Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

CHAPTER 14

ADELINE ISLA RAMIREZ

Zayn Alastair:

May naisip kana? kasi kung wala may plano ako.

Adeline Isla:

Bakit kasi date!

Zayn Alastair:

Hala natanggi. Akala ko ba hindi ka tatanggi:(

Adeline Isla:

Gosh! Don't use that emoji you look weird. Para kang girl na nag papababy at ang annoying na.

Zayn Alastair:

Grabe may gender discrimination na pala kapag gagamit ng emoticons na ganyan:(

Oi.

Tamo nang seseen lang.

Dapat nga ako pa masaktan kasi sinabihan mo ako ng ganyan. Parang ako pa mang aano sayo kasi di ka nagrereply.

Adeline Isla:

Excuse you walang nagsabi sayo na mag ispam ka sa chat. Napaka annoying na. You're so over reacting!

Zayn Alastair:

Bakit ka naninigaw?:(
(🙄)

Anak naman kasi ng pusa oh humahaba tong convo natin dahil sa kamalditahan mo. tinatanong ko kung may naisip ka na bang lugar kung san tayo pupunta kasi kung wala, ako meron.

Adeline Isla:

It says sa weather ng phone ko napaka sunny tomorrow. I don't want to go outside masakit sa balat.

We can eat nalang in our backyard. Manang can cook us food if you want.

Zayn Alastair:

Okay what time?

Adeline Isla:

Before lunch or after lunch na lang yata.

Zayn Alastair:

Tanong ko anong oras sagot naman before lunch or after lunch. Pero sige tatanggapin ko yan kasi feel ko kumukulo na dugo mo sakin.

Kaya before lunch na lang.

Adeline Isla:

Fuck you.

Anw, okay. Ikaw bahala. I'll send my address here.

Zayn Alastair:

Huy ang bibig talaga.

Pagkatapos kumain anong gagawin? magdadala ba ako ng board games? maraming board games si Ciro dito.

Adeline Isla:

Pwede rin. and if you want you can swim here too. nalinis na rin ni kuya amelio yung pool.

Zayn Alastair:

Seryoso ba? 😂 baka singilin mo ko ng entrance fee a.

Outing pala ganap natin.

Adeline Isla:

Alam mo ewan ko sayo. i need to sleep na, kapag nasa gate kana tomorrow don't forget to chat me so I can fetch you there.

Zayn Alastair:

Roger that🫡

Goodnight, Isla.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

I know my alarm on the weekend is off because we don't have a class but I think my body knows there's something happening today; that's why I woke very early.

And to be honest, it's really annoying. Ayaw na ayaw ko sa pakiramdam kapag kulang ako sa tulog.

Ala singko ng madaling araw ay gising na agad ako na akala mo ay parang may pupuntahan ako sa malayo. I tried to sleep again but I can't; nanatiling gising ang diwa ko kaya napagisipan ko na magjogging na lang.

Nakailang laps ako paikot sa buong village at nang tuluyang makita ang pagtaas ng araw ay saka lang ako bumalik sa bahay. Saktong ala sais na 'yon ng umaga kaya nagtungo ako sa backyard kung saan ang pool area rin namin.

We have a freeform outdoor pool in our backyard. Iilang mga chaise pool lounge chair lang ang nagkalat doon kasama ang light blue umbrella kaya wala kaming mapagpupwestuhan ng maayos ni Alastair mamaya.

"Kuya Amelio!" tawag ko.

Hinintay ko siya ng ilang minuto at nakarating na agad siya sa akin. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya bago magsalita.

"Kuya, puwede ba na palabas nung favorite umbrella ko na nakatago sa stock room?"

Tumango ito. "Sige po, Ma'am Isla. Saan niyo po ba ipupwesto para matulungan na kita?"

Agad kong tinuro ang bakanteng pwesto palapit sa gilid ng pool, kung nasaan ang hagdanan.

"Right there na lang. Atsaka kuya, kasama rin yung ditiklop na table. I'll help you to assemble it here after I take a bath."

