Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

CHAPTER 3

ADELINE ISLA RAMIREZ

Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa mga natitirang oras sa last subject namin. Expected ko naman na wala pa talagang lesson dahil sa sinabi ni Nari kaya ngayon, our task today is to introduce ourselves, our dream job and why we chose this course.

"Next."

Mabilis akong napalingon sa gilid ko nang kalabitin ako ni Nari.

"Ikaw na, Isla," nakangiti niyang wika. "Ayos muhka, para kang pinagsakluban ng langit at lupa d'yan."

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para pumunta sa harapan. I didn't know that it's necessary na mag-introduce yourself sa harapan kung puwede naman kahit sa upuan na lang.

Wala namang problema sa akin kung gano'n ang mangyayari.

"Hi, everyone. I'm Adeline Isla Ramirez. I choose this course because hospitality management has many opportunities for our careers soon. Especially for hotels, restaurants, and cruise ships. I want to work on a cruise ship someday because it feels like you're traveling while working at the same time," salita ko habang nakangiti.

"That's nice, Ms. Ramirez. Okay, you may take your seat."

Agad akong bumalik sa kinauupuan ko, at ngiting ngiti pa rin si Nari sa akin.

"Galing naman! Ako na ang next."

Agad siyang nagtungo sa harapan at pinakilala niya ang kanyang sarili. After a minute, finally the Cuss guy is the last one to introduce himself.

Tahimik lang itong nagtungo sa harapan at kumunot ang akin noo ng magtama ang aming paningin. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa ulo ko ng mapansing tumaas ang gilid ng kanyang labi.

The hell? What's wrong with him?

"I'm Zayn Alastair Valdevera. My dream job is actually to become a captain of the ship and why did I choose this course? It's because we had some financial problems, kaya ito muna ang kinuha kong course kesa sa dream course ko."

"Sus. Sabihin mo na lang Alas na kaya gusto mo magtrabaho sa barko kasi para makatikim ng iba't ibang putahe," dinig kong wika ni Ciro, he's the clown guy na palaging kasama nitong si Alastair.

Narinig ko ang tawanan ng ibang classmates namin sa likuran at harapan. Nang lingunin ko si Nari ay napailing na lang siya.

I'm confused. I don't even understand what they're talking about.

"Maybe someday, Mr. Valdevera, you'll get your dream job soon."

Nang matapos siya ay natagpuan ko na lang ang sarili na sinusundan ko na si Alastair ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi ng kanyang kaibigan. Nakita ko pa na mahina niyang tinapik ang ulo ni Ciro na tinawanan lang siya nito.

Bago pa siya tuluyang makaupo ay muli na namang nagtagpo ang tingin naming dalawa. Tinaasan ko lang siyang kilay ng makita ang pilyong ngisi nito. Agad ko siyang inirapan at binaling na lang kay Nari ang atensyon ko.

"Anong tinatawanan nila kanina?" tanong ko sa kanya. "The putahe thingy while working at the ship."

Agad na umangat ang tingin ni Nari sa akin.

"Ah. Kasi 'di ba parang mga biruan sa mga seaman na kaya raw gusto nila mag gano'n para makatikim ng iba't ibang babae. May iba kasi na kada daong sa ibang country may mga umaakyat na bayarang babae para makipag-sex sa kanila."

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Napangiwi ako dahil doon.

"Gosh. Hindi ba sila makakakuha ng sakit n'yan sa ginagawa nila? Like you said that they will had sex with multiple woman, paano kung hindi pala nila alam na may sakit yung makaka sex nila? How about the family that they left? Kakainis, balak pa yata sirain ang pamilya nila," naiirita kong wika.

Wala sa sarili na mabilis na sinulyapan si Alastair na tahimik na may binabasa sa binder nito habang tumatango, mukhang nakikinig din sa daldal ni Ciro.

Hmm, kaya pala gano'n ang gusto niya. Well... Alastair has a vibe that he will do it someday. Base pa lang sa kung paano ito kumilos ay parang magiging gano'n siya.

Okay, stop right there, Isla. You're being judgemental. No! Kitang kita na parang magiging gano'n siya.

