Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

CHAPTER 16

ADELINE ISLA RAMIREZ

"Dad..."

Napalunok ako habang pinagmamasdan pa rin siyang nakatayo sa harapan ko na may maliit na ngiti sa kanyang labi.

Shit. I forgot to tell him about this. Thank God, sumunod sila Nari at Ciro rito.

"May bisita ka ba?" dad asked. Lumapit siya papunta sa akin at hinaplos ang ulo ko, magaan lang ang kanyang kamay habang ginagawa 'yon.

I nodded slowly. "Umm... yes, he's outside. He fetched my other friends sa labas ng subdivision gamit yung motor ko," I answered.

Nakita ko na natigilan siya sa paghaplos ng ulo ko ng marinig ang aking sinabi.

"He? lalaki?" kunot noo niyang tanong sa akin.

Agad naman akong binundol ng kaba at sinubukan ko magsalita pero nautal lang ako!

"Y-yes... H-he." Agad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay hindi ko matignan ng diretso si daddy dahil doon.

My gosh, Isla! Bakit ka ba kinakabahan?!

Mahina siyang tumawa at napasuklay na lang sa mahaba kong buhok.

"Manliligaw mo ba siya?—"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni daddy. "Dad! Alastair is not my suitor 'no!"

"Isla! Hello!"

Mabilis kaming napatingin ni daddy sa nakabukas na pintuan nang marinig ko ang boses ni Nari. Nanlaki ang mata ng kaibigan ko at napatakip sa bibig dahil doon.

"Hala, sorry po." Yumuko si Nari na para bang biglang nahiya sa kanyang ginawa.

Mahina akong natawa at napailing na lang. Nilagpasan ko si daddy at nilapitan si Nari. pagkasilip ko sa labas ng gate ay nandoon si Ciro; mukhang inaayos pa ang motor kasama si Alastair na pinark lang sa katabing motor ni Ciro ang dala niyang pink kong motor.

"She's Nari, dad. One of my friends," pagpapakilala ko ng mahila ko si Nari papunta kay daddy.

"Hello po, tito! Nice to meet you, sorry po sa biglang sigaw," nahihiyang wika ni Nari.

"Hello po, tito! Ciro nga po pala," masayang saad ni Ciro ng makapasok sa bahay. May bitbit pa siyang helmet nilang dalawa ni Nari.

"May helmet pala kayong dala. There's a helmet storage at the garage; ilagay niyo na lang 'yan doon para hindi niyo kung saan saan dadalhin."

"Ay! Sige po tito, papatulong na lang ako kay Isla kung saan ilalagay 'to."

"It's Tito Arden; that's my name."

"Sige po, Tito Arden."

I can't help but smile while staring at them. Na para bang matagal na nilang kilala ang isa't isa. Nagmano silang dalawa at nag-usap pa sa ibang bagay dahil tinatanong din sila ni daddy.

And then... at last, pumasok na si Alastair. Nagkakamot kamot pa siya sa leeg at natigilan lang din ng makita si daddy sa sala. Parehas pa rin kaming lahat na nakatayo rito.

Napalunok siya at parang inayos pa yata ang sarili na ikinakunot ng aking noo. He walked slowly in our direction; kay daddy siya dumiretso at kinuha ang kamay para magmano.

"Good afternoon po, Tito. I'm Alastair," magalang na pagpapakilala nitong kumag na 'to kay daddy.

Napalingon ako kay Ciro na para bang nagpipigil ng tawa, tapos si Nari naman ay pilit na tinatago ang hagikhik habang katabi si Ciro.

"It's Tito Arden."

"Ay, Tito Arden po pala. Nice to meet you po."

Maya-maya ay lumapit si Ciro kay Alastair at inakbayan habang nakatingin siya kay daddy. Nakangisi si Ciro at biglang nagsalita.

