CHAPTER 27
CHAPTER 27
ADELINE ISLA RAMIREZ
I didn't know what to do that night. Halos hindi ako makausap ng maayos at parang natataranta ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay daddy.
I haven't even taken a shower because of this. Hindi ko magawang umuwi ng bahay dahil natatakot ako na baka mamaya pagbalik ko dito wala na akong mabalikan.
Baka malamig na bangkay ni daddy ang maabutan ko rito sa hospital room. Kinausap na ako ng doctor. . . inexplain na niya sa akin ang lahat-lahat. Kung anong meron kay daddy at sa naging sakit nito.
Patuloy pa rin ang mga hikbing kumawala sa aking labi. Halos hindi na rin ako makahinga dahil sa ilong kong barado. Ang balikat ko naman ay hindi ko makontrol dahil sa panginginig habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor tungkol sa kalagayan ni daddy.
"Mabuti at naisugod niya agad siya rito sa hospital. Since this type of cancer—"
"What?" natigilan kong usal. Kunot noong tinignan ko ang doctor. "Cancer? Si daddy may cancer? I thought he eaten something that might upset his stomach to the point that he's vomiting blood."
Agad na nagbago ang ekspresyon ng doctor at mabilis na nilingon si manang at Kuya Amelio sa aking likuran. Ngayon pa lang kami makakausap ng doctor bago nila matingnan ng maayos si daddy.
"I'm sorry, Ms. Ramirez. I thought you already knew about it."
Humulukipkip ako at dahan-dahang umiling. Napahawak ako sa aking labi at hindi na naman napigilan ang pamumuo ng aking luha.
"He can't have that. He can't have cancer! He's healthy! My father is healthy!"
"Isla. . ." mahina na wika ni manang sa aking likuran.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ng doctor at malambot ang tingin na pinako sa akin.
"I'm sorry to say this, Ms. Ramirez but your father has small cell lung cancer or SCLC in short, that type of lung cancer starts from small cells of the lungs. That cells grow and spread very rapidly. That makes this kind of cancer even more aggressive than the other types of lung cancer."
Tahimik akong lumuluha at lihim na kinuyom ang aking kamao.
"A-agressive?" nauutal kong tanong. "How is that even p-possible? He's not even smoking a cigarette."
"Isla, hija. Patapusin mo muna ang doctor." Naramdaman ko ang paghawak ni manang sa aking braso pero maingat ko 'yong tinanggal bago siya lingunin.
"I know, you and Kuya Amelio already know this, manang. Mukhang wala lang para sa inyo yung sinabi ng doctor tungkol kay daddy. Matagal niyo ng alam 'to, hindi ba?" nasasaktan kong tanong sa kanila.
Nilingon ko si Kuya Amelio pero yumuko lang siya at hindi makatingin ng diretso sa akin.
Napapailing na umiwas ako ng tingin sa kanila. Sumama lang nang kaunti ang loob ko dahil dito. Tinago nila sa akin na may sakit si daddy. Habang iniisip 'yon ay hindi ko maiwasan na hindi manikip ang dibdib ko.
"Hindi lang dahil sa paninigarilyo nakukuha ang SCLC, Ms. Ramirez. It could be because he's a secondhand smoker—probably due to exposure at his workplace. Nag cocontain ng parehas na harmful chemicals ang mga naninigarilyo sa nakakalanghap no'n."
"Being around it regularly can damage your lungs over time. Kaya kahit na hindi naninigarilyo ang ama mo, just breathing in someone else's smoke, it can still increase the risk of lung cancer, especially if you're exposed for years."
Halos hindi ko na makita ang mukha ng doctor dahil sa aking mga luha. Nanghihina na napaupo ako sa malambot na sofa at napatakip sa aking bibig habang pilit na pinapasok sa isipan ko ang lahat ng sinabi niya.
Unti-unti kong sinubsob ang aking mukha sa dalawa kong palad at hindi na napigilan ang paghagulhol. Kailan pa 'to? Bakit parang biglaan lang nangyari ang lahat ng 'to?
Napansin ko pa kanina na bago ako kausapin ng doctor ay nag-usap pa silang dalawa ni manang at Kuya Amelio. Kaya nang may pumasok na katanungan sa aking isipan ay agad akong nagsalita.
