na rin kami kung paano mabigkas ng maayos 'yon. Magkaharap kaming dalawa ni Nari at sinasabi ang lines sa isa't isa, habang ginagawa 'yon ay biglang tumunog ang notification sounds ng messenger ko sa laptop ni Nari.
"Wait, check ko lang baka importante."
"Sige—ay sa 'kin din pala. Baka sa mga group chat natin 'to."
Tumango lang ako at inopen ang GC ng isang subject namin.
HPC7 - HM 2A
Mr. Legazpi:
Good afternoon, HM 2A. I need 4 members in each group in this section for your upcoming reporting; this will be your permanent group for the whole semester. President, I need their list before night. Thank you.
Mr. Legazpi:
And I'll be going to send the topic here in our group chat. Mamimili na lang kayo ng topic kung alin ang gusto niyong irereport. President, make sure na lahat may mga ka grupo, at kapag wala naman, kindly direct message me para maayos ang kulang.
Thank you again.
Mabilis akong napalingon kay Nari at sabay kaming nagkatinginan.
"We need two people pa," mahina kong wika.
Napakamot na lang siya sa kanyang buhok at nilapag ang cellphone sa center table. Kailangan na namin mapasa agad kung sino ang mga members namin, ang kaso kulang kami ng dalawa. Saan na naman kami maghahanap no'n.
Bigla na lang bumukas ang pintuan at parehas kaming napatili ni Nari dahil do'n. Sabay kaming napalingon doon. Bumungad sa aming harapan si Alastair na may dalang supot na hindi ko alam kung anong laman pero parang water bottle na malaki, tapos itong si Ciro naman ay nakangiti lang habang nakababa ang tingin sa aming dalawa ni Nari.
"Aha! Mabuti na lang at nandito pa kayo. Aampunin na namin kayo ni Ciro sa groupings ni Sir Legazpi. Bawal na mag-backout."
"Bawal na backout, ah? Sinend na namin sa group chat yung mga members," segundo ni Ciro.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com