"Tito Arden, si Zayn Alastair Valdevera po pala kaibigan ko. Taga Malaria, nakatira sa bahay ni Nari. 23 years old. Walang kaso. Clear ang NBI clearance. Mataas ang pangarap sa buhay. Pinsan ni Nari at classmate ni Isla."

Napaawang ang aking labi at hindi napigilan tumawa ng mahina dahil sa kung paano magpakilala ni Ciro kay Alastair sa harapan ni daddy.

Malakas siyang siniko ni Alastair sa sikmura at doon na tuluyang natawa si daddy. Napapailing na ginulo ni daddy ang buhok nilang dalawa bago nagsalita.

"Nice to meet you all. Finally I met Isla's friend," nakangiting sambit ni daddy.

Napako lang ng ilang segundo ang paningin niya kay Alastair at titig na titig siya sa mukha nito.

"And you too, Alastair. It's nice to meet you."

Hindi ko alam kung makahulugan ba ang kanyang sinabi o baka marunong lang siyang sumakay ng trip ni Ciro kaya gano'n. Pero kahit na gano'n ay napakunot pa rin ang aking noo.

"Adeline, pakisabihan si Manang na kailangan namin mag-usap sa office mamaya. Baka may ginagawa pa siya sa kusina ngayon," wika ni daddy ng lingunin ako.

"Sir Arden, katatapos ko lang mag hugas. Ano ang dapat nating pag-usapan? "

"Oh, there you are, manang. Can you come with me to the office, may kailangan lang akong sabihin sa 'yo."

"Sige po."

Bago pa sila makaakyat sa hagdanan ay nilingon ako ni daddy. Lumapit pa siya bago ako magaan na hagkan at halikan sa noo.

Sila Nari, Ciro, at Alastair ay napapansin ko na paunti-unting naglalakad papunta sa swimming pool area para silipin 'yon pero hindi pa naman sila tuluyang nakakalabas; mukhang hinihintay lang ako na maunang makapunta roon.

Pero nang sandaling makita nila si manang sa gilid ni daddy ay nagtungo silang tatlo roon. Narinig ko na pinakilala ni Alastair si Nari at Ciro, hindi ko na alam kung ano ang iba nilang pinagusapan dahil nakafocus ang atensyon ko kay daddy.

"Adeline, take my debit card. Order all the food that you want with your friends, okay? Magpakabusog kayo," his tone was cheerful when he talked.

Kinuha niya ang kanyang wallet at nilabas ang debit card nito. Wala sa sariling tinanggap ko 'yon at tumingala sa kanya.

Mukhang masaya naman siya kanina noong nagpakilala lahat ng kaibigan ko, pero kahit na gano'n, I can still see how exhausted he is. It's like he's trying to hide it, but he can't—I can clearly see it in his eyes.

"Dad, we already eat. May natira pang pagkain at iinitin na lang namin 'yon or magluluto—"

"Shh. It's okay; mag-order na lang kayo at mag-relax sa backyard. Use the pool; magswimming kayo. The boys can use my unused clothes in my closet. Sabihin mo na lang sa kanila na dumiretso sa office room para magsabi sa akin."

Napakamot na lang ako sa aking ilong dahil doon. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumango dahil wala naman na akong choice.

"Okay..."

"Good. The pin of that card is your birthday. Month, day, and year, okay? Aakyat na ako sa taas. Bye."

"Bye."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Bakit pala nauna si Alastair dito?" kunot noong tanong ni Nari sa akin.

We're now at the swimming pool. Simple light pink top ng two-piece ang suot ko dahil maong short naman ang nasa pang ibaba. Samantala si Nari naman ay gano'n din, parehas lang pero kulay indigo ang top ng two-piece na suot niya.

"Umm. . ." parang nagdadalawang isip pa ako sa sasabihin ko, o sa puwede kong maging dahilan. "May gagawin kasi sana kami. . . " 'yon na lang ang naitugon ko.

