CHAPTER 28
CHAPTER 28
ADELINE ISLA RAMIREZ
"He's going to be okay, right?" I whispered.
Nang mailuha ko na ang dapat iluha habang nakayakap kay Alastair ay sabay kaming naupo sa sofa. Magkatabi kami ngayon at parehas na nakatingin kay daddy na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
"S'yempre naman, mahal. Magiging okay si Tito Arden, huwag kang mag-aalala," malambing niyang tugon.
Naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa aking kamay. His thumbs are making a circular motion to make me calm. Kahit papaano ay nagiging epektibo naman 'yon.
"Kumain ka na ba? Ayaw mo bang kumain muna tayo?"
Kagat labing nilingon ko siya. Heto na naman ang panginginig ng aking labi dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan.
"He can't leave me like this. . . He can't leave me," napapailing kong usal. "Wala na si mommy tapos siya naman? If he's going to leave me, paano na ako? I'll be lonely forever."
Napalabi ako at wala sa sariling binasa ang labi. Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Alastair bago kinulong ang pisngi ko sa dalawa niyang palad para matingnan ako ng maayos.
Nagsalubong ang tingin sa isa't isa. There's a hint of worriedness in his face. Nakakunot ng marahan ang kilay niya, halatang nag-aalala para sa akin.
"Mahal. . ." mahina niyang bulong. "Hindi ka iiwan ni Tito Arden. Malakas siya. . . okay? Magiging malakas siya sa 'yo. Mahal na mahal ka no'n. At nandito ako. . . sa tabi mo. Hindi kita iiwan."
Hindi na niya ako hinintay makapagsalita. Hinila niya ang kamay ko at muling kinulong sa kanya. Humigpit ang yakap ko sa kanya, nilasap ang mainit niyang bisig.
"I-i'm sorry if this is too much," pagtukoy ko sa pagiging emosyonal. "I'm just scared. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala siya. . . kapag naiwan akong mag-isa. I didn't expect this to happen."
"It's okay, mahal," malambing niyang wika sa akin. Marahan lang ang bawat hagod niya sa aking buhok. "Normal lang na ganyan ang mararamdaman mo dahil papa mo siya. Paniguradong pati rin si tito ay hindi niya rin inaasahan na mangyari 'to sa kanya. . . 'yang sakit niya. All people doesn't want this, mahal."
Mabilis akong napalayo sa kanya ng maalala na hindi papala ako nakakapagligo. Maski toothbrush man lang ay wala. Kumunot ang kanyang noo dahil doon.
"May problema ba?" kunot noo niyang tanong.
"I think I'm already stinking," I whispered, umiwas ako ng tingin. "Hindi pa ako naliligo. . ."
Mahina siyang natawa kaya nilingon ko siya. Sumilay ang pangil niya dahil doon at napailing na lang.
"Atsaka, hindi ka pa kumakain. Simula kagabi hindi ka pa kumakain, 'no? Sinabihan na ako ni manang na susunod na lang sila. Kasi no'ng pumunta ako sa bahay niyo naabutan ko siyang nagluluto. Ang sabi niya rin huwag na raw tayong bumili ng pagkain kasi meron na siyang dadalhin."
"Puwede naman na mag sandwich ka na muna ngayon bago ka mag heavy meal para hindi mabigla 'yang tyan mo."
Sinundan ko siya ng tingin nang inabot niya sa akin ang totebag na pink. Wala sa sariling tinanggap ko 'yon at tiningnan ang loob.
Namilog ang aking mata at nanginit ang pisngi ng makitang kompleto lahat ng nandoon. Simula sa pink kong tuwalya, bathrobe, bra, underwear, light pink t-shirt, at maong na short. Maski ang sabon at shampoo ko ay nandoon din.
"Thank you. . ." nahihiya kong usal. "Bakit ka pala dumiretso sa bahay?" tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo bago magsalita.
"Nanghingi kasi ako ng update sa inyo kay Kuya Amelio. Nabanggit niya sa akin na hindi ka pa nakakapagpahinga, atsaka si manang sabi hindi ka pa raw nakakaligo kaya ako na lang nagdala ng mga gamit mo rito," pagpapaliwanag niya.
Napatango na lang ako at muli siyang pinasalamatan.
"Thank you again." Tinabi ko sa gilid ang bag ko bago siya muling harapin. "You're the one who picked this?"
He nodded. "Oo. Si manang na lang sana kaso busy sa pagluluto kaya ako na lang daw mamili ng damit mo. Tinuro niya na lang sa akin kung nasaan yung damitan mo."
Bumaba ang tingin niya sa tote bag na nasa gilid ko bago ako muling tingnan. Naipit ko ang aking labi ng mapansin ang pamumula ng kanyang tainga. Napahaplos na lang siya sa leeg niya at umiwas ng tingin.
