Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35

CHAPTER 35

ADELINE ISLA RAMIREZ

"Isla, over time ka. Pasuyo na lang sana, sobrang daming tao kasi ngayon. Kung okay lang sa 'yo."

Mabilis akong napabaling sa gilid ng marinig ang sinabi ng manager namin. Tahimik akong tumango at ningitian siya.

"It's okay po, sir," tugon ko.

Isang malambot na ngiti lang ang binigay niya sa akin bago magtungo sa assembly area. Para tumulong din sa pagpapack ng mga order.

Bakasyon na namin. Walang pasok. Mahaba-haba ang oras ko rito sa trabaho kaya mas malaki rin ang dagdag sa sahod. Isa na 'to sa nirequest ko sa manager namin at pumayag naman siya.

Since it's christmas break, mas maraming mga customer ang pumapasok sa store namin kaya halos ang iba ay nag overtime para matapos na lahat ng gagawin.

"Malandi amputa."

Natigilan ako sa pagbibilang ng pera nang marinig ang sinabi ng katabi kong nasa kahera rin.

I'm not deaf and dumb not to know that she's referring to me. Kaming dalawa lang naman ang nandito bukod sa isang katrabaho ko rin na kabubukas lang ng isang POS para lumipat ang ibang customer sa kanya.

"Ano na namang problema mo kay Isla? Nananahimik lang 'yan sa tabi mo, ah," dinig kong saway sa kanya ng isa kong katrabaho na kakabukas lang ng POS.

Hindi ko na sila pinansin. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa kaha at sinarado 'yon ng may lumapit na customer.

"Good evening! Welcome to Jollibee, may I take your order?" masaya kong bati.

Inabala ko na lang sarili ko sa pag-take ng order. Sa pag-assemble ng mga fries at drinks.

Binalewala ko ang mga naririnig kong pinagsasabi ng katabi ko. Dahil wala naman akong mapapala roon kahit na sa kaloob-looban ko ay gusto ko na siyang patulan.

"Akala siguro tataasan yung sahod niya sa pagiging sipsip. Halata naman, bakit hindi mo napapansin? Napaka malandi talaga kahit kailan. Yung mga ganyang muhka nasa loob kulo n'yan. Dapat tinatago na lang sa sarili yung pagiging pokpok."

"Hoy. Ano bang problema mo sa kanya, huh? sobra sobra na 'yang sinasabi mo."

"Oh, bakit? Huwag na tayo mag taka kung next year ma promote 'yang gagang 'yan. Kapag nangyari 'yon, alam na. May nangyayari na d'yan sa kanilang dalawa ni sir. Papakinabangan yung kati na nararamdaman niya sa ibang tao para umangat sa trabaho."

I silently clenched my fist. Nanatiling nakapaskil ang mga ngiti sa labi ko dahil hindi tumitigil ang mga customer sa pag-order sa puwesto ko. Gano'n din ang pag sasalita ng katabi kong katrabaho. She's still bad-mouthing me instead of focusing on her work.

I have no idea why she's got a beef with me. Wala naman akong ginagawa sa kanya noong una.

My first day here as a trainee, she was rude to me until now that I have become a regular. Para siyang irita na irita sa tuwing nakikita niya ako.

Ilang oras pa ang tinitiis ko hanggang sa mag-closing na ang mismong store namin. Nasa banyo na ako at abala sa pag suklay sa mahaba kong buhok na kalulugay ko lang ngayon.

Awtomatikong bumaba ang tingin ko sa cellphone ng makita ang chat ni Alastair.

Lovieee❤️

dito na ako sa labas mahal😝miss u na. out kana ah miss na kita eh:(

Mahina akong natawa at nireplyan siya.

Adeline Isla:

okay! wait me there. i miss u too!:( cuddle?

Lovieee❤️

ay. yes na yes para sayo. unli cuddle for my lablab later😉

Adeline Isla:

i don't like that emoji🙄i know what that means

Lovieee❤️

🤣🤣🤣

walang meaning yan. ikaw lang nagbibigay eh HAHAHHAHA

Adeline Isla:

whatever. wait me there. lalabas na ako

i love you

Lovieee❤️

okay po. wait kita dito

i love you too! mwa mwa mwa

Napapailing na pinasok ko ang cellphone sa bulsa at pinasadahan ng tingin ang suot ko sa huling pagkakataon sa harap ng salamin.

