CHAPTER 2
CHAPTER 2
ADELINE ISLA RAMIREZ
"Can I have your name, please?"
"Adeline Isla Ramirez," tugon ko habang pinagmamasdan ang babae.
"Okay, just wait for a moment."
Sirang sira na ang araw ko ngayon kahit na hindi pa nagsisimula ang klase. Hindi rin nagtagal ay natapos din ang babae sa kanyang ginagawa kaya binigay niya na sa akin ang final and original copy ng schedule ko pati na rin ang registration form na dito na talaga ako mag-aaral.
"Okay na po, Ms. Ramirez. Next week puwede na kayong mag pa ID; not available pa kasi camera na gagamitin for picture kaya madedelay siya."
I nodded. "It's okay, miss."
"Thank you!"
Agad akong umalis sa pila at akmang maglalakad nang biglang marinig muli ang boses ng babae.
"Ms. Ramirez, after the dismissal, Mrs. Smith said to go straight to the department head office. Gusto ka raw niyang makita."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sure!"
Pagtingin ko sa wrist watch ko ay nanlalaki ang aking mata ng makitang mag aalas syete na! Lakad takbo akong lumabas sa lobby at nalagpasan ko pa itong si Cuss guy kasama ang clown niyang kaibigan na palaging tumatawa. Pero hindi ko sila pinansin.
Am going to be late! Nakakainis!
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"HM 2A... HM 2A... HM 2A."
Paulit ulit kong binabanggit ang section ko habang tinitignan ang madadaanan kong room. Pawis na pawis na ako kahit na gamit ko ang mini turbo air fan ko. Nakarating na ako sa third floor at nakalagay sa registration form ko na nandito lang ang aking room.
"Yes!" bulong ko sa sarili ng mahanap ang magiging room ko.
Inayos ko muna ang aking postura at sinuklay ang buhok bago buksan ang sliding door ng room. Agad na bumungad sa akin ang iilang estudyante. Meron sa harapan, gitna, at sa likod. Wala pang professor kaya medyo maingay pa.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil do'n. Siguro dahil kakasimula pa lang ng second semester ay baka wala munang lesson ngayon. For sure, ang gagawin lang naman ay, as usual, ang walang katapusang introduce yourself.
Nakita kong napatingin ang ibang students sa akin pero agad din na binaling ang paningin sa iba ng makalipas ng ilang segundo. Tahimik akong naglakad papasok sa loob matapos maisara ang sliding door bago ako maupo sa isang bakanteng upuan sa bandang dulo.
I took out my phone and took a picture of my registration form to send it to my mom.
To mom:
First day of class mom.
Ilang segundo akong nakatitig sa convo naming dalawa na ako lang naman ang nag-iingay roon. She barely replied to me; minsan ay seen lang, pero it's okay. At least she saw what I sent.
"Isla?"
Mabilis akong napalingon ng marinig ang hindi pamilyar na boses. Kumunot ang noo ko ng makita ang babae.
Maputi ito habang ang buhok niya ay maikli na hanggang sa leeg, kulay itim, at may micro bangs. Malawak ang kanyang ngiti at mabilis na naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Sabi na eh! Ikaw nga si Isla!"
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya na lang ako niyakap ng basta basta at nagtagal 'yon ng ilang segundo bago siya kumawala.
"I'm sorry I don't know you," naiilang kong tugon.
Nanatili lang siyang nakangiti sa akin. "I'm Minari! Baka hindi mo na ako natatandaan, kaibigan mo ako simula preschool."
Minari?
Tipid ko siyang ningitian at umiling. "I'm sorry, I don't really know you."
Ngumuso ito at nagmamadaling may kinuha sa loob ng bag. May nilabas siyang wallet at maya-maya ay pinakita niya 'yon sa akin.
"Ayan, oh. That's me and this is you!" nakangiti niyang wika. "Ayan yung picture natin noon nung christmas party. Nalaman ko kay Mrs. Smith na babalik ka raw dito kaya nagmamakaawa ako na ilipat ako sa magiging section mo para mag-reunite na kami ng long-lost best friend ko and finally nangyari na 'yon!"