"Nangyayari naman talaga 'yan sa totoong buhay, Isla. Kaya ayon, mga inside joke lang ni Ciro 'yan kaya balewalain mo na lang."

Napairap na lang ako sa ere at binuksan ang sparkly pink binder ko dahil nandoon ang mga notes ko.

"Para silang mga pasikat boys," naiirita kong wika.

"Huh?" natatawang usal ni Nari. "Napapansin ko na palaging mainit ulo mo o iritang irita ka sa kanila."

"Because that's true," mabilis kong tugon. "Alam mo bang sila sumira ng araw ko ngayon. They accidentally bumped into me in the hallway of the lobby and they didn't even apologize to me. Tapos umisa pa talaga sila, natapakan yung paa ko, and right now my stockings is ruined."

Pinakita ko sa kanya ang itim na bakas na iniwan ni Alastair.

Gosh! I hate him so much.

Napahalakhak na lang si Nari sa akin at agad na inalo ako para raw lumamig ang ulo ko. Kaso ang hirap!

Nakakainis sila!

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

After my last subject was done, si Nari na ang unang nagpaalam sa akin na mauuna na raw siyang umuwi. And right now I'm here at the department head office to meet my auntie.

Mrs. Smith.

"I'm glad to meet you again, Isla," nakangiting wika sa akin ni Tita.

She's my aunt on my mother's side. She's my mother's eldest sister. Dito muna ako nagpalipas ng ilang minuto bago hintayin ang text ng magsusundo sa akin.

"Me too, tita!" masaya kong tugon. "Umm... I have a question po. Kung may balita ka po ba kay mommy?"

Agad na naglaho ang kanyang ngiti at umiling.

"I'm sorry, Isla. Even your mother stopped communicating with me. Hindi siya nagrereply sa mga chats ko," tugon niyo.

Ningitian ko na lang siya at tumango sa kabila ng pagkirot ng aking dibdib.

"Natanong ko lang kasi sa akin din naman, tita. She didn't block me naman kaya nakakachat ko siya, pero she barely replied to me. Siniseen lang ako."

Napabuntong hininga na lang siya at agad na nanglambot ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Nakita ko na tumayo ito mula sa swivel chair niya bago maglakad patungo sa akin para yakapin.

"I'm so sorry, dear," malambing niyang wika sa akin ng hagkan ako.

Ningitian ko na lang siya at niyakap pabalik. "Maybe soon po magrereply na siya sa akin. Inupdate ko siya kanina na first day of class ko ngayon."

"That's good. Atlis alam niya pa rin ang ginagawa mo," nakangiti niyang tugon sa akin.

Mabilis na bumaba ang tingin ko sa cellphone nang biglang tumunog 'yon. Nag-pop up ang message ni kuya na nasa labas na raw siya ng building ng HM department.

"Tita, I have to go na. Si Kuya Amelio nasa baba na at hinihintay na ako," pagpapaalam ko.

"Okay, dear. Kapag may time ka, bumisita ka na lang din dito."

"Okay, tita! Bye!"

"Bye. Take care, Isla."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Manang, I swear. Napaka annoying person niya. He just ruined my first day of class," irritable kong sambit habang ngumunguya ng pagkain.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Manang habang naghuhugas ng plato. Gabi na ngayon, at kasalukuyan akong kumakain ng hapunan sa counter ng kitchen island imbis na sa dining area.

"Kakaganyan mo, Isla. Baka mamaya mahulog ang loob mo—"

Agad akong napaubo sa kanyang sinabi. Gosh! Sa kanya? Mahuhulog ako?!

Over my death body!

"Manang! Gino-goosebumps ako sa mga sinasabi mo. I would never date a man like him 'no! Napaka-jejemon niya and if you saw his stud earring, para siyang tambay sa kalye."

"Hindi siya pasok sa standards ko," pahabol ko.

"Ano ba ang standards mo, Isla?" natatawang tanong ni manang ng matapos na ito sa kanyang paghuhugas.

Nagpalumbaba ako at napatingin pa sa kisame na akala mo ay nandoon lahat ng sagot sa tanong niya.

