Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

CHAPTER 24

ADELINE ISLA RAMIREZ

After the long heart-to-heart talk with each other. We've decided to swim in the ocean. May mga bagay rin akong nadiskubre sa sarili ko na ngayong alam ko sa sarili ko na may namamagitan na sa aming dalawa.

I didn't know I was clingy. The whole time that we spend a lot of time on a beach until the sun sets. I am always clinging to his arms. Mukhang okay lang naman sa kanya kaya hinayaan ko lang na nakaangkla ang kamay ko sa kanyang braso.

It's just really weird. . . and it's new to me that I'm so easily comfortable with him. Dapat nga mahihiya pa ako ng kaunti dahil hindi pa naman kami matagal pero hindi ko alam sa sarili ko na ang komportable ko na agad sa kanya.

Ang mga gamit namin ay naiwan lang kung saan kami nakapwesto sa lounge chair ng maligo kami sa dagat. Ngayon Magkahawak kamay kaming dalawa na naglalakad sa dalampasigan at paminsan-minsan ay nagtatampisaw.

Hindi ko nakita sila Nari at Ciro. Para silang naglaho ng parang bula simula noong nag-usap kami ni Alastair tungkol sa kung ano na bang meron sa aming dalawa. Dahil do'n, mas lalong humaba ang oras na magkasama kaming dalawa.

Sa dulong bahagi ng resort meron kaming nabiling buko juice. Hindi 'yon trinansfer sa mismong lalagyan; we're going to drink the juice in the coconut.

Before we finally go back to our room, we roam again for the last time and stop over at the souvenir shop. I buy a magnet design that has the name of the resort written on it; I'm going to put this on our refrigerator.

Majority naman ang nabili ko ay keychain. Binilhan ko si daddy and Kuya Amelio ng wallet. Para naman kay manang ay boho woven bag. Angklet naman para sa akin at kay Alastair, and lastly are the t-shirts.

"Angklet for you." Nilahad ko sa kanyang harapan ang white seashell na design na angklet para sa kanya.

"And a bracelet for you," nakangiti niyang tugon.

Nag-swap kami at parehas na sinuot 'yon.

Thank god the anklet suits him well. Sa kabilang kamay ko sinuot ang bracelet and it's really cute!

"Thank you for this, Alastair," I whispered.

Mahina siyang natawa. Kinuha niya muna ang mga pinamili ko at siya na ang nagbitbit bago hawakan ang aking kamay.

"You're welcome!" magiliw niyang tugon.

Tuluyan nang madilim sa labas. May mga mangingilan na fairy lights na nakasabit sa mga puno ng buko. Mas lalong umangat ang beach vibes dahil doon.

"Hatid na kita sa kuwarto niyo para makapagpahinga ka na," sambit niya.

I nodded. "Okay."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Where were you and Ciro a while ago, Nari? Hindi ko kayo nakita kanina!"

Abala ako ngayon sa pagboblower ng aking buhok dahil katatapos ko lang maligo. Nakasuot na rin ako ng pink silk pajama set at inaabala na ang sarili sa pagtutuyo ng buhok ko.

"Nasa kabilang dulo kami ng resort! May fire dancing daw eh kaso nung tinignan namin wala raw. Apaka mema talaga nung iba."

Awtomatikong napangiti ako at pinatay ang blower bago lumabas sa banyo. Naabutan ko siyang nakahiga sa sarili niyang kama. May facemask na nakalagay sa mukha niya at nakatutok sa cellphone.

Tahimik akong naglakad papunta sa kanyang kama at nahiga sa tabi. Agad naman siyang umusog ng kaunti para makahiga ako ng maayos, pasimple pa akong sumilip sa phone niya at nakita ko na naguusap sila ni Ciro.

"Na-lock na ba yung sliding door?" Bumaba ang tingin niya sa akin ng makitang nakatanaw ako ngayon sa cellphone niya. "Sabi ni Ciro, ilock daw kung hindi pa. Inutusan siya ng boyfriend mo."

