CHAPTER 30
CHAPTER 30
ADELINE ISLA RAMIREZ
"Happy birthday, Adeline. . ."
Napahawak ako sa aking labi at hindi na napigilan na lumuha ng makita si daddy.
I feel like I'm a 4-year-old kid, running to my father while crying.
"D-daddy. . ." I mumbled.
I'm still scared that I'm going to lose him. Malaki ang inibagsak ng katawan niya. Kahit na nakangiti siya sa akin ay bakas na bakas pa rin ang pagod doon. Seeing him like this makes me want to cry even more. Hindi ako sanay na ganito si daddy.
I ran towards him. Hindi agad ako nagdalawang isip na yakapin siya ng mahigpit. . . mahigpit pero sinisigurado ko na hindi siya masasaktan.
"Daddy. . . you're awake na. Daddy," lumuluha kong sambit.
"Happy birthday, Adeline," mahinang wika ni daddy sa akin habang tinugon ang yakap. Awtomatiko kong pinikit ang aking mata nang suklayin niya ang buhok ko. "Happy birthday to my one and only daughter. I love you so much, anak."
Kahit na nakapikit ako, mas lalong lumakas ang iyak ko sa kanyang dibdib. My tears were nonstop. I wailed like a child. . . I wailed like I had been missing for so many years and then I was just found by my own father.
Hindi ko na alam kung anong ginawa ng iba. Narinig ko ang boses ni manang na iwan daw muna kami rito sa labas at mauuna na lang silang pumasok sa loob ng bahay. I didn't talk to them; Nanatili lang akong nakayakap kay daddy.
"I-i'm sorry, daddy," humihikbi kong wika habang nanatiling nakayakap sa kanya. Nahihiya ako na tingnan siya dahil sa nararamdamang konsensya.
"I'm sorry for everything, dad. I promise I'll be good now. I'm sorry for talking back at you like I don't have good manners," sunod sunod kong usal.
Nanginginig na ang aking balikat dahil sa paghikbi. Sinasabayan ko ang pagpapakalma sa sarili ko habang wala pa ring tigil ang mainit kong luha sa pagbuhos.
"I'm slowly accepting that the complete family I'm trying to fix will never be whole again." Huminga ako ng malalim at kumalas sa kanyang pagkakayakap. Hinawakan ko ang kamay niya at mapait na ningitian.
"I know it really hurts because I didn't want this. Ayaw ko ng broken family. Pero okay na siguro yung ganito, dad. Okay na yung tayong dalawa na lang. . . kasama sila," pagtukoy ko kela manang at sa mga kaibigan ko. . . at sa boyfriend ko.
"I should be grateful despite what's happening in our family. . . despite having a broken family. I have y-you." My voice croaked. "Thank you for not leaving me. Thank you for everything. For all your sacrifices."
Kumunot ang aking noo ng marinig ang mahinang tawa ni daddy.
"Ikaw talaga. Pinapaiyak mo pa ako," natatawa niyang bigkas. Yumuko siya at mabilis na hinalikan ang tuktok ng aking noo.
Nang tingnan ang kanyang mata ay doon ko nakita ang bahid ng luha sa gilid ng namumula niyang mga mata. Napalabi ako at nagsimula na namang bumuhos ang mainit kong luha.
"D-don't cry, daddy. We can start our new life without her."
Hindi siya nagsalita. Hindi niya sinagot ang sinabi ko. Sa halip ay isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin bago malakas na napaubo.
Nanlaki ang aking mata at agad siyang inalalayan papasok sa bahay.
"Let's get inside, dad. You need to take a rest," nag-aalala kong saad. "May dala sila Nari ng pagkain. Sabay sabay na tayong kumain."
He smiled. "Sure. Thank you very much, Adeline. Maging okay na tayong dalawa ay sobrang saya ko na."
My eyes sting. Nilabanan kong huwag nang muling umiyak sa harapan niya. I tried to get rid of the lump in my throat, but I can't. Ningitian ko na lang siya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at dumiretso kami sa dining area.
"Nandyan na pala sila," dinig kong usal ni manang.
"Mahal, tara kain na raw! Tito Arden tara na po rito. Nakahain na rin po yung pagkain niyo. Ikaw na lang ang hinihintay," nakangiting wika ni Alastair.
"Kain na po tayo, tito," sabay na bati ni Nari at Ciro.
Nakita ko na ningitian lang ni daddy sila Nari bago ako binalingan ng tingin. Si Kuya Amelio naman ay tinulungan akong alalayan si daddy.
"Kailan mo pa siya naging boyfriend?" pagtukoy niya kay Alastair.
Mabilis akong pinamulahan ng pisngi. Pinipigilan ko ang ngiting gustong gumuhit sa aking labi ng tingnan si Alastair na abala ngayon sa paglalagay ng mga serving spoon sa mga ulam na dala nila.
"The day when we had a seminar outing at La Union," pag amin ko.
Mahinang natawa si daddy. "I really had a hunch that he likes you. Mabuti na lang at hindi torpe."
Napabuntong hininga na lang ako. "If only you knew, dad."
Hindi ko naman sasabihin sa kanya na ako ang umamin dahil. . . urgh! I don't know. Nahihiya ako.
"If only I knew? Ang alin? Na ikaw ang unang umamin kesa kay Alastair?" Nagawa niya pa akong tawanan no'n na ikinalaglag ng aking panga.
"Dad! How did you know that?"
"Bakit hindi mo tanungin ang boyfriend mo?"
"So all along you knew that he's my boyfriend now?"
"Yes, Adeline."