"I don't want to lie to you either, Ms. Ramirez. Matagal na akong doctor ng ama mo. Simula bata ka pa lang ay doon na nadiskubre ang sakit niya."
"H-huh..."
"It was started at stage 1-2 of his SCLC. We prescribe him medicine for him to take. Sinabayan din ng healthy lifestyle. Nagreresponse naman ng maayos ang katawan ng daddy mo sa mga gamot niya pero lumala lang siya ngayon."
"I d-didn't know that..." Muli na namang bumuhos ang mainit kong luha. "Walang sinabi si daddy tungkol d'yan. B-bakit—"
"Isla, hija," pag singit ni manang.
Nagtaas baba pa rin ang aking dibdib ng lingunin siya. Sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa labi ko at kahit na anong gawin kong pagpapakalma sa aking sarili ay hindi ko magawa.
"Si Sir Arden ang nag-utos sa amin na huwag sabihin sa 'yo ang tungkol sa sakit niya. Ayaw niya na mag-alala ka sa kanya kaya mas mainam na ilihim na lang raw."
Hindi ko naiwasan na mapapadyak sa inis at hinawakan si manang sa braso para tingnan ng mariin.
"Manang, hiding his sickness doesn't help everything to me. Mas lalo lang akong nag-aalala ngayon kay daddy dahil ngayon ko lang nalaman na may sakit na pala siyang dinadala." Pinalis ko ang mga luha kong naglandas sa aking pisngi at napayuko.
"I-i don't want to lose him. . ." I whispered. "Nagsisimula pa lang ako. Nagsisimula pa lang ako na m-magbago para sa kanya," I cried.
"Maayos naman ang response ng first-line treatment ng ama mo, but unfortunately, the cancer seems to have grown resistant. Umabot na siya sa stage 3 ng SCLC. Sa ngayon, we can do a second-line therapy, and imonitor na lang natin siya kung liliit ang tumor."
"Kailangan na maagapan natin ang pagkalat ng sakit ng ama mo dahil malaki ang tyansa na kumalat 'yon sa kanyang katawan, and in the worst case scenario, baka magkaroon ng komplikasyon ang buong katawan niya."
"As of now, we're going to run some CT scans and blood tests, and he's under observation na rin sa mga puwedeng symptoms pa ng sakit niya after a few weeks. Suggests ko muna na ma-confine muna siya rito ng ilang linggo."
"Kapag wala pa rin na nagbabago sa kanya sa bagong gamot, we're going to proceed to the third-line therapy. Another round of chemotherapy for your father. Pero sana ay huwag na tayo umabot sa gano'n dahil kadalasan sa mga umaabot sa third-line therapy ay hindi na rin talaga kinakaya," saad nito ng ikinabilis ng tibok ng aking puso.
Parang tinatambol ang dibdib ko dahil doon. Naninikip ang dibdib ko sa kaba at ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aking palag.
He's strong, Isla. Calm down. He's going to be okay.
Isang maliit na ngiti ang binigay sa akin ng doctor bago niya nilingon si daddy na mahimbin na natutulog sa hospital bed.
"Alam kong malakas ang ama mo, Ms. Ramirez. Kaya hindi na 'yan siya makakaabot sa third-line therapy niya. I can feel it. He's being brave for you," malambot ang tono ng kanyang boses ng banggitin 'yon kaya muli na namang nanginit ang gilid ng aking mga mata.
Wala na lang akong nagawa kundi tumango. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas na makapagsalita. Nanghihina na napasandal ako sa sandalan ng sofa at tahimik na tulala sa higaan ni daddy habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa aking bibig, just to surpressed my sobbed.
Please, God. Help him. I don't want to lose him. I don't want to lose my daddy.
I almost haven't slept for 24 hrs. Ang mata ko ay sobrang hapdi at halos hindi ko na maidilat ng maayos dahil sa pag-iyak. Kahit na hindi ko tignan ang sarili ko sa harap ng salamin, alam kong namamaga na 'yon.
Umaga na ngayon at tulala lang ako sa higaan ni daddy. I can't even move from where I am sitting right now. Nakapatong lang ang dalawa kong paa sa sofa at tinanday ang baba sa tuhod.
Naabutan ko pa ang nurse na chinicheck si daddy at agad din na nagpaalam bago lumabas.
