Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

CHAPTER 15

ADELINE ISLA RAMIREZ

"May iooffer ako," biglang nagsalita si Alastair habang nakaangkas sa likuran ko.

Agad naman na kumunot ang aking noo at mabilis siyang sinulyapan sa sidemirror; nakita ko na nakadungaw siya sa kanan kong balikat at may ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa kalsada.

"What is it? Para kang nag-ooffer ng indecent proposal sa lagay na 'yan," kunot noo kong tugon na ikinahagalpak niya ng tawa.

"Indecent proposal ka d'yan. Grabe naman ang tingin mo sa 'kin kung ganyan. Sirang sira na talaga image ko sa 'yo 'no?"

Napairap ako sa ere at hindi siya pinansin.

"Offer ko sana na kung gusto mo ako na lang mag drive kasi mas mabilis pa takbo ko kaysa sa pagmamaneho mo."

"Alam mo, maglakad ka na lang kung puro ka reklamo," iritado kong tugon. "Makikiangkas ka na nga lang, ang dami mo pang reklamo. Napaka reklamador mo."

Napairap ako sa ere at binilisan ng kaunti ang pagmamaneho. Naramdaman ko na gumalaw ng kaunti ang katawan niya dahil sa aking ginawa. As usual, tinawanan niya lang ako at hindi na nangasar pa.

"Hindi na nga po."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Nang makarating sa bahay ay hindi ko muna pinark ang motor ko sa mismong loob ng garahe. Mabilis kong nilingon si Alastair na tahimik na bumaba at hindi niya maialis ang paningin sa bahay.

"Ganda ng bahay niyo, ah," nakangiti niyang wika sa akin. "Buti na lang hindi ako mukhang hampaslupa ngayon," dugtong niya bago bumaba ang paningin sa suot niya.

Napabuntonghininga na lang ako humalukipkip.

"Weirdo..." bulong ko sa sarili. "Why do you even say that?"

"Say what?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Hampaslupa."

Nagkibit balikat siya. "Totoo naman—"

"That's bad," pagputol ko sa kanyang sinabi.

Tinawanan niya lang ako at hindi na nagsalita.

Mabilis ko siyang tinalikuran at doon na nagsimulang maghurumentado sa bilis ang tibok ng puso ko. Iniwan kong nakabukas ang maliit na pintuan ng gate para makasunod siya sa akin.

Pakiramdam ko pa nga ay parang magkakastiff neck ako dahil hindi ko magawang lingunin si Alastair. Ramdam na ramdam ko na ngayon na parang hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

My gosh, Isla! Nagpapapasok kana ng lalake sa bahay niyo!

Is this a wrong move? Wala rin akong maisip, eh. Mas bad naman din kung ako pa pupunta sa kanila! Dapat ako pinupuntahan kasi babae ako, 'no.

Ayaw ko naman din kasi na gumala; first of all, mainit. Second of all, I'm not in the mood to go somewhere and third! Gusto ko lang na dito muna sa bahay kaya siyempre no choice si Alastair kundi sundin ang gusto ko.

Isang malakas na buga ang aking pinakawalan bago nilingon si Alastair sa likuran ko. Malawak pa rin ang ngiti niya sa kanyang labi habang nililibot ang paningin sa malawak naming sunken living room with high ceiling. 

I don't know what i'm feeling right now... seeing his smile na parang bata na nakapasok sa malaking lego store dahil 'yon ang top 1 na nasa wish list niya ay parang may something sa akin.

His eyes were glistening because of the happiness and I can't help but stare at him. Para siyang aso na kulang ay kumawag ang buntot at ilabas ang dila sa tuwa.

Nang dumako ang paningin niya sa akin habang nakangiti ay inirapan ko lang siya at muling tinalikuran para hindi niya mapansin na matagal ko siyang tinititigan.

Bakit ko naman ipapaalam sa kanya na kahit na nagmumukha siyang cute na nawawalang bata na ewan ay handsome niya pa rin sa paningin ko—

"Okay ka lang? Kanina ka pa nakatitig sa akin, eh. Huwag mong sabihin may dress code rito sa bahay niyo? Kailangan ko pa bang mag-tuxedo?"

