CHAPTER 19
CHAPTER 19
ADELINE ISLA RAMIREZ
"Welcome to Manila Chinatown." Lumawak ang ngiti ko nang mabasa 'yon nang makapasok kami sa arko habang naglalakad.
Naghanap lang kami ng mapagpaparkingan ng motor ni Alastair at naglakad lang ng kaunti bago kami makarating dito. Medyo na-impress lang ako ng kaunti sa kanya dahil mukhang pinaghandaan niya rin ang lakad namin.
May dala siyang itim na payong at pinapayungan na ako habang naglalakad kami.
"I know this! The binondo date—I saw this on TikTok!"
"Huy, gumilid ka naman." Naramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa aking braso at hinila para mapunta sa sidewalk.
Siya na ngayon ang malapit sa kalsada, at ako naman ang nasa gilid niya.
"Bayan, bakit mo alam 'yon? E'di na spoil kana tuloy sa gagawin natin," reklamo niya sa akin.
Mabilis ko siyang nilingon at inirapan.
Dahil weekend, inaasahan ko na maraming tao ngayon. I should stick to Alastair now; wala akong kaalam alam sa lugar na 'to, at kapag naligaw ako tapos hindi ko nakita si Alastair, baka magpasundo na lang ako kay Kuya Amelio!
or. . . Puwede rin mag-angkas pauwi.
"What are we going to do now?" tanong ko sa kanya at hindi na itago ang excitement na nararamdaman, na para bang hindi nainis sa kanya dahil sa biglaang punta niya sa bahay.
"Ito ang gagawin natin ngayon," masayang tugon ni Alastair at may pinakita siya sa akin sa notes nito na galing sa kanyang cellphone.
Binondo date w/ boss!
1. kainin lahat ng trending food sa binondo
- the original shanghai fried siopao
- dongbei dumpling
- wong kei sugarcane juice
- oishiekun bites
- vege select fried xlb
padagdag: visit binondo intramuros bridge bago umuwi
Halos malaglag ang panga ko ng mabasa ang lahat ng 'yon. Pakiramdam ko parang kumalam ang sikmura ko sa mga nakalagay roon, especially the dumplings and fried siopao!
My gosh, I can feel my mouth watering!
"Are you sure?" tanong ko sa kanya at inangat ang tingin sa kanya habang naglalakad kami. "Kapag kulang ka sa pera sabihan mo 'ko dadagdagan kita. Shocks! Dapat pala binigyan kitang pang gas kasi umangkas—"
"Kaka full tank ko lang ng motor, Isla. Atsaka hindi mo kailangan magbayad ng gas sa motor ko," kunot noo niyang tugon.
Humalukipkip na lang ako at humaba ang nguso. "Okay, fine! Hindi lang ako sanay na walang ambag dito."
"Ako nag aya kaya ako manlilibre, okay? Huwag mo ng isipin 'yan," he assured me.
Napabuntonghininga na lang ako at hindi na sumagot sa kanya. Dahil sobrang daming tao ngayon ay hindi ko maiwasang hindi mapakapit sa dulo ng damit niya habang naglalakad kami sa unang destination namin.
"Wait, Alastair. Bakit ang bilis mo maglakad!" reklamo ko sa kanya.
Mabuti na lang at hindi maulan ngayon dahil nakaputing sapatos ako. Naka-on na rin ang mini turbo fan ko dahil kahit na nakapayong kami ay ramdam ko pa rin ang init.
Ang oversized maong na jacket na pinasuot sa akin kanina ni Alastair ay nakatago na sa compartment ng motor niya. Dinala niya lang daw talaga 'yon para sa akin para hindi mainitan sa buong byahe papunta rito.
Kaya ngayon, kitang kita na ang super cute outfit ko kasama ang pink hearshaped sling bag ko.
