CHAPTER 17
CHAPTER 17
ADELINE ISLA RAMIREZ
"What's that?" kunot noo kong tanong.
Nakahalukipkip ako habang nakababa ang tingin sa isang pink bracelet na nilagay ng seatmate ko sa armchair. Our teacher is still outside pa dahil may meeting daw sila with other teachers.
We're allowed to play and do other things, basta huwag daw kami lalabas ng classroom kasi we're kids pa.
"Luh, bakit hindi mo alam kung ano 'to?" sagot ng classmate kong lalaki at basta na lang nilapit sa mukha ko ang bracelet na pink na kinuha niya sa akin.
"Ano ba! Isusumbong kita kay mommy, ah! Why did you shove this bracelet in my face!" matinis ang aking boses at mahina siyang tinulak.
"Ano ba yan! Bakit mo 'ko ini-english? Maldita ka talaga 'no. ayaw mo ba nito? Si Nari binigyan ka ng keychain, tinanggap mo. Tapos ako may ibibigay sa 'yo ayaw mo naman. Akala ko ba kaibigan tayo?" nagtatampo niyang tanong sa akin.
"We're friends naman, Alastair. Pero inaasar mo 'ko always! Nakakainis kaya kapag gano'n. You shouldn't do that to girls."
"Eh, ano na lang gusto mong gawin ko sa 'yo? Gusto mo maging crush kita? Puwede naman, ang cute cute mo kaya, Isla! Kaso puwede ba 'yon? Crush ko kaibigan ko?"
"Ewan ko sa 'yo! Ang annoying mo na!"
Humagikhik siya sa sinabi ko. Tapos maya-maya siya na ang naglagay ng bracelet na pink sa wrist ko. Ang lawak ng ngiti niya, kitang kita ko yung ngipin niya na hindi kumpleto.
Tinaas niya ang kamay niya kung saan may bracelet at winiggle wiggle 'yon sa harapan ko. Parehas kami ng bracelet, color pink din 'yon.
"Asarin natin si Nari, Isla. Parehas tayong may ganito tapos siya wala," humagikhik niyang wika sa akin.
Bakit nandoon si Alastair? Wala akong matandaan na matagal ko na siyang kilala. And I'm sure it was Alastair—the boy in my dream. Mini version niya lang ang nandoon.
I don't know what's happening. . . at kung bakit may mabilis na senaryo ang dumaan sa utak ko bago ako unti-unting magkaroon ng malay.
Tahimik kong idinilat ang mga mata ko at puting kisame lang ang aking nakita. I know I'm in the clinic room, dahil dito na rin naman na talaga kami pupunta ni Alastair bago pa ako mawalan ng malay.
Nanatili lang akong nakatulala sa kisame at pinakiramdaman ang sarili. I think i'm okay now; tulog lang ang kailangan ko. My head is not pounding but my back is still hurting, lalo na rin ang puson ko.
Babawi ako sa tulog mamaya.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama nang biglang may pumasok sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang kasama ni Alastair si daddy! Bakit siya nandito?!
"Dad..." I whispered.
Napalingon ako kay Alastair na nagkakamot sa kanyang leeg na para bang nahihiya habang naglalakad papunta sa akin.
"Tinawagan na namin. Siya kasi nakalagay sa emergency contact mo," mahinang sambit ni Alastair.
Wala na akong nagawa kundi tumango at mabilis na nilingon si daddy.
"I-it's okay," nauutal kong tugon.
Nakasuot pa rin ito ng corporate attire at mukhang dumiretso rito galing sa pinagtatrabahuan niya.
"I'll wait outside, Adeline. Mukhang maguusap pa kayo ni Alastair," biglang wika ni daddy.
Agad na nanlaki ang mga mata at mabilis na sanang iiling ng tumalikod na ito. Lumabas na siya sa clinic at naghintay na lang sa labas.
Napabuntonghininga na lang ako at mabilis na inangat ang paningin kay Alastair.
"How's the baking?" tanong ko.
"Kanina pa tapos." Naramdaman ko na naupo siya sa tabi ko. "Nakausap na namin si ma'am, naexcuse kana raw, sabi ni Nari at Ciro. Almost 2 hours ka ring tulog, Isla. Nauna na sila umuwi—"
My eyes widened. "2 hours!?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
He nodded. "Yes. Hinintay ko lang pumunta daddy mo rito bago ako umuwi," natatawa niyang tugon.
