CHAPTER 37
CHAPTER 37
ADELINE ISLA RAMIREZ
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na matagal ka nang tumigil sa pag-aaral?"
I don't know what to say. Paano niya nalaman?
Naramdaman ko na lumapit siya. Ang mga tingin niya ay parang nakakapaso sa balat; kahit na hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, ay alam kong nakatitig lang siya sa akin.
At naghihintay ng sagot.
"A-alastair. . ." nauutal kong bigkas.
Napabuntong hininga ako at tumayo mula sa aking kinauupuan. Tahimik akong naglakad patungo sa kanya. I reached his hands that are currently balled in fists now. Sinubukan kong ipagsalikop 'yon at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.
Sinubukan kong salubungin ang tingin niya pero hindi ko kaya. Nakokonsensya ako. Nagsisimula na namang maglikot ang paningin ko na akala mo ay naghahanap ng puwedeng isagot sa kanya.
"Explain, mahal. Makikinig ako," sambit niya. "Kailan pa 'to? Nahihirapan ka ba na pagsabayin yung pag-aaral mo atsaka yung trabaho? Bakit hindi mo sinabi sa akin para matulungan kita sa mga school works mo?"
Napalunok ako at huminga nang malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko. It felt like they wanted to come out on my chest. Nagawa ko na lang ay napahawak doon at pilit na kinakalma ang sarili.
"It's not that easy, Alastair," mahinahon kong sagot.
"Paanong hindi madali? Ano ba ako rito kung hindi kita matutulungan? Boyfriend mo 'ko, mahal. Kung hindi nag-chat sa akin yung isang professor mo tungkol sa 'yo. Na kung gusto mo ba raw humabol para makapasa ka sa subject niya, hindi ko pa malalaman na matagal ka nang hindi pumapasok. Pati sa iba mong subject. Hindi ka ma-reach out, mahal. Sila na lumalapit sa akin."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang gustong salubungin ang tingin ko.
"Willing naman akong tulungan ka palagi. Gusto kong tulungan kita—"
"Ayaw ko nang laging dumidepende sa 'yo, Alastair," pagputol ko sa sinabi niya. "I'm the one having a hard time. Ako ang nahihirapan. Palagi. Gusto kong baguhin yung sarili ko na huwag dumipende sa mga nakakasama ko kasi ako rin ang nahihirapan. I want to be independent!" mariin kong wika.
"Hindi mo ba napapansin? Isang taon mahigit na ang nakalipas simula ng nagbago ang buhay namin pero hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong mag-adjust sa lahat!"
"Naiinis ako sa sarili ko kasi dapat kaya ko na 'to. Dapat hindi na ako nahihirapan. Ito ang problema ko. Sarili ko."
Nabitawan niya ang aking kamay at napahilamos na lang sa mukha niya. Napabuntonghininga siya nang malakas. Sa sandaling magtagpo ang mga mata naming dalawa, ang dalawang kilay niya ay halos magkasalubong na.
"Mahal naman. Ano ba 'yan. Kung gusto mo ng gano'n, ayos lang. Tutulungan din kitang maging independent. Pero kasi ang usapan natin yung pag-aaral mo, Isla," aniya sa mahinahon na boses. Pero pakiramdam ko ay pinipigilan niya lang na huwag sumabog sa harapan ko.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at nahihirapan na sagutin ang kanyang tanong. Sobrang tagal ko nang hindi sinasabi sa kanya 'to dahil alam kong hindi siya papayag. Alam kong salungat siya sa desisyon ko.
"Kailan pa 'yan? Kailan ka pa hindi pumasok?" seryoso niyang tanong.
"Before I get regularized at Jollibee."
Napabuntonghininga na naman siya. It was a sharp breath that he released. Ilang beses niyang kinakamot ang kanyang batok at parang hindi pa alam ang gagawin dahil sa inis.
"May modular, mahal. Puwede kang mag switch—"
"You know how hard it is to be a modular student at the Northvale, Alastair," pagputol ko sa sinabi niya.
Napayuko na lang ako kasama ang panlalamig ng aking kamay dahil sa pagtago ko sa kanya tungkol dito.
"I need a full-time shift there; that's why I didn't continue to go to school."
"Kaya pinagpalit mo 'yang pag-aaral mo sa trabaho mo. . ." mahina niyang tugon sa akin.
Kumunot ang noo ko at umatras dahil sa naging sagot niya.
"Are you being for real, Alastair?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "I thought you already understood what we're going through right now. . . akala ko ba alam mo? Ano, pag-aawayan ba natin 'to?"
Pakiramdam ko ay umakyat ang sarili kong dugo sa ulo ng marinig ang sinabi niya. His answer literally push my trigger button. Mariin kong kinuyom ang aking kamao at tinalikuran siya para maupo sa sofa.
"I thought you already knew the reason why I need to work," my voice raised a little and looked at him.
Nanatili pa rin siyang nakatayo sa kanyang puwesto, hindi gumagalaw at tahimik lang nakatingin sa akin na ngayon ay nakahalukipkip na.
Na akala mo ay pilit na pinipigilan ang sarili na huwag tuluyang sumabog ang emosyon sa aking dibdib.
"Importante ang pagaaral, mahal," malumanay niyang sagot.
"My father is more important!"
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses. Tumayo ako at nilapitan siya. Nakatingala na ako at sinalubong ng nanlilisik kong mga mata kanyang tingin sa akin.
Nagtangis ang panga ko. Nagsimulang manlabo ang aking paningin habang matalim pa rin ang tingin sa kanya.
"I know it's important. Sabihin natin na oo, importante nga ang pag aaral kasi para naman sa 'tin 'yon eh. It's for our future. For our future career," madiin kong sambit.
Hindi ko na nagawang punasan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. My breath became ragged as my sobs finally out. Nanginginig ang bawat paghinga ko at ang dibdib nagsisimulang magtaas-baba dahil paunti-unti na akong nilalamon ng sarili kong emosyon.
"But I know that you know who's more important to me. