CHAPTER 21
CHAPTER 21
ADELINE ISLA RAMIREZ
"Thank God i'm done," hinihingal kong wika sa sarili.
Pabagsak akong naupo sa malambot kong kama at tinignan ang pink kong maleta na kasasara lang. It's already 3 am in the morning; muli ko lang sinilip ang mga gamit na nakalagay roon para masigurado ko na wala na akong nakalimutan na dalhin.
My uniform is already there because as soon as we get to the private beach resort at La Union, we need to change our clothes to our uniform. Dahil after a few hours magsisimula na raw ang seminar namin.
I'm wearing a white fitted cotton shirt and I partnered it with my oversized cream v-neck knitted cardigan. May design 'yon na malalaking pink flower na knitted din na dinikit sa mismong cardigan. Para naman sa pang-ibaba ay mom jeans lang 'yon at ang favorite white sneakers ko.
Nang alam kong tapos na ang lahat ay agad kong kinuha ang cute pink bow pattern tote bag. Doon ko na nilagay ang mga personal belongings ko. Charger, wallet, power bank, earpods, makeup kit, and many more.
Sunod sunod na notif ang aking narecieve sa messenger ng mahawakan ko ang cellphone. Mabilis kong binuksan 'yon at tinignan kung sino ang nag-chat.
Minari:
Isla! Good morning hihi nandito na ako sa school. Wait na lang kita na makarating ah
Omg! Super excited na ako. Tabi tayo ah?
Adeline Isla:
Sure. basta sa bintana ako
Minari:
Sige!
Adeline Isla:
I gotta go na. See u sa school!
Minari:
See u! Ingat sa byahe!
Adeline Isla:
Thank you!
Agad kong pinatay ang cellphone at nilagay sa loob ng totebag. Ang kotse ay nakahanda na sa labas ng bahay dahil ihahatid ako ni Kuya Amelio.
Hindi na rin ako nakapagpaalam sa iba dahil si manang na ang nagsabi sa akin na huwag ko na raw siya gisingin dahil gusto niya pang magpahinga. Kay daddy naman ay gano'n din.
Maybe I should update him while we're on the way to La Union.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon sa full-length body mirror. I can't help but squeal like a child. Ang cute ng outfit ko today! All pink!
Agad akong bumaba sa sala kasama ang maleta ko. Naabutan ko pa si Kuya Amelio na pumasok sa bahay kaya siya na ang nagbitbit no'n para mailagay sa compartment ng sasakyan.
"Kuya Amelio, thank you so much po talaga," masaya kong wika habang kinakabit ang seatbelt sa katawan.
Mahina siyang natawa. "Walang anuman po, Ma'am Isla. enjoy po kayo sa seminar outing niyo."
Hindi ko naitago ang excitement na nararamdaman ko. Malawak ang ngiti sa aking labi na tumango sa kanya.
"Of course! I will, kuya."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Nang makarating kami sa campus ay agad kaming pinapasok ng guwardya para roon na lang daw ako ibaba kung nasaan nakaparada ang mga mangingilang bus na nakapila sa gilid ng sidewalk sa building ng department namin.
Sa malayo pa lang ay nakita ko na agad si Nari na malawak ang ngiti at kumakaway sa amin; mukhang namuhkaan niya ang sasakyan. Bahagya pa siyang tumatalon-talon sa kanyang kinatatayuan.
"Si Ma'am Nari..." natatawang sambit ni Kuya Amelio. "D'yan na lang kita ibababa, Ma'am Isla?"
"Opo, Kuya Amelio."
"Lalabas ko na lang muna maleta niyo, Ma'am Isla."
I nodded. "Thank you so much, kuya."
Mabilis akong tumango at tinanggal ang seatbelt. Bago pa ako tuluyang makababa ay may kinuha muna akong isang daan sa wallet at iniwan sa dashboard—kung saan nakapatong ang kanyang wallet, doon ko na lang inipit ang pera—dahil kapag sa kanya ko mismo ibibigay 'to alam kong hindi niya tatanggapin 'yon.
Sinakbit ko na sa aking balikat ang tote bag at lumabas sa passenger seat. Mahina akong natawa ng maramdaman ang mainit na bisig ni Nari sa akin na akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita.
"Isla! Hindi ko ma-kontrol yung nararamdaman ko ngayon. Super excited na ako!" masaya niyang sambit.
