Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

CHAPTER 22

ADELINE ISLA RAMIREZ

As soon as Nari and I got inside our own room, we immediately brought out our uniform. Agad naming inasikaso ang sarili. We fix our hair into a bun and put on some light makeup.

Mabuti na lang at merong available na plantsa para sa damit; ginamit ko 'yon para mas lalong ma-straight ang white polo longsleeve ko kasama ang black coat.

Hindi na agad kami nakapagpahinga dahil sinabihan na rin kami ng ilang professor namin na after a few minutes papasok na kami sa loob ng hall nitong resort para sa seminar.

Mabuti na lang at free ang coffee kaya nakainom pa kami no'n para kahit papaano ay malabanan ang antok.

"Alam mo hinihintay ko na lang na matapos 'tong seminar natin para makapaglibot libot na 'ko mamaya sa buong resort," wika ni Nari habang sumisimsim sa kanyang kape.

We're now at the lobby of the resort. Nakaupo kami sa mga available na upuan dito at paminsan-minsan naman ay nagmamasid sa kalmadong dagat. Wala masyadong alon pero kahit na gano'n ay naririnig ko pa rin ang paghampas ng tubig sa dalampasigan.

"Wala kang matututunan niyan kapag ganyan," pagbibiro ko.

Tinawanan niya lang ako at napailing na lang. Hinihintay na lang naming dalawa si Alastair at Ciro. Ang totoo niyan ay kanina pa yata silang dalawa nakabihis ng corporate attire, ang kaso may pinapautos sa kanilang dalawa ang isa sa mga professor namin kaya naging busy rin sila.

"Ako naman babawi ako ng tulog mamaya," nakangiti kong saad. "Ang sakit ng mata ko, kulang na kulang ako sa tulog kanina. You know what, I didn't sleep properly last night because of this. Nahawa ako sa pagiging excited mo."

Nagtawanan kami ni Nari at inubos na ang kape. Maya-maya ay nakita na namin si Alastair at Ciro na kalalabas lang sa isang hallway.

Parehas silang dalawa nakabihis ng uniform namin. Halos wala kang makikitang ni isang gusot sa damit nilang dalawa.

Nakatuck in sa black slacks ang white polo long sleeve ni Alastair, maayos na maayos din ang pagkakalagay ng black necktie at gano'n din ang black vest niya. Habang ang coat naman nila ay nakasampay sa kanilang braso.

Ang kulot niyang buhok ay naka-brush up ngayon para magmukhang pormal ang kanyang ayos.

While staring at him I can't help but be mesmerized by his looks today.

He really looks handsome. . .

"Tara na? Tapos na ba kayo d'yan?" tanong ni Alastair ng makalapit sa amin.

Sabay kaming tumango ni Nari at nilapag sa lamesa ang baso. Dinampot ko rin ang coat ko at sinampay sa aking braso bago siya lapitan.

"Tara. Mas mainam na sa loob na tayo maghintay. Hahaba na raw kasi ang pila mamaya, sabi nung isang professor natin," pag singit ni Ciro.

"Okay, okay. Let's go," pag aya ko.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Adeline Isla:

start na ng seminar dad

hindi na ako nakapag update ng makababa sa bus. kailangan na naming mag bihis ng uniform at asikasuhin ang sarili

Tahimik lang akong nakayuko at patuloy sa pag tipa sa keyboard ng aking cellphone dahil inuupdate ko na si daddy. For sure nag hahanda na siya ngayon para sa trabaho niya.

Daddy:

okay. enjoy your seminar tour there, Adeline

I have to go na anak. aalis nako papuntang work ingat ka dyan

Adeline Isla:

okay dad

you too take care

Daddy:

I will

Saktong pag kapatay ko ng cellphone ay agad na may nagsalita sa harapan ng hall. Doon na nagsimula ang seminar namin at marami pa silang mga sinasabi.

Sa isang table ay magkakasama kaming apat. Napapagitnaan kaming dalawa ni Nari ni Alastair at Ciro. May bakanteng apat pa na upuan at okyupado na 'yon ng mga kaibigan ni Nari. Ito yung mga nakilala ko sa place kung saan sila umiinom.