"Ay ako na ang bahala rito, Ma'am Isla. Magtungo kana sa kuwarto mo at alam ko na ang gagawin sa gusto mo."

Lumawak ang ngiti ko dahil doon. "Okay, Kuya! Thank you very much po!"

Agad akong nagtungo sa kuwarto para maligo. Ang pinapalabas ko kay Kuya Amelio na payong ay ang pink stripes boho big umbrella ko; sa bawat corner ng umbrella ay may mga palawit 'yon na mga maninipis na tela kaya ang cute no'n kapag naka-display na. May kapartner 'yon na pink foldable table rin na may butas sa gitna kung saan doon ipapasok ang hawakan ng malaking payong.

After I take a bath, isang simpleng oversized blush pink na may printed na white cat sa bandang dibdib ang suot ko at black shorts. Nagpatuyo pa ako ng buhok gamit ang blower at nang matapos ay nagpahinga saglit sa kama.

Sobrang aga pa ngayon kaya pa iscroll iscroll lang muna ako sa facebook ko at habang ginagawa 'yon ay hindi ko na namalayan na doon na pala ako tinamaan ng antok.

Isang sunod-sunod na katok ang narinig ko sa labas ng aking kuwarto kaya mabilis akong napabalikwas ng bangon sa kama.

"Isla, hija? Isla?" dinig kong boses ni manang.

"Manang!" tawag ko at nagmamadaling sinuot ang pink fluffy bunny indoor slippers ko.

"Ang sabi mo kagabi ay may bisita kang pupunta? Si Totoy ba ang pupunta rito?" tanong ni manang sa akin ng mabuksan ko ang pintuan.

Humaba ang nguso ko sa kanyang sinabi. "Manang, you always call him Totoy. I already told you that Alastair is his name. The annoying guy na classmate ko. Atsaka, bakit mo alam na siya ang pupunta rito?"

Tinawanan niya lang ako at umangat ang kanyang kamay para haplusin ang aking pisngi.

"Kutob ko lang naman, atsaka iba ang ganda mo ngayong araw ah," panunudyo niya. "Hmm... kayong dalawa lang ba ang tatao sa bakuran?"

"Manang!" saway ko sa kanya dahil alam kong inaasar niya na naman ako. "And yes... kami lang sa backyard later; may utang ako sa kanya and he wants a date. Kaya sabi ko na sa bahay na lang kakain kasi ayaw kong gumala ngayon. It's super sunny today."

"Ikaw talagang bata ka, anong gusto mong lutuin ko para sainyo?"

"Manang, I really don't know. Siguro yung palagi mo nalang na niluluto."

Tinawanan lang ako ni manang. "Papahirapan mo pa ako, Isla. okay na ba yung mga finger food na pagkain?"

Lumawak ang aking ngiti at tumango. "Yes, manang! Sarapan mo po, ah."

"Oo naman."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

I think i'm fucking crazy. Hindi ko alam bakit hindi ako mapakali; ilang beses akong pabalik-balik sa harap ng salamin sa sala at tinitignan ang mukha ko. Ilang beses ko rin pinapasadahan ng tingin ang suot kong pambahay na super cute and simple lang.

Parang sinisilihan ang pwet ko, umuupo ako sa malambot na sofa tapos pupunta sa backyard para ayusin ang mantle na pinatong ko sa lamesa namin ni Alastair at paminsan minsan naman kapag may nahuhulog na tuyong dahon sa pool sinusungkit ko 'yon para malinis tignan!

Oh my gosh, Isla! What's happening to you, girl!?

Anong oras ba kasi pupunta si Alastair!? Uutusan ko na ba si Manang na magluto? Or later na lang?

Kagat-kagat ko ang aking daliri habang hindi mapakali sa sala. Sa kalaunan ay pabagsak akong nahiga sa sofa at napatingin sa high ceiling. Tahimik ang buong lugar, walang maingay at payapa.

