CHAPTER 31
CHAPTER 1
ADELINE ISLA RAMIREZ
Subject: Confirmation of Leadership Transition
Mr. Ramirez,
I hope you're doing well. I'm writing to formally confirm the leadership transition we discussed. As of July 21, 20**, you are no longer serving as the Chief Executive Officer of Papertrial Corp.
Following the sale of your majority shares, the management and operational control have been transferred accordingly. I have assumed the role of CEO, and I would like to extend to you the opportunity to continue with the company as the corporate secretary under the new leadership structure.
Your experience and knowledge of the company are highly valued, and I believe your presence in this role would help ensure a smooth transition.
Best regards,
Mr. Natividad
Chief Executive Officer
Papertrial Corp.
Habang binabasa ang email hanggang dulo ay unti-unting nanginig ang aking kamay. This email was decades ago!
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang sariling kamay para pigilan ang panginginig. Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa 'yon ng paulit-ulit, kung totoo ba talaga ang nakalagay roon o hindi.
I would like to extend to you the opportunity to continue with the company as the corporate secretary...
He's not the CEO of his company now. Hindi na si daddy ang may ari ng Papertrial Corp. 'Yon ang pagkakaintindi ko sa nabasa ko.
My breath became ragged. Nagiging mabilis ang aking paghinga, at ang pagtaas-baba ng aking dibdib.
Nanginit ang gilid ng mga mata ko. I fight my tears not to fall. Everything is too much for me. I'm super emotional. Wala yatang pag-iyak ang nagagawa ko sa isang linggo.
"Adeline? Are you done?" dinig kong malambing na boses ni daddy.
Napalunok ako at mariin pa rin na nakatitig sa email. I can't get rid of the lump on my throat. I can't speak. I can't answer him.
"Adeline, anak?"
I took a deep breath. Binuga ko ang hangin na naipon sa aking dibdib bago sinarado ang laptop ni daddy at nagtungo sa kanya. Kumunot ang kanyang noo ng makita ang ekspresyon ng aking mukha.
Nangingilid ang luha. Nanginginig ang baba dahil sa kapipigil sa pag-iyak.
Nakasandal siya ngayon sa headboard ng kama niya. Ang puting comforter ay nakaangat hanggang sa kanyang hita.
"Adeline? Are you okay? Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
Umupo ako sa gilid. Nang subukan kong magsalita ay nagsiunahan na ang mga luha ko.
"I read the email. About the Confirmation of Leadership Transition." My voice croaked. "Daddy, can you please be honest with me now? Let's not hide something. Huwag na po tayong mag lihim sa isa't isa."
Nakita ko na natigilan siya. Na para bang hindi niya inaasahan ang mga lumalabas sa bibig ko.
"I'm sorry kung nabasa ko 'yon. Na-click ko yung starred at 'yon ang bumungad."
"Adeline. . ."
"You're not the CEO of Papertrial?" tanong ko. Mabilis kong pinalis ang luha sa aking pisngi. "You're now working in your own company as a secretary?"
"Adeline. . ." malambing na wika ni daddy. Ningitian niya ako at hinaplos ang buhok. "It doesn't matter to me now if I'm working as a secretary. Matagal ko ng inilipat kay Mr. Natividad ang company natin. Our company is in good hands now, anak. Si Mr. Natividad ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko na may malaking shares sa Papertrial." Ningitian niya lang ako habang ako heto, tahimik na lumuluha sa kanya.
"We should be thankful for him, dahil kinuha niya pa rin akong secretary. May trabaho pa rin ako. . . I can still provide for you," he whispered. "I worked hard for you, Adeline. I want to give everything you want. . . your needs. . . at kahit ano pang luho mo."
"B-but. . ." Halos hindi na ako makasalita dahil sa aking hikbi.
Nahihirapan akong makabuo ng salita dahil mas pinapangunahan na ako ng sunod-sunod na hikbi.
"It's okay, anak. Gano'n talaga ang buhay. Hindi lahat ng tao laging nasa itaas. Sometimes God gives us challenges to test our strength and see if we can endure until the end. Habang nilalabanan natin 'yon, doon natin marerealize ang mga matututunan at kung ano ang magiging lesson no'n sa buhay natin."
Umiling ako. "W-why? If that's the case, then your cancer is one of our challenges? For what? Hindi mo naman deserve 'yan, daddy." Halos manlabo ang aking paningin habang binabanggit 'yon.
Umusog siya papalapit sa akin at pinunasan ang aking luha. Niyakap niya ako at doon na bumuhos ang mainit kong luha. Tahimik akong umiiyak sa kanyang balikat.
"Bakit mo binenta sa kanya 'yon?"
