Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25

CHAPTER 25

ADELINE ISLA RAMIREZ

The next day, as usual, Nari and I, together with our boys, roam around the whole resort. Parehas naming pinuntahan ang magkabilaang dulo ng beach. Medyo malayo siya pero ayos lang, nakakaenjoy maglakad-lakad habang nilalasap ang amoy maalat na simoy ng hangin.

Dahil hindi pa nila napupuntahan ang souvenir shop na pinasukan namin ni Alastair, ay sinamahan namin sila. At ayon, nakapili rin ng mga souvenir na puwedeng bilhin.

Hindi kami aabot ng gabi rito kaya maaga pa lang ay gumising na kami. Parehas kaming apat na nakasuot ng swimwear at sabay na naligo sa dagat.

We didn't stay for long. Nang sa tingin namin ay mukhang nasulit naman namin ang pagligo at paglilibot sa resort. We've decided to go back to our room and packed our things.

Nang okay na nagpahinga na lang kami. Dahil mga bandang 1 pm ay kailangan nakaakyat na kami sa bus para makabalik na pa-North Caloocan.

The boys—Alastair and Ciro—dinala na nila ang mga kanilang gamit sa loob ng kuwarto namin, dahil para sabay sabay na lang kaming lalabas mamaya.

After we settled everything, Alastair and I ended up cuddling in my bed while I was scrolling through Facebook. Nakatulog na nga siya habang kayakap ako at hinayaan ko lang 'yon.

It's okay with me. . . Wala naman kaso sa akin na gano'n siya. In fact, I find it very cute. Matagal ko siyang pinagmamasdan habang tulog.

Payapa ang bawat paghinga niya, halatang malalim na ang tulog. Bahagyang nakaawang ang mapula niyang labi. His lashes are thick and lush. Halatang natural 'yon sa kanyang mga mata.

Habang nasa gano'ng posisyon—Me, sitting and resting my back against the headboard of my bed, and Alastair, lying on my upper body and using my chest as his pillow—while I stared at him for the longest time and appreciated his handsome face. Unti-unti ring bumibigat din ang talukap ng aking mga mata at hindi ko na namalayan na nakatulog na rin.

Nagising na lang din ako dahil sa boses ni Alastair at kalabit. Aalis na raw kami at kailangan nang umakyat ng bus. Sabay kaming apat na lumabas na at nakipila sa mga nakapilang estudyante sa lobby area ng resort.

Agad din kaming nakapasok sa loob ng bus. At ngayon ay bumabyahe na kami pabalik ng North Caloocan. Ibababa pa rin kami sa school, at nasabihan ko na rin si Kuya Amelio tungkol doon.

"Mahal."

Mabilis akong napalingon sa maliit na butas sa gilid ko ng maramdaman ang daliri ni Alastair sa aking pisngi. Naiinis na tinapik ko ang kanyang kamay dahil iniipit niya 'yon.

"Ano ba!" I hissed. "That hurts," sikmat ko.

Mahinang tawa ang aking narinig bago niya haplusin ang kinurot niyang pisngi ko.

"Gagalit agad, cherry bomb. Uminom kana ba ng bonamine? Ganyan ganyan ka ngayon tapos mamaya tatawag ka ng uwak n'yan," dinig kong pang-aasar niya.

Inirapan ko siya at mabilis na sinilip sa maliit na butas. Parehas kaming nasa bintana nakapuwesto.

"I already drank that thing, Alastair."

Umiwas na agad ako ng tingin at inayos ang upo. Akala ko ba naman ay titigilan niya ulit ako pero hindi pa pala.

"Ay, very good ka d'yan, mahal. Dahil d'yan may kiss ka sa akin—"

"Alastair!" I hissed. "Stop talking. Ang daming nakakarinig."

Muli ko siyang sinilip sa butas at pinanlisikan ng mata. Kunwaring napaawang ang kanyang labi at hinawakan ang dibdib na akala mo ay sinaksak siya ng hindi niya inaasahan.