"Seriously, Alastair? Anong tingin mo sa bahay namin, Michelin restaurant na kailangan naka-formal attire?" pambabara ko sa kanya sa inis.

Nginisihan niya lang ako at sa kalaunan ay napahagalpak ng tawa. Manghang mangha siya na nakikita akong naiirita dahil sa ginagawa niya.

Nakakabwisit.

"Ang cute mo talaga, eh 'no. Para kang chihuahua—"

"Ano ba—"

"Isla? Nand'yan na ba si Totoy?"

Sabay kaming napatingin sa gilid nang makitang lumabas si manang galing sa kitchen area. Nakasuot siya ng itim na apron at may hawak na frying spatula.

Mabilis na dumako ang paningin ni manang kay Alastair, at unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago ako balingan ng tingin. Naningkit ang mga mata ko dahil parang makahulugan ang mga ngiti sa labi ni manang.

"Manang..." tawag ko sa kanya at alam niya ang ibig kong sabihin doon.

Ngumiti lang siya sa akin at nilipat na ang paningin kay Alastair.

"Hello po, goodafternoon," pagbati ni Alastair, at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ni manang at nagmano roon.

"Ikaw si Alastair, tama ba?" nakangiting tanong ni manang.

Mabilis na tumango si Alastair. "Opo. Ako nga po."

Napatango tango si manang bago ako balingan ng tingin. May ngiti sa kanyang labi at parang nang-aasar pa siya sa akin!

"Niluluto ko pa ang pagkain niyo. Naka handa na rin ang lamesa niyong dalawa sa bakuran kaya doon muna kayo. Hindi rin naman kayo maiinitan doon kasi may payong ang lamesa niyo," wika ni manang kay Alastair.

"Salamat po!" pagpapasalamat ni Alastair.

"Thank you, manang."

Sabay kaming nagtungo ni Alastair sa backyard, and manang is right. Nakaayos na ang lamesa kasama ang payong doon. Kuhang kuha ni Kuya Amelio ang gusto ko. Ang kaso naiiba nga lang ang sa akin dahil pink lahat ng mga gamit ko roon. Kumpara sa mga nakadisplay na chaise lounge chair at umbrella.

"Totoo ngang may swimming pool kayo. Akala ko nagbibiro ka lang," napalingon ako kay Alastair na nakatingin sa swimming pool na malinis.

"Bakit naman ako magbibiro tungkol d'yan?"

Nagkibit balikat siya bago ako lingunin ng nakangiti.

"Hindi ko alam. Malay ko ba na baka sarcasm lang 'yong sinasabi mo sa chat natin na may pool kayo. Totoo naman pala talaga," tugon niya.

Napailing na lang ako.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa magiging lamesa namin. Narinig ko ang mahina niyang tawa at parang ineekspeksyon pa 'yon.

"Ayos ah, full pink. Tea party?" natunugan ko ang pang-aasar sa tono ng kanyang boses.

"You know what, you can go home na, Alastair, if you keep messing with me," nakahalukipkip kong sagot.

Nginisihan niya lang ako at sumenyas na lumapit sa kanya, and just like that napalapit niya ako.

What in the hell, Isla?! Gano'n gano'n na lang? Kaunting senyas lang susunod ka na? What's wrong with you?

"Init ng ulo hapon na hapon. Ang ganda ng bakuran niyo, bakit hindi ka mag-relax, okay? Parang araw-araw sira yung mood mo, eh," salita niya ng makaupo ako sa kanyang tabi.

"Ask mo who's the person who likes to ruin my day?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

Imbis na sagutin ay tinawanan niya lang ako. Tahimik lang akong nagmamasid sa malinis na pool habang siya ay nakasandal na ngayon sa kanyang kinauupuan.

Kaya ngayon, parehas kaming dalawa na nakatingin sa pool at sinulit ang katahimikan.

My gosh, this is so awkward.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"How's your day?"

Umangat ang tingin ko ng marinig ang tanong ni Alastair. Kasalukuyan kaming dalawa na kumakain habang magkatabi.

"Why would you ask?" kunot noo kong tanong ng malunok ang pagkain.

"Eh, gano'n naman talaga kapag magdadate hindi ba? Tinatanong kung kumusta ang araw mo. . . kaya natanong ko 'yan sa 'yo."

