CHAPTER 29
CHAPTER 29
ADELINE ISLA RAMIREZ
Umabot pa yata ng ilang segundo bago ako matauhan ng makita silang tatlo. Nakatago sila sa gilid ng kotse at nakayuko bago sila bumati sa akin.
I didn't even know it's my birthday today!
Masyado lang yatang okupado ng ibang bagay ang utak ko at nakalimutan ko na kaarawan ko ngayon.
"W-what are you. . ."
"Surprise! Gulat ka ba? Halatang hindi mo rin alam na birthday mo ngayon!" natatawang wika ni Nari sa akin.
Parehas silang may hawak ni Ciro ng party popper na maliit.
Hindi pa rin ako makakilos dahil sa gulat. Malawak ang ngiti sa kanilang labi. Lalo na kay Alastair ng dumako ang tingin ko sa kanya, bagsak na bagsak ang maalon at dark brown nitong buhok.
Ang iba pa nga ay nakaharang sa kanyang mata kaya hinawi niya 'yon. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang stud earrings niyang kumikinang. Hindi na niya 'yon inaalis.
I unconsciously look down at his hands. May hawak siyang isang bouquet ng pink tulips. Pakiramdam ko ay bumagal ang ikot ng mundo ko dahil do'n at gano'n din ang pagtibok ng aking puso habang nakatingin sa kanya.
Malawak ang ngiti sa labi ni Alastair. Ngising ngisi siya at kitang kita ko ang ngipin niyang pa-pangil. I realized that Alastair smile is really not fake when I saw his fang teeth; malalaman ko na genuine ang mga ngiti niya kapag nakikita ko 'yon.
I don't know but I miss him. Ilang days din siyang hindi nakakabisita sa bahay; tuwing may pasok lang kami nagkakasama at nakikita ang isa't isa. Naging busy siya dahil tinutulungan niya ang papa ni Nari na magbuhat ng mga na harvest na gulay at prutas.
Alastair was wearing a plain round-neck white shirt and khaki brown shorts. I unconsciously looked at his body, bakit parang umiiba na ang hulma ng kanyang katawan kumpara noon? It's getting a little bulkier now, unlike the usual body type that he had.
Is he hitting the gym?
His biceps are well-defined because of what he's wearing. Wala sa sarili na napalunok ako dahil doon. It makes me wonder if I can touch it—No! Isla, stop with these thoughts!
The veins in his hands are protruding now because he was holding the flower bouquet, at ang couple pink bracelet namin ay nag mistulang design sa kanyang kamay.
Mahaba ang mapuputing niyang daliri habang nakahawak ng mabuti sa dulo ng flower bouquet. Napalunok na lang ako at inipit ang labi.
Nang inangat ko ang aking paningin ay wala pa ring nagbago sa kanyang mukha.
He's still the Alastair that loves to tease me. He's still the Alastair that loves to see me getting annoyed by him. And he's still the Alastair that loves to see me being sassy to him.
He's still my Alastair.
Kahit na magbago ang katawan niya, alam kong siya pa rin yung Alastair na mahilig magpababy sa akin at nanghihingi ng kiss sa chat.
Wala sa sariling napairap ako sa ere ng pumasok 'yon sa aking isipan.
Nang magtagpo ang aming paningin. Hindi mawala ang pamilyar na kinang sa kanyang mga mata habang nakababa ng tingin sa akin. Kulang na lang ay magkaroon siya ng buntot ng aso at kumakawag 'yon ng mabilis.
"Mahal, happy birthday!" masayang bati ni Alastair.
Nauna na niya akong lapitan kesa kay Nari at Ciro. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Ano na namang tumatakbo sa isipan mo at iniirapan mo ako kanina? Dami ko na naman sigurong kasalanan d'yan, 'no," bulong niya sa akin habang magkayakap.
I scoffed. Pabiro ko siyang tinulak pero tinawanan niya lang ako. Binigay niya sa akin ang isang boquet ng bulalak bago hawakan ang aking kamay.
"Thank you for this," I whispered and smiled at him.
"You're welcome."
Nang lingunin ko sila, si Nari at Ciro ay parehas pa rin na nakangiti. Doon lang sila lumapit sa akin at muling binati. Nilinis muna namin ang mga nagkalat na confetti sa lapag bago ko sila ayain na pumasok sa loob ng bahay.
It's saturday today, walang pasok sa school. Kaya ang pagsusubsob ko sa paggawa ng reviewer ay itinigil ko muna dahil sa kanila.