"Bakit? Pangit ba yung napili ko?" aniya ng balingan ako ng tingin. Gusto kong hilain ang nguso niya ng makitang humaba 'yon. "Cute nga 'yan, e. Pati bra 'tsaka panty mo color pink. 'Di ba mahilig ka sa gano'n."
Inirapan ko lang siya at mahinang hinampas ang kanyang braso. Tinawanan niya lang ako at hinuli ang kamay ko para halikan; nakahaligan niya ng gawin 'yon sa tuwing nahahawakan niya ang kamay ko.
Isang buntonghininga ang aking pinakawalan at sumandal sa sandalang ng sofa.
"Pinapagaan ko lang ang loob mo, mahal. Hindi ako sanay na malungkot ka." Sumandal din siya at inakbayan ako.
Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang mga kamay ko. Natagpuan ko na lang 'yon na nakahawak sa kamay niyang nakaakbay sa akin. Pinagsalikop ko 'yon at tinanday ang ulo sa kanya.
"Mas gusto ko pa na minamalditahan mo 'ko. Feeling ko nalulungkot din ako kapag nakikita kitang ganyan," mahina niyang sambit.
"Magiging okay rin ako, Alastair. I promise. Just give me time to recover from this."
"Tutulungan kita, mahal. Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako sa tabi mo, okay? I love you."
I smiled. Inangat ko ang aking paningin. Nagsalubong ang paningin namin sa isa't isa ng bumaba ang tingin niya sa akin.
Inabot ko ang kanyang panga at hinaplos 'yon bago hinila ang batok niya para halikan ang malambot niyang labi.
"I love you too, Alastair."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Muli na naman akong nakatulog sa tabi ni Alastair. Hindi rin naman siya nagreklamo dahil mukhang kailangan ko raw magpahinga. Thank God, he's there. Pakiramdam ko lahat ng pagod ay naramdaman ko ng isang bagsakan lang at nakatulog na agad ako sa tabi niya.
Nang magising ako ay doon na ako naligo at nakapag-ayos ng sarili. Nagusap na lang kaming dalawa habang magkatabi sa sofa. Hinihintay na lang namin si manang at Kuya Amelio na dumating.
It's already past 12 pm when they arrive. Naunang tumayo si Alastair para kunin ang dalang bag na naglalaman ng pagkain namin kay Kuya Amelio. Dinala niya 'yon sa lamesa at nilabas na ang pagkain.
"Kain na po tayo, kuya, manang," dinig kong sambit ni Alastair ng makitang nakahanda na ang mga kakainin namin.
"Sige," tugon ni Kuya Amelio.
"Salamat, hijo. Sige na at magsandok na kayo d'yan," nakangiting sagot ni manang.
And later on, we started to eat together.
"The doctor said that they're going to give him a second-line therapy..." aniya ko habang ngumunguya ng pagkain.
Ngayon ko na lang sa kanya naikuwento ng buo ang tungkol kay daddy dahil mas nanguna ang emosyon ko na umiyak sa kanyang bisig ng makita ko siya.
"Tapos kapag hindi raw gumana sa kanya, ang gagawin ay another round for chemo raw. Pero sana hindi umabot doon kasi alam kong mahirap na 'yon, hindi ba?" Aabutin ko na sana ang plastic cups na may laman ng tubig ng maunahan niya na ako.
Siya na ang kumuha no'n at sinalinan bago ibalik sa akin.
"Thank you."
"You're welcome."
Ningitian ko lang siya at tinuloy ang aking kuwento. Tahimik lang naman siyang nakikinig sa akin habang kumakain. Paminsan minsan ay sumisingit din si manang para mas lalong maintindihan ni Alastair at ako rin.
Dahil alam kong mas maalam sila sa kung anong sakit ang mayroon kay daddy. Kesa naman sa akin na ngayon ko lang nalaman na may cancer siya.
"Gagaling si Sir Arden, Isla. Huwag kang mag-alala. Ilang beses na niyang sinasabi sa akin ang tungkol d'yan. Hindi pa raw siyang puwedeng mawala kasi alam niyang mahihirapan ka."
Agad na natigil sa ere ang pagsubo ko ng pagkain nang marinig ang sinabi ni manang.
I feel like my emotions are too fragile. . . my tears come too easily, and it feels like even the slightest touch could break me. And just like that, my tears start rolling down my cheeks.
May laman pa rin ng pagkain ang bibig ko habang lumuluha dahil sa sinabi ni manang. Para akong bata. I know it sounds a bit cringe, but I've been crying a lot. Pero hindi ko alam. . . I was really touched when I heard what Daddy told Manang about me.
Si Alastair naman ay nagkakanda ugaga na inabot sa akin ang tubig ko at baka mabulunan ako sa aking kinakain.
"Tubig ka muna," mahinahong wika ni Alastair.
I saw in my peripheral vision that he looked at manang. Hindi ko lang makita kung ano ang ekspresyon nito.
"Ganyan talaga 'yan siya, hijo. Daddy's girl kasi 'yan si Isla," mahinang wika ni manang kay Alastair pero hindi na ako nagsalita tungkol doon.