Agad akong pinamulahan ng pisngi ng marinig 'yon sa kanya. Mahina kong hinampas ang kanyang braso na siya namang ikinatawa niya.

This girl! Parehas lang sila ng pinsan niya. Ang hilig mangasar!

"Anong na nangyari sa inyo? Parang kanina lang nung nag-sunblock ako sinasabihan na kita na umamin kana sa kanya kasi halata ka na masyado tapos aayaw ka pa. Tapos ngayon may plot twist!? Ano 'tong nabasa ko sa chat ni Ciro kayo na raw ni Alastair," aniya.

Humaba ang aking nguso at naiinis na nilayo ang kanyang mukha sa akin. Dahil doon ay binalot ng kanyang halakhak ang buong room namin.

"I confessed na okay. Nakakainis kasi at naguguluhan na rin ako. We often do the things that people in relationships do. Alam mo bang niyaya niya ako mag binondo date—"

"Sumama ka?" pagputol niya sa aking sinabi.

I nodded. "Y-yes."

"Ayon. Marupok."

Matalim na titig ang binigay ko sa kanya.

"He visited me in our house. Ang lakas na ng loob no'n, Nari, kasi may permission na siya ni daddy na puwede siyang pumunta ng bahay kahit kailan niya gusto. He also assured me about the other things and there's no reason to feel jealous."

Napabuntonghininga na lang si Nari at napailing. Pigil na pigil ngayon ang tawa niya dahil may facemask siyang suot. Ang kaninang paghalakhak niya ay nahulog 'yon sa kama kaya hindi na niya inulit 'yon.

"Kaya ikaw na ang umamin?" she asked.

"Oo." Napabuntonghininga ako. "Natatakot pa 'ko no'n na baka ireject niya ako, pero it's okay if that's happened. Rejection is a normal experience."

Totoo naman na normal ang rejection sa buhay. If ever he rejects my confession from a while ago, that's totally fine with me. . . I think it really hurts a little bit. Kasi, it's my first time confessing to someone I like.

There's a part of me that needs to say that to him just to get rid of this heavy feeling on my chest. Nakakainis naman din kasi na bakit ako nagseselos, wala naman kaming relasyon. Kapag nasabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya, okay na 'yon.

I just have to deal with the consequences of my confession to him, but thankfully, our feelings for each other are the same.

I unconsciously held my chest where my heart is. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko dahil iniisip ko na naman siya.

"Alam mo kaya tinutulak kita na umamin sa kanya kasi alam kong hindi ka irereject no'n. Patay na patay 'yon sa 'yo, Isla," natatawa niyang saad. "Matagal na. . . kung alam mo lang."

Humaba ang nguso ko at niyakap na lang siya. Naramdaman ko ang mahinang pinisil ni Nari sa aking pisngi at mahina siyang natawa.

"Ang cute mo talaga, 'no?"

"I'm so happy, Nari..." I whispered. Pilit kong tinago ang ngiting gustong sumilay sa aking labi.

"Congrats, may boyfriend ka na. Waiting sa landian niyong dalawa ni Alastair sa harap naming dalawa ni Ciro. Basta bawal make out—"

"Gosh, Nari! Why would you think like that?" naiinis kong sambit sa kanya.

Tuluyan ng nahulog ang kanyang facemask dahil bumulaghit na siya ng tawa.

"Try niyo. Masarap."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Are you sure? Bakit hindi mo sila tanungin?" nagaalalang tanong ni Nari sa akin.

After many long hours of talking about Alastair and our relationship, I finally opened up about the problem that keeps bugging me. I already talked about this with Alastair; alam niya na rin na broken family rin kami.

Alam ko naman na doon na rin papunta ang topic na 'yon dahil sa pagaalala ko na may nililihim sila manang sa akin kaya hindi ko na rin tinago sa kanya ang tungkol doon.

Malalim na ang gabi at lumalalim na rin ang usapan naming dalawa sa aming kuwarto.

"I tried. Pero ayaw naman magsalita ni manang tungkol doon. Sigurado ako na may tinatago talaga sila dahil sobrang iwas si manang sa mga tanong ko tungkol kay daddy."

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin na lang sa kisame.

"I'm scared and worried about him. . . and to be honest, I'm not really a good daughter to him," I whispered.

Nilingon ko si Nari. patagilid siyang nakahiga sa akin habang nakatukod sa gilid ng kanyang ulo sa palad niya kaya medyo nakaangat ng kaunti ang kanyang upper body.

"Isla..."

Tipid ko siyang ningitian. "I'm blaming him for something. I blame him for why our family fell apart. Lagi kong pinapamukha na kasalanan niya kung bakit nakipag-divorce si mommy sa kanya. . . kung bakit lumayo si mommy sa amin."

I tried to remember that night. Kaso sobrang malabo na sa isipan ko ang kaganapang 'yon. Ang natatandaan ko na lang ay si mommy na nagmamakaawa na maghiwalay na sila ni daddy pero ayaw ni daddy dahil nandito raw ako. . . na paano raw ako.

Masyado halo-halo ang lahat, at sa tuwing iniisip ko 'yon ay sumasakit lang ang ulo ko.

Itong pagkakaibigan nga namin ni Nari ay hindi ko na rin matandaan. Siguro dahil mga bata pa naman kami kaya gano'n, naniniwala rin naman ako na super closed friends ko siya dahil sa mga pictures na pinakita niya sa akin noon nung unang punta ko sa bahay nila.

"Ang nakakainis lang sa part na 'yon kasi parang wala lang sa kanya. Na sa tuwing kinakausap ako ni daddy parang wala siyang kasalanan na ginawa," seryoso kong wika habang si Nari ay tahimik na nakikinig sa akin. "I don't want this. I'm not happy having a broken family. I'm still craving some motherly love. I miss her. I miss my mother."

Naramdaman ko na lang na nasa bisig na ako ni Nari. magaan ang kanyang yakap habang sinusuklay ang mahaba at itim kong buhok.

And just like that, I can feel my tears rolling down to my cheeks. Hindi ko namalayan na tahimik na pala akong lumuluha habang nakayakap na sa kanya. Wala silang tigil sa pagtulo. Nanginginig ang baba ko dahil sa pagluha at naninikip ang dibdib sa pagpipigil na huwag kumawala ang hikbi sa aking labi.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ang pakiramdam ko na parang may nakadagan na iilang hollowblocks sa dibdib ko ay nawala na. Pero yung bigat sa dibdib ko sa isang dahilan na gusto kong makasama ulit si mommy ay kahit kailan ay hindi mawawala.

"Naiintindihan ko na ganyan ang nararamdaman mo sa daddy mo, Isla," bulong ni Nari.

"And I'm sorry na naranasan mo yung ganyan. Every child doesn't deserve to have a broken family. And you know, habang buhay na dadalhin ng isang tao ang sugat na iniwan ng pagkasira ng isang pamilya. Nabanggit mo rin sa akin na sinusubukan mong kausapin si mommy mo, na baka may pag-asa pa. May parte pa rin sa'yo na umaasa na baka mabuo pa yung nasira ng daddy mo."

Tahimik lang akong nakinig sa kanyang sinabi. Her smooth voice somehow soothes the ache that I'm feeling in my chest. Marami pa siyang sinasabi sa akin at kahit papaano ay tumahan na ako.

Being an only child, ang sarap at saya lang sa pakiramdam na parang may nakakatanda akong kapatid at si Nari 'yon. She's like comforting her little sister that's having a mental breakdown.

"Naiitindihan kita. Alam ko ang nararamdaman mo dahil may kilala rin akong ganyan. . . na broken family rin. And I think you'll understand each other, Isla."

Agad na napatingin ako sa kanya dahil doon. Tipid niya lang akong ningitian. Kumunot ang aking noo at pilit na iniintindi ang kanyang sinabi.

Understand each other? Who? Wala akong ibang kilala na broken family bukod sa sarili ko at super close pa.

"Alastair came from a broken family, Isla."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com