CHAPTER 32
CHAPTER 32
ADELINE ISLA RAMIREZ
Life has been tough lately. Pero okay lang, nakakaya ko pa naman. Nakakaya pa namin. But as the times go by, sa bawat session sa infusion ni daddy hindi ko nakakaya na makita ang side effects no'n sa kanya.
His hair was thinning but hindi pa naman siya totally nakakalbo. Numinipis lang siya. Malaki na rin talaga ang pinagbago ng katawan niya, bumagsak na 'yon, at ang isa sa ikinaluwag ng aking dibdib ay medyo magana na itong kumain kahit papaano.
Pero nang umabot ng isang taon doon ko na tuluyang nakikita na parang nahihirapan na si daddy sa chemotherapy niya. Lahat ng side effects doon na lumabas. We decided to take a break from his session just to give him a break.
May supporting meds pa rin naman siyang iniinom. Doon muna kami umaasa na sana paunti-unti ay bumalik na ang lakas niya. Nang makapag simula na sa panibagong session.
It's really hard to see your father being weak. It's really hard to see him smile and reassure me that everything will be okay, even though I can clearly see in his eyes that he's not.
Walang gabing hindi ako umiiyak sa kuwarto. Walang gabing hindi lumuluha at pinapakinggan ang malakas na pagsusuka niya sa kanyang kuwarto habang tinutulungan ni manang.
It hurts so much. It hurts so much to see him like this. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko kinakaya sa tuwing iniisip 'yon. At pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga.
May mga bagay na kung ano-anong pumapasok sa isipan ko. Natatakot ako na baka balang araw manalo ang sakit ni daddy.
I can't focus on my studies now. Hindi ko na masyado pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko dahil sa maraming mga bumabagabag sa isipan ko. Kung ano na lang ang na-review ko at naaral, ay 'yon na 'yon. Tatanggapin na lang ang magiging resulta ng grades ko.
I'm in my 3rd year of college now. Second semester na namin. Ilang months na lang malapit na ako mag 4th year, konting konti na lang makakapag tapos na ako. After this, I can work hard and earn money to help daddy.
Para kahit papaano ay may pang gastos na kami. We're clearly having a financial problem now, pero nakakalkula ko pa na aabot pa naman 'tong pera na nasa passbook ko.
Matagal na rin na nag-resign si daddy bilang secretary. Mahirap na ipagsabay ang pagtatrabaho niya kahit na sabihin na puwedeng mag work from home siya. Kailangan niyang magpahinga at umiwas sa stress dahil para naman sa sarili niya 'yon.
It's been a year... Alastair and I have been together for one year now. We already celebrated our first anniversary; gumala kami sa Antipolo at pumunta sa Casa Peregrine. We eat and stroll over there.
After that we headed to the Paralumina Cabins for a staycation. Hindi ko naman ineexpect na planado niya na ang lahat doon. Basta niya na lang ako inaya at magdala raw ng damit at umalis na.
I enjoyed everything that happened on our anniversary—especially that night we spent together at the cabin. We shared our firsts with each other, and I think what Nari said to me is true... I don't know, I just feel special. I feel even more in love.
Pakiramdam ko mas lalong lumalim ang kung anong meron sa aming dalawa ni Alastair. Na kahit minsan nakakainis na siya at alam ko na gano'n na talaga ang ugali niya, unti-unti na akong nasasanay. Sometimes, I find myself missing that side of him, katulad na lang ngayon.
Hindi kami masyado nagkikita ngayon dahil after class ay dumidiretso na siya sa Bulacan para tulungan ang parents ni Nari. Nagsisimula na siyang mag-ipon ng pera. Balak na niya mag-aral sa isang marine school kapag nakapag-ipon na raw siya pang downpayment. Matagal pa naman 'yon pero gusto niyang nakaready na ang lahat.
And right now, tapos na ang klase namin. Wala namang nagbago sa schedule dahil maaga pa rin ang nakuha naming oras. Nakakapagod ang araw ngayon dahil sa sunod-sunod na gawain.
Sumabay ang marketing plan namin. May research plan din at may defense sa finals. Ramdam na ramdam ko na ang bigat sa katawan ko.
"Nasa malaking lalagyanan na yung ibang gamit ko. . ."
Kumunot ang aking noo ng makita ang maraming bag na nakalagay sa sala. Si manang ay nakabihis pang alis. May nakasabit na maliit na bag sa kanyang balikat at nag-aayos ng mga ibang gamit.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng mabigat na bagay sa aking dibdib. My heart was beating so fast. Parang hindi maganda ang kutob ko rito. Halos lahat ng gamit ni manang nandito na sa sala.
