CHAPTER 18
CHAPTER 18
ADELINE ISLA RAMIREZ
Medyo nag-lie low na ang mga gawain namin ng matapos na ang hell week o ang preliminary exam namin. As usual, back to normal na naman ang iba.
Nag-start na naman sa panibagong lesson, at hindi ko alam pero parang tinatamad ako ngayon na makinig.
I took a deep breath, sinandal ko ang likod ko sa sandalanan ng upuan, at tumingin sa labas ng bintana.
Mainit sa labas pero alam kong hindi 'yon masakit sa balat dahil maraming mga puno sa loob ng campus. Nakapwesto ang upuan ko sa tabi ng bintana kaya nakikita ko ang mangilan-ngilang estudyante sa department namin na naglalakad sa gilid ng sidewalk.
"Musta na?"
Natigil ako sa pagmuni-muni nang marinig ang isang pamilyar na boses. Break time namin ngayon kaya nakakakuha na naman ng tyempo 'tong isa na manira na naman ng araw.
Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. Finally, hindi na siya nangulit pa. Akala ko ay maninira pa siya ng araw pero akala ko lang pala 'yon!
Alam kong tumahimik na si Alastair, pero ang ginawa naman pala niya ay nakisilip din siya sa labas ng binata nitong room namin. Nakayuko siya at halos magpalit na kami ng mukha sa sobrang lapit ng pisngi niya sa akin.
Parang mas interesado pa siya na tumingin sa naglalakihang mga sanga at ibon na nakapwesto roon.
Tumatango tango pa 'tong kumag na 'to!
"Hindi ako na-inform na si Snow white ka rin pala," seryoso niyang wika sa akin habang nakatingin sa labas ng bintana. "Tweet... tweet... tweet—"
Malakas kong tinulak ang mukhang papalayo sa akin dahil sa inis.
"What's wrong with you? Sa 'kin ka na naman nagpapapansin?" iritable kong wika.
Mahina siyang tumawa at kumuha ng bakanteng upuan sa harapan ko. Umupo siya roon at ningisihan ako.
"Gagalit agad. Kumusta kana? Masakit pa rin ba puson mo?"
Mabilis ko siyang nilingon. "No. my period is already done. Anong tingin mo sa akin, dinudugo ng dalawang linggo?" pambabara ko.
Imbis na mainis siya, mas lalong lumawak pa ang ngiti niya sa kanyang labi. Tuwang tuwa talaga siya kapag nakikita akong napipikon.
Bumaba ang tingin ko nang may nilapag siya sa armchair.
"Oh, chuckie ng lumamig ulo mo. kabibili ko lang n'yan sa vending machine."
Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko 'yon o hindi pero parang may sariling utak ang mga kamay ko. Kusa kong kinuha 'yon at tinignan siya.
"Ano 'to? Bakit ka namimigay?"
"Masama ba?" natatawa niyang tanong.
Kunot noo pa rin akong nakatingin sa akin at inirapan bago tinusok ang straw sa chuckie.
"Init na naman ng ulo mo sa akin. Anong problema mo?" tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at nagbingi-bingi-an sa mga sinasabi niya. Wala ako makausap ngayon dahil as usual, ang magaling kong kaibigan na si Nari nandoon ngayon sa puwesto ni Ciro.
Nag-uusap na naman tungkol sa ibang bagay at wala rin akong balak na alamin kung ano 'yon.
Atsaka okay lang naman na ganito, na ako muna ang nandito mag-isa at nakakapag-isip-isip ako ng ibang bagay, pero hindi talaga kumpleto ang araw ko na hindi sumusulpot si Alastair sa tabi ko.
Parang magtataka pa ako kung hindi niya ako aasarin ngayon dahil nasanay na yata ako na binibwisit niya ang araw ko.
"I don't have a problem with you, Alastair. Why don't you go to your new circle of friends? After all, you liked what you do with her yesterday—"
Agad akong natigilan sa pagsipsip sa straw nang may marealize. Why do I sound like a jealous girlfriend? He's not even my boyfriend!
Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo at parehas na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Maya maya ay sumilay na ang nakakaloko niyang ngiti, at alam kong aasarin niya na naman ako!
"Hindi ko alam na selosa ka pala—aray!"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla kong hinila ang necktie niya para mapalapit sa akin. Nasakal siya roon pero imbis na matakot ay nakita ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata na para bang natutuwa siya na ginagano'n ko siya.
"Shut your mouth," mariin kong bulong.
Kagat labing tumango siya at tinaas ang dalawang kamay. Pigil na pigil pa rin siya sa pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
"Sure," natatawa niyang tugon. "Hindi ko alam na selosa ka pa lang kaibigan. Sige na po, sa 'yo lang ako—ay! Sainyo lang ako."
