CHAPTER 36
CHAPTER 36
ADELINE ISLA RAMIREZ
Wala na akong nagawa ng makita ang masayang reaksyon ni daddy ng banggitin niya kung saan kami balak tumira. Ayaw ko naman na sirain ang pagiging masaya niya sa araw na 'yon.
If he's feeling lonely here because our house is too big for us and he wants to go back to his hometown, then I'm fine with it. As long as he's happy.
Pinakiusapan ko lang siya na bigyan niya muna ako ng ilang araw dahil may trabaho pa ako. I immediately give a resignation letter sa store namin, and kailangan ko lang daw tapusin muna ang natitira kong araw sa pagtatrabaho roon bago ako tuluyang makaalis.
After that, sinabihan ko na rin si daddy tungkol doon. Pumayag naman din siya. Nagsimula na kaming magtabi ng mga ibang bagay na mauunang ipapadeliver sa Cavite.
Gano'n ang ginagawa namin habang inuubos ko muna ang natitira kong araw sa Jollibee bilang cashier.
Simula nang malaman ni Alastair ang tungkol doon sa manager ko ay lagi niya na akong sinusundo. May mga ibang araw kasi na nagcocommute na lang ako pauwi pero hindi na 'yon nasundan pagkatapos ng gabing 'yon.
Sinabihan ko na siya na lilipat na kami ng bahay. Nang malaman niya 'yon, s'yempre nalungkot siya. Hindi lang naman din siya ang nalungkot dahil ako rin.
Hindi biro ang layo ng Cavite sa Caloocan. Ibig sabihin lang no'n long-distance relationship na kami. Minsan na lang siya bibisita at bihira na lang kami magkikita.
"Do I really have to do this?" wala sa sarili kong tanong.
Awtomatikong bumaba ang tingin ni Alastair sa akin ng marinig ang aking sinabi. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sa paraan na 'yon ay parang pinapagaan niya ang loob ko. Hinihigop at tinatanggal ang mga bumabagabag sa isipan ko.
"Wala pa naman sila. Puwede ka pa namang umatras kung gusto mo," malumanay ang tono ng kanyang boses ng magsalita.
Napalunok ako at pilit na tinatanggal ang nakaharang na bagay sa aking lalamunan. Sa kalaunan ay umiling ako. Humigpit ang hawak ko sa transparent plastic envelope at tiningala siya.
"It's okay," I whispered. Bumaba ang tingin ko sa pink fazzio ko na motor. "I just hope they will take care of it."
Ningitian niya ako at yumuko para halikan ang aking noo.
"Mukhang aalagaan naman nila 'yan, mahal. Don't worry."
Umiwas na lang ako ng tingin at nanatiling nakamasid sa motor ko na naka-park sa harapan namin. Habang tumatagal ang tingin ko roon ay parang naninikip lang ang dibdib ko.
Nakahanap agad kami ng buyer nang ipost ni Alastair sa marketplace ng Facebook na binibenta na namin ang motor ko.
Nang may nag inquire at kukunin na raw 'yon agad. Napagplanuhan namin na magkita sa may bandang parking lot ng SM Fairview. Kararating lang namin at hinihintay na lang sila.
Ilang minuto lang din ang lumipas ng nakarating na rin ang buyer. Pinagusapan na namin ang dapat pagusapan. Ang papeles ng motor ko ay naibigay ko na rin sa kanila.
Nang matapos ay umuwi na rin kami. Nakaangkas ako ngayon kay Alastair at nakayakap sa kanyang baywang.
Sa huling pagkakataon, ako ang nagmaneho ng motor ko bago ibigay sa bagong may-ari papunta sa meet-up place namin.
Habang si Alastair naman ay dala-dala rin ang itim niyang sniper para kapag uuwi na kami ay doon na ako aangkas sa kanya.
I'm going to miss you, baby girl.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
We have a very busy long week. After a couple of weeks, natapos ko na rin ang rendering ko sa Jollibee. Aabutin pa ng 30 to 60 days bago ko marecieve ang payroll cut off ko.
Sa isang linggo nagtulungan kami ni Alastair na linisin ang buong bahay sa huling pagkakataon. Nagulat pa nga ako na sumunod din sila Nari at Ciro.
hindi ko pa nga nasasabi sa kanila na aalis na kami dahil sa sobrang busy, pero kutob ko naman na nababanggit na siguro ni Alastair 'yon sa kanila.