Hindi ko na suot ang uniform ko, at simpleng black graphic tee ni Alastair ang suot ko ngayon. Binura ko na rin ang makeup ko bago binitbit ang bag at lumabas sa banyo.

I automatically stepped back when I almost bumped into my manager. Kalalabas niya rin sa banyo. Parehas kaming nagkagulatan.

"Sorry, Isla."

Umiling ako at tipid siyang ningitian. "Okay lang po. Umm. . . mauuna na po ako, sir. Bye."

Nagmamadali na akong naglakad palabas sa hallway ng banyo nang maramdaman ang kamay ni sir sa braso ko para pigilan ako.

"Gusto mo bang ihatid na lang kita pauwi sa inyo? I can take you home. Gabi na rin at delikadong umu—"

"I'm sorry to cut you off, sir. I respectfully decline your offer." Ningitian ko siya at dahan-dahang tinanggal ang kamay sa braso ko. "My boyfriend is waiting for me outside. Mauuna na po ako."

"I have my car with me."

"I have a boyfriend. . ." paguulit ko at mariin ko siyang tiningnan. Para ipaalam sa kanya ang gusto kong sabihin, "And I love him so much. I'm not naïve about what you're trying to imply, but please stop doing this, sir. I just want to work here peacefully, and I don't want to cause any issues in this store."

Napalunok ako at tinalikuran na siya para makalabas ng store. My heart was beating so fast. I just want to work. . . gusto ko lang naman magtrabaho, bakit ang daming nangyayari rito?

Nakita ko sa parking area si Alastair. Nakababa sa motor pero ang pang-upo ay nakasandal sa gilid ng upuan. Nakahalukipkip at nakatingin na pala sa akin.

He's wearing a black leather jacket. Sa pang loob no'n ay nakasuot lang siya ng puting sando at pinaresan lang 'yon ng itim na pantalon.

Ang seryoso niyang mukha ay unti-unting nagbago. Nasilayan ko na naman ang pilyo niyang ngiti. Para siyang bata na sobrang saya, na akala mo ay nakakita ng regalo na matagal niyang hinihiling.

Maya-maya ay humakbang siya patungo sa akin. Sinalubong niya ako at naramdaman ko na lang ang bisig niyang bumalot sa katawan ko.

I automatically closed my eyes and let myself drown in his embrace. . . to his warm hug and scent.

Naramdaman ko ang kamay niyang hinahagod ang likod ko, na akala mo ay pinapagaan ang pakiramdam ko. Na para bang tinatanggal at hinihigop niya ang pagod na pasan pasan ko.

"Kumusta, mahal? Pagod ka?"

Umiling ako. "Not anymore," I whispered.

Tiningala ko siya. Nagsalubong ang tingin naming dalawa. His eyes we're squinting a little bit because he's smiling. Umangat ang kamay ko at wala sa sarili na pinaglandas ang daliri sa labi niyang nakangiti.

"Alastair. . ."

"Hmm?"

"I love you so much."

"I love you too, mahal."

His eyes were glinting when he said that. Na para bang hindi siya nagsasawa at napapagod na sabihin 'yon sa akin araw araw.

The way his eyes were shimmering, nando'n pa rin ang pananabik. Malilikot ang mga niya habang nakatingin sa mukha ko. Tumitingin siya sa mga mata ko, at maya-maya ay baba ang mata sa aking labi.

Gano'n ang napansin ko sa kanya. Parang kinakabisado niya ang mukha ko na akala mo ay anumang oras mawawala ako.

If I could freeze the time, I would do it. Para hanggang dito na lang kaming dalawa. Na masaya habang nasa bisig ng isa't isa. Pero alam kong imposible na mangyari 'yon.

Tinulungan niya akong isuot ang pink kong helmet. Siya na ang nag-lock no'n bago halikan ang tuktok ng helmet. Akmang sasakay na siya sa motor ng magsalita ako.

"Alastair," tawag ko sa kanyang ngalan at hinawakan ang braso.

Mabilis siyang napalingon sa akin. "Bakit, mahal?"

"I'm sorry if I always want to be around you. You're my escape from reality," I whispered in a small voice.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng marinig 'yon. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang tainga.

Napapikit ako ng maramdaman na tinanggal niya ulit ang lock ng helmet ko. Inangat niya 'yon hanggang sa aking noo.