Wala sa sarili na nilingon ko si Alastair; kasama niya na ngayon si Ciro. nagtatampisaw na parang bata sa kabilang side ng pool. Para silang may relationship na hindi mahiwalay. Kung hindi nag babackflip o nag cacanon ball, meron pang nag pipiggy back ride sa isa't isa.

Tapos meron pa nagbabasketball na hindi ko alam kung saan nila nahanap 'yong bola! At kapag may natalo ay sisisid ang isa sa kanila at lulusot sa ilalim.

Samantala, kaming dalawa ni Nari heto, nakaupo lang ako sa gilid ng pool. Nakababad ang paa habang si Nari naman ay nakalublob na sa pool at nakahawak sa binti ko na para bang ginagawang salbabida para lumutang.

"Ang eepal niyo! Inudlot niyo house date namin ni Isla!" sigaw ni Alastair at mukhang narinig pa yata ang tanong ni Nari.

Bakit ba napaka chismoso nitong taong 'to? Napakalakas ng pandinig. Bwisit.

Bumaba ang tingin ko nang marinig ang parang bubble sounds na ewan. Nakita ko na si Nari na parang nasamid pa yata sa pool dahil sa sinabi ni Alastair. Si Ciro naman ay humalakhak at sakop na sakop no'n ang buong puwesto namin.

"House date!?" sigaw ni Nari at palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Alastair.

"Nililigawan kana ba ni Alastair, Isla?" natatawang tanong ni Ciro.

Halos malukot ang mukha ko sa tanong ni Ciro. Matalim ko siyang tiningnan at inirapan silang dalawa ni Alastair.

"Excuse me? Siya? Manliligaw sa akin? Eh, ang init init ng ulo ko d'yan sa kaibigan mo kaya impossible 'yang sinasabi mo," iritable kong tugon.

Napuno ng tawanan nilang tatlo ang buong pool area. Napanguso na lang ako at humalukipkip dahil halatang ako na naman ang trip nilang asarin! Gustong gusto nila na namumula ako sa inis.

"Nari! I thought, kakampi kita rito? Pati ikaw, tinatawanan mo na rin ako?"

"Sorry, ang cute mo naman kasi," natatawa niyang sagot.

"Pumayag ako kasi 'yon ang gusto ni Alastair. Hindi ba siya pumalit sa 'yo para sa roleplay natin sa spanish class kasi nasa hospital ka? Siya naging partner ko doon sa spanish class and then, ililibre ko sana siya ng pagkain bilang pasasalamat na rin pero ayaw niya. And he wants a date! Kaya ayan, dapat magdadate kami ngayon pero dito lang sa bahay," pagpapaliwanag ko sa kanila.

Mukhang nagets naman nila ang sinabi ko lalo na si Nari, pero itong si Ciro at Alastair ay halatang todo asar pa sila. Sumasaya sila sa tuwing nagiging iritable ako dahil sa pinaggagawa nila.

After a few minutes in the pool, naisipan na namin na mag-order ng pagkain sa isang fast food chain. Sinabayan ko na rin ng order si manang, Kuya Amelio, at daddy. Basang basa rin kami at tanging tuwalya na lang nakapatong sa balikat naming lahat habang kumakain.

"Nari, yung isang bucket ng fried chicken and 3 burgers patabi na lang, ah," wika ko habang ngumunguya. "I'll give it to them later," pagtukoy ko kela manang.

"Sure! Ako na bahala rito. Kumain kana muna," nakangiting tugon ni Nari.

Abala na kami ngayon sa aming kinakain. As usual, magkatabi kami ni Alastair; puwesto namin ito kanina nung hindi pa dumadating sila Nari at Ciro.

Habang tahimik na ngumunguya ay napalingon ako kay Alastair na para bang may hinahabol habang kumakain. Bakit ang bilis niya kumain?

"Are you... okay?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. "It looks like you haven't fed for a long time. Kumain na tayo kanina, ah."