Sila Nari ang nagpresinta na sila na ang mag-aayos ng mga pagkain na dala nila sa dining area. Mga lutong pagkain na ang nakahanda roon at ang cake raw ay kakaorder lang ni Nari. On the way na 'yon.
Habang abala sila Nari sa dining area ay umakyat na muna ako sa taas para dalhin ang mga gamit ko sa kuwarto. Kasama na rin itong isang bouquet ng pink tulips na binigay sa akin ni Alastair.
I'm planning to put this in the vase at the top of my bedside table.
"How's your feeling?"
Napalingon ako ng marinig ang boses ni Alastair sa aking likuran. Hindi ko alam na nakasunod na pala siya sa akin. Agad na bumalot sa buong kuwarto ko ang kanyang amoy.
Walang wala ang air freshener ko sa pabango niya. Pasimple kong inamoy ang ere at nanuot sa aking ilong ang pabango ni Alastair.
His cologne smells manly and fresh. Parang kahit na nakatalikod ako at may maamoy akong gano'n ay siya na agad ang pumapasok sa isipan ko.
"I'm fine. To be honest, I forgot that it's my birthday today." Napailing na lang ako at nilapitan siya. "Masyado akong naka-focus sa kalagayan ni daddy."
Ningitian niya lang ako at hinawakan ang kamay ko. Pilit kong pinipigilan ang mga ngiting gustong sumilay sa aking labi nang maramdaman na hinahalik-halikan niya 'yon.
"He's going to be okay, mahal. I promise. May surprise kami sa 'yo mamaya," aniya sa malambing na tono. "Dapat hindi ko na sasabihin na may surprise kami, ang kaso hindi na ako makapaghintay. Alam kong magiging masaya ka mamaya."
Tinapat niya ang hintuturo sa kanyang labi na para bang pinapatahimik ako.
"Shh ka na lang kay Nari, ah. Uupakan kasi ako no'n."
Tuluyan ko nang hindi napigilan na mapangiti. Maya-maya ay mahina akong natawa dahil sa pagiging excited niya. Kulang na lang ay tumalon sa sobrang tuwa.
"Thank you so much, Alastair," I whispered. Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang kanyang pisngi.
Lumapit pa ako lalo sa kanya at tumingkayad para ilapat ang labi ko sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. He holds my hands like he's afraid to lose me, even for just a second.
Our lips stay pressed together. Habang nasa gano'ng posisyon ay ramdam na ramdam ko ang init ng labi niya sa akin. . . his warm and soft lips against mine. Nang maghiwalay ay doon nagtagpo ang tingin namin sa isa't isa.
Our faces were so close to each other. My room remained silent and none of us talked. Nanatili lang na pinagmamasdan namin ang isa't isa na akala mo ay mawawala.
Nangungusap ang kanyang mga mata. Nakababa ang tingin niya sa akin at hindi inaalis ang paningin. He's still staring me, at parang walang pakielam sa nakapaligid sa kanya. Na para bang ang mahalaga ay matingnan niya ako.
'Yon lang at wala ng iba.
I felt his hands crawl to my arm until he reached my cheeks. He cupped it. Caressing it using his thumb while looking at my eyes. Malambot ang mga tingin niya sa akin.
He's still cupping my cheeks like any moment from now, I could slip away in his hands. Kaya ramdam na dumiin ang hawak niya roon pero may pagiingat pa rin.
"You're always welcome, mahal," malumanay niyang tugon. "Let's just enjoy your birthday today, hmm? Araw mo ngayon kaya hayaan mo na maging masaya ka."
I nodded. "Yes. . . I will."
He smiled at me again. And later on, our lips locked again and exchanging a hot and fiery kiss. Natagpuan ko na lang ang sarili na tinutugon ang mainit niyang halik.
Ang kamay ko ay parang may sariling utak. Nakahawak na ito ngayon sa kanyang batok at pilit na pinapalapit sa akin kahit na halos magpalit na kami ng katawan sa sobrang lapit.
I should enjoy this moment now, habang abala pa ang sila Nari sa baba.
We both want this. We both crave this. I miss him. I miss his kiss on me.
A shiver ran down my spine as his soft groan escaped from his lips. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang kinikiliti ang tyan ko ng marinig 'yon.
Alastair is tall. Matangkad siya. Malakas. Pero hinayaan niya lang sarili na isandal ko siya sa pader ng kuwarto ko, sa gilid ng pintuan para mas lalong mahalikan siya. Para masandal ko ang sarili ko sa katawan niya.
I felt his hands on my waist. He's kneading it like some dough. I felt weak. Nanghihina ako sa paraan niya kung paano humalik. May ritmo ang bawat haplos at hawak niya sa baywang ko, sinasabayan pa 'yon ng nakakaliyo niyang halik. He only touched me there aside from my back.