Lumiyad ako ng kaonti para makita ang litratong sa wallet niya. Ako nga ang nasa picture no'n. I was wearing a bright sparkling pink tulle dress, samantalang si Minari ay floral na dress ang suot.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya dahil hindi ko talaga siya maalala.
"Okay lang kung hindi mo na ako masyado maalala, Isla. pero puwede naman na maging friends tayo ulit, 'no?" tanong niya sa akin.
Napatango na lang ako at hindi na napigilan na ngumiti. I like her; Minari has a bubbly person. Parang lahat yata ng makakasalamuha nito ay magiging kaibigan niya agad.
"Yay! Can I hug you again? I really miss you so much!"
"Sure, Minari," natatawa kong tugon.
"Just call me Nari. 'Yon ang palagi mong tawag sa akin noong bata pa tayo."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Usually ganito talaga ang nangyayari kapag first day of class. Wala masyadong gagawin para hindi tayo mabigla. Pero for sure by next week maglelesson na ang mga prof natin."
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Nari sa cafeteria dahil naubos na lang ang oras sa first sub at hindi na dumating ang prof namin. Right now we decided that we'll buy a snack here at the cafeteria before going back to our room.
"That's good too," tugon ko. "Atlis may ibang araw pa tayo para sa paghahanda sa lesson nila."
Handang handa na talaga ako dahil nakapag advance reading na rin ako sa ibang subjects ko. After I found out what my schedule is for this semester, agad na nagkaroon ng mga link para sa google classroom at doon naglalapag ang mga professor ng powerpoint sa kanilang lesson para makapag advance reading kami.
Kaya ang mga natitirang araw bago ang mismong pasukan ay nagawa ko nang basahin ang lahat ng 'yon kaya nagkaroon na ako ng idea sa mga gagawin at ilelesson nila para sa amin.
"Ano pa lang gusto mong kainin? Baka mag-reresbisco na lang ako, nauumay na 'ko sa mga paninda nila rito, eh," reklamo ni Nari.
Agad kong nilibot ang paningin sa mga binibenta nila. May mga rice meals naman sila rito, ang kaso nag-almusal naman na ako kanina kaya baka mag-biscuit na lang din ako.
"I'll take Hansel na lang," wika ko at nilingon siya. "Chocolate."
"Okay! D'yan ka lang, ah. Ako na lang ang pipila."
"Sure."
Gumilid ako at hinintay na lang si Nari dahil didiretso naman kami sa room kapag nakabili na siya. Umabot yata ng isang minuto ang pagpila nito dahil may mga nakasabayan pa kami. Katulad na lang nitong dalawang jejemon na 'to.
The Cuss guy together with his clown friend. Nakangisi na naman ang lalakeng itim na buhok habang ang kasama nitong kulot salot ay nakangiti, ang ngiti niyang mapang asar. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinaguusapan pero iritableng-iritable ako sa tuwing nakikita ko 'tong kulot na 'to.
He just literally ruined my first day of class here. Nakakabwisit siya.
After we bought our snacks, we headed back to our room together. Dahil sa third floor pa 'yon ay nagkanda ugaga na kami ni Nira sa paglalakad dahil may nag-chat na sa GC namin na nandoon na raw ang professor namin.
"Good morning, ma'am. I'm sorry we're late, bumili lang po kami ng snacks sa cafeteria—"
"Ma'am! Sorry kung na-late, humaba po kasi yung pila sa lobby kaninang umaga tapos ngayon sa cafeteria rin bumili kami ng pagkain."
"Alright, alright. Bumalik na kayo sa mga upuan niyo ng makapagsimula na ako," natatawang wika ng prof namin.
Oh gosh! Kapag minamalas ka nga naman, oh! The Cuss guy and kaibigan nitong clown ay classmate ko rin!?
Nice. just nice!
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com