Nakahanap na agad si daddy ng buyer nitong bahay. I didn't know he had already found a new owner for this house so quickly.
Until the last day of this week had come, nasa compartment na ang mga bag naming lahat. Ang mga iba pa naming mga malalaking gamit ay nasa Cavite na noong isang araw.
Naghire na lang si daddy ng mga maglilinis doon para kapag dumating na kami roon ay kaunti na lang ang gagawin namin.
Wala sa sarili na tiningnan ko si daddy, tahimik lang siyang nakamasid sa bahay.
The place where I grew up... where my parents once built a family. . . na ngayon ay wala na.
Wala sa sarili na napalingon din ako roon sa huling pagkakataon habang kinakabit ang seatbelt sa katawan. I don't know but I felt like there was a heavy thing in my chest while looking at our old house now.
Malungkot. Madalim. Hindi makulay.
Nagmistulang haunted house dahil sa pag-alis namin. Isang mabigat na buntonghininga na lang ang aking pinakawalan bago nilingon si Alastair ng maramdaman ang kamay niya sa kamay ko.
Mahina niyang pinisil 'yon at ningitian ako.
"Tara na?" he asked.
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Sa mukha ng boyfriend ko. Siya ang maghahatid sa amin sa Cavite. Siya na ang nagpresenta na gawin 'yon.
Gamit namin ang sasakyan ni daddy dahil ang sasakyan din na ginagamit ni Kuya Amelio para sunduin ako ay matagal na rin na naibenta.
Mabilis akong napalingon sa gilid nang may kumatok sa bintana ng passenger seat. It was Nari. Malungkot ang mga mata niya habang katabi niya ngayon si Ciro na tahimik lang sa gilid.
"Isla. Mamimiss kita," aniya sa malungkot na tono. "Sabay pa rin tayong mag-eenroll, ha? Kahit modular ka na, sabihin mo same tayo ng section kasi tutulungan kita."
Napalunok ako at nagsimulang mangalikot ang kamay ko sa dulo ng suot kong light pink shirt. I haven't told them the truth yet.
Isang tipid na ngiti na lang ang tinugon ko at nilabas ang kamay sa bintana ng binaba ko 'yon para mahawakan ang kamay niya.
"I'm going to miss you too. Don't worry; you can still visit me there. Palaging bukas ang bahay namin sa inyo," tugon ko.
Tumango na lang si Nari pero hindi pa rin natatago ang lungkot sa mga mata niya. Sumunod si Ciro. Simpleng ngiti at tango lang ang binigay niya sa akin.
"Ingat kayong tatlo sa byahe, Isla," usal niya. Dumungaw pa siya sa backseat bago magsalita, "Tito Arden, Ingat po kayo. Get well soon po."
"Get well soon po, tito. Pagaling po kayo para makasama ka pa namin ni Isla," pag singit ni Nari.
Nang lumingon ako sa likod ay nakangiti na pala si daddy. Isang tango lang ang tinugon niya.
"Thank you," he answered. "And of course, I need to get better as soon as possible for Isla."
Kusa akong napangiti nang maramdaman ang daliri niya sa pisngi ko. Mahina niya 'yong pinisil mula sa likuran. Maingat kong hinawakan ang kamay ni daddy at mahinang tinapik.
"Mauuna na po kami. Ingat kayo! Isla, Nari, and Tito Arden. Bye po!" pahabol ni Nari.
Tumango lang kami at kumaway. Nauna na silang umalis. Nakaangkas si Nari sa motor ni Ciro at tuluyan nang nawala sa paningin namin.
"Let's go. let's get out of here," simpleng utos ni daddy sa mababang tono.
I nodded in silence. Nilingon ko si Alastair at hinawakan ang kamay.
"Let's go na. Mahaba haba pa ang byahe natin."
"Okay po, mahal."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Inabot kami ng 3-4 hours na byahe dahil sa rush hour. Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa pagaalala habang pinagmamasdan kanina si Alastair dahil mukhang pagod na pagod na siya.
Nasa Imus, Cavite na kami ngayon. Simpleng one-story house lang pala ang bahay nila lola rito. Maliit at hindi kagaya sa bahay namin sa Greenview.
Pero kung papipiliin ako, mas okay na sa akin kung ganito ang bahay namin.
Maliit. Mabilis lang makita ang mga nakatira rito. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Hindi katulad doon sa dati naming bahay, kahit na malapit lang ang kuwarto ni daddy sa akin ay parang layo niya.