Napalunok ako at umiwas ng tingin. Did he really wait for daddy to come here? Bago siya uuwi sa bahay nila? Wala sa sarili na hinawakan ko ang aking dibdib kung saan nakapwesto ang puso ko.
My heart was beating so fast. My gosh, what's happening to you, Isla?! I'm not dumb about this feeling. This is so wrong!
Pasimple kong sinilip si Alastair, nakaupo pa rin naman siya sa tabi ko. Tahimik na nakatingin sa glass sliding door ng clinic at seryoso ang kanyang mukha.
Mukhang hindi naka-on ang pagiging mapang-asar nito sa akin dahil sa sitwasyon ko ngayon.
I swear, I felt like my whole world was in slow motion as Alastair looked in my direction. Pakiramdam ko nasamid yata ako sa sarili kong laway dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Umangat ang aking kamay at malakas na hinampas ang kanyang braso.
"Aray ko! Sakit ng hampas mong maldita ka!" reklamo niya sa akin.
Inirapan ko siya at dahan-dahang bumaba sa kama.
"I want to go home," wika ko at hindi na pinansin ang reklamo niya.
"Sige, tara. Uuwi na rin naman na ako," tugon niya at sinabayan niya ang lakad ko palabas ng clinic room.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Super awkward ng byahe habang pauwi kami ni daddy sa bahay. Nakaupo ako ngayon sa passenger seat at panay sulyap nang sulyap sa kanya sa driver seat dahil hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses na siyang umuubo.
"Dad, are you okay?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at tumango. Muli na naman siyang napaubo.
"Yes, of course. Sabi ng nurse sa akin ay masyado mong pinagod ang sarili mo kaya nahimatay ka," saad nito. "When we go back to our house, I want you to take a rest in your room, okay?"
Mabilis niya akong nilingon. "Ano bang ginagawa mo, anak? Busy pa sa school niyo? Maraming ginagawa?"
Umiwas ako ng tingin at tinuon na lang ang pansin sa labas ng bintana ng passenger seat.
"I'm busy studying for our preliminary exam," I answered.
Narinig ko ang buntong hininga nito. "Adeline, I don't know why you push yourself to your limits just to get higher grades. Kahit anong grades mo pa, anak. Okay na okay na sa akin 'yon."
"I'm not impressing you, dad," tugon ko. "Para kay mommy 'to. Pinapansin niya lang ako kapag mataas ang grades ko kaya ginagawa ko 'yon," mapait kong wika.
Hindi na nakapagsalita si daddy dahil sa sinabi ko. I felt my heart hurt; it feels like there are a million needles poking it. Paminsan minsan ay parang pinipiga pa.
I slowly look at him; mas lalo pa yatang nanakit at sumikip ang dibdib ko ng makita ang mata niyang namumula. Para na ngayong sinasakal ang puso ko.
What have you done, Isla? I shouldn't have said that. . . Guilt started to consume me.
Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata, at bago pa tuluyang tumulo 'yon ay umiwas na agad ako ng tingin at labas ng bintana.
Naging tahimik na ang byahe pabalik sa bahay. Wala na ni isa sa aming dalawa ang sumubok na magsalita pa. Pero kahit na gano'n, nangingibabaw ang sunod-sunod na ubo ni daddy.
Kaya paminsan-minsan ay napapalingon ako sa kanya.
I'm worried.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Nang makarating sa bahay ay lumabas na agad ako sa kotse at dumiretso sa sala. Nakasalubong ko pa si manang na mukhang nag-aabang sa pagdating namin.
"Isla, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin bago yakapin.
"I'm fine, manang. Pahinga lang po ang kailangan ko," nakangiti kong tugon.
Mabilis kong nilingon si daddy na mukhang may tinitignan pa sa labas ng kotse bago ko muling binalik ang paningin kay manang.
"Manang, bakit ang aga po makauwi ni daddy?" tanong ko.
"Nag early out yata siya ngayon, hija."
Napatango-tango ako.
Napapansin ko na palagi nang nag-early out si daddy at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag-adjust dahil sanay ako na gabi na siya nakakauwi.
"Manang..." tawag ko sa kanya. "I have a serious question and I hope you answer me."
Kumunot ang kanyang noo. "Sige, Isla. Ano ba 'yon?"
"Is he okay?" pagtukoy ko kay daddy.
Muli kong nilingon si daddy na naglalakad na papalapit sa aming pwesto ni manang.
"He's been coughing nonstop while we go here," I whispered. "I-i'm just. . . I'm just w-worried about him," napapayuko kong wika.