Doon niya lang ako hinawakan at wala nang iba.
He playfully nipped my lower lip. I gasped because of that and I didn't have time to react when our kiss deepened even more when I felt his tongue enter.
Kung hindi ako nakahawak sa kanyang batok ay baka tuluyan na akong bumagsak sa sahig dahil sa panghihina.
It was a slow make-out session.
Nakakapanginig ng tuhod ang bawat galaw ng labi niya sa akin. I can't help but moan on his lips.
Hindi pa tapos ang araw pero pakiramdam ko ay kompleto na siya. Parang nagwawala ang dibdib ko sa saya. May kung anong kumikiliti sa tyan ko habang nilalasap ang halik namin sa isa't isa.
And that's when I realized—it wasn't just my stomach feeling those weird tingles while we were kissing. There was this sensation between my legs too... and I knew exactly what that meant. Hindi ako tanga para hindi alam 'yon.
Gosh! This is so embarrassing, Isla! I'm getting wet because of this!
"Sa tingin ko kailangan na nating bumaba," hinihingal at natatawang sambit ni Alastair ng mahiwalay ang labi namin.
Mabilis akong umiwas ng tingin dahil naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Kagat labing tumango ako at napalingon na lang din sa kanya.
Nangingintab ang mapula niyang labi dahil sa ginawa namin. Parang may lipgloss na nilagay sa labi niya. His lips were a little plumpier now. Nakangisi na naman ito dahil nakahalik na naman sa akin.
"You should go now. Maliligo lang ako, nakakahiya naman sa inyo; mukhang fresh kayo samantala ako parang kakagising lang."
"Sige, Mahal."
Agad na rin akong naligo. Binilisan ko na lang dahil ayaw ko rin na paghintayin sila sa baba. After I take a bath, ang napili ko na lang na suotin na damit ay isang light pink sleeveless dress na may cute white ribbon sa bandang dulo ng v-neckline ng dress.
Nag-ayos pa ako ng kaunti at maya-maya ay muli na naman akong inakyat ni Alastair; sakto ay tapos na akong mag-ayos.
"What's with you today?" tanong ko habang naglalakad kami pababa ng hagdanan.
"Huh? Bakit anong meron?"
I shrugged. "You're a little bulkier today. May pinopormahan ka bang iba bukod sa akin?" Tinaasan ko siya ng isang kilay at humalukipkip.
Natigilan siya sa paglalakad at tiningnan ako.
"Ikaw, ah. Boring ka ba ngayon kaya naghahanap ka ng away?" pang-aasar niya sa akin.
Inirapan ko siya. "You're still my Alastair, right?"
Napabuga siya ng hangin at nilapitan ako.
"Mahal, kaka make out lang natin kanina sa kuwarto mo tapos ganyan pa iniisip mo? Sinandal sandal mo pa nga ako sa pader. Kung gusto mong maulit 'yon, sabihan mo lang ako kasi susunggaban ko agad 'yang labi mo ng walang pag-aalinlangan—"
"Alastair!" I hissed.
Mahina siyang natawa. "Tamo. Ikaw lang din naiinis sa pinaggagawa mo."
Napanguso na lang ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinasalikop ang aming mga palad.
"Tinuloy na namin ni Ciro yung pag-g-gym. May bagong bukas na gym malapit kela Nari kaya nagpa-member agad kami ni Ciro. Sino ba namang hindi tataba kung ang bonding natin ay kung hindi matutulog ay puro kain," natatawa niyang saad.
"Gawin na lang natin na muscle 'tong mga fats ko. Ikaw din naman makikinabang sa katawan ko. Promise," aniya sa mapangasar na tono at kinindatan pa ako. "Kahit gamitin mo pa katawan ko okay lang, e."
Inirapan ko na lang siya. Sa kalaunan ay napailing na lang at pilit na pinipigilan ang ngiting gustong gumuhit sa aking labi.
"Mas lalong maraming kaagaw. . ." wala sa sarili kong wika.
"Sabi ko sa 'yo lagyan mo 'ko dog leash, e. Baka tahulan ko pa 'yang mga magsusubok na agawan ka ng boyfriend."
"Alastair! Baliw ka talaga. I don't want that." Umangat ang aking kamay at mahinang hinampas kanyang braso. "It's just. . . you're so handsome today. You know, it's been a day since we last bonded together. Namiss lang kita siguro."