"Amelio, ang mga gamit mo—"
Natigilan si manang ng makitang nakatayo na ako sa kanyang likod. Agad na nanlambot ang ekspresyon ng kanyang mata at lumapit sa akin.
"Isla, hija."
"M-manang. . . what's going on here? Bakit nandito lahat ng gamit mo? Where are you going?" kinakabahan kong tanong.
Nagsimulang manlamig ang aking mga kamay habang nakatingin sa kanya.
"I-isla, may sasabihin ako," nauutal niyang sagot. Hinawakan niya ang aking kamay at mariin na tiningnan.
Umiling ako. Ilang beses kong ginawa 'yon kasabay ng pangingilid ng aking luha dahil alam ko ang susunod niyang sasabihin. Nanginginig ang aking baba at kagat labing pinigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking labi.
"No. Manang, p-please. Don't l-leave me. Don't leave. . ." My voice croaked. "Don't leave us. . ."
Ang mahina kong iyak ay unti-unti nang nauuwi sa hagulhol. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at nagmamakaawa na huwag umalis.
Napalingon ako kay Kuya Amelio na galing sa garahe. Malambot ang kanyang tingin ng makita kaming dalawa ni manang.
"K-kuya. . . you're going to leave us too?" nasasaktan kong tanong.
Muli kong nilingon si manang. "M-manang. . . huwag po, please."
"Hija, makinig ka sa akin, ha?" mahinahon niyang wika sa akin.
Humihikbi na tumango ako at sinalubong ang kanyang tingin kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha.
"Hindi ko man gugustuhin na umalis kami ni Amelio pero kailangan na namin, Isla. Alam kong mahirap. Kahit ako nahihirapan din dahil napamahal na ako sa 'yo. . . Sainyo at sa kung ano man ang ginagawa ko rito. Pero nagtatrabaho rin kami. . . Kailangan na naming maghanap ng ibang trabaho. Kailangan namin ng pera," malumanay niyang wika.
Napayuko na lang ako at impit na umiyak sa kanyang harapan. Pakiramdam ko parang pinipisil ang puso ko ng marinig ang sinabi niya.
I understand now. Naiintindihan ko kahit mahirap. Naiintindihan ko kahit na masakit tanggapin. After this, kaming dalawa na lang ni daddy ang magkasama rito.
Wala na si manang. Wala na si Kuya Amelio.
"I-i can pay you. Puwede ko kayo sahuran, manang." Nilingon ko si Kuya Amelio. "Kuya, please don't leave us. Babayaran ko kayo. I'm planning to find a job too; kapag nakahanap na ako, puwede naman na ako na magpapasahod sa inyo. Please po, huwag niyo po kaming iwan."
I don't even know how many times I said 'please'—just to stop them from leaving. Ramdam na ramdam ko na ang pamumugto ng aking mga mata. Mahigpit pa rin ang hawak ko kay manang—natatakot na baka kapag binitawan ko 'yon ay tuluyan na sila mawala sa akin. . . sa amin.
Punong puno ng takot at pagmamakaawa ang boses ko. Nanginginig pa 'yon at bahagya pang nabasag.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan, Isla. Ang totoo n'yan ay nakahanap na kami ng trabaho ni Amelio. Papunta na kami ngayon sa Greenhills sa San Juan." Hinila ni manang ang aking kamay at kinulong sa kanyang bisig.
Mas lalong umalingawngaw ang malakas kong pagluha at niyakap siya ng mahigpit. Si Kuya Amelio naman ay naramdaman ko na sinuklay ang mahaba kong buhok, at parehas nila akong dalawa na pinapakalma.
"Pasensya ka na, hija. Alam na ni Sir Arden ang tungkol dito. Nakapagpaalam na rin kaming dalawa ni Amelio at sa 'yo ay hindi pa," malambot na sambit ni manang pero hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag din ng kanyang boses.
"Manang. . . manang. . ."
I didn't know kung hanggang ilang minuto kami na nasa ganoong posisyon. Sobrang higpit ng yakap ko kay manang, na para bang ayaw ng paalisin sa bahay.
Until the end, I know that I can't control them. Alam ko na hindi ko hawak ang buhay nila. Hindi ako magdidikta kung saan sila mapupunta at kung saan man sila magtatrabaho.
Masakit lang at napakabigat lang sa dibdib na aalis silang dalawa. Paano na ako? Paano na kami? Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko.
