CHAPTER 20
CHAPTER 20
ADELINE ISLA RAMIREZ
Adeline Isla:
Hi, mommy. It's been a weeks, im super sorry if hindi kita nakakamusta dito. Busy po sa school
I miss u na po
Please text me back mommy:(
To be honest im really scared. Si daddy kasi he's been coughing nonstop
Mommy come back na po sa house i miss you so much. I don't want this
Ayaw ko ng broken family mommy
I feel lonely
"Omg! Isla! Isla! Feeling ko ito na."
Awtomatikong umangat ang aking ulo ng marinig ang boses ni Nari na para bang kinikiliti sa tono ng kanyang boses. Ang kamay niya pa ay nakahawak sa balikat ko at inaalog-alog.
Mahina akong natawa at hinawakan ang kanyang kamay para maingat na alisin 'yon.
"Nahihilo ako, Nari," natatawa kong sambit.
"Hala, sorry!"
Napailing na lang ako at sabay kaming napatingin sa harapan ng classroom dahil pumasok ang mga student council sa department namin. A few days ago, nababanggit na sa akin ni Nari na magkakaroon daw ng seminar outing, at sa La Union daw 'yon.
Hindi pa nga sana ako maniniwala pero mukhang totoo ang sinasabi niya. May source raw si Ciro sa buong department, at alam nila ang mga events na paparating this year.
"Good morning, Valenians! We have a special announcement, and I hope you listen carefully. Our department—Hospitality Management—will be having a seminar outing titled 'Excellence in Hospitality: Passion Meets Profession' two weeks from now."
"The seminar outing will be held for two days and one night at a private beach resort in La Union. We encourage all students to attend, but it's completely fine if you choose not to. After the outing, participants will receive a certificate that can be added to your resume when you start applying for jobs."
Mahaba haba pa ang kanilang mga sinasabi. Nagkakaroon din ng kaunting katanungan sa magiging itinerary raw ng aming seminar outing, at agad naman na sinagot 'yon ng president ng student council ng aming department.
"Since it's two days and one night, gusto sana namin malaman kung sino ang sure na sasama for the seminar outing? Kindly list down your surname and section together with your roommate. Two persons per room with the same gender. Thank you!"
Muli kong naramdaman ang kamay ni Nari sa aking balikat. Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang mga mata niyang kumikislap sa tuwa.
I laughed. "Nari, oo na. Alam ko na ang sasabihin mo."
"Yes!" sigaw niya at tumayo sa kanyang kinauupuan.
Agad niyang inilista ang pangalan naming dalawa sa yellow pad at nilagay na rin doon na kaming dalawa ang roommate. Nanatili lang akong tahimik sa aking kinuupuan at pinagmamasdan ang mga classmate ko na sa tingin ko ay halos lahat kami sa section ay sasama sa seminar outing.
Si Alastair at Ciro ay nakapila rin at magkaakbay sa isa't isa na parang may romantic relationship. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan at hindi ko na namamalayan na nanatili lang na nakapako ang tingin ko kay Alastair.
Ilang araw na rin ang nakalipas nung muntik na kami mag kiss. It's really awkward at parang nahihiya pa ako na makita ang pagmumukha niya pero siya hindi.
Nagawa niya pang pumunta ulit sa bahay at nagpaka-feel at home. Gusto niya lang daw na bumisita sa bahay sa hindi ko malamang dahilan; may bahay naman 'tong tinitirhan pero dito pa sa amin siya tumambay.
Ang layo-layo ng Malaria sa subdivision namin!
Ang rason niya palagi?
'Sabi ng papa mo p'wede raw ako rito pumunta kahit kailan ko raw gusto.'
Napairap na lang ako sa ere dahil naririnig ko ang boses niya. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Alastair kay daddy at naging close sila to the point na binigyan na siya ng permission ni daddy na bumisita ng bahay kahit wala siya.
Nang matapos ang ibang subject namin, sakto ay may isang oras kami para mag-breaktime. Napagdesisyunan naming dalawa ni Nari na tumambay muna sa cafeteria para kumain.
Nakapag-almusal na ako pero bumili na lang ako ng chicken sandwich at juice dahil parang kinulang pa yata ako sa kinain ko kanina.