Wala ni isa sa aming lahat ang nagsalita. Maski itong katabi kong si Alastair ay nanahimik lang at nakinig.

Pero ang kamay niya ay hindi mapakali!

Naramdaman ko na lang ang kamay niya na nilalaro ang maliit na evil eye sa bracelet ko. Magaan ang kamay niya na patuloy siya sa pagkakalikot. Ginagawa niyang fidget something yung evil eye na bilog.

Kunot noong inangat ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi niya pa rin tinitigilan 'yon. Alam kong alam niyang nakatingin na ako sa kanya dahil imposible namang hindi niya mapapansin 'yon eh, magkatabi lang naman kami.

"Alastair—" I hissed but I didn't even get to finish my words when he interrupted me.

"Shh. Ingay mo, may nagsasalita sa gitna," saway niya sa akin na para bang hindi niya inaabala ang kamay niya sa kamay ko ngayon!

Pakiramdam ko ay parang nagsitalunan ang laman loob ko lalo na ang puso ko dahil sa sunod niyang ginawa. Parang nagcicircus sila sa loob ko nang maramdaman ang kamay ni Alastair sa akin; he smoothly intertwined our fingers.

Binging bingi na ang tainga ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng aking puso! Napalunok ako at hindi ko alam ang gagawin.

Gustong gusto mo rin na ginaganito ka, Isla?! Ano ba kayo? Nakikipagholding hands ka sa kinaiinisan mo?!

Hindi ko maalis ang paningin sa kamay naming dalawa na magkaholding hands. Last na ganito namin ay noong nag binondo kami pero matagal na rin naman na 'yon.

Suot na namin ang coat dahil sobrang lamig sa buong hall pero nangingibabaw ang init ng palad niya na unti-unti nang sumakop sa buong kamay ko. Kahit na gano'n. . . parang pakiramdam ko mas okay na ganito.

I didn't know but I find his warmth comforting on mine.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

After the seminar in this resort, we can finally take a rest in our designated room. Hindi ko na makausap ng maayos si Nari dahil sa pagod. Kahit na gusto kong bumulagta na lang sa kama na suot itong uniform namin ay hindi ko 'yon ginawa.

Tinanggal ko muna ang makeup ko at mabilis na naligo bago nagpalit ng pantulog. Nagsabi lang ako kay Nari ng 'I'll sleep,' at maya maya ay bagsak na ako sa kama ko at humihilik na sa sobrang pagod.

I didn't know how many hours I slept. Ramdam ramdam ko ang malambot na comforter na nakapatong sa aking katawan. I don't remember putting this on me as soon as I laid down on the bed.

Para akong nalulunod sa lambot ng comforter. Isama pa ang malamig na temperature ng aircon sa kuwarto namin kaya mas lalong napasarap ang tulog ko.

Ang bigat sa katawan ko kanina ay unti-unti nang gumagaan ngayong nakapagpahinga na ako.

Finally! I can start my day now, ng hindi nagmumukhang robot.

Pagkabangon ko sa kama ay napatingin agad ako sa glass sliding door dahil nakahawi na ang kurtina na nagsisilbing takip doon. Nanlaki ang aking mga mata na makita si Nari, Ciro, at Alastair na mukhang nagkakasiyahan sa kanilang kinauupuan.

Maingat akong nagtungo sa banyo. Naghilamos agad ako at nagtoothbrush para lumabas. Dumiretso agad ako sa kanila, sabay-sabay na dumako ang paningin nilang tatlo sa akin ng makalabas ako.

"Isla! Kumusta ang tulog? Okay, kana ba?" nakangiting bati ni Nari sa akin ng makaupo ako sa tabi ni Alastair, 'yon lang ang may bakanteng upuan.

Maganda ang napunta sa aming kuwarto. Beachfront 'yon at itong pinagtatambayan nila ay open lanai. Ang kalmadong dagat kanina ay wala na; may hindi gaanong kalakihang mga alon akong nakikita ngayon.

At may mga pamilyar na mukha na galing sa school akong nakikita na nagsisimula ng magtampisaw sa dagat.

Teka anong oras na ba? Grabe ang tirik ng araw ngayon. Kahit na nakasilong kami sa lanai ay ramdam na ramdam ko ang singaw no'n sa bubong.