Inangat ko ang ulo ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Can you tell me what's happening, manang? Ikaw kasi ang nakakausap ni daddy," I pleaded.
My brows furrowed while looking at Manang's reaction. Malilikot ang kanyang mga mata na para bang nahihirapan na sagutin ang mga tanong ko.
"Manang—"
"Manang, can we talk to my office?"
Hindi ko natapos ang aking sinabi ng magsalita si daddy. Napabuntonghininga na lang ako at umatras para malapitan ni daddy si manang.
"How about taking a rest inside your room, Adeline?" malambing ang tono ng boses ni daddy ng magsalita. "May paguusapan lang kami ni manang sa office. Alam kong pagod ka pa at masama ang pakiramdam mo."
Wala akong nagawa kundi tumango na lang.
"Okay, dad," I answered.
Nauna akong maglakad paakyat sa hagdanan. Naguusap na silang dalawa roon at hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila!
I'm super curious and I want to know what they're talking about.
Are they hiding something from me?
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang tungkol kay daddy at manang. I know I'm blaming him for why our family is not complete and happy like it used to be before, but somehow. . . I can feel that there's a care in my heart about him that I can't refuse to feel.
Halos isang linggo nang maagang umuuwi si daddy sa bahay. I even ask him about his new schedule, para makalusot man lang at baka madulas siya sa mga tanong ko pero hindi.
Ang galing niyang magtago, at gano'n na rin si manang.
Hindi ako mapakali kasi parang may tinatago talaga sila sa akin.
"Ano ba, Alastair! Funny ka, ah!"
Agad akong nabalik sa aking ulirat nang marinig ang matinis na tawa ng isa kong classmate na babae. Nasa harapan sila nakapwesto, at kasama roon si Alastair sa circle of friends nila.
Alastair is like Nari. May pagka-social butterfly silang dalawa, isama ko na rin pala si Ciro. Parang kahit saan sila ipwesto may makakausap at may kaibigan na agad sila.
Dahil wala pang professor, as usual pakalat kalat ang ibang mga students sa room. Si Nari nasa tabi ko at kinakausap si Ciro. Hindi niya ako maiwan-iwan dito kaya si Ciro na lang ang pinalapit.
Kaya ngayon si Alastair na lang ang nahiwalay sa amin.
Kumunot ang aking noo ng makitang tumatawa silang parehas ng isa naming babaeng classmate habang may sunod na ginawa. Nagpapalakihan silang dalawa ng palad.
Itong kumag na 'to ang laki ng ngiti sa labi; I can clearly see his teeth that look like fangs. Napalaki ng ngisi, at hindi ko alam bakit sobra akong naiirita ngayon.
At talagang hindi niya pa inalis yung kamay niya roon sa babae?!
Magkalapat pa rin ang palad nilang dalawa at tinitignan kung aling kamay ang mas malaki sakanilang dalawa na alam namin ng lahat na mas malaki ang kay Alastair!
Halatang para-paraan lang 'tong girl!
"This asshole..." I whispered.
I swear to God, I think I felt my right eye twitch while staring at them.
Gano'n pa rin ang ginagawa nila. Ang tagal nilang magpalakihan ng kamay. Halatang sinusulit nung babae ang oras na 'yon, and I think almost I minute na rin silang magka ganyan.
Bakit ko ba sila inoorasan?
"Tsk." Inayos ko ang aking upo at humalukipkip.
Hindi ko na namamalayan na matalim na pala ang mga tingin ko sa pwesto ni Alastair.
Mas lalong hindi ako nakakilos sa sunod na ginawa nung babae. At talagang pinagsalikop pa talaga niya ang daliri niya sa daliri ni Alastair hanggang sa mag-holding hands. Maya-maya umusbong na ang halakhak ni Alastair dahil doon.
At nang sandaling lumingon siya sa gawi ko ay naglaho ang malaki niyang ngiti sa labi. Muntikan pa siyang mapatalon sa gulat na akala mo ay nahuli ng asawa niya na may kasamang babae tapos hindi nagpapaalam!
Inirapan ko lang siya, yung irap na alam kong para sa kanya 'yon at hindi lang napuwing. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa armchair. Nag-scroll down lang ako sa mga social media ko at pilit na kinalimutan ang nakita kanina.
The hell do I care about them?
Kahit na hindi sila maghiwalay, okay lang. Kung gusto pa nila, ako na mismo maglalagay ng resin sa buong kamay nilang dalawa at ipapacure sa uv light para hindi na talaga sila maghiwalay!
Super annoying!
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com