Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

CHAPTER 23

ADELINE ISLA RAMIREZ

Agad kong inayos ang aking sarili. I blink my eyes rapidly to stop the tears from falling. I pull myself together and even comb my long, jet-black hair to regain my composure. I take a deep breath and place a hand over my chest.

What if it's true? What if I've already developed feelings for him?

Halos hindi na ako makabangon sa pagkakahiga ko rito sa lounge chair dahil sa iniisip ko. Okay fine, iniisip ko na si Alastair!

Iniisip ko na ngayon na gusto ko na siya. At yung mga nararamdaman kong inis para roon sa babae na halata namang nagpapa goodshot or nagpapacute sa kanya ay selos na 'yon.

Mahina kong sinabunutan ang sarili dahil doon.

Talagang na-fall ka sa mga asar-asar niya, Isla?!

Patuloy pa rin ako sa pagtatago sa kanila hanggang sa hindi ko na namamalayan ang mga minutong nagdaan. Naririnig ko pa rin ang boses niya, pakiramdam ko ay parang nakadevelop pa ako ng ability kapag si Alastair ang usapan.

Naririnig ko ang boses niya sa isip ko.

Kanina hinahanap niya ako pero ngayon ay hindi na! Hindi ko alam, parang naiinis ako; dapat pala ay tinawag ko na lang siya noong nakita ko na kasama niya yung babae nang mahiwalay siya roon.

Nanatili pa rin akong nakahawak sa aking dibdib ng maramdamang ang bilis ng tibok no'n. I really can't deny that I really like him. My heart keeps beating so fast while thinking about him!

Kulang na lang ay mag-malfunction ang buong sistema ko sa tuwing pumapasok sa isipan ko si Alastair.

"Nag mumukmok ka na naman d'yan. Kanina pa kita hinahanap, dito lang pala kita makikita."

Napalunok ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. It was him. . . the guy that I like now.

Naramdaman ko na umupo siya sa gilid ko habang ako naman ay nanatili pa rin na nakahiga.

Hindi ako nagsalita. Umusog ako papalayo sa kanya pero sa tuwing umuusog ako ay siya naman 'tong papalapit sa akin! 

"Galit ka ba?" bigla niyang tanong. "Usap tayo."

Hindi pa rin ako umimik. Naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na pumalibot sa aking braso para hilahin papunta sa kanya.

I didn't react. Dahil kahit na gustuhin ko mang makawala sa kanya ay may kung anong meron sa aking dibdib na tuwang-tuwa kapag sinusuyo niya ako.

"Oh."

The next thing he does is completely unexpected—I felt a chill run through my body when I felt something soft that he placed on my lap.

Nanlaki ang mata ko at napasigaw dahil sa gulat. Kamuntikan pa akong mahulog sa lounge chair at makipag-face-to-face sa buhanginan kung hindi niya hinawakan ang baywang ko.

"Gosh! Alastair! Anong ginawa mo sa isda?!" irita kong singhal.

Mabilis kong dinampot 'yon sa hita ko at tumayo para magtungo sa dagat. I didn't even know what kind of fish this is. I'm not sure if this is a Tuna or what.

Habang lakad takbong nag tungo roon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Alastair at sunod sunod na binanggit ang ngalan ko.

"Uy! Isla! Isla! Anong gagawin mo d'yan!" Habol niya sa akin.

"Putting the fish back in the ocean!"

"Patay na 'yan! Bakit mo itatapon d'yan!"

"Because that's where they belong!"

I squealed left on my mouth as I felt his strong hands on my waist. Hindi man lang siya nahirapan na buhatin pabalik sa kinauupuan namin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako," singhal ko at mahinang hinahampas ang kanyang braso na nakapalibot sa akin.

"Sayang kung itatapon mo." Kinuha niya sa akin ang isda at nagulat na lang ako na patay malisyang binulsa niya 'yon sa kanyang short. "Pulutan namin ni Ciro 'to. P'wede raw mag ihaw, eh."

"Galit ka pa rin ba?"

"Stop wooing me, Alastair. Sanay ka naman na galit ako sa 'yo, hindi ba?" sikmat ko.

Naramdaman ko na sumiksik na naman siya sa akin kaya nanlisik na naman ang mga mata ko sa kanya. Late ko na rin na-realize na nakasuot ako ng shades kaya napabuga ako ng hangin bago tanggalin 'yon para ipasok sa loob ng woven bag ko.

Habang siya, kinuha niya ang suot kong summer straw hat at sinuot 'yon na parang pagmamay-ari niya.

"Hindi ako sanay," reklamo niya.