He lowered his head and slowly pressed his lips on mine. Napapikit na lang ako at tahimik na tinugon ang mainit niyang halik sa akin.

"Hindi mo kailangan mag-sorry, mahal. You're my escape from reality too. Ikaw yung puwede kong takbuhan kapag hindi ako okay. Kapag kasama kita, kayang-kaya kong kalimutan ang ibang bagay basta nasa tabi kita. Nakakapagpahinga ako. Wala nang ibang bagay na gumugulo sa isipan ko dahil nand'yan ka," nakangiti niyang sambit ng maghiwalay ang aming labi.

"Lahat gumagagaan dahil sa 'yo. Lahat kalmado. Pati puso at isipan ko hindi mabigat kapag kasama ka."

Kinulong niya ang pisngi ko sa dalawa niyang palad at mariin akong tiningnan.

"Kaya hindi mo kailangan mag-sorry, okay?"

I nodded. "Okay..."

Napayuko na lang ako at tipid siyang ningitian. Agad na naglaho ang paningin niya bago haplusin ang pisngi ko.

"Okay ka lang ba?"

I shook my head. "I don't know. Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko. Ang daming pumapasok sa isi—"

"Shh." Naramdaman ko ang daliri niya sa labi ko. "Okay. . . Kumalma muna tayo, mahal. Let's figure it out together, kung hindi mo alam. We can talk about this when we get home."

Tahimik akong tumango at hindi na nakapagsalita dahil sa bagay na nakabara sa lalamunan ko.

Alam ko na kapag magsasalita ako ay tuluyan na akong bibigay sa harapan niya. . . tuluyan ng mababasag ang emosyon ko.

After everything is settled. Awtomatiko kong pinalibot ang kamay ko sa baywang ni Alastair ng makasakay na siya sa kanyang motor at umalis na kami para makauwi na sa bahay.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"I don't want this na," reklamo ko sa kanya. "That bitch," nagtitimpi kong sambit.

Napapagod na naupo ako sa kama—sa tabi niya—habang may nakabalumbon na tuwalya sa buhok ko. Pagkarating namin sa bahay ay naligo na agad ako.

Si daddy naman ay tulog na. Si Alastair na ang nagasikaso sa kanya dahil gabing-gabi na ako nakauwi. Pag silip ko sa kanyang kuwarto, mahimbing na siyang natutulog sa kama niya.

Na banggit ko na kay Alastair ang tungkol sa babae na katrabaho ko. Kaya ngayon hindi ko na mapigilan na magkuwento sa kanya. Kinuha niya ang tuwalya sa buhok ko. Siya na ang nagtuyo no'n ng dahan-dahan.

"Ano bang nangyari?" malumanay niyang tanong.

Dahil sa tanong niya pakiramdam ko hindi ko na na-kontrol ang pinipigilan kong inis at galit kanina. Napahalukipkip ako at napabuga ng hangin.

Kahit na gusto ko siyang awayin kanina, pinili kong huwag gawin 'yon. It's really inappropriate to make a scene. Hindi ko rin naman ugali na gawin 'yon. Higit sa lahat ayaw kong mawalan ng trabaho.

All I have to do is ignore her. Labas sa isang tainga, labas sa kabilang tainga ang ginagawa ko sa lahat ng mga sinasabi niyang gawa-gawang kuwento patungkol sa akin.

Kaya ngayon, pakiramdam ko tuluyan nang naputol ang pisi ng pasensya ko.

"You already know who I'm talking about. Sino ba siya? Akala naman niya siya ang tagapagmana ng jollibee. The nerve of that bitch na tratuhin ako ng gano'n."

Hinihingal ako dahil sa bilis kong magsalita. Ang mga kamay ni Alastair ay sumusuklay na sa mahaba kong buhok.

"Mahal, ang salita mo, ah," malumanay niyang wika.

Hinarap ko siya habang nanatiling nakahalukipkip. Nakakunot ang noo ko dahil sa kanya. I don't know but I felt like my blood boiled even more because of that.

Hindi ko alam bakit ganon nararamdaman ko. Siguro dahil naghahalo-halo na ang emosyon ko at sabay-sabay silang nag-uumapaw sa dibdib ko. Meron sa kaloob-looban ko na parang mas kinakampihan niya pa yung babae kahit na hindi niya kilala.

"No." Mariin ko siyang tinitigan. "She's really a BITCH," madiin kong usal para maramdaman niya na hindi ako nakikipag biruan.

