Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

CHAPTER 13

ADELINE ISLA RAMIREZ

"And oh, it's hard to see you but I wish you were right here... hmm... hmm."

Masaya akong kumakanta habang nakaharap sa salamin ng banyo. Mahina pang kumikembot ang balakang ko dahil good mood na good mood ako ngayon.

I'm having a good and relaxing beauty rest right now. Mahina akong naghuhum ng kanta habang pinaglalandas ang daliri ko sa mukha kong may nakalagay na face mask.

Tomorrow is our roleplay with my partner—Nari, and I should look presentable para mas lalong maganda ang pag-acting namin bukas.

Mahina akong napahagikhik dahil sa excitement. Kabisadong kabisado ko na ang line ko. Sa roleplay namin, ako ang hostess sa isang sikat na restaurant, while si Nari naman ay customer.

"Buenas tardes, señora. Bienvenidos al restaurante Pinoy Grill. ¿ Tienen reservaciones?" I talked to myself while looking in the mirror.

Mahina akong natawa at lumabas na sa banyo para magtungo sa aking vanity table at akmang uupo ng marinig ang sunod-sunod na notifications na nanggagaling sa aking laptop na nakalagay sa kama ko.

Kunot noong dumiretso ako roon para tignan kung sino ang nag-chat sa akin.

Cilvandro Rowan Delacruz sent you a friend request.

Confirm | Delete

Zayn Alastair Valdevera sent you a friend request.

Confirm | Delete

Kumunot ang aking noo ng makita ang magkasunod na friend request ni Ciro at Alastair. Anong meron?

Oh my gosh?! Don't tell me my issue ako na hindi ko ala—okay, Isla. Stop right there. You're just overthinking!

Nagtagal pa ako sa pagtitig sa friend request nila nang biglang mag-pop up sa gilid ng screen ang conversation naming dalawa ni Nari sa messenger.

Mabilis kong inaccept ang friend request nilang dalawa bago muling binalikan ang chat ni Nari sa akin.

Minari:

Islaaaaa!

Huhuhuhu

Kumunot ang noo ko at mabilis na nagtipa sa keyboard ng aking laptop.

Adeline Isla:

Hey, what's wrong?

Are you okay?

Minari:

Noooo😭

I'm sorry talaga Isla huhuhu

Adeline Isla:

Okay... i don't really know what's happening kaya try mo muna kumalma bago ka magchat sakin ng susunod mong sasabihin.

Is that okay?

Minari:

🥹🥹🥹

Eh kasi diba bukas na roleplay natin sa foreign language 😭😭

Adeline Isla:

Yes and then?

Minari:

Hindi ako makakapasok tomorrow 😭😭

I'm sorry 😔😔

If kaya ko talaga pumasok gagawin ko kasi pinaghandaan natin to kaso hindi ko kinakaya dysmenorrhea ko ngayon, kasi alam mo naman diba may regla ako ngayon kainis

Naka confine ako ngayon sa hospital at bukas pa ako makakalabas.

Mahina akong napasinghap at napahawak pa sa nakaawang kong labi dahil sa nabasa ko.

Adeline Isla:

Oh my, you don't have to feel sorry, Nari. It's really okay. I hope you're doing great there.

Gumawa kana ba ng excuse letter? puwedeng ako na lang mag bigay sa mga prof natin para alam nila yung reason mo kaya hindi ka makakapasok tomorrow.

For sure malaking points din ang mawawala sayo sa foreign language natin kung aabsent ka ng walang excuse letter.

Minari:

Ready na ready na ako frenny! si Ciro na lang daw magbibigay. Actually he's here. Siya muna sumama sa akin kasi sila mama at papa umalis na naman papunta bulacan.

Please lang antok na antok na ako kaso itong kupal na to pilit akong ginigising. ililipat pa kasi ako sa magiging room ko para mas komportable ako rito hanggang kinabukasan.

Mahina akong natawa at napailing na lang bago muling tumipa sa keyboard. I really smell something fishy between them but it's not my story to tell, mas mainam pa na hintayin ko na si Nari na lang ang magsabi sa akin.

Adeline Isla:

How are you? I know, hindi biro ang dysmenorrhea kaya for sure super sakit talaga niya. And I think it's really worse because you got confined at the hospital.

Since you're already there, why don't you get a check up?

Minari:

Meron na. Nalaman ko na may adenomyosis ako, inexplain naman samin lahat ni doc kaya okay na pero kinakabahan parin ako no huhu, yan yung parang ano yung lining ng matres ko pumapasok sa mismong muscle layer ng uterus ko.

Mangyayari non parang nasa loob mismo ng pader ng matres ko yung lining kaya lumalaki tsaka tumitigas yung uterus ko.

Sooooo kapag dinadatnan ako sumasabay din sa pagdugo yung tissue sa loob ng muscle🙂🙂 galing diba gusto talaga na pinapahirapan ako

Adeline Isla:

Nariii:((

Is it that bad? severe? treatable?