Nakasuot siya ng backpack at may hawak pa na light blue na maliit na luggage. Ang damit naman niya ay simpleng white shirt sa loob, at pinatungan niya na lang ng light blue varsity jacket. May nakasakbit din na headphones sa kanyang leeg at may hawak sa kabilang kamay na neck pillow.
Nanlaki ang aking mga mata nang may nakalimutan.
"Oh my gosh!" Napasinghap ako at napahawak sa bibig.
Nanlaki ang mata ni Nari. "Anong nangyari? Bakit?"
"I forgot to bring my neck pillow!"
"Anong gusto niyo, Ma'am Isla? Balikan ko yung neck pillow sa bahay?" biglang singit ni Kuya Amelio ng mabigay niya sa akin ang pink kong luggage.
Isang buntonghininga na lang ang aking pinakawalan bago umiling.
"No need, kuya. It's okay. I think you can go home na para makapagpahinga kana rin. Thank you so much sa paghatid sa akin dito."
Ngumiti lang si kuya at tumango. "Sige po kung 'yan ang gusto mo. walang anuman rin, Ma'am Isla. Ingat kayong lahat sa byahe niyo."
"Ikaw din po, kuya!" sabay naming bigkas ni Nari.
Sabay kaming tumalikod at hinila na ang maleta para maglakad sa sidewalk. Napagpasyahan namin na maupo na lang muna sa mga nagkalat na waiting shed dito dahil wala pa ang coordinator na nagpapaakyat sa amin sa bus.
Sakto naabutan namin sila Alastair at Ciro na umiinom ng kape habang nakaupo sa waiting shed. Doon na kaming dalawa ni Nari na umupo.
"Wow. All pink," nakangiting wika ni Alastair sa akin habang hinihipan ang mainit na kape. "Parang lalayas kayong dalawa ni Nari sa lagay na 'yon. Two days and one night lang tayo roon; ipapaalala ko lang sainyo."
"Ewan ko sa 'yo, Alastair. Wait mo maranasan maging babae at magegets mo kami kung bakit ganito kami mag-empake ni Isla," tugon ni Nari at naupo sa tabi ni Ciro, nakikihigop na rin siya sa kape niya.
Inirapan ko na lang siya at walang nagawa kundi maupo sa kanyang tabi. Halos lahat kami ay nakasuot ng iba't ibang klaseng jacket. Pasimple kong tinignan ang suot ni Alastair.
He's now wearing an apricot crew neck sweatshirt and a white shirt inside. Sa pangibaba naman ay pinaresan niya lang 'yon ng gray sweatpants. Nakalabas ang suot niyang dogtag necklace na accessories, at nang umangat ang tingin ko sa kanyang tainga ay suot na niya ang stud earrings nito.
Kumunot ang noo ko dahil doon at wala sa sarili na inabot ang kanyang tainga para hawakan. Mukhang hindi inaasahan ni Alastair na gagawin ko 'yon kaya naibuga niya ang iniinom niyang kape. Mabuti na lang at hindi natalsikan ang suot naming dalawa.
"Uy, okay ka lang, Alastair?" tanong ni Nari.
"Ayos ka lang, pre?" segundo ni Ciro.
"O-okay lang. . . mainit. . . mainit pa rin yung k-kape," katwiran ni Alastair at pinanlalakihan ako ng mata ng lingunin niya ako.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at humalukipkip. "What? Akala ko ba nasira 'yang hikaw mo kaya hindi mo na sinusuot?"
"Bumili ako ng bago," tugon niya.
Inismiran ko lang siya at nanatiling tahimik sa kanyang tabi. Maya-maya ay narinig na namin ang boses ng isang babae; mukhang ito na ang coordinator. Isa-isa nang tinatawag ang bus number, at nang matawag ang sa amin ay sabay-sabay na kaming naglakad doon bitbit ang mga gamit namin.
"Ako na. Mauna ka nang umakyat sa loob," dinig kong wika ni Alastair ng hilain niya ang handle ng luggage ko sa akin.
Nagulat ako dahil doon kaya napalingon pa ako sa kanya pero agad din na natauhan ng makitang nakapila ang mga ibang kasabayan namin sa bus. Nauna akong umakyat at sumunod si Alastair. Pagkatapos ay si Nari naman at Ciro.
Naghanap na lang kami ng upuan at napili namin ang sa bandang dulo. Akmang kukunin ko na sana ang maleta sa kanya nang pigilan niya ako.