Nilingon niya ako at nag thumbs up lang dahil hindi siya makapagsalita. Punong puno ba naman ang bibig niya ng pagkain.

"Nagutom lang," natatawa niyang tugon ng malunok ang kanyang sinabi. "Napagod ako sa ginawa namin ni Ciro sa pool."

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang naweweirduhan. Ang basang-basa nitong kulot na buhok ay nakabrush up na dahil natutuluan ang pagkain niya sa tuwing yuyuko. Topless silang dalawa ni Ciro nang maligo sa pool kaya nakasampay lang ang puting tuwalya sa kanyang dibdib para matakpan 'yon.

"Okay ka lang? Gusto mo bang subuan kita? Kanina ka pa nakatingin sa akin, eh," wika niya at malakas na napasinghap. Pati ako ay nagulat dahil ang lakas ng pagkakasinghap niya.

Si Ciro at Nari naman ay parang walang pakielam dahil busy sila parehas sa pagpapakain sa isa't isa.

"What is it?" natatakot kong tanong sa kanya.

Wala sa sarili na napausog ako papalapit kay Alastair at tinignan ang paligid dahil paminsan-minsan ay may insekto na lumilipad dito sa backyard!

"What is it, Alastair!?" naiinis kong sigaw sa kanya dahil sa takot. "Is there a bee?" kinakabahan kong tanong sa kanya, pilit ko pa rin hinahanap sa paligid kung may insekto o wala.

Imbis na ituro ang insekto na sinasabi nito, ay nagsalita lang siya.

"Kanina ka pa nakatingin sa akin. Siguro crush mo 'ko no?" mapang-asar niyang tanong sa akin at kunwaring nanlalaki pa ang mata sa akin dahil sa gulat.

Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha. Paniguradong alam niyang namumula na ang aking pisngi pero binalewala ko ang 'yon.

Sira na ba ang ulo niya?! Akala ko ba naman ay may insekto siyang nakita kaya napasinghap!

"Baliw ka ba!?" sigaw ko sa kanya at naiinis na inusog ang upuan papalayo sa kanya.

"Gosh, napaka annoying talaga," bulong ko sa sarili.

Tinawanan lang ako ni Alastair at tinuloy na niya ang kanyang kinakain. Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay inaalok niya pa ako na subuan niya raw ako kung gusto ko gamit ang kamay niya, na alam ko namang nang-aasar lang pero inirapan ko lang siya.

"Alam niyo sa kaka ganyan niyong dalawa hindi na ako magugulat kung isa sainyo may mahuhulog ang loob sa isa't isa," pagsingit ni Nari na ikinalingon ko sa kanya.

Hindi na nagsalita si Ciro at patango-tango na lang ito habang pinipigilan ang sarili na huwag tumawa habang kumakain. Imbis na magsalita si Alastair ay tumawa lang siya kaya matalim ko siyang tinignan.

"Nari, that will never happen."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

A few weeks later. . .

Another hell week for us again.

Since our preliminary exam is here, I spend my time in my room to study all my reviewers that I made in all of our subjects. Pero ang isang subject namin sa bread and pastry ay kailangan naming mag bake ng cookies and brownies—that will cover our preliminary exam in our prof.

Last subject namin siya and I think less hassle na rin siguro ang ganito compare sa mismong magsasagot dahil magbabake lang kami and that's all.

My head was pounding and my back is aching. Wala akong maayos na tulog dahil dito. I think 2 hours lang ang tulog ko kagabi dahil nag-review talaga ako ng maayos sa lahat ng subject.

Saktong sumasabay pa 'tong menstruation ko ngayon! First day of my period sucked; I can barely eat also because I don't have an appetite for some reason. Ang sakit ng balakang ko, ang sakit ng puson ko, at ang sakit ng likod ko.