"Ano ba, Alastair!"
"Joke lang!"
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
After a few days, finally the weekend is here. I spent my time last night watching my favorite series. Inabot na ako ng madaling araw kapapanood noon at okay lang naman sa akin dahil walang pasok ngayon.
"Isla?"
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni manang sa labas ng kuwarto kasunod ang iilang katok doon. Napahawak ako sa aking ulo at mabilis na binalingan ng tingin ang digital clock na nakapatong sa bedside table.
9:30 am.
Agad akong nagtungo sa nakasaradong pintuan at binuksan 'yon. Sumalubong sa akin si manang na may maliit na ngiti sa kanyang labi.
"Manang?"
"Nasa baba si Alastair, Isla. Nakabihis ng pang alis, may lakad ba kayo?" tanong niya sa akin.
"W-what? Nasa baba si A-alastair?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
What in the hell!? Ano na namang ginagawa niya rito? Atsaka wala siyang sinasabi sa akin na pupunta siya sa bahay.
"Oo, nasa sala siya ngayon. Pinapasok ko na at pinaupo roon. Sabi niya hihintayin ka na lang daw niyang magising, ang kaso kaninang alas otso pa siya nandito kaya ginising na lang kita," pagpapaliwanag ni manang na mas lalong ikinalaglag ng panga ko.
"Oh my gosh!" natataranta kong wika. "Okay, manang. I'll be downstairs; just give me a minute."
Hindi ko na hinintay ang sagot ni manang. Tinalikuran ko na siya agad at kinuha ang cellphone kong nakapatong sa bedside table.
Bumungad agad sa akin ang chat ni Alastair sa akin sa messenger.
Zayn Alastair:
Murneng boss.
Date? Alis tayo libre ko
Otw sa bahay niyo hehe
Tulog kapa raw? Nu ba ginawa mo kagabi? Nandito nako sa bahay niyo. Pinapasok nako ni manang
Grabe bait ng papa mo sabay kaming nag almusal. Di ka nalang ginising kasi bugnutin ka raw pag naputol tulog mo
Napanganga na lang ako sa lahat ng chat niya.
Nagmamadali na bumaba ako sa bahay at hinihingal pa habang hawak-hawak ang cellphone. Iyon na nga, naabutan ko siyang nakaupo sa sala, tahimik at mukhang nag-iiscroll lang sa facebook niya habang nagchacharge.
Naiinis na naglakad ako papunta sa kanyang puwesto at kinuha ang malambot na square pillow sa sofa. Hinampas ko 'yon sa kanyang likod at napamura siya sa gulat.
"Ay gago—Isla! Bakit ka ba nanggugulat? Aatakehin ako sa puso sa ginagawa mo." Mabilis na napalingon sa akin si Alastair habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Excuse me? Ikaw magugulat? Sino sa ating dalawa ang nanggugulat? You go here without my permission!" naiinis kong sambit. "Atsaka, anong date, Alastair? Tapos na utang ko sa 'yo."
Napatayo siya sa kanyang kinauupuan at napakamot na lang sa leeg habang pinagmamasdan ako. Agad na kumunot ang noo ko dahil doon, nagiging malikot din ang mga mata niya at parang hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Saka mo na kaya ako awayin kapag natakpan mo na 'yang pasas mo."
Pasas? What is he talking about—
"I mean sorry na agad, hindi ko naman sinasadya na tignan, ah. Pero kasi bumabakat. Loud and proud siya," mahina at nahihiyang saad niya bago umiwas ng tingin sa akin. Pero halatang nang-aasar pa rin siya!
"Ayaw mo ba na mag-bra muna, Isla? Tapos puwede na natin ituloy 'tong paninermon mo sa akin," tumawa pa siya ng hilaw pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Ngayon ko lang din napansin na pulang pula ang tainga niya at gano'n din ang leeg!
I felt like my blood rushed through my cheeks! Ramdam na ramdam ko ang panginit ng pisngi ko dahil sa katangahan ko.
My gosh, Isla! Nakalimutan mo pa talagang mag-bra sa kamamadali!
Mabilis kong pinagkrus ang dalawang braso ko sa aking dibdib at tinalikuran siya.
"Shit. Shit. Shit. Shit," sunod sunod kong mura at kumaripas na ng takbo paakyat ng hagdanan para dumiretso sa kuwarto.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
In the end I don't have a choice but to agree with Alastair. Nandito naman na siya, at nakakahiya naman kung papauwiin ko pa!
Pagkaakyat ko sa taas ay agad din akong naligo at naghanap ng masusuot na damit.