Napabuntong hininga na lang siya at sinubukan akong hawakan pero iniwas ko agad ang mukha ko.

"Huwag mo nga akong hawakan," iritable kong saad.

Napabuga na lang siya ng hangin. "Bakit hindi natin pag-usapan ng maayos? Ikwento mo sa akin yung problema mo sa kanya, hindi yung puro mura lumalabas sa bibig mo."

"I can curse whenever I want."

"Ang pangit lang kung puro masasamang salita lumalab—"

Hindi ko na napigilan na abutin ang unan sa gilid ko at binato sa kanya. Nasalo niya naman agad 'yon. Sinubukan niya pa akong lapitan pero umatras ako.

Pakiramdam ko para akong pinipiga sa inis. Nanginit ang pisngi ko habang nanatiling nakatingin sa kanya. And as usual, because I'm being irritated . . . and my emotions are all over in my chest.

Nag-unahan na agad ang mga luha ko at hikbi. Namilog ang mata ni Alastair at tuluyan nang nakalapit sa akin.

"Mahal naman. . ."

"S-she called me a slut. Malandi." Kahit na anong punas ko sa mga luha ko ay hindi pa rin 'yon naaalis. "She's badmouthing me. Sinasabihan niya akong s-sipsip kasi lagi akong kinakausap ng manager namin. Eh, yung manager lang naman namin ang l-lumalapit sa akin kahit na anong iwas ko."

Tuluyan na akong nabasag sa kanyang harapan. Tahimik siyang nakatingin sa akin at pilit na pinupunasan ang basa kong pisngi.

Naging seryoso ang mukha ni Alastair. Nakakunot na nag kanyang noo habang tinitingnan ako.

"Bakit? Ano bang ginagawa ng manager mo sa 'yo?" seryoso niyang tanong. "Pinopormahan ka ba?"

I shrugged. "I don't know. Ayaw kong mag-assume. Pero kung totoo man na pinopormahan niya ako, wala naman akong p-pake roon." Inangat ko ang nanlalabo kong paningin sa kanya. "I have a boyfriend. I have y-you. Gusto ko lang naman mag trabaho, eh. I just want to earn money."

"Pero ang babaeng 'yon. Ang kapal ng m-mukha na magsabi ng kung ano-ano t-tungkol sa akin." Marahas kong pinalis ang luhang lumandas sa pisng ko.

Maya-maya ay napalabi na lang ako at tuluyan nang napahaguhol.

"Sinabihan niya ako na kung ma-promote raw ako next year, alam na raw nila na may nangyayari na sa amin nung manager sa store namin," nanginginig ang boses ko dahil sa galit na banggitin kay Alastair 'yon.

"H-hindi ba siya nandidiri sa sinasabi niya? I want to puke. Pakiramdam ko para akong nabastos sa sinabi niya."

Habang iniisip 'yon, parang gusto kong masuka. My stomach churns. Pakiramdam ko para akong maduduwal dahil doon.

"Tangina. Tangina no'n, ah. Kababaeng tao gano'n magsalita sa kapwa babae niya," hindi na niya napigilan magsalita. "Sasamahan kita. Ireport natin 'yan sa store niyo."

Mabilis akong umiling. "If I do that, they'll really think the manager and I have something going on. Ayaw ko ng gano'n."

Narinig ko ang mahinang mura ni Alastair at patuloy pa rin sa pag-aalo sa akin. May mahina pa itong binubulong bago niya hilahin ang kamay ko para ikulong sa kanyang bisig.

Hinayaan niya lang akong magsalita. Hinayaan niya akong ilabas ang hinanakit ko sa katrabaho ko. Muli na namang bumuhos ang aking luha, at mahigpit din siyang niyakap pabalik.

"Akala niya siguro sa pagiging gano'n niya mapapansin siya ng ibang t-tao? Ang taas ng tingin niya sa s-sarili palagi. Eh, parehas lang naman kaming kahera roon. Kung m-makapagsalita siya akala mo assistant manager sa store. I don't like h-her. I don't like her attitude towards m-me."

Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Alastair bago magsalita.

"Mahal, ganito ah, kakausapin kita ng maayos," aniya sa malambing na tono.

Kumalas siya sa pagkakayakap namin at kinulong ang pisngi ko sa dalawang palad niya.