Napairap ako. "Masyado mo ng kinakareer 'tong date na gusto mo."

Nginisihan niya lang ako at nakatingin lang siya sa akin na sumubo ng pagkain.

"Eh ano naman? Malaking privelege na maka date ang isang maldita na katulad mo," pang aasar niya.

Pinanlisikan ko siya ng tingin. "Napaka annoying mo talaga 'no—"

Hindi ko natapos ang aking sinabi ng makitang may nilapag siya sa lamesa. It's like a bohemian pink evil eye bracelet. Manipis ang mismong bracelet at naka cute size ang evil eye.

Pinasadahan ko ng tingin ang bracelet ng ilang segundo bago binalingan ng tingin si Alastair na parang patay malisya lang.

"What's this?" tanong ko sa kanya.

"Angklet yata?" pamimilosopo niya, pero nang makita niyang na para bang nagusot ang mukha ko sa inis ay hilaw niya akong ningitian at napahaplos sa kanyang leeg.

"Joke lang 'to naman hindi mabiro. Bracelet regalo ko. Date gift?" nakangiti niyang dugtong. "Medyo panget nga lang kasi nagmamadali na 'ko ng ginawa ko 'yan."

Umawang ang labi ko ng marinig ang huli niyang sinabi.

Alastair made this?!

Muling bumaba ang tingin ko roon at parang may sariling utak ang aking mga kamay. Kinuha ko 'yon at tinignan.

Well, it's really pretty, to be honest. Ang ganda ng pagka-pink, light pink lang siya at hindi masakit sa mata.

Hinawakan ko ang maliit na bilog ng evil eye bago inangat ang paningin kay Alastair na ngayon ay nakangiti at para bang pinagmamasdan ang nagiging reaksyon ko.

"You made this?" I almost whispered.

Tumango siya ng maraming beses habang nakangiti pa rin.

"Yes. Suot mo na," excited niyang sambit.

Dahil do'n napasunod niya na naman ako. I slowly put the bracelet on my right wrist; medyo nahirapan pa ako sa pag hila no'n dahil kailangang sabay na hilain ang dalawang mahabang tali para mahigpitan ang bracelet.

"Wait, let me help you," dinig kong saad ni Alastair.

Inusog niya ang kanyang upuan sa akin at hinawakan ang aking kamay para matulungan ako na mahigpitan ang bracelet. Siya na ang gumawa no'n, at pinanood ko na lang siya sa kanyang gagawin.

Nakangiti pa rin ito at inayos ng maigi ang bracelet. Pinwesto niya talaga sa nakikita ang bilog na evil eye bago umangat ang paningin sa akin.

Alam ko 'yon. . . ramdam na ramdam ko 'yon kahit na nakababa pa rin ang aking tingin sa pulsuhan kong may bracelet na.

I felt like I couldn't move on my chair right now. Nakakabinging malakas na tibok ng aking puso ang naririnig ko habang pinagmamasdan pa rin si Alastair na ayusin ang bracelet na ginawa niya para sa akin.

Akmang titingan ko sana siya ng mapansin ang suot niyang bracelet sa kaliwang kamay. It was the same bracelet that I wear also. Light pink din 'yon at may bilog na evil eye. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon?

"Ayan, okay na," nakangiti niyang sambit. Inusog niya ulit ang kanyang upuan papalayo sa akin at bumalik sa dati niyang pwesto.

"Alam mo kung para saan 'tong evil eye?" bigla kong tanong sa kanya ng sinundan ko siya ng tingin.

Tinatapos niya na ngayon ang kanyang kinakain habang pinagmamasdan ako.

Kumunot ang kanyang noo. "Malamang kaya nga binigyan kita ng ganyan, eh. Pantaboy ng malas 'yan 'tsaka iba pa."

Tumaas ang gilid ng aking labi. "Mabuti na lang may gagamitin na 'ko laban sa 'yo."

Binalot ng kanyang halakhak ang buong backyard. Napapailing na kinuha niya ang kanyang baso sa lamesa na may laman na tubig at sumimsim doon bago magsalita.

"Jusko ka, naging malas pa nga sa sarili kong gawa," napapailing niyang sagot.

Yumuko ako at hindi na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Agad na naming tinuloy ang aming kinakain at nag-usap pa sa ibang bagay.