Minari:

Treatable naman siya kaya donchaworry frenny ko. nag prescribe si doc sakin ng pain relievers tsaka alam mo ba omg ka!

Napabuntong hininga ako at seryosong nakatingin sa convo namin. I swear, hindi ko minsan ma seryoso si Nari dahil nagagawa niya pang mag biro lalo na sa ganitong bagay.

Adeline Isla:

what?

Minari:

Kailangan ko rin daw nung hormonal treatments kaya it's either mag take ako ng birth control pills or mag pa salpak sa ano ko hehe... alam mo na sa kipay ko ng IUD na may hormone.

Nakakakaba lang kasi diba baka panget yung side effects sakin kapag mag tatake ako ng birth control yung sa IUD naman hindi ko rin naman alam kasi hindi pa ako nakakapag ganon.

Adeline Isla:

Hmm... kung ayan ang kinakatakot mo then why don't you consult on a OBGYN first para malaman kung saan ka hiyang.

Minari:

Sinabi ko na rin kay doc yan kaya may rerecommend siya sa akin na OBGYN. Grabe nakakaistress kung iisipin pero natatakot talaga ako Isla kasi kapag lumala to need ko raw mag surgery!

kapag mangyayari yon mababa na ang chance na magkaroon ako ng mini me in the future at ayaw ko naman mangyari yon.

Adeline Isla:

that will not happened, Nari. let's pray to papa god para gumaling kana dyan sa sakit mo.

pero agree talaga ako sa doctor mo na nagsabi na mag take ka nung birth controls or IUD.

Minari:

yess frenny! waiting na kang sa OBGYN sana birth control pills na lang sakin kasi masakit yung IUD, feel ko lang ah. ipapasok kasi sa cervix ko yon diba😭😭

pls pls pls birth control na lang.

Adeline Isla:

hintayin na lang natin yung sasabihin ng OBGYN mo, Nari.

Minari:

😔😔

Sana kung birth control iaano sakin kahit yung side effect na lang sa katawan ko is lumaki na lang ang dede para malaki na yung lalamasin sakin ni Ciro

My eyes widened when I read the chat that she replied to me. Pakiramdam ko ay nasamid ako sa sarili kong laway. Oh gosh, Nari!? This girl and her thoughts are really something!

Adeline Isla:

Nari!

Mga tumatakbo talaga sa utak mo! nakakainis ka.

Minari:

What? HAHAHAHAHAAH tumatawa si Ciro sa tabi ko tinatawanan niya reply mo.

Pero di siya biro ah. He loves soft and big tmi na pala whahahaha anw bounce na ako Isla. Matutulog muna ako huhu

Sorry and thank you sa pag iintindi ng sitwasyon ko ngayon🥹 babawi ako soon i love u muchhh!

Adeline Isla:

No worries, Nari. love u tooo! get well soon❤️

Isang malakas na hangin ang naibuga ko at cinlick ang x sa taas ng convo namin para ma tanggal na 'yon ng bigla na namang mag pop up ang conversation naming dalawa ni Nari.

Minari:

btw si Alastair pala proxy ko. Nag leave na rin ako ng message sa mhie aka prof natin sa FL na siya muna ang sasalo sa role ko.

bye ulit!

"What?!" sigaw ko ng mabasa ang chat niya.

Kasabay ng aking sigaw ay ang chat ni Alastair. Pati ang pag chat sa akin ay parang kabute, biglang nalitaw na lang sa gilid ng screen.

Zayn Alastair:

Goodpm boss pa send ng script nyo ni nari tnxx,,,

Adeline Isla:

Your typing is weird but anw wait a minute isesend ko na

spanishscript.pdf

Nari talked to me a while ago, ikaw daw ang magiging partner ko because she's confined at the hospital and tomorrow pa siya madidischarge

Zayn Alastair:

Korik boss. tnx sa pdf kakabisaduhin ko na to at nakakahiya naman kung magmumuhka akong tangang customer sa roleplay natin😂

Gusto ko parehas tayong dalawa maangas bukas

Tnxx ulit

Hindi ko namalayan na ilang segundo rin pala akong nakatulala sa convo naming dalawa. The hell, why do I feel nervous? naguusap lang naman kami! Napahawak ako sa aking dibdib kung saan nakapuwesto ang puso ko dahil halos mabingi ako sa lakas ng tibok no'n

Napabuntonghininga na lang ako bago muling tumipa sa keyboard ng laptop.

Adeline Isla:

Okay lang ba? I know na first batch din kayo ni Ciro sa spanish class. Baka nakakaabala kami sayo.

For sure you'll going to review your script with ciro again and now sa amin naman

Zayn Alastair:

Maliit na bagay lang to kaya huwag kang mag alala. Isang scan lang ng mata ko kabisado ko na to kaya matulog kana dyan.

Dahil doon ay hindi ko na napigilan mapairap sa ere. Okay at dahil sinabi niya 'yan bahala na siya.

Adeline Isla:

Asshole
(😂)

Super hangin alam mo ba? nilalamig na ako dito.

