Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

CHAPTER 26

ADELINE ISLA RAMIREZ

That strange dream I had after losing consciousness while Alastair and I were heading to the clinic appeared again.

Ngayon halos lagi kaming magkasama ni Alastair, at mas lalong marami at iba't ibang senaryong sobrang labo sa alaala ko ang pumapasok sa aking isipan.

Kaya hindi ko rin maiwasan na hindi sumakit ang ulo ko sa tuwing nagigising ako.

Isang buntonghininga na lang ang aking pinakawalan. I wasn't surprised when I felt warm arms snaking around my waist after that.

"Lalim n'yan, mahal. Kahit na marunong ako lumangoy pakiramdam ko malulunod pa rin ako d'yan sa buntonghininga mo."

Isang ngisi ang aking pinakawalan bago mahinang tapikin ang braso ni Alastair. Sinandal ko ang aking likod sa kanyang dibdib.

Parehas kaming nakaupo sa malambot na sofa nila Nari. Si Alastair ang nakasandal ngayon sa sofa habang ako naman ang siya ang ginagawa kong sandalan.

Nari and Ciro were busy cooking our food in the kitchen. Sila na raw ang bahala at huwag na raw kaming dalawa ni Alastair tumulong. Halatang gusto pang makipag-bebe time ni Nari kay Ciro.

It's been a few weeks. I'm not sure—has it been three or four? But as far as I know, it's four.

Nag-back to normal na ang lahat, bumalik na sa dati. Agad na naglesson ang mga professor dahil parating na rin ang midterm namin.

After class we've decided to have a group study. Dito na namin nagpagpasyahan na mag-aral sa bahay nila Nari.

As usual, wala ang parents niya dahil busy raw sa business nila sa Bulacan. May mga malawak na taniman kasi sila roon ng mga gulay at prutas. Sa tingin ko ay mukhang maghaharvest na naman sila.

"It's just my head," I whispered.

Pilit ko pa rin tinutuon ang pansin ko sa yellow pad ko na may nakasulat na notes doon habang nilalasap ang mainit na yakap ni Alastair sa akin.

"I've been having this headache today. Parang tumitibok yung utak ko."

I was about to flip the paper to the second page when Alastair took it from me.

"Hey." Nilingon ko siya at akmang kukunin ng tinaas niya ang kanyang kamay.

Napahalukipkip na lang ako at muli siyang tinalikuran. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

"Huwag kana kaya muna magbasa ngayon," wika niya. "Kahit bukas mo na lang gawin 'yan para makapagpahinga ka ngayon," bakas sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala.

"Puro identification yung exam natin sa isang subject," reklamo ko. "I need to review that subject. Medyo mabagal ako sa ganyan."

Napapikit ako ng maramdaman ang daliri niyang sinusuklay ang buhok ko.

"Huwag na muna, mahal. Magpahinga ka na muna ngayon. Nagluluto pa naman sila Nari 'tsaka Ciro. Ikain muna natin 'yan para makapagpahinga utak mo." Patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

Hindi ko tuloy maiwasan na tuluyang gawing sandalan ang kanyang katawan.

"Anong oras ka ba magrereview bukas?" tanong niya.

"I always review every night. Tahimik kasi, atsaka nakakapagbasa ako ng maayos dahil walang maingay."

"E'di okay. Gusto mo video call tayo habang nag rereview? Para may kasama ka? Tapos puwede rin magtanong tayo sa isa't isa para mas sure. Lalo na rin sa identification ni ma'am para mas madalian ka."

Awtomatikong naidilat ko ang aking mata. Hinarap ko siya at unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

"I like that!"

"Talino talaga ng boyfriend mo 'no. Pakiss nga isa lang." He puckered his soft and reddish lips and waited for my kiss.

Inirapan ko siya at mahinang natawan. I gave him a quick kiss, at kasabay no'n ang hagikhik niya. Hindi pa siya nakuntento, humabol pa siya ng halik sa pisngi ko bago pisilin ang aking ilong.