Zayn Alastair:
Wear comfortable clothes. Kung gusto mo couple clothes pa tayo
Adeline Isla:
As if i'll do that
Kinain ko lang din pala ang sinabi ko. Pagkababa ko sa sala ay nakatayo na siya at alam kong kanina pa 'to naghihintay. Dapat lang na maghintay siya, nambibigla siya eh.
"As if I'll do that ka pa, ah," mapang asar niyang sambit sa akin.
I was wearing a mini puff-sleeved white dress; may mga design 'yon na maliliit na pink strawberry sa buong tela. Hanggang tuhod lang din ang haba ng dress kaya makakagalaw ako ng maayos.
Pinartneran ko lang ang dress na suot ko ng isang white sneakers. May nakasakbit din na pink heart-shaped na bag sa balikat ko para doon ilagay ang wallet at cellphone ko habang hawak hawak ko naman ang pink mini turbo fan ko sa kabilang kamay.
Inayos ko muna ang pearl headband na suot ko; kaparehas na kaparehas 'yon sa suot ko ring pearl necklace and earrings.
"Excuse me, huwag kang assuming. Wala na akong ibang mapili dahil nakakahiya naman sa 'yo kung paghihintayin pa kita ng matagal. Ito ang una kong nadampot, okay?"
Paano ba naman kasi, I just realized that we almost had the same color combination of our clothes. Not almost, dahil same na same talaga. Kulay pink ang polo shirt nito na pinartneran ng white shorts at white sneakers.
Hinayaan niya lang nakabagsak ang kulot at dark brown nitong buhok na mas lalong bumagay sa kanya.
Ngisi ngising tumango na lang siya. "Hmm. okay, sige. Tara na?" pag aya niya.
I nodded. "Okay."
Sabay kaming nagtungo sa kusina at nagpaalam kay manang bago lumabas ng bahay. Kumunot ang noo ko nang makitang nakapark sa labas ng gate ang itim na sniper na motor nito.
"Magmomotor pala tayo," wika ko ng maglakad kami papunta sa motor niya. "Alastair, mainit ngayon," reklamo ko.
"Hay nako. May nag-imbento ng panangga sa araw, Isla. Tara na para maka byahe na tayo."
Bagsak ang balikat na lumipat ako sa kanya. "It's really sunny today—"
"Ito ang naimbento. Kaya huwag ka nang magreklamo d'yan. Makapal 'yan kaya hindi ka maiinitan."
Hindi ko natuloy ang sinabi ko nang siya na nagsuot sa akin ng oversized nitong maong na jacket sa akin. Wala na akong nagawa at hinayaan na lang siya na isuot sa akin 'yon.
Agad na bumalot ang amoy niya sa katawan ko, and I can't help but to like it. Pasimple kong inamoy 'yon habang nakatalikod siya sa akin.
"How about you? Baka mainitan ka?"
Mahina siyang tumawa habang may kinakalikot sa harapan ng motor nito.
"It's okay. Sanay na ako mabilad. Ikaw na magsuotniya dahil arte arte mo sa sikat ng araw," pang aasar niya.
Inirapan ko na lang siya at lumapit.
"Suotin mo na 'to," inabot niya sa akin ang helmet ko na kinuha niya sa garahe.
Agad ko namang sinuot 'yon ng matanggal ang headband na suot ko at hinintay na sumampa siya sa motor bago ako umangkas.
"Saan tayo pupunta?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Secret. Saka na, malalaman mo rin naman kapag nandoon na tayo," nakangiti niyang sagot.
Napabuntonghininga na lang ako at humawak sa kanyang balikat para makaupo sa likod.
"Nag-short ka ba?" bigla niyang tanong.
"Of course! I'm wearing a cycling. Alangan naman mag-underwear lang ako habang nakasuot ng dress," irita kong tugon.
"Minimake sure ko lang," halakhak niya.
Umirap na lang ako sa ere at mahigpit na humawak sa kanyang balikat. Hinihintay ko na lang na umandar ang motor pero umabot pa yata ng ilang segundo pero hindi pa pinapaandar ni Alastair 'yon!
"Hey? What's wrong? Tara na kaya—"
Nanlaki ang aking mata ng maramdaman ang kamay niya sa kamay ko. Hinawakan niya 'yon at hinila pababa para doon na ako makahawak sa kanyang baywang. Maya-maya ay napapayakap na rin ako.
"Mahuhulog ka sa ginagawa mo. Humawak ka ng mabuti."
Mahina kong hinampas ang likod niya pero tinawanan niya lang ako.
"Kapag hindi ka humawak ng maayos mahuhulog ka, Isla. Medyo mabilis 'tong moto—"
"Then don't drive fast!" irita kong sigaw.
"Oo na nga po. Kapit na po."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com