Zayn Alastair:

Yeah you're right. Nag chichills na nga ako dito oh hooo super lamig🥶

Napaawang ang aking labi ng mabasa ang reply nito. Talagang nang-asar pa siya! I really felt my right eye twitch from being annoyed by Him.

"This fucker," nanggigigil kong bulong sa sarili.

Adeline Isla:

I don't fucking care if you had a photographic memory or whatever shit that is. Tutulong kana nga lang mahilig ka pang mang asar.

Zayn Alastair:

Uy joke lang. Sorry na. Promise mas mataas grades natin bukas huwag kang mag-alala.

Kahit may nakalagay na face mask sa mukha ko, alam kong namumula na ang mukha ko dahil sa inis.

Zayn Alastair:

galit?

Galit nga.

Sorry na. I need to memorize Nari's line now. bye, goodnight, Isla.

Napabuga na lang ako ng hangin at sinarado ang laptop. And now he sounds serious; hindi talaga ako sanay na makita siyang seryoso, and the worst part is bakit parang naririnig ko ang boses niya sa utak ko!?

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Thank you, Ms. Ramirez and Mr. Valdevera. Since the last partner in the first batch is done, I want to congratulate sa lahat ng mga naunang partner. You all did great, especially the last one."

"The pronunciation of every spanish word is correct and almost perfect. Sa iba naman, almost perfect na rin pero magi-improve pa rin naman kayo sa susunod na roleplay natin," nakangiting wika ng professor namin.

Bumaba ang tingin ng prof namin sa hawak niyang index at iniisa-isa 'yon. 'Yon ang index na pinasa namin kanina bago magsimula.

"Everyone got high grades, but Ms. Ramirez and Mr. Valdevera got the highest. I think that's all for now—I'll dismiss you early since roleplaying is our agenda today. Have a nice day, class!"

I really did well! I'm so happy, gosh! Halos hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi habang nanatiling nakaupo sa aking upuan at pinagmamasdan ang prof namin na binitbit ang sariling gamit bago lumabas ng room.

Dahil wala si Nari ngayon ay as usual nakakapanibago dahil walang maingay sa tabi ko pero meron namang pumalit, hindi naman maingay kundi mahilig mambwisit. Pero kahit na gano'n gusto ko pa rin na pasalamatan siya dahil sinalo niya ang lines ni Nari.

"Congrats, Isla," bati ni Alastair nang ikinalingon ko sa kanyang gawi.

"Congrats din, may dagdag points ka rin kasi dalawa na ang ginawa mo. Thanks to you, nakapag-roleplay tayo," tugon ko.

Lumawak ang ngiti sa kanyang labi kaya kitang-kita ko ang maputi nitong ngipin, lalo na ang parang pangil niya. Hindi naman literal na pangil ng pambira, ka-itsura lang no'n.

"Maliit na bagay!" masaya niyang tugon.

"Where are you going after this?" bigla kong tanong.

Nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa kanyang labi na parang bula. Kumunot tuloy ang noo ko dahil doon. What's wrong with him? Para siyang nakarinig na dapat hindi marinig. Wala sa sarili na napadako ang tingin ko sa tenga niyang parang nangamatis sa sobrang pula.

"H-huh?" nauutal niyang tanong sa akin.

"I said, where are you going after this?" muli kong tanong. "Since our last subject is done, I want to buy you something to eat. Pasasalamat na rin dahil sa tulong mo."

Napakamot siya sa kanyang batok at parang biglang nahiya.

"Huwag na, Isla. Maliit lang talaga na bagay 'yon. Atsaka nakisuyo na rin naman si Nari sa akin kaya tinanggap ko 'yon. Hindi rin ako makatanggi sa pinsan ko na 'yon, eh."

"Just accept it. Bakit ba ayaw mo? Ayaw mo na nililibre ka ng babae?" tanong ko sa kanya.

Kinuha ko ang bag sa aking likuran at pinasok lahat ng mga gamit ko roon maliban sa pink kong turbo fan at cellphone na nanatiling nakapatong sa armchair.

"Ayaw ko lang. Basta okay na 'yon—"

"Okay, mukhang ayaw mo naman tanggapin. You'll decide kung anong gagawin ko para matanggap mo 'tong thank you gift ko," pagputol ko sa kanyang sinabi.

Just like that, ang ekspresyon ng pagiging pilyo nito sa kanyang mukha ay nanumbalik bigla. Napaatras ako ng kaunti nang bigla siyang umabante para lapitan ako.

"Kahit ano?" he asked, hindi nakatakas sa akin ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

I nodded. "Yes. kahit ano."

I almost stutter because he leaned towards me suddenly.

Nagsalubong ang mga mata naming dalawa sa hindi inaasahan at hindi ko man lang magawang umiwas ng tingin. Because my chair is near the window, the sunray hit towards our area, and kitang kita ko ang dark brown na mga mata ni Alastair na mariin lang na nakatitig sa akin.

"Then let's have a date."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com