"Super excited na ako, Isla! Hindi ako makapaghintay na maging roommate ka sa outing natin," masayang sambit ni Nari habang ngumunguya ng pagkain.
"Kailan p'wedeng magbayad?" tanong ko sa kanya ng malunok ang kinakain ko.
Mabuti na lang ay magkatabi kaming dalawa kaya nagkakarinigan kami. Punong puno ng tao sa cafeteria at naririnig ko sa kabilang table ang mga pinaguusapan nila na tungkol din sa upcoming seminar outing.
"Ang alam ko p'wede na raw mag bayad ngayon. Ikaw ba? Kailan ka magbabayad?"
"Balak ko sana na sabay tayo," tugon ko.
Napatango siya. "Hmm. Sige, sasabihan kita kapag magbabayad na ako."
Ningitian ko lang si Nari at tinuloy na ang aming kinakain. Akala ko nga ay bubuntot dito si Ciro, ang kaso magkasama silang dalawa ni Alastair ngayon sa kabilang table.
Kasama nila ngayon yung mga circle of friends na nakita ko noon sa harap ng classroom. Isa roon yung babae na nakita ko na nagpapalakihan sila ng kamay ni Alastair.
I quietly observe them while eating my chicken sandwich. Kung hindi ako nagkakamali ay same topic din kagaya sa amin ni Nari ang pinaguusapan nila.
They are talking about the swimsuit; I know i'm not wrong. Ang babae ay may malaki ngiti sa labi habang nakatingala kay Alastair at parang umaakto sa susuotin niyang swimsuit, ang top lang ng swimsuit, tapos hahalakhak silang dalawa.
Naningkit ang mga mata ko dahil doon. Anong nakakatawa sa swimsuit? Talagang tuwang-tuwa pa 'tong si Alastair!
"What's funny about the swimsuit?" iritable kong bulong sa sarili. "Halatang gusto rin makakita ng gano'n."
"Huh? Anong nakakatawa sa swimsuit, Isla?" biglang pag singit ni Nari.
Mabilis akong napalingon sa kanya at umiling. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil nahuli niya akong kinakausap ang sarili.
"Oh. . . nothing," nahihiya kong tugon.
Kumunot ang noo ni Nari sa akin at bahagya pang gumalaw ang ulo na para bang naguguluhan sa akin. Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon at tinuloy na ang aking kinakain.
Bumaba ang tingin ko sa cellphone nang biglang nag-notif ang messenger ko. Agad kong kinuha 'yon at tinignan kung sino ang nag-chat.
Zayn Alastair:
Psst
Napairap na lang ako sa ere at agad na pinatay ang phone. Pero hindi ko pa 'yon naibababa sa lamesa ay tinadtad niya na naman ako ng chats. Napabuga ako ng hangin bago kinuha ang cellphone para muli 'yong buksan.
Zayn Alastair:
Lunes na lunes ganyang mukha. Wala pang byernes pero mukha mo pang byernes santo
Adeline Isla:
I don't fucking care
Zayn Alastair:
Huy. ikaw na nagsabi sa akin bawal mag mura pero ikaw nag gaganyan
Adeline Isla:
What's your problem again alastair? Bakit nangiinis ka na naman?
Why don't you focus on your new circle of friends?
Zayn Alastair:
HAHAHAHAHAH nagseselos ka ba?
Huy wag. may kinakausap lang kami ni ciro rito. Kakilala kasi namin
Adeline Isla:
Kakilala? The girl that flaunting her beach outfit at our seminar outing to you?
Agad akong binundol ng kaba at napatitig saglit sa cellphone ko ng mabasa ang chat. Balak ko na sanang idelete 'yon ang kaso nakita ko na naseen na ni Alastair 'yon kaya mabilis ko ng pinatay 'yon at kinalimutan na agad na may sinend akong gano'ng chat sa kanya.
This is so wrong. Why do I feel jealous? Nakakainis! Iritang irita ako.
"Isla? Are you okay? Namumula ka, eh," nagaalalang wika ni Nari.
Napalunok ako at tipid siyang ningitian. "Y-yes. I'm okay," nauutal kong sagot.