"Well, I want a man that looks neat, syempre alangan namang pipiliin ko yung dugyot. Gusto ko yung loyal siya sa akin... and yung mamahalin ako. Tapos gentleman siya and a respectful person. Atsaka ayaw ko nung mukhang badboy na mukhang pasikat at parang tambay."

"Parang kagaya roon sa classmate mo?"

"Yes—Manang!"

Muling natawa si manang sa aking sinabi. Napailing na lang siya bago lumapit at pisilin ang aking pisngi. Napanguso na lang ako at hinawakan ang pisnging pinisil nito.

"Nako, Isla. Huwag kang magsalita ng tapos."

Umiling ako at ngumiwi sa kanya. "No talaga, manang. Never."

Tinawanan niya lang ako, at kasabay no'n ang pagtunog ng wind chime sa screen door ng bahay kaya alam namin na may pumasok na sa loob.

"I'm home."

Agad na napantig ang aking tenga ng marinig ang boses ni daddy. Tipid ko lang na ningitian si manang bago maingat na binigay sa kanya ang plato.

"I'm going upstairs na, manang."

Nangungusap ang kanyang mga mata. Alam na alam ko na agad kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Agad akong naghugas ng kamay at umakyat na papunta sa kuwarto. Nagkasalubong pa kami ni daddy na mukhang paakyat din patungo sa opisina nito.

"Adeline, how's your first day of school?" malambot ang ngiti nito sa kanyang labi nang magsalita.

Hindi ko siya nilingon, nanatili lang akong nakatalikod sa kanya.

"Worst," tipid kong tugon.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na agad ako sa aking kuwarto. Agad na sinalubong ako ng malamig na hangin na nanggagaling sa buga ng split-type aircon ko.

Ilang segundo rin yata akong nakasandal sa likod ng pintuan at tulala sa tahimik na kuwarto.

I miss my mom. I miss my old family. I miss everything before the divorce happened.

I quietly walked towards my bedside table and took the old family photo where my family was happy before.

It's a family picture of us; sa pagkakatanda ko ay ito yata yung nag picnic kaming tatlo sa Eco Park dahil birthday ko. I was wearing a sparkly and glittery pink dress that time. Litaw na litaw ang kulay at ang suot ko dahil maaraw 'yon.

Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik pa rin sa dati ang nasirang pamilya ni daddy.

Maingat kong binalik ang picture frame sa lamesa at nagtungo sa kama para doon maupo. Dinampot ko ang stuff toy ko na si Kissy Missy at pinatong sa hita bago kunin ang laptop nang biglang may nag-notif sa facebook ko.

Minari Mendoza sent you a friend request.

Confirm | Delete

Napangiti na lang ako at agad na cinlick ang confirm. Maya-maya ay nagchat na agad siya sa messenger.

Minari:

Akala ko famous ka eh

Adeline Isla:

What? hahahaha you're so funny nari ah

Minari:

Akala ko hindi mo iaaccept friend request ko magtatampo na sana ako

jk!

Adeline Isla:

Hey hindi naman ako ganyan no grabe ka naman

Minari:

I'm just joking ah! HAHAHAAHHA

anw, tabi tayo ulit ah kaya agahan mo pumasok bukas. minsan kasi nag aagawan ng upuan doon

Adeline Isla:

Sure! don't worry kapag maaga ako nakapasok isasave kita ng seat

Minari:

Yay! excited na ulit ako makita ka tom hahahaha

chatmate na tayo a

Mahina akong natawa at dumapa na sa kama habang nagtaas-baba ang aking binti dahil natutuwa ako kay Nari.

Adeline Isla:

Nari hindi ka ba napapagod. kanina ang daldal mo tapos dito sa chat ganon ka pa din

Minari:

Hindi ako nalolowbat! HAHAHAHAAH

Nari and I talked about a lot of things. Nagkuwentuhan kami sa ibang bagay lalo sa mga memories nito na kasama ako noon noong preschool pa kami.

Ang nagawa ko na lang ay hayaan siyang magkuwento sa akin kahit na hindi ko na naalala 'yon.

Pero halata naman sa kanya na totoo naman lahat ng kuwento nito dahil may mga picture rin siyang naipapakita sa akin.

Pero kung subukan ko man alalahanin iyon ay malabo na talaga siya sa memorya ko.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com