Nanginginig ang aking baba na tinanggap 'yon at ininom. Halos manlabo ang aking paningin dahil napadako na naman ang paningin ko kay daddy na nakaratay pa rin sa hospital bed.
"I just wish daddy would get b-better soon," humihikbing usal ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Alastair sa aking kamay. Hindi ko namalayan na hinawakan niya na pala ang kamay ko para pakalmahin.
"Gagaling siya, mahal. Huwag kang mag-alala," bulong ni Alastair.
Malambot ang ekspresyon ng kanyang mukha nang lingunin ko ito. Napalabi na lang ako at sumandal sa kanyang balikat habang nakatingin pa rin kay daddy.
"Kailangan mong uminom ng maraming tubig. Namamaga na naman yung mata mo. Alam kong walang tigil 'yang iyak mo kasi malapit nang magmukhang kinagat ng ipis yung mata mo—aray!"
Hindi niya natapos ang sinabi niya nang mahina kong kinurot ang tagiliran niya, pero ang OA ng naging reaksyon niya. Tinawanan niya lang ako at hinapit ang baywang papalapit sa kanya. Sinubuan niya na lang ako hanggang sa maubos 'yon.
"Biro lang," bulong niya. Yumuko siya at mabilis na hinalikan ang noo ko. "Kain ka na, mahal. Pag-pray natin na gumaling si papa mo, ah. Malakas 'yan si Tito Arden. Bawal pa 'yan siya umalis kasi kawawa ang prinsesa niya."
Mahina niyang pinisil ang ilong ko at ningitian ako. Hindi na ako nakapag salita.
Isang malungkot na ngiti na lang ang aking naitugon at bumulong, "Thank you so much. Thank you sa inyo."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Adeline Isla:
Mommy?
This is an emergency. Can you atleast reply to my texts?
Si daddy na confine sa hospital. He had SCLC, small cell lung cancer. Hindi ko po alam kung alam niyo na rin ba ang tungkol dito.
I need you here. We need you here.
Comeback na po.
Pabalik-balik sa paglalakad sa sala habang nakababa ang tingin sa hawak kong cellphone. Halos mapudpod ang kuko ko kakangatngat dahil sa sunod-sunod na pagiiwan ko ng message sa kanya.
I'm alone here in our house. It's been a week and daddy is still in the hospital. Halos palitan kaming dalawa ni manang sa pagbabantay kay daddy.
Nakabalik na rin ako sa pagpasok sa school pero nahihirapan ako mag-focus. Nahihirapan akong intindihin lahat ng mga sinasabi ni prof namin. Pakiramdam ko hindi pumapasok sa utak ko ang mga lesson nila.
Nanghihina akong napabagsak sa malambot na sofa at tulala sa nagkalat na notes, ballpen, highlighter, at yellow pad sa ibabaw ng center table.
Tapos na ang exam namin pero hindi pa rin ako tumitigil sa paggawa ng panibagong reviewer para sa upcoming exam namin. Which is our pre-final examination.
Alam kong medyo matagal pa naman pero habang maaga pa ay mas maganda na pinaghahandaan ko na sila.
I wasn't happy with the results of my midterm exam. Hindi ako nakapag-review ng maayos dahil sa nangyari kay daddy.
Gumawa ng paraan si Nari; siya ang nagpakopya sa akin sa mga hindi ko nasagutan. I'm thankful for her because she let me copy her answer. Nakapasa ako pero hindi ako masaya sa naging scores ko dahil majority ay kopya.
I shouldn't be proud of it.
Mahalaga na lang siguro ay nalagpasan na namin ang midterm exam. Babawi na lang ako sa susunod.
Nakakabingi ang katahimikan sa buong bahay. Wala ang tunog ng paglagaslas ng tubig galing sa lababo dahil sa paghuhugas ni manang. Wala ang tunog ng mga pagkakalansing ng mga kagamitan sa kotse dahil kay Kuya Amelio.
Mas lalong wala ang pamilyar na tunog ng takong ng sapatos ni daddy. Na halos umalingawngaw sa bawat pag lakad niya sa tiles namin na gawa sa marmol.
Nakakapanibago. Hindi ako sanay.
Hindi ko namalayan na tulala na pala ako sa kawalan kung hindi ko narinig ang tunog ng doorbell. Kumunot ang aking noo at tumayo para tignan kung sino ang nasa labas.
Walang tao sa labas ng gate pero isang itim na sedan na hindi ko kilala kung kanino 'yon ang nakapark sa harapan ng malaking gate ng garahe. Lumabas ako sa maliit na pintuan ng gate at nagtungo roon para paalisin ang may-ari no'n—
Malakas akong napasinghap ng makarinig ng malakas na 'pop.' Kasabay no'n ang pag-ulan ng maliliit at makukulay na confetti.
"Happy birthday, Isla!" dinig kong sabay-sabay na sambit ni Nari, Ciro, at Alastair.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com