Hindi niya ako sinagot. Niyakap niya lang ako at pilit na pinapatahan. Probably because of his sickness he decided to do that. Maliit lang naman ang company ni daddy at hindi kagaya sa mga bigatin. Local lang ang Papertrial Corp pero maayos naman ang nangyayari roon.
Marami pa akong hindi alam tungkol doon dahil kapag nandito si daddy sa bahay. Hindi na niya masyado binabanggit ang tungkol sa trabaho niya bukod sa magkulong sa office area para tapusin ang naiwang trabaho niya roon.
"You can lower my allowance, dad," I whispered.
Doon natigilan si daddy sa sinabi ko. Ako na ang kusang kumawala sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya.
"Adeline, we don't have to do that."
I shook my head. "We can. Hindi naman ako magastos. P'wede natin 'yon ipangdagdag sa pambayad kapag may session ka na ulit sa infusion. Pati na rin sa supporting meds. We can use it. It's really okay with me."
"Adeline, yung pera na binibigay ko sayo. From your allowance, tuition fee, at kahit ano pang mga fee na binabayaran sa school, sa 'yo talaga 'yon. I save that money from the moment you are born in this world," pagpapaliwanag niya sa akin.
Napapikit ako ng pinunasan niya ang aking luha at yumuko para halikan ang noo ko.
"I don't want you to sacrifice your money to me. You really don't have to do that. May pera pa ako sa banko, we can still use that," pagpapagaan niya sa aking loob.
Hindi na ako nagsalita. Niyakap ko siya ulit at unti-unting tumigil na sa pagtulo ang aking mga luha sa bawat pag-aalo niya sa akin. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo.
"You don't have to use your own money for me. We can get through this. I promise."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
I tried to talk to daddy about the money. Kinulit ko siya para mas lalong hindi mahirapan sa mga gastusin. Kahit naman na lumaki ako na binibigay ang lahat ng gusto ko, na maraming pera ang binibigay sa akin. Alam ko pa rin kung paano magtipid.
Because of the situation we're in right now, hindi lang isang tao ang dapat mag-adjust. I need to adjust also. Kailangan ko na tulungan rin si daddy at hindi na siya lang ang tutulong sa sarili niya.
Nakaupo ako ngayon sa tapat ng vanity table. Madilim ang buong kuwarto maliban na lang sa maliit na lamp sa ibabaw ng bedside table ko na nagsisilbing ilaw. Yumayakap din sa aking katawan ang malamig na hangin na binubuga ng split-type aircon.
Katatapos ko lang mag blower pagkatapos kong maligo. Inayos ko ang suot kong silk robe na partner ng suot kong pink silk nightgown sleepwear.
Nakababa ang tingin ko sa hawak kong passbook. After almost 2 days, nakunbinsi ko na si daddy tungkol dito at binigay niya na sa akin ang card. At ilang araw na rin na hindi pa kami masyado naguusap at nagkikita ng maayos ni Alastair.
We chatted on the messenger. Updating each other. Okay pa rin naman kami. Busy pa rin siya sa pagtutulong sa magulang ni Nari.
Isang buntonghininga ang aking pinakawalan at mariin na tumitig sa passbook.
Malaki-laki pa rin ang nakadeposit nang mabasa ko ang nakalagay rito. Kaya pa 'to. Hindi naman ako magastos kaya puwede naming gamitin 'to.
Umangat ang ulo ko ng marinig ang mahihinang katok sa labas ng pinto. Inipit ko ang card sa passbook bago pinasok 'yon sa loob ng maliit na drawer sa vanity table.
Pagkabukas ko ng pintuan ay natigilan ako ng makita si Alastair sa harapan. Isang plain black shirt ang suot niya, samantala sa pang-ibaba naman ay naka-dark blue cotton shorts.
Kumunot ang aking noo ng inangat ko ang paningin sa kanya. Pakiramdam ko sumikip ang aking dibdib ng makita ang mata niyang namumula at may bahid ng luha.
"Alastair, what happened—"
Hindi ko natapos ang sinabi ko nang pumasok siya sa loob ng kuwarto at sinarado. Moments later, I found myself pinned against the back of the door, our lips locked in a heated kiss.
Umangat ang aking kamay at tinugon ang kanyang halik. My hands crawl at the back of his head, caressing his soft curls. Lumubog ang mga daliri ko sa malambot niyang buhok.
Bukod sa mahinang ugong na nanggagaling sa split-type aircon. Nangingibabaw ang nakakapanginit na tunog ng mga labi namin sa isa't isa habang naghahalikan.