Ningitian niya lang ako at tahimik na tinuloy ang kanyang kinakain.
Pasimple kong sinulyapan sila Alastair sa pwesto nila. Parang sinuntok ang dibdib ko sa kaba ng makitang kanina pa siya nakatingin sa akin. Inirapan ko lang ito at tinaasan siya ng kilay.
Kung titingnan niya lang ako, ay mas mainam pa na titigan ko rin siya! Wala ni isa sa aming dalawa ang pumutol sa aming pagtitinginan.
Seryoso na ang kanyang mukha. Wala na ang mga pilyong ngiti sa kanyang labi. Maya-maya ay tinapik niya sa balikat si Ciro at parang may binulong pa. Pagkatapos ay nakita ko na tumayo si Ciro at nagpalit sila ng pwesto.
Ngayon ay puro lalaki na ang katabi ni Alastair at wala na roon sa babaeng classmate namin na nakita ko na nagpapalakihan sila ng kamay sa classroom.
Hindi ko na napigilan na umiwas ng tingin at tinuon na ang pansin sa ibang bagay.
Dahil ang bilis ng tibok puso ko ay hindi na sa kaba. May halo na 'yong kakaiba na parang nahihirapan na akong pigilan pa.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Thank you so much, Kuya Amelio," pagpapasalamat ko at bumaba na sa sasakyan.
"You're welcome, Ma'am Isla."
Ningitian ko lang siya at pumasok sa sala. Bumalot agad sa akin ang katahimikan kasama ang malamig na hangin na nanggagaling sa aircon.
Saglit akong napatulala sa kabuuhan ng bahay. Hindi naman gaano kalakihan ang bahay namin. Sakto lang para sa maliit na pamilya. . . a once small family that is now broken.
Isang buntonghininga ang aking pinakawalan bago magtungo sa hagdanan para makapagpahinga na sa kuwarto.
Tahimik lang ang aking lakad at kumunot ang noo ko nang makita si manang na nakadungaw sa maliit na siwang ng pintuan ng kuwarto ni daddy.
Hindi niya napansin ang presensya ko. Pero pinagtataka ko lang dahil ang aga na namang makauwi ni daddy.
"Magpahinga na lang muna kayo d'yan, Sir Arden. Aakyat na lang ako rito kapag iinom na kayo ng gamot niyo."
Kumunot ang noo ko dahil doon. Gamot? Para saan? May sakit ba si daddy—
"Ay, dios mio! Isla, nandito kana pala!" gulantang na sambit ni manang ng maisara ang pintuan ni daddy.
"Manang, what's really happening?" kunot noo kong tanong. "I'm confused here. Is he really okay?" tukoy ko kay daddy.
"A-ano. . . Isla, ayaw mo ba na magpahinga muna? Kakauwi mo lang hindi b-ba?" pagiiba ng topic ni manang at nauutal pa.
She is clearly avoiding my question. Sabay kaming napatingin sa nakasaradong pintuan nang marinig ang sunod-sunod na ubo ni daddy. Sobrang lakas no'n dahil naririnig talaga namin sa labas ng kanyang kuwarto.
"Manang, you're all hiding something from me. Ano ba talagang nangyayari?" unti-unting tumataas ang boses ko dahil doon.
Agad na nabalot ng pagkataranta ang muhka ni manang. Nauutal pa rin siya at nahihirapan kung ano ang kanyang sasabihin sa akin.
"Bakit hindi ka pa muna magpahinga ngayon, I-isla?" Naramdaman ko ang kamay ni manang na maingat niyang hinawakan ang aking braso at ginayak sa kuwarto ko. "Ipagluluto na kita ng pananghalian mo para makapagpahinga ka."
Nagmamadali siya sa kanyang sinasabi. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kuwarto ay akmang magsasalita na sana ako ng makitang wala na siya sa aking likuran.
"Manang—"
Halos hindi matanggal ang kunot sa aking noo habang nakatingin sa nakasaradong pintuan ng kuwarto ni daddy. May kung anong bumabagabag sa aking dibdib dahil doon.
I don't know; I feel scared and worried at the same time.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com