Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

CHAPTER 12

ADELINE ISLA RAMIREZ

HPC 7 - HM 2A

Valdevera, Alastair Zayn:

Members:

Valdevera, Alastair Zayn

Delacruz, Cilvandro Rowan

Lopez, Minari

Ramirez, Adeline Isla

Alastair is not joking. He's already sent the members of his group on our GC! Naguuna-una agad siya eh, hindi pa nga kami sumangayon ni Nari!

Matalim na titig lang ang binigay ko sa kanya ng balingan ko siya ng tingin pero ningitian niya lang ako! Yung ngiti niyang normal pero nakakasira ng araw. Gosh! Pakiramdam ko ay puputok ang ugat ko sa ulo sa inis.

Napabuntong hininga na lang ako dahil wala naman na akong magagawa dahil nasend niya naman na. Atsaka hindi na rin ako mag-iinarte dahil mas mapapadali pa ang gagawin namin.

"Bakit mo kami inuunahan, Alastair? Para kang ewan, malamang hindi na kami makakabackout dahil panigurado na lista na ni pres yung members mo," umismid si Nari at agad na tinalikuran si Alastair at Ciro.

"Arte nito, buti nga sinabit pa namin kayo," tugon ni Alastair.

"Ewan ko sa 'yo," nakita ko ang pag-irap sa ere ni Nari bago niya ulit lingunin ang dalawa. "Kumain na ba kayo? May natira pang prinitong manok diyan sa counter ng kitchen island. Kainin niyo na ni Ciro 'yan."

"Kumain na kami ng pares, pero dahil inaya mo kami, 'di ka namin tatanggihan."

"Tara na, Alas," pag aya ni Ciro habang nagpipigil ng tawa. "Salamat, Nari."

"Geh."

Nanatili akong walang imik at pasimpleng pinagmasdan si Alastair at Ciro na ngayon ay naghahanda na ng mga plato para sa kanilang pagkakainan.

"Do you think we should make a group chat for our group?" tanong ko kay Nari habang pinoproofread na lang ang script.

"Hmm. Sige! ako na lang gagawa, i-aadd na lang kita."

Tipid ko siyang ningitian bago binalik ulit ang tingin sa screen ng laptop. Pero bago ko magawa iyon ay parang awtomatiko akong napalingon sa gawi nila Alastair at doon nagtagpo ang tingin naming dalawa.

Nagtagal ng ilang segundo ang pagtitinginan namin bago niya inangat ang kamay niya na may kanin at balat ng fried chicken na para bang inaalok niya akong kumain. Dahil doon napalingon din sa akin si Ciro, ginaya niya rin ang ginawa ni Alastair at nagsalita.

"Kain, Isla!" pag aya ni Ciro.

Tinanguan ko lang sila bago tuluyang binalingan ng tingin ang screen ng laptop.

"Kapal talaga ng mukha. Ako na nga nagluto, ako pa hindi inaya ng kumain," reklamo ni Nari habang abala sa ginagawa nito sa cellphone niya.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapahagikhik sa kanyang sinabi at nilingon ito. Nakakunot ang noo niya at seryosong seryoso sa ginagawa.

"Tatampo ka agad. Kain, Nari. Ayan okay kana ba? gusto mo subuan pa kita?" natatawang pang-aasar ni Ciro sa kanya.

"Hay. . . ewan ko sa 'yo."

Napailing na lang ako at tahimik na tinuloy ang gawain ko. Medyo nagtagal din kami dahil patigil-tigil ako sa aking gginagawa; sumasakit na naman ang ulo ko at pabalik-balik ako sa refrigerator nila Nari para kumuha ng malamig na tubig.

"Heto, inumin mo 'to."

Mabilis akong napalingon sa gilid ng marinig ang boses ni Alastair. Agad kong sinarado ang pintuan at nilingon siya.

May inabot itong malaking Pocari sweat ng tignan ko ang kanyang hawak.

"I don't need that. Thank you," tipid kong tugon.

Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. "Tanggapin mo na 'to. Malamig na 'yan kasi pinalamig ko muna sa ref."

Napabuntong hininga na lang ako. "Fine, since I don't have the energy to argue with you, I'll take this."

"May sama pa ng loob, ah," natatawang wika ni Alastair habang nakatingin sa akin.

Irap na lang ang nagawa ko at tinalikuran siya para bumalik sa sala.

"Masakit pa rin ba ulo mo?" tanong nito at parang natunugan ko ang tono ng kanyang boses na parang may bahid na pag-aalala o baka gawa-gawa lang ng utak ko 'yon lalo na masakit pa ang ulo ko.

Para lang siyang tuta na nakasunod sa akin ng lingunin ko ito sa likuran ko.

"A little. Hindi lang siguro ako sanay na uminom ng gano'n karami," naupo ako sa sofa at kinuha ang laptop para ipatong sa aking hita.

Maya-maya ay naupo naman siya sa tabi ko at nakikisilip sa ginagawa ko. Hinayaan ko na lang siya dahil wala ako sa mood na tabuyin ito dahil sa ulo kong sumasakit.

"Ayan kasi inom p—"

"For the love of god, Alastair. I don't want to hear that, okay? My father scolded me earlier in the morning, at ayaw ko ng makarinig pa ng ganyan because my head just keeps hurting."