"Gosh. This is so embarrassing!"
Matalim ang titig ko kay Alastair samantalang siya ay parang aso na nakangiti habang naghihintay na makalapit ako sa kanya.
Si Kuya Amelio na ang nag-alalay kay daddy na makaupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko pa rin maalis ang tingin kay Alastair.
Para siyang nawawalang bata sa tabi ko ng makita niya ang aking ekspresyon. Nakangiti pa rin siya sa akin.
"Bakit? Anong kasalanan ko?" parang nalilito niyang tanong.
Pero ang tawa ni daddy ang nangunguna sa dining area.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
I'm slowly scared of being happy the whole day. Natatakot ako na dahil sa sobrang saya ko ay baka may kapalit 'yon.
On my birthday, daddy that just discharged. Sumakto 'yon mismong birthday ko. They even surprised me, and I'm really super thankful for that. Naka-schedule na siya sa infusion kung kailan ang first session niya roon.
In the first week, he's going to have at least 1-2 hours for his chemotherapy. For the second and third week, pahinga niya 'yon, and may ipeprescribe lang na supporting meds para sa kanya. Pagdating ng fourth week, sakto na ulit 'yon para sa susunod na cycle ni daddy sa chemotherapy.
Ilang araw na rin ang lumipas. Hanggang sa naging buwan na. Nakatapos na ng isang session si daddy sa therapy.
At ako ang nahihirapan para sa kanya. He's vomiting all the time. Nahihirapan din siya pakainin ni manang ng pagkain dahil wala siyang gana. Lagi na rin siyang napapagod kaya palaging nakakulong sa kuwarto.
Halos masugatan ko ang aking daliri kakakutkot habang nakababa ng tingin sa hawak kong cellphone. I promise that I'm not going to talk to her. Pero heto ako ngayon sinusubukang tawagan siya sa huling pagkakataon dahil nakita ko na nabasa niya ang text ko.
"Come on. Answer it." Halos magngitngit ang ngipin ko sa inis.
"Answer it—"
Nanlaki ang mata ko nang sinagot niya ang tawag. Tumikhim ako at magsasalita na sana ng maunahan niya ako. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.
"Can you just stop doing this, Adeline? Hindi mo nararamdaman? Hindi mo nararamdaman na hindi kita kailangan? Fuck off. Umalis ka na sa buhay ko."
Halos mabingi ako sa tono ng kanyang boses. There was disgust in the way she spoke. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang kirot ng aking puso dahil doon.
She doesn't need me. She doesn't need her daughter.
"O-okay, mom. This will be the last time that I'm going to contact you. I just want to say that dad had a cancer—"
Hindi niya ako pinatapos. Binaba niya agad ang tawag kaya nanginginig ang aking kamay na nilayo ang cellphone sa aking tainga. I don't care if other people see me in this state I'm in. Nasa sidewalk ako ng campus, nakasilong sa waiting shed at hinihintay si Kuya Amelio.
Nauna na si Nari at Ciro. I don't know where Alastair is; we just had a little argument almost 2 days ago. Wala ni isa sa amin ang gustong makipag-usap.
He's just giving me some space. I know it; I'm just too overstimulated by what's happening in my life. Parang lahat ng 'yon ay ibinagsak sa akin kaya nahihirapan akong ayusin ang sarili.
Wala siya sa tabi pero nararamdaman ko ang presensya niya. Hindi ko na nagawang luminga-linga pa sa paligid at baka mahanap ko pa siya.
Isang busina ang nakapukaw sa aking atensyon. Agad na tumigil ang dalang kotse ni Kuya Amelio sa gilid nang makita ako. Binaba niya ang bintana at bumati.
"Good afternoon po, ma'am. Tara na po," maliit ang ngiti sa labi ni Kuya Amelio na ikinakunot ng aking noo.
Pumasok na agad ako sa backseat at pinapakiramdaman ang sarili kung ayos lang ba siya.
"Are you okay, kuya? Parang ang tamlay niya po. Kumain na po ba kayo? Gusto niyo po bang dumaan muna tayo sa 7/11? I can buy you a food," nag-aalala kong wika.
"Ay, hindi na po, ma'am. Ayos na ayos lang po ako."
Sa kalaunan ay naniwala na lang ako sa kanya pero parang may mali sa kanya. Nababahala rin tuloy ako dahil doon.
Bago kami makalabas ng gate sa campus ay may sumambay na isang pamilyar na itim na motor. Kahit na naka-full gear helmet siya ay alam ko kung sino 'yon.
Nakatingin siya sa gawi ko. Alam ko 'yon at ramdam na ramdam ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang bintana sa passenger seat kung saan ako nakapuwesto.
Isang busina ang pinakawalan niya at sumunod si Kuya Amelio. Mukhang nakilala niya na si Alastair 'yon.
Maya-maya ay pinaandar na niya ang motor papalayo.
Please, stay safe.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Is it in your email, dad?" I asked.
Kasalukuyan ako ngayong nasa kuwarto niya. Sa mini office area niya ako ngayon nakapwesto habang siya ay nagpapahinga sa kanyang kama.
I volunteer to help him check all his emails today since he doesn't have the energy to do that. May kailangan lang daw akong ayusin, and sinabi niya na sa akin 'yon.
It took me a lot of time just to finish this. Nang aksidente kong mag-click sa starred, ay isang email ang nag-iisa roon. Kumunot ang aking noo. Hindi ko na rin natiis at pinindot ko na ang buong email para mabasa ng buo.
"Confirmation of Leadership Transition. . ." I whispered.
Leadership transition? Para kanino?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com