"Sakit..." mahina niyang wika. Nilingon niya si Ciro na busy sa panlalandi sa kaibigan ko. "Ganito pala kapag tinanggi, Ciro. Haha, okay lang, hindi naman masakit."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at lumuhod sa kinuupuan ko para dungawin siya. Nanatili pa rin siyang nakahawak sa kanyang dibdib.

"Huh?" naguguluhang tanong ni Ciro na para bang kakalabas niya lang sa sariling mundo na ginawa niya para sa kanilang dalawa ni Nari.

"Ganito pala 'no? Grabe, ramdam ko yung kirot. . . sakit. . . pait. . . at sikip ng dibdib ko—aray."

Napadaing siya nang mahawakan ko ang kanyang kulot na buhok. Tinawanan niya lang ako bago hulihin ang aking kamay para patakan ng maliit at nakakakiliting halik.

And I swear, I can feel the hair on my arms and nape rise because of what he does.

"Init agad ulo ni mahal. Joke lang hehe." Agad niya ring tinigil ang pang-aasar sa akin pero nanatili pa rin nakakunot ang noo ko.

"Pahinga kana d'yan o 'di kaya matulog kana muna. Baka kasi mahilo ka pa ng sobra kapag galaw ka nang galaw. Gigisingin na lang kita kapag nag-stopover na tayo."

Agad na nawala ang kunot sa aking noo ng marinig ang malambing at malambot niyang boses. Natagpuan ko na lang ang sarili na tumango sa kanya at dahan-dahang naupo.

Wala sa sarili na sinuot ko ang hoodie ng black jacket ni Alastair. Yes, he let me borrow his jacket. Dalawang outerwear ang dala niya. Suot niya pa rin naman ang sweater niya dahil hindi pa naman 'yon nadudumihan.

Humaba ang aking nguso na hinila ang string no'n para matakpan ang buong mukha ko dahil sa isang bagay na sinabi niya.

Dahil d'yan may kiss ka sa akin.

I was looking forward to that kiss.

Baliw na ba ako kung iisipin ko na sana meron ako n'yan mamaya?

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

We arrived at our school around 8 in the evening. Sobrang traffic sa EDSA pati na rin sa NLEX kaya natagalan pa kami. Ngayon ay naglalakad na kaming apat sa sidewalk ng campus para makalabas na ng gate.

"Hintayin ka namin na makasakay sa kotse mo, Isla, bago kami umuwi," nakangiting wika ni Nari sa akin.

Nakasakbit ang backpack sa kanyang likod at si Ciro ang may hawak ng luggage niya. Gano'n din naman sa akin pero kanina lang.

Ako na sana bibitbit ng pink kong tote bag kaso kinuha ni Alastair dahil siya na raw ang magbubuhat.

Agad akong natigilan. "Are you sure? Ayaw niyo ba na mauna na lang kayo? I know you all are tired."

"Okay lang, Isla. Kasabayan din naman namin 'tong si Alastair kaya hintayin ka na lang namin," segundo ni Ciro.

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa kanilang sinabi. Wala sa sarili na tiningala si Alastair na kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Malumanay ang tingin ng mga mata niya sa akin at hindi ko maiwasan na maramdaman na parang nakikipagkarerahan sa bilis ang tibok ng aking puso.

Biglang bumaba ang tingin ko sa labi niyang namumula. Is it bad that I kind of want to kiss those lips—

"Ma'am Isla..."

Kamuntikan na akong mapatalon sa gulat ng marinig ang boses ni Kuya Amelio. Saktong kapaparada niya lang ng kanyang sasakyan sa harapan namin.

"Hello po, kuya!" sabay na bati nilang tatlo.

Napalunok ako at agad na umiwas ng tingin ng muling magsalubong ang tingin naming dalawa. Para siyang tuta na nawawala habang pinagmamasdan niya ako.

Like he's wondering what's wrong with me and why I act like this.

Oh my gosh, Isla! This is not you. Bakit mo gustong ikiss si Alastai—no! I have the right to do that because he's my boyfriend now. I can kiss him whenever I want!

"Hello!" masayang bati ni Kuya Amelio. "Mukhang nag-enjoy kayo, ah."

"Ay. Oo naman po, kuya. Nakakapagod nga lang pero nag-enjoy naman kami."

Nag-usap-usap pa kami ng ilang segundo hanggang sa napagpasyahan na nila na umuwi na raw ako para makapagpahinga na rin.

Naghintay lang si Nari and Ciro sa sidewalk at sabay na kaming naglakad ni Alastair sa kotse.

"Grabe, kuya. Alam mo bang ginawa akong porter nito ni Isla," usal ni Alastair sa pabirong tono.

Matalim na titig ang binigay ko sa kanya bago hablutin ang totebag na nakasukbit sa balikat niya, pero sinigurado niya na hindi ko makukuha 'yon.

"Hindi naman kita inutusan na bitbitin yung mga gamit ko," sikmat ko sa kanya bago irapan.

"Nagbibiro lang ito naman galit agad, cherry bomb." Hinaplos niya muna ang aking buhok habang tumatawa.

Siya na ang naglagay ng pink luggage ko sa compartment ng sasakyan. Iniwan niya lang ang tote bag sa akin dahil kinuha ko 'yon.

Siya na rin ang nagbukas ng pintuan sa backseat para makapasok na ako sa loob. Agad niya rin 'yon sinara bago magpaalam kay Kuya Amelio.

"Kuya, ingat kayo ni Isla."

"Ingat din kayo, Sir Alastair."

"Naku, Alastair na lang, kuya. Close naman na tayo," mahinang tumawa si Alastair bago magtungo sa bintana ng backseat.

Mabilis kong pinindot ang maliit na button sa gilid para bumaba ang bintana. Isang malawak na ngiti ang binigay niya sa akin, isang ngiti na nakakahawa. He looks like he grins like a sly fox. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang buhok ko.

"Ingat kayo, mahal," he whispered.

I nodded silently.

Nagtagal kami sa pagtitinginan sa isa't isa. Hindi nakatakas sa aking paningin ang mabilis na pagsulyap niya sa labi ko. Muling bumilis ang tibok ng aking puso. May kung anong umiikot sa aking t'yan dahil sa nararamdaman ko.

Napansin ko rin ang paglunok niya dahil sa lalagukan niyang tumaas at bumaba. I know he was tempted to kiss me, nahahalata ko 'yon sa kanya. But he didn't want to do it.

I awkwardly looked away, but he held my hand. Hinayaan ko na lang gawin niya 'yon at nagpaalam sa huling pagkakataon bago ako talikuran pero hindi 'yon natuloy.

Hinila ko ang kanyang kamay at agad siyang humarap sa akin na may kunot sa noo.

"Anong meron?" tanong niya.

"Kiss. Where's my kiss?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Nanlaki ang kanyang mata at parang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Alanganin siyang tumawa at mabilis na nilingon si Kuya Amelio na abala ngayon sa kanyang cellphone.

"S-si kuya—"

Tumikhim ako at binalingan ng tingin si Kuya Amelio.

"Kuya Amelio," tawag ko sa kanya.

Sumulyap siya sa akin.

"Ano po 'yon, Ma'am Isla?"

"I just want to say that Alastair and I are in a relationship," mabilis kong lintayan.

Sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang labi at tumango-tango.

"Ay talaga po ba, ma'am?" magiliw niyang tugon. "Congrats po sa inyong dalawa!"

I thanked Kuya Amelio before I looked back at Alastair. Bakas na bakas pa rin sa kanyang mukha na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Dumako ang tingin ko sa gilid ng kanyang pisngi. Pulang pula ang tainga niya. Hindi maitatago ni Alastair ang nararamdaman niya dahil nakikita ko ang ebidensya.

"Kuya Amelio already knows our relationship, Alastair," I whispered.

"I want my kiss. Give it to me," I demand.

Humaba ang kanyang nguso at unti-unting sumilay ang pinipigilan niyang ngisi. Hindi ko kinaya, kusa na akong napangiti dahil nahawa ako sa paraan nito kung paano ngumiti.

Yumuko siya. Nilapat niya ang kanyang mapula at malambot na labi sa akin. Mabilis lang 'yon, it's just a quick kiss. Pinisil niya ng mahina ang ilong ko habang nakatingin sa akin.

"Kainis ka, mahal. Alam na alam mo kung paano ako kunin, ah. Nilalandi mo ako," natatawa niyang sambit.

Sa kalaunan ay naramdaman ko ang paglapat ng kanyang palad sa aking pisngi at gumagawa ng circle motion ang hinlalaki niya roon habang hindi inaalis ang paningin sa akin.

"Chat ka sa akin kapag naka uwi kana, ha? Mamahalin pa kita."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Mga 9 pm na kami nakauwi sa bahay. I even looked excited because I want to show them all what I brought from that resort.

Kumunot ang aking noo ng maabutan sila manang at daddy na naguusap sa open kitchen namin. Nakababa ang tingin nila sa counter ng kitchen island at seryosong nakamasid doon.

Tahimik akong naglakad hanggang makalapit sa kanila.

"I'm home. . ." unti unting humina ang aking boses at tinignan sila ng makita ang mga nakalapag sa counter. "What's that?"

Agad silang napatingin sa akin. Halatang hindi inaasahan na sumulpot ako sa harapan nila. Gagawa pa sana ng paraan si manang na itago ang mga gamot pero pinigilan siya ni daddy.

Mas lalong nangunot ang noo ko. Why does he look so pale? Nakangiti siya ng makita ako pero ang tamlay ng mga mata niya.

I can't guess what's medicine is in the table. I can identify them. Sobrang dami ang nandoon at majority ay hindi pa nabubuksan. Sa gilid no'n ay isang malaking med box na may mga maliliit na divider sa loob, parang doon nila ilalagay yung mga gamot para mabilis na lang kuhain kapag iinumin na.

"Dad. . . manang," palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Welcome home, Adeline," nakangiting bati ni daddy ng malapitan ako, hindi man lang niyang nagawang sagutin ang tanong ko maski si manang.

Ningitian lang ako ni manang at inabala na ulit ang sarili sa pagliligpit ng gamot na nakapatong sa counter. Tahimik niyang nilalagay 'yon sa med box.

Napayuko ako ng maramdamang ang yakap ni daddy at ang paglapat ng kanyang labi sa noo ko.

"What's that, dad? That a tons of medicines," kunot noo kong tanong.

"That's for my vitamins, anak. Atsaka hindi na rin bata si daddy mo kaya sinama ko na rin ang maintenance dahil s'yempre gusto pa kitang makasama ng matagal," malambing ang tono ng kanyang boses ng sagutin ang tanong ko.

I gulped. There's something in my chest that I can't really convince myself to believe about what he said. May kung anong bumabagabag sa sarili ko. Hindi ako mapakali. Alam kong may mali.

"Dad. Can you just tell me—"

"It's super late na, Adeline. Why don't you go to your room so you can take a rest and sleep?" pagputol niya sa aking sinabi.

Sinamahan niya akong makarating sa hagdanan. Nagdadalawang isip pa ako kung susundin ko siya o hindi, pero nang utusan niya si Kuya Amelio na iakyat na ang luggage ko sa taas ay wala na akong magawa kundi magtungo na sa kuwarto ko.

"Amelio, can you bring Isla's things to her room? Para makapagpahinga na rin 'tong anak ko."

"Okay po, Sir Arden."

Hindi na ako nagsalita. Nanatili na lang akong nakatingin kay daddy na may kwestyon pa rin sa ekspresyon ng aking mukha.

I hate this feeling.

I hate the fact that I have a hunch that they're clearly hiding from me.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com