I think I need one whole bondpaper size of an salonpas for this back. Or, puwede rin ipasagasa na lang sa bulldozer 'tong likod ko para maging maayos na.

My expectation for this baking session in our kitchen lab was smooth but it's wrong.

"Hoy, ano na? Kumusta na yung sa cookies? Okay na ba kayo ni Isla d'yan?" tanong ni Nari kay Alastair na abala ngayon sa paglalagay ng kisses na chocolate sa cookie batter.

Pawisan ang kanyang noo habang may hawak na papel; doon niya nililista lahat ng mga kagamitan na hinihiram namin sa incharge na nagi-IR sa kitchen lab.

Dahil kaming apat lang ang magkagroup. Nahati kami sa paggawa ng cookies and brownies. Sa aming dalawa ni Alastair nakatoka ang paggawa ng cookie, at ang brownies naman sa kanilang dalawa ni Ciro.

We're wearing our complete chef uniform. Nakatupi lang hanggang siko ang sleeves ng suot namin para hindi sagabal sa ginagawa namin. Kahit na bukas ang maraming exhaust fan sa kitchen lab ay sobrang init pa rin.

"Oo, tapos na kami ni Isla rito. Naglalagay na lang ako ng chocolate. May baking sheet ka na bang nakuha para sa cookies?" tanong ni Alastair.

Hindi na ako nakipaghalubilo sa kanila. Kung anong inuutos ni Nari o ni Alastair sa akin, tahimik ko na lang sinusunod dahil iniisip ko na sa paraan na 'yon mas mapepreserve ang energy ko.

Sobrang hassle at nagmamadali na ang mga ibang groups sa loob ng kitchen lab. May naglalakad ng mabilis, meron parang tumatakbo na rin para pumunta sa dishwashing area. Meron panay silip nang silip sa oven.

Habang pinagmamasdan ko sila, pakiramdam ko para lang akong nahihilo.

"Oo. Kumuha na rin kami ni Ciro nung baking pan para sa brownies," tugon ni Nari.

"Akin na yung baking sheet. Maglalagay na 'ko ng cookies d'yan para masalang na sa oven," madaling sambit ni Alastair.

Tumango si Nari, at wala pang isang minuto ay naibigay na agad sa amin ang baking sheet na may parchment paper. Ako na ang kumuha no'n at tahimik na binigay kay Alastair.

"Here..." I said, almost whispered.

"Thank yo—tahimik, ah. Parang sinapian ka yata ng anghel ngayon at parang hindi mo ako minamalditahan ngayon," mapangasar niyang sagot.

Inarapan ko lang siya at padaskol na binigay sa kanya ang baking sheet. Tinawanan niya lang ako, at sa kalaunan ay naging seryoso rin ang kanyang itsura.

Hindi ako mapakali, ngalay na ngalay na ang likod ko. Tapos hindi ko pa alam kung kailan sumusumpong itong sakit ng puson ko. Hindi rin ako makatayo ng maayos kapag nararamdaman ko 'yon kaya parang nakayuko na ako ng kaunti.

Nakailang ikot-ikot na rin ako sa buong kitchen lab para kahit papaano ay makalimutan ko na sumasakit ang likod ko. Isang oras na kami ritong nagaasikaso sa gagawin namin.

Dalawang section ang pinagsasama rito sa iisang kitchen lab kaya parang nagmistulang delubyo na ang nangyayari. Kaya ngayon nandito ako nakatayo sa gilid ni Alastair at nakasandal na lang sa glass wall habang padausdos na umupo.

I crouched down and took a deep breath. Here we go again, my cramps. Mahina akong napadaing. I pushed my righthand on my lower abdomen just to ease the pain but it didn't go away. Walang epekto.

Pakiramdam ko parang kinukurot ng maraming beses at pinipiga ang puson ko. Ramdam na ramdam ko na rin ang pananakit ng likod ko. It feels like there's one sack of rice on my back.