And to think like that. . . being with Alastair, na kahit parang laro-laro lang 'tong date na 'to. Somehow I enjoyed it.

I enjoyed his presence even though sometimes he pisses me off. We often talk about some random topics and sometimes he just drops a fun fact like a bomb out of nowhere.

And that's really fucked up for me because. . . The more I think about it. The more I realize that. . . I think i'm starting to like him?

Nababaliw na yata ako!

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Nahihiya ako..."

Napaawang ang labi ko ng marinig ang kanyang sinabi. Napahalukipkip ako dahil doon. Ito? Si Alastair mahihiya?

"My gosh! Ano bang ikakahiya mo eh tayo lang naman nandito. Kung iniisip mo na sisingilin kita, malamang hindi!" singhal ko.

Tinawanan niya lang ako, at parang mas lalong nang-aasar pa ang ngiti sa kanyang labi.

Tapos na kaming kumain, at ilang beses ko na siyang sinasabihan na kung gusto niyang maligo sa pool e'di maligo siya, ang kaso mukhang tinatamaan siya ngayon ng hiya, na nakakapanibago dahil parang wala naman 'tong hiya si Alastair.

"Wala akong damit," pangangatwiran niya.

I rolled my eyes and crossed my arms over my chest. "May damit si daddy na hindi pa ginagamit; 'yon na lang ang hiramin mo."

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil doon. Mabilis siyang umiling at napaupo na lang sa kanyang kinauupuan. Napakaliit ng problema niya pero pinapalaki niya lang.

"Mag-swiswimming ka ba o hindi? Alangan namang damit ko ang ipapahirap ko sa 'yo e'di naging croptop na 'yon sa 'yo," naiinis kong wika.

"Mamaya na lang pala," mahina niyang wika. "Maghuhubad na lang ako ng t-shirt para may susuot ako."

"Then how about your undergarments? Malamang mababasa rin 'yan kasi yung tshirt lang tatanggalin mo."

"Maghuhubo na lang ako pauwi—"

"Ano ba, Alastair!" naiinis kong putol sa kanya. Lahat na lang talaga sa kanya ay biro.

Muli siyang napahalakhak at umiling na lang sa akin. Hindi ko na siya pinansin no'n at naupo na lang sa kanyang tabi.

Bakit ko ba pinoproblema 'tong problema niya? I give him a choice, pero gusto pa niya yata na pahirapan niya pa ang sarili niya. Kung ayaw niya ng tinutulungan siya, e'di huwag.

He can go home with his dick dangling like a christmas ball. After all, that's what he wants.

Isang malakas na tawag ang pumukaw sa aking atensyon. Sabay kaming napatingin ni Alastair sa cellphone kong nakapatong sa lamesa na ngayon ay tumutunog dahil may tumatawag. Mabilis kong kinuha 'yon at sinagot ang video call.

"Hello, Nari?" bungad ko.

Nakita ko sa video call na nakasuot ng helmet si Nari at nakangiti sa camera. Mukhang nakaangkas yata ito sa motor, at nang maipakita niya sa akin kung sino ang nagmamaneho, ay si Ciro 'yon.

"Isla! Sorry, nasa labas kami ng subdivision mo. Balita ko nandyan pala si Alastair. Hindi mo nabasa sa group chat na bukas na tayo mag rereport? Kailangan masubukan muna natin yung flow ng reporting natin para mataas grades natin bukas at sa tingin ko mas maganda na ngayon natin subukan 'yon," mahabang lintayan ni Nari.

Nanlaki ang aking mga mata dahil doon. Hindi ko alam na bukas na pala kami mag rereport! Masyadong preoccupied ang utak ko mga ilang araw na. Ready naman na ang mga explanation ko kaya hindi ko na kailangan kabahan pa pero nabigla lang ako.

"Sure! Paano niyo nalaman address ko?"

"Kay Alastair," natatawang tugon ni Nari.

Napailing na lang ako at tumango. "I'll fetch you there—"

"Ako na magsusundo sa kanila, dito ka na lang," pagputol ni Alastair sa aking sinabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Are you sure?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Hiramin ko muna yung motor mo. Nasaan yung susi?" tanong niya sa akin.

Nginuso ko ang nakabukas na double sliding door na nakakonekta sa sala.