Pagkarating na pagkarating namin ay malinis na ang buong bahay. May mga ibang gamit lang na hindi pa nakaayos dahil balak namin na kami na ni Alastair ang gagawa no'n.
"Hmm. . . hmm. . ." I was silently humming a random song while combing Alastair's soft, dark brown, and wavy hair.
Dalawang kuwarto lang ang meron dito. Ang isang master bedroom na dati raw na tinutulugan ni lolo at lola ay gamit ni daddy ngayon. 'Yon ang una naming pinalinis dahil alam ko na doon na didiretso si daddy.
Itong isang bakanteng kuwarto ay katatapos lang namin linisin. Ang bed frame ay sira na, kaya ang foam ay nasa sahig. Pinagpagan na muna namin 'yon at pinalitan ng bagong bedsheet para mahigaan pansamantala.
Alastair was sleeping peacefully on me. He makes my lap his pillow. Banayad at kalmado na ang kanyang paghinga ngayon.
Nakaharap ang kanyang mukha sa puwesto ko. Nakayakap ang mainit niyang braso sa aking baywang na akala mo ay ayaw akong paalisin. Habang nakasubsob ang mukha sa tyan ko.
He even wanted to fix the light in our room but I refused. Pinatulog ko na muna siya para makapagpahinga.
Kaya ngayon. Bagsak na siya sa tabi ko at tahimik nang natutulog sa aking hita. Habang ako naman ay nakasandal sa pader. Naghahanap ng puwedeng trabaho.
I'm planning to apply as a call center agent. Kung makahanap man ako no'n ay sana naman payagan nila ang request ko na mag-work from home.
Hindi ko kaya at hindi ko puwedeng maiwan si daddy rito ng mag-isa.
Dahil nandito na kami sa Imus, Cavite. Dito na rin niya ipagpapatuloy ang second-line therapy niya para sa SCLC niya. Kailangan ko pa mag hanap ng hospital para makapag schedule ng infusion para kay daddy.
The next day, as usual, we started cleaning again and arranged the furniture in the small living room. Maaga pa lang ay gumising na kami para gawin 'yon.
Inabot na ako ng madaling araw kakahanap ng mga hiring sa call center at mabuti naman nakahanap ako. Nagpasa agad ako ng resume sa iba't ibang company, and hopefully matawagan ako for interview.
Kahit isa lang sa mga napasahan ko. Sana may makatanggap sa akin.
"Mahal, tubig ka muna. Pahinga muna tayo. Hinihingal ka na."
Napapikit ako ng punasan ni Alastair ang mukha ko gamit ang hawak niyang malinis na bimpo. Hindi pa siya nakuntento yumuko pa siya at mabilis na hinalikan ang labi ko bago pisilin ang ilong. Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi at tumango.
Sabay kaming naupo sa malambot na sofa at nagpahinga. Maya-maya ay nagpaalam muna siya na gagawa muna ng pagkain saglit para raw may energy kami mamaya sa paglilinis ulit.
"I want more bacon spread, love!"
"Copy, boss!" tugon ni Alastair galing sa open kitchen.
Mahina akong napahagikhik at tinuon ang pansin sa pag-scroll down sa social media.
Nakapag-almusal na kaming lahat. Si daddy naman ay nandoon sa labas; may maliit kasi na patio roon na connected sa bahay. Doon daw muna siya para makapag-isip-isip.
Nang maramdaman ang presensya ni Alastair sa aking gilid ay mabilis ko siyang nilingon na may ngiti sa labi.
"Love, I forgot to tell you. Bigyan natin si daddy—"
Agad na naglaho ng parang bula ang mga ngiti ko ng makita ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Seryoso ang mukha niya. Madilim ang titig. Nakakunot ang noo. Ang panga ay umiigting na akala mo ay parang may pinipigilang salita na gustong kumawala sa kanyang labi.
"What's wrong? Are you okay?"
Pero sa kalaunan ay hindi na niya napigilan na magsalita bago magpakawala ng mabigat na pagbuga ng hangin. Ang mukha niya kanina na nandidilim ay napalitan ng panlalambot.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" diretsahan niyang tanong.
My brows furrowed.
Nagsimulang manlamig ang aking mga kamay. Ang mata ko ay halos hindi makatingin sa kanya. Nabibingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
"Sinabi ang alin?" tanong ko pero pakiramdam ko ay parang alam ko na ang gusto niyang sabihin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na matagal ka nang tumigil sa pag-aaral?"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com