"Hindi ko kinakampihan ang katrabaho mo sa sasabihin ko, okay? Inuunahan na kita. Yung sasabihin ko sa 'yo hindi lang para sa 'yo. Kundi para sa 'ting lahat din 'to."

Napakurap ako at pinunasan ang aking luha. "What is it?"

"Hindi maganda yung sinasabi ng katrabaho mo sa 'yo, mahal. Hindi ko nagugustuhan 'yon dahil inaakusa ka niya sa bagay na hindi mo naman ginagawa."

"She's being superior. May mga taong gano'n, mahal. At hindi natin maiiwasan 'yon sa trabaho natin. Hindi sa lahat ng oras. . . O araw ay lahat ng tao mag-aadjust sa 'yo o sa atin. That's the reality, Isla."

Napalunok ako at yumuko ng maramdamang naguumapaw na naman ang aking luha. I tried to talk but my voice croaked. Hirap na hirap akong tanggalin ang bagay na nakabara sa aking lalamunan.

"Alam kong ang hirap tanggapin ng gano'n pero kailangan natin na makisama sa kanila kahit na ayaw natin at gano'n din sila sa 'yo," hinaplos niya ang mukha ko ng inangat niya 'yon at yumuko para halikan ang aking labi.

"Then why is she rude at m-me? I didn't even do something bad to her. Why is it so hard, Alastair?" humihikbi kong tanong.

"Mahal. . . nagsisimula ka pa lang. Lahat ng tao na nagsisimula sa una ay nahihirapan. You'll just have to work on it until you get used to it."

Sunod-sunod na hikbing kumawala sa aking labi. Naninikip na ang dibdib ko dahil sa pag-iyak, pati na rin ang ilong ko ay barado na rin.

Halos hindi ako makapagsalita. Laging nababasag ang boses ko sa tuwing susubukan kong kausapin siya.

Umiling ako sa kanya at sinubsob ang mukha sa dibdib niya.

"It so hard. . . so much. i-i don't want this but I don't have a choice. K-kapag tumigil ako wala kaming pera ni daddy. . . I'm worried because if I stop working, wala na kaming pang gastos araw araw. I'm so tired alastair. I'm so tired na." Para akong bata na nagsusumbong sa kanya.

Para akong bata na kinukuwento sa kanya na hindi maganda ang araw ko ngayon. Kung anong nangyari sa akin ngayong araw, kung bakit wala ako sa mood, at kung anong dahilan bakit ganito ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa akin.

"Majority sa lahat ng tao wala ring choice kundi magtrabaho, mahal. kung nahihirapan ka, nandito naman ako. I can help you. Tutulungan kita, hindi ba? kung nahihirapan ka, nandito lang ako."

Ako na ang unang umalis sa kanyang bisig. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili sa harapan niya. Nang idinilat ko ang mga mata ko at natagpuan ko na malumanay lang ang tingin niya sa akin.

"Paano niyo nagagawang maging madali lang ang lahat?" tanong ko sa kanya at nilaban muli ang luhang nagbabadyang tumulo.

"Bakit sobrang nahihirapan ako kahit na simpleng ganito lang? How do you guys wake up in the morning like you're not tired? How do you all wake up like you're not sleep deprived?"

"Samantalang ako. Kailangan ko pang kausapin sarili ko na kailangan kong gawin 'to para sa akin. . . para kay daddy. Kasi wala na rin namang trabaho si daddy kaya sino ang gagawa no'n? S'yempre ako, hindi ba?"

"Ako na lang maasahan dito. Ayaw ko rin ng umasa sa nakatagong pera kasi yung perang 'yon, nakalaan na sa new session ng therapy ni daddy."

Namayani pa ang katahimikan sa kuwarto ko. Nanatili akong nakatingin kay Alastair at umaasa na sagutin ang tanong ko. Na baka sa sasabihin niya ay magawa ko rin 'yon. . . na magaya ko rin ang ginagawa niya.

Isang malalim na paghinga ang aking narinig. Bago ko maramdaman ang kamay niya sa kamay ko.

Umiling siya. "Hindi ko alam kung anong tamang sasabihin sa tanong mo, mahal. Pero siguro dahil sanay na kami na ganito na ang ginagawa. Sanay na kami at lumaki kami na ganito na ang trabaho namin."

And just like that, I realized something—I was born to have a very comfortable life. Not like I was born with a golden spoon, but I grew up never having to worry about money because my father could provide for us.