Kaya ko ba ang ginagawa ni manang? Paano na ako ngayon na wala si Kuya Amelio? I still don't know how to commute. Natatakot ako. Natatakot ako na bumyahe.
Wala si manang. Kapag gano'n ako na gagawa ng mga gawaing bahay. I can wash dishes. I can cook, pero hindi ako sobrang galing. Sa paglalaba hindi ko alam. . . may manual washing machine kami pero nakakapagod magbanlaw.
Maybe I can do it naman. Siguro huwag kong biglain ang sarili ko? Siguro unti-untiin ko muna hanggang sa masanay ako. Hanggang sa magawa ko na ang lahat at ma-perfect ko 'yon katulad ng ginagawa ni manang.
Unti-unti na namang sumisikip ang dibdib ko dahil doon. Parang sinasakal ang puso ko sa mga pumapasok sa isipan ko.
I'm overthinking again. Hindi ko maiwasan dahil alam kong mangyayari na 'yon.
It's okay, Isla. Everything will be okay. Kaya mo 'yan, makakaya mo 'yan. Malalagpasan mo lahat ng 'yan. You don't need to rush everything. Take your time, girl.
Hanggang sa pag-alis nila ay nakasunod ako. Mabilis akong nagbihis. Hindi ko na nagawang alisin ang makeup ko dahil baka mamaya pagbaba ko sa sala ay wala na sila.
Tulungan ko silang ilabas ang kanilang mga gamit habang tahimik na umiiyak. Sinubukan ko pa silang kausapin na sumakay na lang sa taxi at ako na ang magbabayad para hindi na sila mahirapan sa byahe papuntang Greenhills.
And thankfully, they agreed. Habang pinagmamasdan na pinapasok ang iilang gamit nila sa loob ng compartment ng kotse ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Dahil alam kong totoong aalis na talaga sila.
Na hindi ito biro.
Kung panaginip man 'to, sana gisingin na ako.
"M-manang. . . K-kuya. . ." Muling nanginig ang aking boses ng tuluyan ng maipasok sa taxi ang mga gamit.
Mas lalong bumuhos ang aking luha ng makitang namumula ang mata ni manang ng tumingin siya sa akin.
Naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong magsalita dahil pakiramdam ko parang may mahigpit na bagay na nakapalibot sa leeg ko. Parehas silang naninikip kasabay ng puso ko.
"Mag-iingat ka rito, Isla. Lagi mong papuntahin si Alastair dito para may kasama ka, ha?" naluluhang wika ni manang.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinila para yakapin. "Alam kong aalagaan ka no'n. Nararamdaman ko 'yon, Isla. Pasensya ka na talaga. Nangangailangan din kami. . . may pamilya rin kaming pinapadalhan ng pera."
Maraming beses akong tumango. Humigpit lang ang yakap ko sa kanya dahil alam kong hindi na 'to masusundan pa.
"I-i understand, manang. It's okay po. Alam ko po na hindi ko hawak ang magiging desisyon niyo," mahina kong tugon. Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya. "Ingat po kayo roon, manang. Take care of yourself."
Nilingon ko rin si Kuya Amelio at ningitian. "You too, Kuya Amelio. Take care of yourself. Thank you po sa paghatid at sundo sa akin."
Tumango si kuya at pasimpleng pinunasan ang namumula niyang mga mata. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Ikaw rin, Ma'am Isla. Ingatan mo rin ang sarili mo." Hinaplos niya pa ang buhok ko at tinapik ang likod bago humiwalay. "Maraming salamat po sa inyo ni Sir Arden, Ma'am Isla. Kayo po ang pinaka mabait na naging amo namin."
Hindi na ako nakasagot sa kanyang sinabi dahil mas nangunguna ang aking pag-iyak. Tanging tango lang ang aking naitugon. Hanggang sa kanilang pag-alis ay nakatayo lang ako sa labas ng gate at pinagmamasdan sila hanggang tuluyang makaalis sa street.
Ngayong wala na sila. Isang mabigat na buntonghininga ang aking pinakawalan bago pumasok sa loob ng bahay.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong sala. Pakiramdam ko ay malaking bagay ang nawala sa akin ngayong wala na si manang at Kuya Amelio.
Our house is not big. Sakto lang 'yon sa maliit na pamilya na nakatira rito noon at kasama sila manang. Pero sa isipan ko, ang bahay ngayon ay parang isang napakalaking mansyon na kaming dalawa ni daddy ang nakatira.
This house is too big for just two people to live in.
Now that it's just me and my father living here, I know it will be very difficult for me to adjust.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com