"I'm good. Nakabawi na rin ng tulog," masaya kong tugon.

Halos silang tatlo ay nakabihis na pang-summer samantalang ako ay nakapantulog pa rin.

Alastair and Ciro are topless but the shorts that they're wearing had a summer designs. Hot pink lang ang kay Alastair, samantala ang kay Ciro naman ay light blue.

"Isla, gusto mo?" alok ni Ciro.

Nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak siyang beer in can. Tumawa lang silang dalawa ni Nari ng makita ang reaksyon ko.

"Wait. Is that even allowed here? Like, are we allowed to drink here?" tanong ko at napalingon kay Alastair na nakababa na pala ang tingin sa akin.

Itong lalaking 'to mukhang artistahin ang datingan niya, nakasuot siya ngayon ng black shades. May hawak din siyang beer in can sa kabilang kamay niya at sumimsim doon.

Gosh, ngayon ko lang nakita ang hubad niyang katawan at sa malapitan pa! Namumula ang katawan niya dahil sa init kahit na hindi pa nakabilad. Mabilis akong umiwas ng tingin at tinuon ang pansin sa ibang bagay.

"Puwede naman basta walang makakahuli at magsusumbong," natatawang tugon ni Ciro. "Ano, gusto mo ba? May beer pa sa kuwarto namin ni Alastair—"

Hindi natapos ni Ciro ang kanyang sinabi nang may lumipad na shades at nag-landing 'yon sa dibdib niya.

"Hindi pa nga nakakapananghalian. Alak agad ipapainom mo d'yan."

Nangibabaw ang tawa ni Nari dahil sa ginawa ni Alastair at kinuha ang shades sa dibdib ni Ciro bago isuot.

Humalakhak si Ciro at awtomatikong inakbayan si Nari. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makitang mabilis niyang hinalikan si Nari sa pisngi bago magsalita.

"Ay, sorry naman. Hindi ka pa pala nakakakain, Isla," paumanhin ni Ciro.

"It's okay. Magpapa-room service na lang ako ng pagkain. What time is it?" tanong ko.

"Alas tres na ng hapon," sagot ni Alastair.

Nanlaki ang mata ko dahil doon. "What!?" sigaw ko ng lingunin siya.

Agad akong napatayo at pumasok sa loob ng kuwarto para magpa-room service na ng pagkain. Kaya pala ramdam na ramdam ko na ang t'yan kong parang kumukulo.

I need to eat before I swim later!

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Naghintay lang ako ng ilang minuto bago dumating ang pagkain na pina-room service ko. Chicken ala king with rice ang inorder ko at isang fries. Hindi ko na naabutan ang free lunch nila dahil nakatulog na ako kaya nag-order na lang ako.

Gano'n pa rin ang puwesto namin. Si Alastair ang katabi ko samantala ang dalawa naming kaibigan ay may sarili ng mundo sa kanilang kinauupuan.

Tahimik lang akong kumakain at pinopokus ang sarili sa pag-ubos ng pagkain para magkaroon na ako ng energy para sa ganap namin mamaya.

Ang daming kakilala ni Alastair. Daig niya pa ang president ng student council namin dahil sa tuwing may mga schoolmates na nadadaan sa lanai para magtungo sa dagat ay binabati nila si Alastair.

Minsan naman ay si Alastair ang bumabati. Inaaya na siyang maligo sa dagat pero tumatanggi pa siya.

"Do you want this?" alok ko sa kanya ng fries. Hindi ko maalok sa kanya ang chicken ala king ko dahil gutom na gutom ako.

Mabilis na bumaba ang tingin niya sa akin at umiling.

"Hindi na. Alam kong kulang pa sa 'yo 'yan," natatawa niyang tugon.

Inirapan ko na lang siya at tinuloy ang aking kinakain. Naramdaman ko ang kanyang daliri na nilalaro ang dulo ng suot kong top na pangtulog. Hinayaan ko lang siya at kumain na lang.

Maya-maya ay ang pamilyar na mga magbabarkada ang nakita kong papalapit sa amin. Agad kong tinago ang pagkagulat sa aking mga mata nang makitang ito yung circle of friends na kinakausap nilang dalawa ni Ciro sa cafeteria.