"Ako na nga sabi. Maupo kana d'yan. Ilalagay 'to sa taas, 'di ba?" tanong niya sa akin.
"A-ah, yes," nauutal kong sagot.
Okay, calm down, Isla! Tinutulungan ka lang niya, pero kung makareact ka naman ay parang ang overreacting na!
Habang abala si Alastair sa kanyang ginagawa ay walang kahirap-hirap na binuhat niya ang pink kong maleta at nilagay sa itaas kung saan doon lahat nilalagay ang mga gamit.
Tumaas ang sweatshirt at puting tshirt niya. Pilit kong umiwas ng tingin pero trinaydor ako ng sarili kong mga mata! My eyes settled on his toned stomach. Kahit saglit lang 'yon ay pakiramdam ko ay nag slow motion ang lahat.
I can also see the garter of the underwear that he's wearing while he's busy putting the luggage in the overhead storage. And I swear, I saw the glimpse of his thin trail of hair starting from his lower abdomen—and I know it goes all the way down!
I'm not naive about that. . . i'm not even innocent because I've already read a lot of erotic romance stories whenever I feel bored.
Why did I find that so beautiful on his body? Why did I find it so hot even though I haven't even seen his fully naked body? And why am I thinking like this?!
Why do I feel hot? Maybe it's because of the cardigan I'm wearing. Yeah... I'm right; it's because of the cardigan. Nothing more, nothing less.
Mahina akong napasinghap at sinampal ang pisngi. Oh my gosh, Isla! Bakit ganito na ang iniisip mo sa kanya!? Bad girl!
"Anong ginagawa mo sa sarili mo?"
Agad akong natauhan nang maramdaman ang kamay ni Alastair sa pisngi ko na alam ko na namumula na ngayon dahil sa pagsampal ko.
"Bakit mo sinampal mukha mo?" kunot noo niyang tanong sa akin.
Mabilis akong umiling at umiwas ng tingin. Niyakap ko ng mahigpit ang totebag ko at tumingin sa labas ng bintana.
"None of your business," I whispered. "U-umm. . . thank you, Alastair," nauutal kong pagpapasalamat.
Hindi ko na nagawang lumingon dahil sa kahihiyan at alam kong sobrang pula na ng mukha ko. Narinig ko ang mahina niyang tikhim bago hawakan ang aking ulo at haplusin 'yon.
"Sige. Nakapuwesto lang kami ni Ciro sa likod niyo ni Nari."
"Hmm. . . okay," tipid kong tugon.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Agad na natuloy ang byahe nang mapuno ng mga ibang schoolmates ang bus. Buong byahe rin akong tulog dahil napakalaking mahihiluhin kong tao sa bus.
Nakakunot na ang aking noo habang kinakausap ang sarili na huwag susuka dahil nakalimutan kong magdala ng plastic.
Habang iniisip 'yon ay muli na naman akong nakatulog dahil sa hilo. Naalimpungatan lang ako ng maramdaman na parang hindi na umaandar ang bus.
I slowly opened my eyes; doon ko lang napagtanto na nag-stop over na pala. Nasa parking lot na kami, at kumunot ang aking noo ng marinig na tahimik sa loob.
Napatuwid ako ng upo at kamuntikan pang magulat ng makitang si Alastair na ang katabi ko. Wala na si Nari sa aking tabi, at kutob ko na magkasama na naman silang dalawa ni Ciro.
"What are you doing here?" mahina kong tanong.
I don't even have the energy to talk because I feel nauseous.
Nahihilo pa rin ako at parang gusto kong masuka pero wala naman akong maisusuka dahil wala pa akong kinakain.
"Ikaw lang mag-isa rito sa bus kaya sinasamahan kita," tugon niya.
Napapikit ako at wala sa sariling humawak sa kanyang balikat. I groaned and closed my eyes tightly, fighting myself not to puke.
"Huy, okay ka lang?" natatarantang tanong ni Alastair.
Mabilis akong umiling. "N-no. . . I think i'm going to puke, A-alastair."
"Huh!? Wait! Teka! Kukuha ako ng plastic sa bag. Huwag ka munang susuka!"
Maingat ngunit mabilis niyang tinanggal angkamay ko sa kanyang balikat at dali-dali na kumuha ng plastic sa bag niya.
Sinunod ko lang ang kanyang sinabi at napahawak na lang sa aking bibig para pigilan ang sarili na huwag sumuka hangga't wala pang plastic. Makalipas ng ilang segundo ay agad niya akong binalikan.