Lahat na siguro ng sakit na puwede kong maramdaman ay nasa akin na ngayon. Sumasabay na naman ang ulo ko, pakiramdam ko pa nga ay parang may pumupukpok pa no'n.

I want to cry... it really hurts too bad.

Gusto ko ng makauwi para makapagpahinga.

"Nasaan na ba 'tong si Nari. okay na yung cookies natin, Isla—luh, okay ka lang?"

I didn't see his reaction when he said that. I was too focused on myself and on how I'm going to handle these stupid period cramps.

Ang hirap maging babae.

"Uy." Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat at mukhang pinantayan na rin niya ang upo ko.

Maya-maya ay lumipat pa siya ng pwesto at ngayon ay magkaharap na kami. Hindi ko makita ng maayos ang pagmumukha niya dahil unti-unti na palang umaapaw ang mainit kong luha at tuluyan na siyang tumulo pababa sa aking pisngi.

Nanlaki ang mata niya at parang may hinahanap pa siya sa sarili ko na hindi ko maintindihan.

"Shit. Anong masakit? Bakit ka umiiyak?" natunugan ko sa boses niya ang taranta. "Baka mamaya nasugatan ka rito tapos hindi mo sinabi sa amin. Okay ka lang ba?"

"It was my period c-cramps," tugon ko sa nanginginig na boses. "My back is hurting. . . my lower abdomen is hurting; my head is hurting. . . m-masakit lahat," naiiyak kong tugon.

Napabuntong hininga siya at mabilis na tumayo. Narinig ko na may kinausap ito sa isang babae na incharge sa pagbabantay sa kitchen lab at mukhang pinuntahan pa sila Nari bago ako lapitan.

Maya-maya ay sumunod na si Nari na hinihingal at si Ciro sa tabi niya.

"Isla! Hala, bakit hindi mo sinabi na hindi okay ang pakiramdam mo? Kaya naman pala sobrang tahimik mo ngayon. Ipapa-excuse ka muna namin, ah," nagaalalang sambit ni Nari.

"'Kaw na mag dala kay Isla sa clinic, Alastair," dinig kong utos ni Ciro. "Kami na lang din kakausap kay Ma'am."

Dahan-dahan akong tumayo at naramdaman ko ang kamay ni Alastair na bumalot sa braso ko para alalayan hanggang sa makalabas kami ng kitchen lab.

"Gusto mo bang kargahin kita sa likod?" bigla niyang tanong sa akin habang naglalakad kami sa hallway.

Umiling ako at pinunasan ang aking luha. "No. I can walk."

"Dapat hindi ka na pumasok kung masama ang pakiramdam mo," malumanay na ngayon ang tono ng kanyang boses. "Alam ko naman na hindi rin biro yung period cramps kasi 'di ba yung kay Nari."

"Ex...am," 'yon na lang ang naging sagot ko.

Nanatili akong nakatingin sa dinadaanan namin. For some reason, I didn't know why Alastair noise sounded like he was far away from me even though he's beside me. My breath became ragged and I felt my sweat dripping on the side of my face.

"Isla?"

Ayan na naman ang boses niya, Alastair voice just echoed through my mind. Pakiramdam ko ay parang lumulutang ang ulo ko. . . parang umiikot ang buong paligid. . . ang buong hallway.

"Isla? Isla!"

I felt my heartbeat was not normal. Patuloy ang pagbilis ng kabog no'n sa loob ng aking dibdib. Naririnig ko ang sigaw ni Alastair pero ang layo niya sa akin.

Nilabanan ko ang dapat labanan. Parang unti-unting dumidilim ang paligid kahit na tanghaling tapat na, kahit na nakabukas ang ilaw dito sa hallway. Ang mga tuhod ko parang may sariling utak, it feels like it turns into jelly and I can't control it.

"Isla! hey!"

I automatically closed my eyes when I couldn't control it and I was finally engulfed by darkness.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com