Lahat sila ay nakasuot ng pang swimming attire. As usual, bikini naman para sa mga babae.

"Pre, Alastair! Tara swimming na!" aya ng isang lalaki ng makalapit sa lanai namin.

"Alastair! Let's take a dip! Come on!" pag singit ng babae, ito yung nagpapalakihan sila ng palad.

Wala sa sarili na kumunot ang aking noo ng marinig ang kanyang sinabi. Alam kong nakabusangot na ang mukha ko habang nakatingin sa kawalan, pero ang kawalan na 'yon ay ang pwesto nila Nari at Ciro.

Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi ko na naitago sa kanilang dalawa ang itsura kong iritable dahil sa babaeng nag-aya kay Alastair. Inipit ni Nari ang dalawa niyang labi at pinipigilan ang sarili na huwag tumawa kaya mahinang tinapik ni Ciro ang kanyang hita dahil doon.

"Alas, come on. Hindi na masyado mainit, oh. Let's go," dinig kong wika na naman ng babae.

Bahagyang nahila ang suot kong damit dahil hinila ng babae ang braso ni Alastair ng may pwersa. Nanatili pa rin kasing nilalaro ni Alastair ang dulo ng top ng pantulog ko kaya ayon ang nangyari.

Girl, you better get your hands off him.

"Pre. May billiards din daw na available roon. Ano tara ba?" singit ng isa nilang kasamang lalaki.

"Tsk," irita kong wika. Hinawakan ko ang kamay ni Alastair at padaskol na tinanggal 'yon sa aking damit.

Matalim na titig ang binigay ko bago umusog papalayo sa kanya. Nakita ko ang tingin niya sa akin, at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkabigla dahil doon.

"Why don't you go with them, Alastair?" hindi ko na naitago ang inis sa tono ng aking boses. "Dinidistorbo niyo yung pagkain ko. I can't even enjoy eating my food because it's too noisy and we're being cramped with your friends." I even emphasized the word of friends just to let him know I'm already pissed.

"Excuse me, miss. Natural nasa resort ka kaya maraming tao. Anong sa tingin mo kami pa mag-aadjust para sa 'yo? Kung gusto mo pala ng tahimik na lugar, bakit hindi ka sa sementeryo kumain?" pag singit ng babae na mas lalong ikinapintig ng aking tainga dahil sa inis.

"Hey, itigil mo na nga 'yan," pag singit ni Ciro sa babae.

"Isla. . ." malambot ang boses ni Alastair ng banggitin ang pangalan ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ng babae.

"Ano ba?!" irita kong singhal sa kanya. "Sumama kana nga sakanila ng hindi kana dumugin dito," pangtataboy ko sa kanya.

Binuhat ko ang plato pati na rin ang fries para magtungo sa loob ng kwarto pero bago pa 'yon ay isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Hinarap ko ang babae na may matalim pa rin na titig sa aking mga mata para alam niya na kuhang kuha na niya ang inis ko.

"And excuse you too, miss. I'm not even talking to you, so you better shut your mouth. Have some manners and mind your own business. Wala bang nagturo sa 'yo na huwag sumabat sa usapan kung hindi ka kinakausap?" malamig kong sambit sa kanya at tinignan siya simula ulo hanggang paa.

Hindi ko na hinintay ang sunod niyang sasabihin pero alam kong namumula na rin siya sa inis.

The feelings are mutual! I know I'm already red as a tomato now because she's been pissing me off! Sa classroom pa lang, simula noong nagpapalakihan sila ng kamay ni Alastair.

"Uy, Isla!" dinig kong habol sa akin ni Nari ng makapasok ako sa loob ng kuwarto.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Sure ka ba na okay ka na?" tanong ni Nari ng makaupo kami sa mga nagkalat na lounge chair sa dagat.

Napabuntong hininga ako at nilapag ang woven basket bag ko sa maliit na lamesa bago maupo.

"Yes. I'm so sorry about what happened, Nari," mahina kong wika sa kanya.

Mahina siyang natawa at umiling. "Ano ka ba. Okay lang 'yon. Pero grabe nagulat ako ro'n, ah. Ngayon lang kita nakitang nagalit."