Agad na nanlambot ang paningin ni Alastair sa akin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"I miss you too, mahal. Sorry, a. Next time bibisita na ulit ako rito. Umeextra pa ako kay tito para alam mo na may extra kaching," nakangiti niyang tugon.
"Para sa next date natin gagala naman tayo. Saan mo ba gusto? Rides tayo, ah. Tara Antips? Dalhin mo yung motor mo para naman makagala siya. May lisensya ka naman, 'di ba? Baka mamaya hindi mo pa napa blessing 'yan. Dahilhin natin sa Grotto 'yan, may kilala akong pari ro'n, doon natin ipa-blessing."
"I want that. Sabi ko sa 'yo ako na muna manglilibre. Ayaw mo naman."
Napangiwi siya sa sinabi ko. "Ayaw ko ng gumagastos ka."
Napailing na lang ako at ningitian na lang siya.
He really doesn't want me to spend my money when we want to go somewhere.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Tagal niyo bumaba. Huwag mong sabihin nag-sex pa kayo ni Alastair sa kuwarto mo? Tanghaling tapat, Isla. Mamaya na dapat 'yang birthday sex mo."
Agad na bumulwak palabas sa aking bibig ang iniinom kong orange juice ng marinig ang sinabi ni Nari. Napaubo ako ng ilang beses at mukhang may nakarating pa ang juice sa ilong ko.
"Nari!" saway ko sa kanya.
Mabuti na lang at wala si Alastair at Ciro rito dahil may pupuntahan pa raw muna sila sa labas. Kaming dalawa na muna ni Nari ang nagbabantay sa mga nakalagay na handa rito.
"Oh, bakit?" natatawa niyang tanong.
"Hindi kami nag-sex ni Alastair 'no!" tugon ko at napainom sa juice para itago ang pamumula ng pisngi ko.
Halatang nagpipigil ng tawa si Nari. Nanunudyo ang mga tingin niya sa akin at sumandal sa kinauupuan.
"Ay hindi ba nagsex," mapang-asar niyang sambit. "Sige, hindi na lang sex. Make out? "
Pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan.
"No. We didn't do that," pag tanggi ko.
She scoffed. "Wushu, Isla. Pagbaba ni Alastair dito, pulang pula at ang kintab ng labi. Laki pa ng ngiti. Kulang na lang ipa-billboard yung labi sa EDSA—"
"He tried one of my lipglosses!" pagputol ko sa kanyang sinabi.
Humalakhak si Nari. "Lipgloss or LIPmo?" She even emphasized the last word to make sure I understood what she was trying to say.
"Nari!" naiinis kong sambit.
Umalingawngaw ang kanyang halakhak sa tabi ko. Napanguso na lang ako at humalukipkip.
Naramdaman ko ang pagtanday ng kanyang ulo sa balikat ko bago namayani ang katahimikan. Sumisimsim na lang ako sa juice at hindi na nagsalita.
Wala nang umimik sa aming dalawa at maya-maya ay may inabot siya sa akin na galing sa bag niya. Kulay silver at rectangular-shaped na lalagyanan.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasulat doon at wala sa sarili na napausog papalayo sa kanya dahil sa gulat.
Isang box talaga?!
I looked like I got scared of what she gave me, even though there was really no reason to feel afraid. In fact, it's like Nari wants us to be responsible for that 'thing'—that's why she wants to give it to me.
"Invisible. Light. Extra thin." Nagtaas baba ang kilay niya sa akin habang nakangiti, iniba niya pa ang tono ng kanyang boses na akala mo ay nag eendorse.
"Excited ako maging ninang sa anak niyo pero huwag muna ngayon, ah. Pakiusapan mo muna yung eggcell mo na kumalma siya at huwag munang makipag-meet up sa sperm cell ng pinsan ko. Harangan niyo muna ng ganyan para safe."
Nanatiling nakalahad ang bagay na 'yon sa akin at parang na estatwa pa ako sa mga pinagsasabi niya.
I didn't know what was happening. I already found myself accepting it. Nakababa ang tingin ko sa sealed na isang box ng condom.
It was a durex brand. Invisible extra thin and 10 pieces inside. Napaawang ang aking labi ng mabasa ang nasa box.
10 pieces?! That's a lot! Anong akala niya sa amin uubusin. Napatingin ako dahil kay Nari.
"Isla. Alam ko 'yang nasa isip mo, ah. Hindi naman porket sampung piraso laman n'yan eh makaka ten rounds din kayo ng pinsan ko ng isang gamitan. Maawa ka naman sa kipay mo—"
"Nari!" awat ko.
Humalakhak siya at napailing. "Matagal pa 'yan mauubos. Tiwala lang."