Siya na ang humawak ng plastic at tinapat sa aking bibig. Doon ay hindi ko na talaga napigilan na sumuka sa plastic habang nasa harapan niya. Patuloy lang ako sa pagduwal at naramdaman ang kanyang palad na humahagod sa likod ko.
Agad din kaming natapos. Ako na ang nag-aya na bumaba sa bus para makakain na, kaya sinamahan niya na lang ako. Didiretso raw kami sa convenience store dahil nandoon daw sila Nari at Ciro.
"Okay ka na?" tanong ni Alastair habang naglalakad kami.
I nodded. "Yes. I'm just hungry na."
"Tara. Humigop ka nalang ng sabaw muna. For sure, may cup noodles doon," sagot niya habang naglalakad.
"And rice."
Mahina siyang natawa at tumango. "And rice," pag-uulit niya sa sinabi ko.
Agad kaming nakarating sa loob ng convenience store at nakita namin sila Nari. Nagsave sila ng dalawang upuan para sa amin para doon kami maupo mamaya.
Si Alastair na ang nag-aasikaso ng kakainin namin. Kaya ang nagawa ko na lang ay tahimik na naupo sa kanyang tabi habang inaayos ang magiging pagkain naming dalawa.
"May bonamine yatang dala si Ciro, Isla. hingi ka na lang para hindi ka masyado mahilo sa byahe," dinig kong wika ni Nari.
"Ay oo. Buti na lang nakapagdala ako. Mahihiluhin din kasi sa bus 'tong si Nari kaya nagdadala talaga ako para sa kanya," pagsingit ni Ciro.
Tumango ako habang hinahalo ang beef na cup noodles.
"Thank you. Manghihingi na lang ako mamaya kapag nasa bus na tayo," pagpapasalamat ko. Mabilis ko silang nilingon at ningitian.
Si Alastair naman na nasa tabi ko ay seryoso ang mukha na tinatanggal ang kanin sa supot at nilapit 'yon sa akin. Dumako ang tingin ko sa cup noodles niya na mas mabango pa sa akin. I think seafood 'yon. Hindi ko namalayan na ang tagal kong nakatitig doon.
"Gusto mo ba nito? Palit tayo?" tanong niya nang mahuli na minamata ko ang pagkain niya.
Agad akong natauhan doon at mabilis na umiling. Nagsimula na akong kumain habang napapatingin sa labas ng glass wall.
"Tikman mo muna yung akin kapag gusto mo palit tayo," pamimilit niya. Pagkalingon ko sa kanya ay nakatutok na pala ang kutsara na may sabaw sa akin.
"Hinipan ko na 'yan. Oh, subukan mo."
Nagkatinginan pa kaming dalawa at maya-maya ay wala na akong nagawa kundi tikman 'yon. I'm right, seafood nga. I find it very delicious rather than this beef flavor.
"Ano? Gusto mo? Palit na tayo?" tanong niya.
"Nabawasan ko na yung akin," sagot ko at bumaba ang tingin sa cup noodles ko.
"Sus. maliit na bagay. Akin na 'yan at kunin mo na 'tong cup noodles ko."
Nagswap na agad kami ng pagkain at muling namayani ang katahimikan sa aming pwesto.
Abala na kaming dalawa sa kinakain namin kaya nang sandaling lingunin ko si Nari at Ciro dahil nakalimutan ko na nandito pala silang dalawa sa tabi ko ay parang hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.
Mahinang siniko ni Nari si Ciro at sabay silang umiwas ng tingin. Sumisipol sipol pa nga!
Inirapan ko na lang silang dalawa. Narinig ko ang mahina nilang tawa kaya alam kong mangaasar na naman 'tong si Nari sa akin mamaya!
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
After a few hours, nakarating na rin kami sa La Union. Hawak-hawak ko ang handle ng maleta, at nakasabit doon ang pink kong totebag.
Nakapila kaming lahat dahil by number ng bus ang papasok sa buong resort. Nasa unahan ko si Nari at nasa likuran ko si Alastair, habang nasa likod naman ni Alastair ay si Ciro.
"Welcome to the Marahuyo Beach Resort, Valenians!" masayang wika ng coordinator.
Kahit na halos lamunin na ako ng panghihina dahil sa hilo sa bus ay napalitan naman na 'yon ng saya dahil sa wakas ay nakarating na kami.
I can't wait to see the beach of Marahuyo Beach Resort!
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com