I tried my best to keep up with his kiss. There's something in his kiss now. It was fast and a little aggressive; he's not okay.
My Alastair is not okay.
I held both of his cheeks. Hinahaplos ko 'yon habang patuloy pa rin na tinutugon ang halik niya. He playfully bit my lower lip; I know what he wants. My lips involuntarily parted because of what he did. That's where his hot and wet tongue entered mine.
Humigpit ang hawak ko sa kanya. Nanghihina ang dalawa kong kamay na kinawit 'yon sa kanyang batok. I pushed my body to him. To even feel him, to deepen our kiss.
Habang abala kaming dalawa sa aming ginagawa. Doon lang ako natigilan nang maramdaman na parang may mainit na bagay na tumulo sa aking dibdib.
Napadilat ako. Parehas kaming dalawang hinihingal, kahit na madilim sa kuwarto ay kitang-kita ko ang mata niyang kumikinang, hindi dahil sa saya. Kundi dahil sa lungkot.
"Alas. . ." I whispered.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila patungo sa kama para maupo. Tahimik lang siyang sumunod sa akin.
"What happened?" I asked.
Napalunok ako ng tuluyang makita ang malungkot na ekspresyon ng kanyang mukha dahil sumakto ang liwanag ng lamp ko sa mukha niya.
"P-puwede bang matulog muna ako rito? Huwag kang mag-alala, uuwi rin ako kinabukasan," nanginginig ang boses niya ng magsalita.
Mabilis akong tumango. Hindi ako mapakali sa pwesto at sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ako sanay na makitang ganito si Alastair. Parang bumibigat ang dibdib ko dahil pakiramdam ko nararamdaman ko na nasasaktan siya. . . na hindi siya okay.
"Of course, you can stay here," malambing ang boses ko ng magsalita. "Come here. Come to me."
Umusog ako sa dulo ng kama, kung saan ang gilid no'n ay pader na. Tahimik na humiga si Alastair sa tabi ko. I spread my arms, waiting for him to come into my embrace.
And just like that, he was in my arms, as if he belonged there all along. Namayani ang katahimikan sa buong kuwarto at walang umimik. He rested his head into my chest like it was his pillow, burying himself in the comfort from our embrace
"Promise. Uuwi ako bukas. . ." mahina niyang bulong habang nakayakap sa akin. "Kailangan lang kita ngayon, m-mahal. Kailangan ko lang magpahinga." Nanikip ang dibdib ko ng marinig ang pagkapiyok ng kanyang boses. "Kailangan lang kita, Isla."
Napalunok ako at pilit na pinigilan na huwag maluha. He needs me. My Alastair needs me. Dapat hindi ko muna siya sasabayan dahil paniguradong ako na naman ang uunahin niya kapag alam niyang hindi ako okay.
I should focus on him for now.
"You can stay here for a longer time tomorrow. I-i also need you. . ." Hindi ko napigilan ang panginginig ng aking boses.
Hindi siya sumagot. Humigpit lang ang yakap niya sa akin.
Mahina akong tumikhim. "Alas. . . I just want to say sorry—"
"Okay na 'yon, mahal. Wala namang kaso sa akin kung minsan wala ka sa mood dahil sa kakulitan ko. Alam ko na minsan naiinis ka sa akin. Atsaka naiintindihan ko kung bakit ganyan ka ngayon dahil sa nangyari kay Tito Arden," pagputol niya sa sasabihin ko at
"Alastair, sorry pa rin. I love you so much and thank you for everything. Thank you for never leaving my side, especially when I'm not okay. I'm just thankful for having you. Sorry kung minsan minamaldihan kita—"
Nagusot ang aking ilong ng pisilin niya 'yon. Tumawa siya, tawang parang pilit. Napanguso na lang ako at hinawi ang kanyang maalon niyang buhok para halikan siya sa noo.
"Immune na 'ko sa ganyan mo. Walang wala na sa akin 'yang pagiging maldita mo," tugon niya.
I took a deep breath. "What happened? Can you tell me?" nagaalala kong tanong.
Bumaba ang tingin ko sa kanya at nagsalubong ang tingin naming dalawa ng inangat niya ang kanyang ulo. Pero imbis na sagutin ay umiling siya.
Ayaw niyang sagutin. Okay, I understand. he's not ready to tell me about it because I can see his tears start to pool in his eyes.
I nodded. "Okay. We can talk about this some other time," malambing kong tugon at sinuklay ang daliri sa malambot niyang buhok.
Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at muling sumubsob sa dibdib ko.
"Mahalaga nandito ka, mahal. Okay na ako sa ganito. At least alam ko sa sarili ko na may matatakbuhan ako kapag hindi ako maayos."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com