"Galing talaga. May isang girlfriend na naman ang nauto," pang aasar nito. Ang hagikhik niya ay nauwi sa halakhak.

Nagsisimula na naman siya!

Matalim ko siyang tinignan dahil doon. Umalis ako sa aking kinauupuan at naupo na lang sa kanyang tabi.

"Biro lang. 'To naman, hindi kana nasanay sa akin. Tara na dito, tabi na tayo," natatawa niyang saad.

"Magkatabi naman tayo, ah," sikmat ko sa kanya.

"Tatampo agad, ah," natatawa niyang wika.

Hindi na ako nakakilos nang hapitin niya ang baywang ko para hilain papalapit sa kanya. Maya-maya wala na siyang hinintay na oras na pinupugan ng halik ang mukha ko.

Kaya napuno ng mahihina kong tawa ang buong sala.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Kaming dalawa na ni Alastair ang nagvolunteer na maghugas ng pinagkainan namin dahil sila Nari na ang nagluto. Para kaming hindi nauubusan ng topic.

Habang tumatagal 'yon, hindi ko na rin namamalayan na unti-unti ko nang nabibring up sa kanya ang sinabi ni Nari sa akin.

I don't know, but I just want to know. Nacucurious ako. Nacucurious ako sa kanya kung paano siya lumaki sa isang broken family. . . Na parehas kami na gano'n ang naranasan.

Nahihiya pa ako no'n magtanong sa kanya pero sa kalaunan ay nagkwento na rin siya. Akala ko magdadalawang isip, pero hindi pala.

"Lana pangalan niya," wika ni Alastair.

Pinatay niya ang gripo at kinuha sa akin ang malinis na towel para siya na ang magpunas ng mga bagong hugas na plato.

Sabay kaming naglakad papunta sa counter ng kitchen island dahil nandoon ang mga plato.

"Lana. . ." I whispered.

"Odette naman sa 'kin," I answered.

Tinapik niya ang bakanteng bar stool sa kanyang tabi, at doon ako naupo. Siya ang nagpupunas ng plato, at ako na lang ang nag-aayos no'n sa gilid ko.

"Odette?" tanong niya at napasulyap sa akin.

"Yes, why?"

Mahina siyang natawa at umiling. "Wala lang. Ang ganda naman ng pangalan ng mama mo. Odette parang sa Barbie, 'no?"

Napaawang ako sa kanyang sinabi. Umangat ang kamay ko at mahinang hinampas ang braso braso niya.

"Yes, and how did you know that?" natatawa kong tanong.

Mabilis niyang nginuso si Nari na abala na ngayon sa pag rereview kasama si Ciro.

"Dahil d'yan sa pinsan ko. Mahilig 'yan sa Barbie movies. Naaalala ko pa noon maraming mga CD 'yan tapos binilhan ni tito ng barbie rin na lalagyanan para hindi magasgasan mga CD niya."

"Aww, that's cute," nakangiti kong sagot at mabilis na binalingan ng tingin si Nari.

Ningitian niya lang ako at naramdaman ang kanyang daliri na pinisil ang ilong ko. Ang hilig-hilig niyang gawin 'yon!

"Tagal ko na rin hindi nakita si mama," he whispered.

Agad na naglaho ang ngiti sa aking labi at napalunok. Nanahimik ako dahil sa sinabi niya. Inusog ko ang upuan ko papalapit para maramdaman niya na handa akong makinig sa kanyang sasabihin.

"Pero ayos lang. Nasanay na rin naman ako na walang siya kasi halos buong buhay ko lumaki na 'ko sa bahay nila Nari," pagtutuloy niya.

"Then how about your father?" kunot noo kong tanong sa kanya.

He chuckled. "Isa rin 'yon. Hay nako talaga, pagkatapos nilang maghiwalay ni mama. Inabandona na ako rito kay tito 'tsaka tita. Nasanay na ako na palaging dinadala ni papa rito sa bahay nila tito. Gusto ko kasi na kalaro si Nari noon; siya lang pinsan ko na malapit sa amin, eh. Taga Bagong Silang kami noon, tapos yung magulang ni Nari nakatira pa rin naman dito."