Kitang kita ko na ngayon ang kanyang itsura ng malinaw. Namumula ang mukha pati na rin ang dibdib niya dahil sa sikat ng araw. Nakasilong pa lang kami nito pero parang tocino na siya sa pula paano pa kaya kapag naligo na 'to sa dagat?

Namayani ang katahimikan sa aming puwesto. Magkatabi kami sa lounge at parehas na nakatingin sa malawak na karagatan.

"You're reassuring me that there's nothing to feel jealous about. . ." panimula ko habang nakatanaw pa rin sa dagat. "What are we? Ano ba tayo kung inaassure mo ako na wala ako dapat ikaselos? If you're just my frenemy, then you don't need to assure me, Alastair."

I can see that he is staring at me now in my peripheral vision. Pero hindi ko alam kung anong reaksyon ang meron siya. I don't know, but. . . I feel scared.

"Frenemies don't hold hands or intertwine fingers, Alastair. They don't go on random dates or say things like you'll visit my house anytime. That's not how frenemies act—and you know it," seryoso kong usal.

"If we're frenemies, then let's just keep bickering like we always do. Let's not cross any lines—nothing more, nothing less."

"And It's really funny to think that hinayaan ko ang sarili ko na gawin mo yung paghawak mo sa kamay ko. . . Acting like we're in some relationship or relationshit. . . and I'm so stupid to feel like I'm enjoying it."

Napalunok ako at unti-unting pumapasok sa aking utak na umaamin na ako sa kanya. Napayuko ako at niyakap ang tuhod ko. Narinig ko ang paglintak ng dila ni Alastair sa inis kaya napalingon ako sa kanya.

"Kitang nakapanty ka tapos gaganyan ka," inis niyang saad at naupo na siya ngayon sa harapan ko kaya magkaharap na kami. Hinarangan niya ang harapan ko gamit ang katawan niya.

Doon nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa. Agad na nanlambot ang mga mata nito. Ang inis kanina ay agad na naglaho ng parang bula.

"Isla—"

"Alastair, I can't deny that I'm feeling jealous over her. The moment that she's comparing her palm to you, I swear. I have never been pissed off in my entire life. But I don't have the right to complain because you're not mine," diretsahan kong usal. "Anong karapatan ko na magmaktol sa 'yo, hindi naman kita boyfriend."

Hindi siya nakasalita sa sinabi ko. Nakita ko ang pag-awang ng mapula niyang labi, and I want to slap my face for wanting to kiss his lips badly.

This is not you, Isla! My gosh, you're a bad girl!

Tinaasan ko siya ng isang kilay at naiinis na tinulak ang mukha niya papalayo sa akin. Para siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Now what? I know you already know what I'm trying to say. You're not dumb, Alastair. For sure, hahangin ka na naman n'yan kasi umamin ako sa 'yo," sambit ko at humalukipkip.

"I don't want to take this any longer, Alastair. We're not kids anymore—we're not in high school anymore. Gusto ko malaman mo agad na gusto kita para kung sakaling marereject mo 'ko at least hindi na masakit para sa akin—"

Hindi ko natapos ang aking sinabi nang pigilan niya ako sa pagsasalita gamit ang malambot niyang labi. He pressed his soft and reddish lips on me. Nanatiling nakalapat lang 'yon at nanlaki ang aking mata dahil sa ginawa niya.

Ganito na ba sobrang kabilis magkatotoo yung gusto kong gawin sa kanya kanina?

I can feel the heat rush towards my face. Nang maghiwalay ang labi namin ay parehas na ngayon na namumula ang pisngi naming dalawa. Mas lalo naman ang tainga niya!

"Anong irereject?!" reklamo niya. "Naghahanap lang ako ng tiyempo umamin sa 'yo, Isla. Inunahan mo lang ako. Hindi kita irereject kahit maldita ka."

Muli ko siyang inirapan, unti-unti akong napanguso at pilit na tinago ang ngiting gustong mamutawi sa aking labi.

"Naghahanap ng tiyempo para saan? Nag hawak kamay na nga tayong dalawa tapos muntik pa tayong mag kiss kung hindi lang tayo nakita ni daddy tapos naghahanap ng tiyempo?"

"Nahihiya pa kasi ako—" sagot niya.

I groaned and slightly punched his chest.

Tumawa lang siya at hinuli ang aking kamay at pinatakan ng magagaan na halik doon.

"Gosh, you better like me back, Alastair. I've never, ever confessed my feelings to someone like this before! Ako pa talaga ang unang nag-confess sa ating dalawa? Gosh! This is so embarrassing."