"Why did you have to buy ten pieces? I think there are 3 pieces in a box. I'm not even a sex addict. . ." I whispered.
"Hmm. . . Ay, huwag magsalita ng tapos. Baka mamaya pag nasubukan niyo 'di niyo na matigilan." Napahawak siya sa kanyang tyan habang patuloy pa rin sa pag tawa.
"Atsaka imposible na naman na parang hindi kayo nakukuryente kapag kayong dalawa lang magkasama. Pigil pigil na lang 'yan."
"Hindi ko naman ineencourage na mag gano'n kayo ngayong binigyan kita ng ganyan." Tinuro niya ang isang box ng condom. "Just in case lang naman na baka may mangyari sa inyo at least ready kayo. Baka mamaya unang sex niyo busog ka agad ng nine months."
Inirapan ko lang siya at napahalukipkip na lang. Hindi ko pa rin matanggal ang paningin sa binigay niya.
"Isla, sex is okay in a relationship as long as you're ready physically and emotionally. As long as it's consensual. Maging responsable lang kayo kapag gagawin niyo kasi para sa inyo rin naman 'yon. Atsaka mafefeel niyo rin na parang ibang level na rin kung anong meron sa inyong dalawa kasi may intimate na nangyayari sa inyo."
"Alam niyo 'yon. . . na parang na dedeepen yung emotional connection niyo sa isa't isa. Yung feeling ng closeness mo sa partner mo. Yung trust at yung attachment." Ningitian niya ako at tinapik sa balikat.
"Mas naging close kami ni Ciro noong may nangyari sa amin. Mas lalong minahal. Mas lalong lumalim yung nararamdaman. Ginayuma ko kasi, ginawa ko kasing feminine wash yung love potion na nabili ko sa Quiapo bago ko ipakain sa kanya yung kipay ko—"
I groaned. "Nari, naman! Ang seryoso na ng usapan natin tapos nag gaganyan ka pa."
Tinulak ko ang balikat niya palayo sa akin at pinatong ang box sa lamesa.
Humalakhak lang siya sa sinabi ko. Natulala na ako sa box at kung ano-ano na ang mga senaryo na pumasok sa aking isipan.
Nababahiran na ng kabastusan ang isip ko dahil kay Nari! This girl!
Yumuko ako at tinago ang pamumula ng aking pisngi. Well, it doesn't matter to me if we're going to do it. I personally believe it's better to know if we're sexually compatible before getting married. Parang ang pangit lang din kung ang isa nagtatake pero hindi marunong magbigay.
Oh gosh, Isla! Kung ano-ano na ang iniisip mo. Emergency only, okay? Emergency!
"You brought a condom. Nag-cocondom pa rin kayo ni Ciro kahit na naka-pills ka?" I asked.
"Minsan hindi, minsan oo. Pero most of the time, hindi kami gumagamit. Atsaka last na check up namin parehas kaming clean. Naka-alarm din sa phone ko tsaka sa phone niya yung oras ng pag-inom ko ng pills para hindi namin makaligtaan," sagot niya. "Mataas ang percent na effective yung pills kapag on time yung pag inom."
"Atsaka, hindi sa amin 'yan. Birthday gift ko na 'yan sa 'yo," natatawa niyang usal.
Napairap na lang ako at wala nang nagawa kundi tanggapin. Because she has a point, kahit naman na nakukutuban niya yung ginawa namin ni Alastair, hindi pa rin naman ako aamin, 'no.
And I know that what Alastair and I are doing might eventually lead to something more—we've already made out. Nararamdaman ko 'yon. Little by little, we're kind of getting to that stage where things might go further.
We're slowly getting caught in the heat we keep building together.
Tama nga naman si Nari. Mas maganda nang handa kaysa sa hindi.
Agad kong tinago ang box ng condom sa drawer ng bedside table ko nang makaakyat sa taas. Sinamahan pa ako ni Nari bago kami tuluyang makalabas sa bahay dahil may surprise raw sila sa akin.
"Ano ba kasi 'yon?" natatawa kong tanong.
"Hindi na 'yon surprise kapag sinabi ko sa 'yo." Nakatakip ang mata ko gamit ang palad niya kaya dahan-dahan lang kami lumabas ng gate.
"Okay, puwede ka ng dumilat."
Hindi na agad ako nagdalawang isip na gawin 'yon. Napaawang ang aking labi ng makita silang manang, Kuya Amelio, at si daddy.
Si Alastair ang may hawak ng cake at si Ciro naman ang mga cute pink na balloon na polka dots ang design.
"Happy birthday, Adeline. . ."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com