Napailing na lang ako at humiga sa lounge chair. Tinanaw ko na lang ang magandang dagat sa harapan namin. Kahit papaano ay nakalma ako no'n.

A few hours later, we've decided to change our clothes into our swimsuits.

I'm wearing a two-piece pink ombre with a tropical floral print. May kasama na 'yong cover-up sa bandang ibaba na puwedeng itali na lang para kahit papaano ay magmuhkang disente pa rin ang suot ko.

While for Nari, she's wearing a light blue marble design two-piece too, ang kaso tube type ang top niya. May design lang 'yon na starfish accessories sa gitna ng tube at sa gilid din ng panty ng bikini. May cover up din 'yon na kagaya sa akin at parehas naming suot 'yon.

Napanguso na lang ako habang nakatingin sa kanya. I envy Nari now; she can wear a tube-type bikini top. Hindi ako makasuot ng gano'n dahil sa dibdib ko.

Nari has big boobs but mine are bigger. So whenever I'm wearing a bikini, my two babies need support.

I didn't want to give everyone a boob show. So either the top of my bikini has a wire, or it needs to have more fabric.

"Alam mo masyado ka ng halata."

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Nari. Nang lingunin ko siya ay abala na siya ngayon sa pagpapahid ng sunscreen sa kanyang mukha.

"W-what?" nauutal kong tanong.

"Ikaw kay Alastair," sagot niya.

Umismid ako. "Walang halata sa akin kay Alastair," pag tatanggi ko.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Sus. ako pa ang lokohin mo. Alam mo, kayong dalawa na ni Alastair ang topic namin ni Ciro sa convo namin."

"Umamin kana. Halatang may gusto ka sa kanya, eh," muli niyang panunudyo.

Agad na nanlaki ang aking mga mata at umiwas ng tingin. Naramdaman ko agad ang pamumula ng pisngi ko dahil doon.

"Of course not! Gawa gawa ka ng kwento."

Humalakhak lang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita. Pero ang mga tingin niya sa akin ay alam kong may ibig sabihin kaya inirapan ko lang siya.

Napatulala na lang ako sa dagat nang mag-sink in sa isip ko ang sinasabi ni Nari.

Nauna na siyang nagpaalam sa akin na maliligo na siya kasama si Ciro. Pinanood ko pa silang dalawa na tumatakbo patungo sa dagat habang nakapiggybackride si Nari sa likod ni Ciro.

Me? I have feelings for Alastair!? Gosh! Of course not. Why would I even—

"Ano na, Alastair? Maligo kana, tara samahan mo 'ko. Nandoon na nga sila, oh."

Napantig ang tainga ko ng marinig ang boses ng babae. Talagang hindi niya pa tinatantanan si Alastair!

Maingat kong binaba ang suot kong summer straw hat na may pink ribbon at sinuot ng maigi ang sunglasses ko para hindi nila ako mukhaan agad.

"No. Mauna kana ro'n. May hinahanap lang ako—"

"Mamaya na 'yan. Tara na! Ang saya-saya nila roon, oh," matinis ang boses ng babae nang tumawa.

Pakiramdam ko sasabog ang eardrums ko dahil doon. Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang kamay ko sa hawak kong bottle ng sunblock.

Mabilis kong binitawan 'yon at baka magulat na lang ako na lumipad na 'to sa pwesto nila.

Mabilis kong nilingon ang kanilang pwesto. Nakaangkla ang kamay ng babae sa braso ni Alastair na para bang may namamagitan sa kanilang dalawa.

Agad din akong napahiga sa lounge chair at wala sa sariling napahawak sa aking dibdib. I felt like it was fisting my heart; parang sumisikip ang dibdib ko at may kirot doon.

Good thing that I'm wearing my sunglasses because I didn't even know why my tears started to pool in my eyes!

Agad na humapdi ang mata ko dahil sa kapipigil sa sarili na huwag tumulo ang pinipigilan kong luha!

Oh my gosh... I want to cry right now. It really hurts. I can feel my chin trembling, and whenever I try to gulp, there's a lump in my throat that I can't get rid of.

Why does it hurt? Bakit ako naiiyak?

Am I catching feelings for him?

Am I catching feelings for Alastair? I'm starting to like him?

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com