"Atsaka, anong nahihiya? Ikaw? Mahihiya? Eh, ang kapal nga ng mukha mo kung asarin ako," sikmat ko sa kanya.

Humalakhak si Alastair at naramdaman na lang ang kamay niyang sumiklop sa palad ko.

"Shit. Isla. . . hindi ko na itatago sa 'yo pero kinikilig ako sa banta mo," nakangiti niyang sambit sa akin.

Ang mga ngiti niya ay halos abot hanggang tainga. Kitang-kita ko ang dalawang pangil niya dahil sa sobrang tuwa niya.

"Can I hug you?" bigla niyang tanong sa akin.

Parang may sariling utak ang aking ulo. Tumango na lang agad siya ng marinig ang sinabi ni Alastair. Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang kanyang braso na pumalibot sa aking katawan.

"I like you too, Isla. Gustong gusto kita. . . matagal na," bulong niya sa akin. "Hindi pa ba halata na ikaw lang yung inaasar ko? Tuwang tuwa ako kapag nakikita kong namumula ka sa inis. Ang cute mo kasi kung hindi ka chihuahua para kang cherry bomb sa plant vs. zombie na malapit ng sumabog—aray!"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang mahina kong kurutin ang tagiliran niya. Tumawa lang siya at maya-maya ay isang malambot na bagay ang dumampi sa noo ko; he kissed my forehead and hugged me again.

"Your love language is always teasing me! Nakakainis ka," usal ko at unti-unti na ring niyakap siya pabalik.

"Ayaw mo ba no'n, mahal?" mapang asar niyang tanong habang magkayakap kami. "Gano'n kita kamahal. Kahit anong love language pa 'yan. Kahit mag-imbento ka pa ng bagong love language na meron lang sa bokabularyo mo, ibibigay ko 'yon sa 'yo."

Natulala ako saglit ng marinig ang huli niyang sinabi. There my heart again; she's beating so fast like a bitch. Ang landi niya rin.

Alam na alam niya kung paano rumupok kay Alastair. Kagat labing sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at tinago ang pamumula ng aking pisngi.

"Mahal?" I whispered. "You call me that?" maliit ang boses ko ng magsalita.

Umalog ng bahagya ang kanyang dibdib, tumatawa ito. Sinuklay niya ang itim at bagsak kong buhok.

"Ayaw mo ba? Ay shit, sorry. Tayo na ba? Ay wait, ikaw pala umamin. Pagiisipan ko pa—Aray! joke lang, mahal."

There he goes again. The call sign that he calls to me. Parang may nagliliparang mga paru-paro sa tyan ko ng marinig ulit 'yon sa labi niya. Kahit na may mapang-asar sa tono ng kanyang pananalita kapag binabanggit niya 'yon ay parang awtomatikong lumalambot ang tono ng boses niya.

"Are we in a relationship now?" I asked.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Muling nagsalubong ang mga tingin namin sa isa't isa.

"Gusto mo na ba?"

Napalunok ako at sinubsob ang mukha sa dibdib niya bago niyakap muli.

"I want you now, Alastair."

"Teka lang, ah. Pa sure nga kasi baka mamaya ibang meaning na 'yan. Alam mo naman hehe, nahihiya kasi ako first time ko pa."

Matalim na titig ang binigay ko sa kanya at tumatango-tango na lang siya habang umaakto na zinipper ang bibig.

"I want you to become my boyfriend now," pag uulit ko. "Gosh, you always love to ruin our moment."

"Huy, ang cute cute nga ng moment natin, eh. Masaya ako sobra," malawak niyang tugon.

Mahigpit niya akong niyakap at muling hinalikan sa noo.

"Ito ang gusto ko. Yung binabakuran ako, sa susunod talian mo yung leeg ko ng dog leash para alam nila kung sino ang amo ko—"

"Why would I even do that!" pag pigil ko sa kanya.

Gosh! Hindi pa umaabot ng isang oras ang relationship naming dalawa, pakiramdam ko tutubuan na ako ng uban sa kanya.

"Masaya lang ako, mahal," nakangiti niyang sambit at parang binalewala lang ang sinabi ko kanina.

"Mahal na talaga tawag mo sa akin?" tanong ko.

Ngumiti siya at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa mukha ko. Yumuko siya ulit at muling hinalikan ang noo ko.

"I love calling you mahal," he whispered. "Gusto mo ba ng gano'n? Ano ba gusto mong call sign? Baby? Bebu? Babu? Love? Honey? Babe?"

Mabilis akong umiling at muli siyang niyakap.

"Mas okay na ang mahal. I like it."

"Okay, mahal!"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com