"Hindi ko alam na huling beses ko na siyang makikita ng gabing 'yon. Kaya naman pala dalawang backpack yung dala niya kasi nandoon na lahat ng gamit ko. Sabi niya magbakasyon na raw muna ako para tuloy-tuloy yung trabaho niya. Atsaka para raw may ibang mag aasikaso sa akin, kasi kapag siya ang gagawa no'n hassle na raw dahil laging nagmamadali siya para pumasok. Hanggang sa ayon na nga. . . Hindi na niya ako binalikan."

Napalunok ako at napahinga ng malalim. Paano niya nagagawang ngumiti habang nagkukuwento ng ganito? Parang wala lang sa kanya.

Nararamdaman ko tuloy yung t'yan kong parang kumukulo na hindi ko maintindihan. Gusto kong masuka, parang sumasakit siya.

"Oh my gosh. . ." I mumbled.

Bumaba ang tingin niya sa akin at nanlaki ang mata ng makita ang aking itsura. Hindi niya alam na tahimik na akong lumuluha sa tabi niya.

"Huy, bakit ka umiiyak?" natataranta niyang tanong sa akin.

Suminghot ako at pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi.

"I-it's because. . ." halos hindi ko matuloy ang sinabi ko dahil sa hikbing kumawala sa aking labi.

"Okay lang ako, mahal," malambing niyang wika. Ningitian niya ako at hinawakan ang aking kamay.

Tapos na siya ngayon sa kanyang ginagawa kaya mga utensils na lang ang pinupunasan niya.

"Hindi naman na masakit sa akin 'yon. Siguro kasi bata pa ako no'n. Sapat na yung pagmamahal na binigay ng magulang ni Nari sa akin. Sila tumayong bagong magulang ko. . . Sila na rin ang tinuring kong magulang ngayon."

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ang kamay ni Alastair ay hinahagod ang likod ko para patahanin.

"U-until now, wala kang balita sa papa at sa mama mo?"

He shook his head. "Wala. Pati na rin kay mama. Hindi ko alam kung naka-block ba ako sa facebook account niya o baka may account siya tapos iba yung pangalan," natatawa niyang tugon at napailing pa.

"Si papa naman, nahanap ko yung account niya. Nacurious kasi ako kaya sinearch ko. Ayon mukhang masaya naman. May tatlong anak na sa bagong asawa; Amerikana yung asawa. Profile picture niya rin 'yong family picture nila."

Nang matapos siya sa kanyang ginawa ay hindi ko na napigilan ang sarili na yakapin ang kanyang baywang habang nasa gilid niya ako. Mahina siyang natawa sa ginawa ko at maya-maya ay naramdaman din ang bisig sa akin habang nakatingala ang ulo ko para tignan siya.

"Alam mo ang cute mo ngayon. Kamukha mo yung meme na umiiyak na mouse. Kulang na lang yung pink ribbon na hairclip," natatawa niyang wika at mahinang pinisil ang ilong ko.

"Alastair! You really love to ruin this moment. Nakikinig nga ako," reklamo ko.

"Namumula na kasi muhka mo, eh," sagot niya.

"That's normal to me!"

Humalakhak lang siya at sa kalaunan ay walang nagawa kundi tinuloy ang kanyang pagkukwento.

"First time kong inis-stalk account niya. Senior high school ako noong nahanap ko ang account niya. Akala ko hindi na 'ko iiyak no'n, pero nakakatawa lang kasi akala ko lang pala."

"Siguro may kirot pa rin sa dibdib ko ng mga panahon na 'yon kasi unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat. Simula nang naghiwalay sila, lumayas si mama sa bahay, dinala ako ni papa sa bahay nila Nari. Hanggang sa hindi na niya ako binalikan pa."

"Nasaktan lang yata ako noon. Kasi nakita ko na pinapalaki niya yung tatlo niyang anak. Samantala yung anak niya na inabandona niya rito lumalaki ng walang tatay."

Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa aking likod dahil mas lalong yumuyugyog ang balikat ko sa pag-iyak.

"Maski singkong duling. Parehas sila ni mama na walang sustento sa akin."

Habang nakikinig ako sa kanyang pinagsasabi ngayon ay mas lalo lang yatang sumisikip ang dibdib ko.

"Mas nadadalian yata siya magpalaki ng tatlong bata kesa sa isa," pagbibiro niya kaya mahina kong hinampas ang kanyang braso.

"Pero hindi na siya masakit ngayon, mahal, kaya tahan na," pagaalo niya sa akin. "Alam mo sa sobrang close at komportable ko na sa magulang ni Nari. Nakapagsumbong ako no'n sa kanila. Umiiyak pa ako," tuluyan na siyang tumawa.

"Nagalit si tito no'n. Siya yung kapatid ni papa. Lumayo na loob no'n sa papa ko dahil sa ginawa niya. Ginawa nilang mag-asawa, nag-outing kami para raw gumaan pakiramdam ko," nakangiti niyang kwento.

"Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nila kaya walang wala na rin talaga sa isip ko sila mama at papa. Tinuri nila akong anak. Pati 'yang si Nari, kapatid na turing ko d'yan hindi pinsan."

"'Di ba gusto ko maging kapitan ng barko? Inaalok ako ng mama ni Nari kung gusto ko ba raw ituloy 'yon kasi sila na raw bahala sa gastusin. Tumanggi ako kasi nakakahiya; hindi biro yung tuition fee ng BSMT. Balak ko na ako na lang magpapaaral sa sarili ko kapag nakapag-ipon na ako."

"Kaya, BSHM muna kinuha mo, right?"

Tumango siya. "Oo. Sinabayan ko na lang si Nari. Nakakaenjoy rin naman yung course natin atsaka marami ring opportunities na makukuhang trabaho kaya tinuloy ko na."

Napabuntonghininga ako at sinubsob ang mukha sa kanya habang nakayakap.

"I'll pray that your dreams will come true, Alastair," I whispered. "You're going to be a great and handsome captain of a ship one day."

Tumaas ang gilid ng kanyang labi dahil sa aking sinabi. Ngisi ngisi siya ngayon na para bang kinikilig. Kaya nang tingnan ko ang kanyang tainga ay doon ko lang nakumpirma na totoo 'yon.

Dinadaan-daan niya na lang sa angas ang kilig na nararamdaman niya.

"Kapag nangyari 'yon sana nasa tabi pa rin kita, mahal."

I smiled softly. "Of course. I'll be there."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

It's already 5 in the afternoon when I decide to go home. Natapos na rin naman kami sa pagrereviewdahil tuloy-tuloy na ang pagbabasa namin.

Hinatid na lang ako ni Alastair sa labas ng compound nila Nari hanggang sa makasakay sa sasakyan ni Kuya Amelio.

Kaya ngayon ay tahimik lang kaming bumabyahe pauwi ng bahay. I can finally rest and take a shower.

Habang nakatingin sa mga nadadaanan na establishment sa gilid ng highway ay hindi ko maiwasan na muling pumasok sa isip ko ang mga kuwento ni Alastair.

Despite Alastair being an energetic and happy-go-lucky person, I didn't know he had experienced something like this—both of his parents abandoned him.

Hindi niya nagawang magtanim ng sama ng loob sa kanila. Hindi niya nagawang magalit sa kanila dahil sa ginawa ng magulang niya sa kanya.

Habang ako. . . Heto, si mommy lang ang nangiwan sa amin pero grabe na ang galit ko. I'm not mad at her... I was mad at the person who ruined the happy family I once had.

I'm mad at daddy.

And I realized. . . That I should be very grateful for having him. Unti-unti pumapasok sa aking isipan ang sinabi ni manang. Na si daddy na lang ang kasama ko na kadugo bukod kay manang at Kuya Amelio.