"In the living room. Nakapatong lang sa center table, color pink naman ang design handle no'n kaya makikita mo agad."

"Okay."

Dahil sabay kaming papasok sa loob ay niligpit muna namin ang pinagkainan. Ako na sana ang magbibitbit ng lahat ng 'yon pero naunahan na ako ni Alastair. Siya na ang nagdala ng mga 'yon sa kusina kung saan naabutan namin si manang na naghuhugas ng mga plato at pinaglutuan nito.

Nagpaalam lang saglit si Alastair kay manang na susunduin niya sila Nari at saka umalis na.

"May bisita ka pang susunod, Isla?" tanong ni manang sa akin.

Niyakap ko siya sa gilid at tinanday ang ulo sa kanyang balikat. "Yes, manang. May natira pa namang food kanina, 'no? I didn't know that Nari and Ciro will go here too, kaya baka mamaya wala na sila kainin na pagkain."

Nakita ko ang pagsilay sa kanyang labi bago hinaplos ang aking buhok gamit ang kamay niyang tinuyo.

"May natira pa naman pero baka kulang sa kanila 'yon. Magluluto ba ako gusto mo ba?" tanong niya sa akin.

Humaba ang nguso ko at mas hinigpitan ang kanyang yakap. "Baka hindi na po, manang. Kakausapin ko pa muna sila Nari and Ciro. Kasi kung gusto nila kumain, we can cook our food na lang. Magaling 'yon sila magluto ng pagkain, eh."

"Hmm. Kung 'yon ang gusto mo, Isla. Basta sabihan mo na lang ako kung anong gusto niyong kainin, ha? Paglulutuan ko kayo," malambing na saad ni manang.

"Manang, thank you for cooking our food here. I love you po. Kung wala ka, baka hindi kami makakain ni daddy ng home-cooked food kasi for sure puro na lang kami mag-oorder ng pagkain sa online," malumanay kong tugon. Mabilis kong hinalikan ang kanyang pisngi at hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Hindi ko alam gagawin ko kapag wala ka, manang," dugtong ko.

"Ikaw talagang bata ka. Walang anuman, Isla. matagal na ako rito sa bahay niyo at pinagsisilbihan kayo kaya maliit na lang na bagay 'to. Malaki rin ang naitulong ng daddy mo sa amin kaya parang give and take na lang, hindi ba?" nakangiti siya sa akin at hinahaplos ang mukha ko.

"Thank you for everything, manang."

Sabay kaming napatingin nang marinig ang isang pamilyar na tunog ng kotse. Kumunot ang noo ko dahil doon. Alam na alam ko kung kaninong kotse 'yon dahil 'yon ang palaging ginagamit ni daddy sa tuwing papasok sa company.

Nagkatinginan kaming dalawa ni manang at isang ngiti lang ang tinugon niya sa akin bago tinuloy ang kanyang ginagawa. Nagtungo agad ako sa sala at handang salubungin si daddy.

Bakit ang aga niya umuwi!? For sure maabutan niya talaga sila Alastair!

Alam ko ay mga bandang gabi na siya nakakauwi at nasasaktuhan no'n ang oras kapag magdidinnerna kami.

Maya-maya ay pumasok na si daddy sa sala bitbit ang kanyang gamit. Magulo ang buhok niya at parang may something sa kanyang mukha na hindi ko ma-explain. Parang may kakaiba talaga sa kanya pero hindi ko mahanap o masabi kung ano 'yon.

"Manang, there's an unfamiliar pair of slippers outside. May bisita ba tayo? May bisita ba si Adeline—"

Huh? Nag-paa ba si Alastair kamamadali para sunduin sila Nari sa labas ng subdivision at nakalimutan niyang mag tsinelas?!

Hindi natapos ni daddy ang kanyang sinabi ng makita ako.

"Dad..." tawag ko sa kanya at hindi inaalis ang paningin sa kanyang mukha, pilit na hinahanap ang bagay na parang mali sa kanyang mukha.

Habang pinagmamasdan siya ng matagal ay doon ko na napansin.

Tired eyes and dark eyebags under his eye. Bakas sa kanyang mukha ang pagod, at kahit na sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makita ako ay hindi pa rin 'yon naitago.

Is he okay?

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com