"Tara na nga. Baka mawala ka pa rito, walang pa namang pang-paging yung buong binondo sa nawawalang bata," pang-aasar niya bago hinawakan ang kamay kong nakakapit sa dulo ng kanyang t-shirt.
Matalim ko lang siyang tiningnan pero tinawanan niya lang ako. Muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa habang abala sa paglakad.
May nakikita pa ako ng mangingilan na chinese lantern sa bawat tindahan, at s'yempre meron din mga nakasabit sa itaas na parang nagmistulang banderitas 'yon, tapos may mga chinese dragon din na design.
Hindi kami makapagusap ng maayos ni Alastair dahil sa dami ng tao na abala sa kanilang lakad.
Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa na magkahawak ngayon. Wala sa sarili na humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay kaya bigla tuloy siyang napalingon sa akin.
"Anong nangyari?" kunot noo niyang tanong sa akin pero ng makita ako ay agad na nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Ay, akala ko naman kung naipit kana d'yan o ano. Bagalan ko ba lakad ko?"
"Ano sa tingin mo?"
Doon ay sumilay ang nakakaloko niyang ngiti at mahinang natawa. Maya-maya ay bumagal ang kanyang lakad at sa wakas nakarating na rin kami sa unang destination namin—The Original Shanghai fried siopao.
"Mahaba pala ang pila rito," wika ko sa kanya habang nakapila kami.
Tumango siya bago bumaba ang tingin sa akin. "Oo. sikat daw, eh. Gusto ko rin ma-try mga pagkain dito kaya dinamay na kita."
Napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Inabot pa kami ng ilang minuto bago makabili. Maganda ang fried siopao nila dahil bagong luto nila iseserve 'yon sa 'yo tapos meron pa, makikita mo kung paano nila 'yon ginagawa.
"Ilan gusto mo?" tanong ni Alastair ng kami na ang bibili.
"Isa lang. Since marami tayong kakainin mas maganda kung paisa isa lang," tugon ko.
Tumango-tango na lang ito at may kinuha sa loob ng kanyang itim na belt bag.
"Are you sure? Baka kulang pa 'yan sa 'yo," paninigurado niya.
"I'm sure, okay. Baka hindi ko na matikman yung iba kung madaming fried siopao bibilhin mo."
Mahina siyang natawa. "Sabagay may point ka naman." Hinarap niya ang babae roon at inabot ang pera. "Ate, dalawang fried siopao po."
"Okay po, sir. Wait na lang po tayo sa gilid, ibibigay ko na lang po kapag ready na ang pagkain niyo."
"Sige po."
Sumenyas si Alastair na lumapit ako kaya parang buntot ako ngayon na sumunod sa kanya. Nakatayo lang kami sa gilid at pinagmamasdan ang nagluluto.
"My debt to you is already paid, Alastair. Ano na namang pakulo 'to?" tanong ko ng inangat ang paningin ko sa kanya.
He scoffed. Humaba pa ang nguso nito bago sumagot.
"Hindi 'yon date, Isla. Biglang umepal sila Nari at Ciro, paano matatawag na date 'yon?"
"Never heard of a double date?" sarkastiko kong tugon sa kanya.
Napaawang ang aking labi ng makitang siya naman ang umirap ngayon. This guy!
"Ayaw ko no'n," reklamo niya.
Inirapan ko na lang siya at humalukipkip. Maya-maya ay binigay na rin kay Alastair ang binili niyang fried siopao at sabay naming kinain 'yon.
"It tastes very good," nakangiti kong wika sa kanya habang ngumunguya. "I like it. Let's buy this later; bibigyan ko si daddy, manang and Kuya Amelio."
"Sige. pero hindi na mainit 'yon pagdating sa bahay niyo."
"It's okay. I can microwave it."
Hindi ko alam kung lahat ba ng lalaki o 50 percent lang sa kanila ay parang ginugutom kung kumakain. Naubos na agad ni Alastair ang fried siopao, samantala ako ay nasa kalahati pa lang.
Mainit kasi dahil kakaluto lang, kaya bilib din ako sa kanya na naubos niya agad 'yon ng hindi napapaso ang dila. O baka napaso na nga siya pero kaya niyang tiisin 'yon.
"Gusto mo pa?" tanong niya habang pinapayungan ako at tinutok sa akin ang kinuha niyang mini turbo fan.
Umiling ako. "No. marami pa tayong kakainin na iba. Ano na ang next na kakainin natin?"
"Dumplings sa dongbei," tugon niya.
Tumango ako at napangiti. Dumplings, here we go!
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"I want rice," mahina kong saad kay Alastair habang sabay kaming kumakain ng dumplings. "Let's buy some rice, Alastair. Nauumay ako kapag ganito. I'm hungry pa."
Mabilis siyang napalunok sa kinakain niya at tumango-tango sa aking sinabi. Kumakain lang kami sa gilid ng kalsada dahil wala namang upuan at lamesa sa store ng pinagbilhan namin ng dumplings.
Dahil anong oras na at gutom na gutom na ako. Tig iisang order kaming dalawa ni Alastair. Two hundred pesos per 14 pieces na dumplings. Naka four hundred din siya, balak ko pa sana na dagdagan pero ayaw niya talaga. Ang kulit!
"May nadaanan akong karinderya kanina. Doon na lang ako bibili ng kanin," mabilis niyang tugon.
Tumango ako at binagalan ang nguya. Marami pa namang natira sa akin kaya sinarado ko muna 'yon para hindi ko maubos.
"D'yan ka lang, okay? Huwag kang aalis, bibili lang ako. Saglit na saglit lang 'to."
"Okay."
"Diyan ka lang. Makinig ka sa akin—"
Naiinis na tinulak ko ang kanyang dibdib papalayo sa akin dahil parang nangaasar na naman siya.
"I said okay, Alastair! I'm not a kid, okay? Dito mo ako iniwan kaya dito mo rin ako mababalikan," naiinis kong wika.
Tinawanan niya lang ako at napapailing na naglakad na papalayo. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng store at hinintay lang siya.
Umabot pa yata ng ilang minuto ang paghihintay ko sa kanya. Nakahalukipkip na ako at inaabangan siyang makabalik sa akin. At 'yon na nga, nakita ko na siya sa malayo.
May hawak na cellphone at alam kong nakatutok sa akin ang camera no'n dahil sa mga pilyong ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung pinipicture-ran niya ba ako o kinukuhaan ng video.
Paniguradong nakabusangot na ako roon habang nakahalukipkip.
"Heto na ho ang kanin, mahal na prinsesa," may bahid na asar sa tono ng kanyang boses ng magsalita ito.
Siya na ang nagtanggalan ng kanin sa plastic labo at nilagay 'yon sa styrofoam box niyang walang lamang dumplings bago inabot sa akin. Akmang kukunin ko 'yon ng binawi niya 'yon.
"Ako na mag hahawak. Kumuha ka na lang ng dumplings d'yan tapos kapag gusto mong kumain ng kanin sumalok ka na lang dito."
Tahimik na lang ako tumango at tinuloy ang aking kinakain. Nakatupi na ang itim niyang payong dahil hindi naman kami natatamaan ng sikat ng araw kaya nahahawakan niya na ng maayos ang styro.
Habang abala sa aking kinakain ay nagtagpo ang tingin naming dalawa. Tinaasan ko siya ng isang kilay habang ngumunguya.
"What?" masungit kong tanong.
Umiling siya. "Titingin lang, masama ba? Kumain ka na lang d'yan ng mabusog ka. Kapag kulang sabihan mo 'ko, bibili pa tayo kung ilan pa gusto mo."
Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya dahil bumaba ang tingin ko sa leeg niyang may pawis na pawis. Pansin ko pa na gumagapang pa ang iba pababa roon. I don't know why but I think my hands had their own mind; tinutok ko sa kanya ang pink mini turbo fan para mahanginan siya.
"Thank you hehe." Para siyang bata na hawak-hawak niya sa dalawang palad niya ang styrofoam habang nakababa ang tingin sa akin.
Napailing na lang ako at tinuloy ang aking kinakain.
Nang matapos sa aking kinakain ay nagsimula na ulit kaming dalawa na maglibot-libot sa Binondo para mahanap niya ang ibang store.
Habang nasa gano'ng kaganapan ay ngayon ko na lang din napagtanto na magkasalikop na pala ang daliri namin ng hindi ko namamalayan!
Na para bang sanay na sanay na 'tong kamay ko na magka-holding hands sa kanya!
Agad akong pinamulahan ng pisngi habang pinagmamasdan ang kamay naming dalawa.
My gosh, I can really feel my cheeks burning!
Sa tuwing maglalakad na kami para sa next destination ay lagi nang hinahawakan ni Alastair ang kamay ko dahil habang umaabot na sa hapon ang oras ay dumadami na rin ang tao.
Lumipas na ng ilang oras at alas singko na ng hapon. Agad naming natikman ang natitirang mga pagkain na nasa notes ni Alastair. Tapos na ang oishiekun bites at wong kei sugarcane juice na hindi ko rin naubos. At ang last itong xiaolongbao sa vege select.
"No. I don't want na," reklamo ko ng nilapit niya sa akin ang sugarcane na juice na binili namin.
Kumunot ang noo niya at bumaba ang tingin sa hawak niyang juice ko.
"Huh? Bakit anong meron? Pangit lasa nung sa 'yo?" tanong niya at mabilis na tinikman ang juice ko.
Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Ininuman ko na 'yong juice na 'yon tapos titikman niya 'yon!
We literally just had an indirect kiss!
"It's too sweet. I can feel my throat is hurting now," sagot ko at wala sa sarili na napahawak sa aking lalamunan.
Napatango na lang siya at hinawakan pa rin ang dalawang sugarcane juice. Ngayong nabili na namin ang last na food sa notes niya, after this we're going to the bridge thingy.
Napako saglit ang tingin ko sa pinagpicture-ran namin kanina. Para siyang mannequin na butas yung sa bandang mukha. Doon namin pinwesto ang mukha naming dalawa para magmukhang character no'n. Nagpasuyo lang itong si Alastair na kuhaan kami ng litrato sa dumaan na mag-couple rin yata dahil ang cute raw nung design sa mannequin.
"Bili na lang ako tubig na hindi malamig. D'yan ka lang."
Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita dahil agad siyang pumasok sa maliit na store ng vege select para bumili ng tubig. Sa loob na sana namin kakainin itong xiaolongbao na nabili namin ang kaso wala ng bakanteng upuan kaya sa labas na lang kami kumain.
Maya maya ay nakabalik lang din siya. Nakabukas na ang bottle cap, at kinuha ko 'yon sa kanya para inumin.
"Thank you," nakangiti kong saad.
"You're welcome."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
After a couple of hours, we're now here at the Binondo-Intramuros Bridge. At bago pa kami tuluyang makaalis ay nakapamili na rin ako ng mga pasalubong kay daddy, manang, at Kuya Amelio.
Alastair paid all of it. Wala talaga akong nilabas na pera kaya nag-away na naman kami habang naglalakad papunta sa pinagparkingan ng motor niya.
Pero ngayon, dahil nakakita ako ng coffee shop, sinabihan ko siya na ililibre ko na lang siya ng kape at bawal siyang tumanggi.
Maganda ang place rito; the color of the bridge is white and there's a hint of an elegant design to it. Malinis din siya at naghahalo roon ang modern and historical design. ngayong gabi, mas lalong gumanda ang paligid dahil sa mga ilaw na nakabukas ngayon.
Maganda talaga siya ang kaso. . .
"Ano ba 'to. Ang panghi naman pala rito," reklamo ni Alastair habang sumisimsim sa binili nitong chocolate praf. "Kahit anong singa ko parang nanununtok yung amoy. Ang tapang."
Mahina akong natawa sa kanyang sinabi. Nakadungaw lang kami sa balustre at pinagmamasdan ang madilim na ilog.
Nang lingunin ko siya ay bumaba ang tingin ko sa kanyang tainga. Kumunot ang noo ko dahil napansin kong wala na ang hikaw niya roon.
"You get rid of your stud earrings?" tanong ko sa kanya.
Natigilan siya sa pagrereklamo at wala sa sarili na hinawakan din ang tainga niya.
"Nasira," mabilis niyang sagot.
"Sayang naman. Bagay pa naman sa 'yo."
Parehas kaming dalawa ni Alastair natigilan ng lumabas 'yon sa aking bibig. Hindi ko alam na sasabihin ko 'yon! Ano 'yon? Tinatraydor ako ng sarili kong bibig!?
I heard Alastair scoffed. "Sus. for sure naman kung ano-ano na ang sinasabi mo sa akin noon dahil sa stud earrings ko, tapos ngayon sasabihan mo 'ko bagay sa akin?"
Tinawanan ko lang siya at sumimsim sa iced spanish latte ko.
"Well. . . about that. I'm very sorry but you're right," nahihiya kong sagot. "Sinabihan ko si manang na ang jejemon mo dahil sa stud earrings." Isang malakas na singhap ang narinig ko mula sa kanya kaya nagulat ako.
"Backstabber!" tila nasasaktan niyang wika habang nakaturo sa akin.
Matalim ko siyang tinignan. "I said sorry, okay! Nakakainis ka naman kasi no'n. You are always annoying me. But as the times go by, I find it cool when you wear it."
"Sakit..." nagtatampo niyang saad.
Nakakainis! Para siyang nagbababy sa lagay na 'yan. I tried to talk to him, pero mukhang pinagtitripan niya pa ako na hindi pinapansin at tinuloy ang pagtatampo nito.
Never in my life I wooed someone!
Napakaswerte nitong lalaking 'to at sinusuyo ko pa siya. Mukhang tuwang-tuwa pa si Alastair dahil malaki ang ngisi niya nang maglakad kami sa parkingan ng motor para makauwi na.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Thank you so much, Alastair. I enjoyed the date today."
Nakababa na ako at hawak-hawak ko na ngayon ang helmet sa kabilang kamay. Habang siya naman ay inaayos ang mga plastic para mahawakan ko ng maayos, ito yung mga pagkain na pinamili namin sa Binondo.
"You're welcome—"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang maramdaman ko ang kanyang braso na pumulupot sa aking baywang para hapitin papalapit sa kanya. Doon ko lang din narealize na may sasakyan pala na mabilis na nagmaneho malapit sa pwesto naming dalawa.
"Kupal yung driver na 'yon, ah. Tsk," dinig kong bulong ni Alastair.
Nanatili siyang nakasakay sa kanyang motor, at ako naman ay nakatayo sa gilid niya. Magkadikit na magkadikit ang katawan naming dalawa habang ang palad ko ay prenteng nakalapat sa kanyang dibdib.
Wala sa sariling tinapat ko ang hintuturo ko sa kanyang labi at parehas na nagtagpo ang tingin namin sa isa't isa.
"That's bad. Why are you cursing?" I whispered.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinawakan ang kamay ko. I gulped; pakiramdam ko ay parang nahulog pa yata ang puso ko sa tyan ng maramdaman ang malambot niyang labi sa aking daliri.
He put a feathery kiss on my index finger while looking at my eyes.
"Sorry na po. Hindi na magmumura," mahina niyang tugon.
"Promise?"
"Promise..."
Para akong natulos sa kinatatayuan ko nang bumaba ang tingin niya sa aking labi. I became conscious right now! Oh my gosh! Is he going to kiss me? Hahalikan niya ako? Teka nga, bakit niya ako hahalikan!? We're not together!
I didn't even know kung may lipstick pa akong suot. Matte pa naman ang gamit ko, at baka mapansin niya na namamalat ang labi ko ngayon! Dapat pala nag-gloss na lang ako.
Oh my gosh, I'm so very nervous!
He's not even my boyfriend! Bakit kami mag kikiss?!
I feel like I'm a statue now that I felt his fingers on my chin, like he's ready to kiss my lips now. Nang umangat ang tingin niya sa akin ay muli na namang nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
Pansin ko ang kakaibang pagkislap ng kanyang mga mata. Hindi niya pinutol ang pagtitinginan namin sa isa't isa, at gano'n din ako.
Humigpit ang hawak ko sa kanyang tshirt. His head is now slowly leaning at me in silence, and I didn't know why I put my hands on his neck and slowly crawled to the back of it to hold his nape when I knew he was about to kiss me. Para may sariling utak ang kamay ko at ginawa ko 'yon.
"Alastair..." I whispered. Nanginginig pa ang boses ko ng banggitin ang kanyang ngalan dahil sa kaba.
I was about to close my eyes when I heard a voice. . . it's like clearing his voice by coughing.
Parang natauhan kaming dalawa ni Alastair dahil sa balak naming gawin. Masyado kaming nawili sa isa't isa at muntikan pa kaming maghalikan kung hindi ko narinig ang pamilyar na ubo.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si daddy na nakalabas na pala sa maliit na gate. Nakabihis na ito ngayon ng pantulog at nakahalukipkip. Malakas kong tinulak ang ulo ni Alastair papalayo sa akin at narinig ko pa ang mahina nitong daing.
"Aray..." daing niya.
"D-daddy!" kinakabahan kong sambit.
Mahina kong kinurot sa balikat si Alastair para magets niya agad ang nangyayari rito. Mabilis siyang napalingon sa gilid at nakita ko rin ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita si daddy.
"T-tito Arden," kinakabahang wika ni Alastair.
Agad niyang binaba ang stand ng motor at bumaba para magtungo kay daddy. Mabilis siyang nagmano at nagkakamot pa sa ulo dahil sa hiya.
"Good evening po, Tito Arden. Sorry po kung ngayon lang nakauwi si Isla. Traffic po kasi pauwi kaya nalate kami ng ilang oras," pagpapaliwanag ni Alastair kay daddy.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon at nahihiya na rin dahil nahuli niya kaming muntik na magkiss ni Alastair!
Atsaka bakit ba kasi ako muntik na rin mahulog sa gano'n niya!? Masyado akong nadadala sa mapupungay niyang tingin, eh!
"He's telling the truth, dad. Pumunta pa kasi kami sa bridge malapit sa binondo kasi maganda raw doon pagka gabi kaya nalate rin kami ng uwi," pag sapaw ko para na rin hindi mag-isip ng kung ano-ano si daddy tungkol kay Alastair.
Tumango nalang si daddy at mabilis na nilingon si Alastair.
"Okay. As long as you send Isla back here without bruise that's fine with me. Mauuna na ako sainyong dalawa at magpapahinga pa ako," sagot ni daddy.
Napalunok ako at dahan-dahang tumango na lang tumango. Pinanood naming dalawa si daddy na tahimik na pumasok sa bahay. Mabuti na lang at hindi na niya sinabi ang nakita niya kanina dahil hindi ko rin alam ang irarason ko.
"I'll go now, Alastair. And thank you again," pagpapaalam ko at hindi makatingin ng diretso sa kanya. "Stay safe and don't drive fast."
"Okay. I will. Good night," tugon niya at alam kong nakatingin siya sa akin dahil ramdam na ramdam ko 'yon. "And You're always welcome, Isla."
"Good night."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com