Na dapat masaya ako dahil hindi nangyari sa akin ang nangyari kay Alastair. Na mabuti nga at kasama ko pa rin si daddy kahit na wala na si mommy. . . kahit na broken family na kami.

Maraming nagtatalo sa aking isipan. It was his fault; I know it. Siya may kasalanan pero nagagawa niya akong kausapin na para wala siyang kasalanan na ginawa, at doon ako naiinis.

Maybe... I can forgive him. And maybe I need to accept that the broken family I'm trying to fix by begging my mother to come back... will never be whole again.

This time, I decided to apologize to him—for being a disrespectful daughter, for the way I acted toward him, and for how I treated him.

Susubukan kong maging maayos kami ni daddy habang maaga pa.

"Kuya Amelio, puwede po bang dumaan tayo sa Lemon Square Bakery?" I asked.

"Yes po, Ma'am Isla."

"Okay, thank you po. I was planning to buy daddy a chocolate cake," tugon ko.

"Mukhang masaya na naman si Sir Arden n'yan."

Napabuntonghininga na lang ako. "I just wish, kuya."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Isla, nandito ka na pala," nakangiting bati ni manang lapitan siya sa open kitchen. "Sakto kaluluto ko lang ng—"

Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa aking dala. Ito yung binili kong chocolate cake sa Lemon Square Bakery.

"Oh, may cake kang dala?" gulantang niyang tanong. "Hindi mo pa birthday ngayon, hija. Sa susunod pa na araw 'yon hindi ba?"

"I-i know, manang. I brought this for dad," nauutal kong sagot.

Nagkatinginan pa kaming dalawa ng ilang segundo at parang naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Maya-maya ay sumilay na ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Lumapit siya sa akin at niyakap. Napalunok ako at hinaplos ang buhok ko.

"Sa wakas. Tinupad na rin ng panginoon ang matagal kong hinihiling," bulong niya. Hindi na niya binanggit kung ano 'yon pero alam ko ang tinutukoy niya. "O, siya. Sopresahin mo na si Sir Arden sa kuwarto niya. Alam kong matutuwa 'yon."

I nodded. "O-okay, manang. I hope he'll like this." My voice croaked.

Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng aking luha.

"Ano ka ba namang bata ka. Alam mo bang kahit wala kang dalang cake kausapin mo lang si Sir Arden ay masaya na 'yon. Kaya ano pang hinihintay mo? Umakyat kana sa taas," masaya niyang usal.

Mabilis akong tumango sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata.

Agad akong nagtungo sa taas. Pinasok ko muna sa kuwarto ang dala kong bag at nagpalit ng damit bago magtungo sa kuwarto ni daddy. May maliit na siwang doon kaya hindi na ako kumatok, tinulak ko na lang 'yon.

Kasabay ng pagtulak ko ay isang malakas na kalabog ang aking narinig. Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa lapag. Siguro dahil sa instinct ko na tignan kung ano 'yon ay agad akong tumingin kung saan nanggagaling ang kalabog.

Hindi ko alam pero parang tinambol ang dibdib ko dahil sa kaba ng makita ang nakahandusay sa lapag. Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko.

"Daddy. . ." mahina kong wika.

Umabot pa yata ng ilang segundo na nakatitig ako sa kanya. When I came to my senses, my eyes widened. May mantsa ng dugo ang damit niya at nanggaling 'yon sa kanyang bibig.

Nabitawan ko ang hawak-hawak kong cake at agad na nilapitan si daddy.

"Daddy! Daddy!" I shouted. Nagsimulang manginig ang aking baba hanggang sa pumalahaw na ng iyak.

"Daddy, wake up please! Daddy!" Sinubukan kong tapikin ng mahina ang kanyang pisngi pero walang response.

Tumayo agad ako at mabilis na tumakbo sa labas ng kuwarto habang walang tigil sa pagtulo ang aking luha.

"Manang! Kuya! Help me! Help! Si daddy!"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com