"Anong gagawin ko..." mahina kong bulong sa sarili.

Mabilis akong napabangon nang biglang tumunog ang telephone na nakapwesto malapit sa kusina. Nakadikit 'yon sa pader malapit sa refrigerator.

"Hello, Ramirez residence speaking," bungad ko ng masagot ang tawag.

"Goodafternoon po, may naghahanap po kasi kay Ms. Adeline Isla Ramirez. Nand'yan po ba siya?"

Napatikhim ako. "Yes. This is Adeline speaking."

"Okay, ma'am. May bisita po kayo rito sa labas ng subdivision. Alastair ang pangalan, kilala niyo po ba siya?" tanong ng guwardiya.

I swear, my heart skipped when I heard his name and I want to slap my face because of that.

Napalunok ako at parang nawalan pa yata ng kakayahan na makapagsalita. Saka lang ako natauhan ng marinig muli ang boses sa kabilang linya.

"Ma'am Isla?"

"Y-yes... I know him. Pasabi na lang po na susunduin ko na lang siya sa labas ng gate. Baka po kasi maligaw siya sa village," sagot ko.

Kagat labing palakad-lakad ako sa aking kinatatayuan at natigilan lang ng makita si manang nakalalabas lang sa laundry room. May hawak siyang basket na sa tingin ko ay mga labahan, nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin dahil siguro sa paningin niya ay para akong baliw ngayon.

Hilaw akong ngumiti sa kanya na para bang may ginawa akong mali at nahuli niya ako sa aktong 'yon. Agad akong umiwas ng tingin at tinalikuran si manang.

"Sure, Ma'am. Sasabihan ko na lang siya."

"Okay! Thank you po, kuya. I'm on my way na po."

"Sige po, Ma'am."

Pagkababa ng tawag ay nagtungo agad ako sa garahe at kinuha ang susi ng motor ko na may pink design sa mismong hawakan.

Binuksan ko ang gate bago umangkas sa aking pink Yamaha Mio Fazzio. Kampante naman ako na hindi mababanga 'tong sinasakyan ko dahil walang masyadong dumadaan na sasakyan sa subdivision.

Sinara ko lang nang kaunti ang gate ng garahe bago tuluyang pinaandar ang motor patungo sa gate 2 ng subdivision. Agad akong nakarating doon at 'yon na nga, I saw Alastair.

He's patiently waiting near the guardhouse. He's wearing a plain white shirt and partnered it with gray chino shorts. Dahil doon kitang-kita ko ang manipis na balahibo sa binti niya. Nakasuot din siya ng nike slides na kulay itim.

Wala sa sarili na pinindot ko ang busina ng aking motor at doon nakuha ang kanyang atensyon. His wavy dark brown hair was disheveled, na para bang hinangin ng kung ano kaya nakita ko kung paano niya pinasadahan ng mahaba niyang daliri ang buhok niya.

Kitang kita ko ang silver stud earrings sa kaliwang tainga niya na kumikinang kasama ang manipis na silver chain necklace.

Tinaasan ko siya ng kilay at sumenyas na lumapit sa akin papasok ng gate kaya sinunod niya 'yon.

Nakita ko ang pag awang ng kanyang labi at parang manghang-mangha na nakasakay ako ngayon sa motor at marunong pa mag-drive. Kulang na lang ay mabulag ako sa mga mata niyang kumikinang sa tuwa, e.

"Shit, hindi ko alam na marunong ka mag motor," namamangha niyang sambit ng makalapit sa akin, sinisilip niya pa ang kabuuhan ng motor ko na color pink.

"At wala akong plano na sabihin sa 'yo 'yon," pambabara ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako, at naramdaman ko na lang ang kanyang palad sa aking buhok na parang pinipet niya ako! Naiinis na tinapik ko ang kanyang kamay at pinanlisikan siya ng mga mata.

"Alastair! What am I, your dog?"

"Cute mo namang aso kung gano'n. Ano ka chihuahua?"

"Asshole!"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com