I didn't go to school. May parte sa akin na hindi ko kayang pumasok habang nandito si daddy.
Umuwi sila manang at Kuya Amelio para tingnan ulit ang bahay. Nagsabi sila sa akin na babalik silang dalawa mamayang tanghali at huwag na raw akong bumili ng pagkain dahil magluluto na lang si manang.
Daddy was confined at FEU-NRMF. We avail the standard private room para komportable si daddy kapag nagising siya.
Ganito lang ako buong oras hanggang sa umabot na ng 10am. Kung hindi ko narinig ang sunod-sunod na notification sa messenger ay hindi pa ako matatauhan.
Mabigat ang katawan nang tumayo ako para kunin ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Binuksan ko agad 'yon at tinignan ang mga nagchat.
Lovieee❤️
Mahal bat di ka pumasok? Oka... 10:16 am
Minari Lopez
Isla! Okay ka lang ba? Bakit hind... 10:19 am
Cilvandro Rowan Dela Cruz
Yow isla. Goods ka lang? Absent k... 10:21 am
I don't have the energy to answer all their chats, kaya si Alastair na lang muna ang una kong nireplayan.
Adeline Isla:
Hi
Lovieee❤️:
Mahal! Buti naman nakapag reply kana. Okay ka lang ba?
Bakit hindi ka pumasok ngayon? May nangyari ba sayo? May sakit ka ba?
Adeline Isla:
Im sorry i didn't update you about what's happening now. I want to get straight to the point. I'm in the hospital right now.
Naka confine si daddy dito.
Lovieee❤️:
Okay okay
Okay ka lang? Si tito maayos na ba siya?
Ano bang nangyari?
Adeline Isla:
Im really not okay today alastair. I was so scared for him and i cant think straight right now.
Si daddy okay naman na raw pero tulog pa rin siya hanggang ngayon.
I don't have the energy to talk about it right now. Maybe later na lang?
Lovieee❤️:
Sige, mahal. Naiintindihan kita kung ganyan.
send mo na lang address ng hospital para mabisita ko kayo mamaya pagkatapos ng klase.
Adeline Isla:
Are you sure? You don't have to do that.
Lovieee❤️:️
Ano ka ba ayos lang yon.
Nag-aalala lang din ako sayo kasi baka mamaya hindi mo naasikaso yung sarili mo dyan dahi sa pag-aalala kay tito arden.
Adeline Isla:
Okay.
Thank you alastair. I love you.
Lovieee❤️:
You're always welcome mahal. Mahal na mahal kita palagi.
Agad kong sinend sa kanya ang address ng hospital. Sinabihan ko na rin siya, na siya na lang ang mag-update kay Nari at Ciro tungkol sa nangyari.
Mamayang tanghali pa ang dismissal. Dating gawi pa rin, nang maibaba ko ang hawak kong cellphone ay bumalik ako sa sofa at tahimik lang na pinagmamasdan si daddy.
Wala naman siyang ginagawa pero sa tuwing tumatagal ang titig ko sa kanya ay mas lalo akong naluluha.
Habang nasa gano'ng posisyon ay hindi ko na namalayan na tuluyan nang nagwagi ang pagod sa aking katawan.
I didn't fight it. Hindi ko na nilabanan ang antok na nararamdaman ko. I let myself be consumed by the darkness and sleep peacefully.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Sunod-sunod na mahihinang katok ang nakapagpagising sa akin. Mapupungay pa ang aking mga mata ng dumilat. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng mata at kahit na gusto ko pang matulog ay wala akong nagawa kundi bumangon para buksan ang pinto.
Doon ako natauhan ng makita si Alastair.
He's still wearing his black slacks and black shoes but he's not wearing the top of his uniform. Isang itim na round-neck na tshirt na lang ang suot niya na naka-tuck in sa pangibaba nito.
Nakita ko rin na bitbit niya ang pink kong tote bag na dinala ko noon nang nag-La Union kami.
Pumunta pa siya sa bahay?
"Mahal—"
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Hinila ko ang kanyang kamay at basta na lang na tinapon ang sarili sa kanyang bisig.
Akala ko wala na akong luha na mailalabas pa pero hindi pala. Hinayaan ko lang na bumuhos ang mainit kong luha habang nakakulong sa mainit niyang bisig.
"Shh. Nandito na 'ko. Tahan na."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com