Kunot noo ko siyang nilingon at hindi na napigilan na irapan dahil sa inis. Okay, that's my last energy and I think I need to recharge my social battery and energy in my room.

Argh, I can't wait to lie on my bed.

"Uhmm. . . baka gamot gusto mo?" humina ang boses niya.

Umiling ako. "No thanks."

"Inumin mo na lang yung binigay ko sa 'yo."

Napabuga na lang ako ng hangin at tinanggal ang bottle cap ng Pocari sweat pagkatapos ay ininuman 'yon.

"Happy?" nababagot kong sagot.

"Maldita talaga," 'yon na lang ang naitugon niya bago nanahimik sa aking gilid.

Habang nababalot ng katahimikan ang buong sala ng bahay nila Nari ay napatulala ako saglit sa screen ng laptop nang marealize na may mahaba kaming conversation ni Alastair. This is the first time that we had a conversation na less sa puro bangayan.

Napabuntong hininga na lang ako at pinagdasal na sana dumating na si Nari at Ciro. Wala sila ngayon dahil napagpasyahan nilang pumunta ng palengke para bumili ng juice na titimplahin mamayang panghapunan.

Kanina pa 'yon sila nakaalis kaya paniguradong pabalik na sila dito.

Muhkang na gets naman ni Alastair na masama pa ang pakiramdam ko dahil sa hangover kaya hindi na siya umepal sa akin. Kulang na lang ay puntahan ko si Lord at mag-thank you dahil doon.

Less headache.

After a few minutes, Nari and Ciro came back from the wet market. May mga pinamili pa pala sila na mga iba't ibang ingredients na ipang-iistock sa ref nila kaya natagalan.

"Yung tungkol pala sa reporting, sa susunod na lang natin pag-usapan 'yon at baka sumakit pa lalo ang ulo ng frenny ko," biglang sambit ni Nari.

Mahina akong natawa at sumubo sa aking kinakain. Kasalukuyan na kami ngayon nasa hapagkainan at kumakain ng hapunan. Natapos na kami sa aming ginagawa kaya sabay-sabay na kaming kumain.

"Matagal pa naman 'yon pero habang maaga pa dapat mapagusapan na natin yung mga gagawin atsaka nakapili na rin naman na ako ng topic. Mag-chachat na lang ako sa GC kung sino gagawa ng powerpoint. Ako na maghahati nung mga gagawin niyo sa reporting para makagawa na kayo ng explanation."

"Grabe talaga si leader kaya sa 'yo ako, eh," segundo ni Ciro.

Tahimik akong napalingon kay Alastair nang marinig ang boses nito. Ngayon ko lang narinig ang boses niya na ganito ka seryoso, lalo na kapag related sa academics.

I don't know but there's something that sparks in my chest when I hear him being very serious. My heart beat in a strange way, and I started to look at him for a long second.

Agad na namula ang aking pisngi nang mahuli niyang nakatingin ako.

"May problema ba, Isla? Baka may gusto kang isuggest at nahihiya ka lang na magsabi," seryoso niyang tanong sa akin.

Agad akong umiwas ng tingin at umiling. "No. Nothing."

Ang weird sa pakiramdam na ang seryoso niya, o baka nasanay lang ako na parang ang kolokoy niya magsalita noon? well, gets ko naman na kapag academic ang usapan seryosohan talaga dahil kahit ako ay magseseryoso talaga ako.

"I volunteer sa pag gawa ng powerpoint!" pagsingit ni Nari.

"Nice. Thank you, Nari," natatawa tugon ni Alastair bago ako lingunin na para bang may gustong itanong sa akin pero mas pinili niya na lang na wag ituloy.

Kaya ngayon ay wala na naman akong imik na kumain.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

The score of our examination was finally released. Nakangiti ako habang nakatingin sa hawak kong cellphone dahil sinend ko kay mommy na mataas ang grades ko.

May lungkot at saya pa rin akong naramdaman dahil akala ko ay napush ko na ang sarili ko sa kakayahan ko. I thought i'll be the highest in our section but i'm wrong. Alastair got the highest score in most of our subjects.

I can't help but feel envy on him—

Mommy:

Congrats.

Agad na naglaho ang ngiti sa aking labi nang mabasa ang kanyang reply sa chat ko.

Walang, good job, my baby.

Walang, well done, Isla.

At higit sa lahat hindi, congratulations, my daughter! Ang reply niya.

It's just plain congrats. She's not happy. . . my mother is not happy.

If I just push myself to the limits just to perfect my exam, I'll do it. I'll do it just so she'll notice me... para makachat at makausap ko siya kahit saglit lang.

Pilit kong nilululon ang bigik na nakaharang sa aking lalamunan, at nanginginig ang aking daliri na nagtipa sa keyboard ng aking cellphone.

Adeline Isla:

I'll be better, mom. I promise.

Mommy:

As you should.

"Isla! congratulations sa aking frenny na brainy! ang taas ng score mo! nakaka proud na magkaroon ng matalinong kaibigan," humahagikhik si Nari ng bigla niya akong yakapin.

Hot tears started to burn my eyes. Agad kong nilabanan ang luha kong nagbabadyang tumulo at mahigpit na niyakap pabalik si Nari.

"T-thank you. . . Thank you, Nari."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com