Lahat ng luho ko ibibigay agad ni daddy sa akin, basta sabihan ko lang siya. I grew up in a life where all I had to worry about was eating, sleeping, doing my hobbies, and studying. Wala akong ibang poproblemahin dahil marami naman kaming pera.

Pero sila. . . pero sila Alastair, alam na nila kung anong gagawin kapag tungkol dito. Na para bang sanay na sanay na sila.

Na kapag dumating sa punto na maranasan niya rin ang pinagdadaanan ko ngayon ay magagawan niya agad ng solusyon 'yon.

Sanay siya. . . pero ako hindi.

Sa tanan ng buhay ko ay hindi ko naisip na hahantong kami sa ganito. My lifestyle now is a huge downgrade from what I had before.

Natutunan kong maglaba ng mga damit ko at ng damit ni daddy dahil wala nang gagawa no'n sa amin. Alam kong napaka basic na gawain 'yon pero si manang gumagawa no'n dati para sa amin, and I'm really thankful for that.

Pati pag lilinis ng buong bahay. Pati banyo ay nasubukan ko na rin. Yung mga bagay na hindi ko nagagawa noon ay unti-unti ko nang nagagawa ngayon.

I was too dependent on manang and Kuya Amelio for almost everything. Kaya ngayon ay nahihirapan pa rin akong mag-adjust.

Muli akong napayuko at tahimik na lumuluha sa kanyang dibdib.

"Pagod na 'ko, Alastair. I'm tired na. I'm super tired," paulit-ulit sinasambit 'yon habang nakayuko pa rin sa harapan niya.

Muli bumalot sa aking katawan ang mainit niyang bisig.

"Lahat ng tao na lumalaban ng patas sa mundo ay pagod, mahal. Kaya hindi ka nag-iisa. I'm also tired too, pero nawawala lang 'yon dahil nandito ka. Ikaw ang pahinga ko, hindi ba?"

I nodded. "Yes," I answered, in a small voice.

We talked about a lot of things after this. We remained seated on my bed while he was soothing me. Hinawakan niya ang baywang ko at pinaupo ng patagilid sa kanyang kandungan bago siya sumandal sa headboard ng kama.

I'm really thankful that Alastair is here, because I don't know what I'd do without him by my side.

I'm sure I would've gone crazy by now.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Adeline, anak? Okay ka lang ba?"

Awtomatikong umangat ang paningin ko ng marinig ang boses ni daddy. Hindi ko namalayan na malayo na ang lipad ng utak ko ngayong nagaalmusal kami sa dining area.

"D-dad? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya.

Wala ngayon si Alastair dahil maaga nang bumalik sa Caloocan. Maghahatid na naman daw sila ng mga na-harvest na prutas at gulay sa isang malaking wet market sa SJDM Bulacan.

Bago pa siya umalis ay nagluto muna kami ng pagkain. Para may laman ang tyan niya mamaya sa trabaho niya.

"I'm saying that. I think we should leave this house as soon as possible, anak."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman, dad?"

Napabuntong hininga siya bago bumaba ang tingin sa kanyang plato.

"This house is too big for us," mahina niyang tugon. "Masyadong malaki, anak. I want to go back to my hometown now. Yung bahay ng lolo at lola mo ay nandoon pa rin naman. Puwede tayong tumira roon for good."

Agad akong natigilan sa pagsubo ng marinig 'yon. Pakiramdam ko ay parang may sumakal sa aking leeg at nahihirapan akong magsalita.

"H-how about Alastair..." mahina kong tanong. "How about our house here? Yung mga gamit natin, dad."

"He can visit there, anak. Hindi ko naman siya pinipigilan na bisitahin ka roon. Saktong bakasyon pa naman ngayon, puwede siyang doon muna sa bahay."

"May work siya, dad. But, you're right. He can visit us there."

"Sa mga gamit natin puwede naman na dalhin natin yung mga importante na gamit doon. We didn't have to bring all of our things to our new home. Mag-arkila na lang tayo ng truck na puwedeng paglalagyan ng mga gamit at paunahin na ideliver doon sa bahay. Hindi na tayo masyado mahihirapan kapag gano'n."

Dahan dahan akong tumango. "Okay, dad. If that's what you want. Saan nga ulit yung bahay nila lola?"

Ningitian niya ako. Ngiting halos abot na hanggang tainga. He's clearly happy that I agreed.

"Sa cavite, anak."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com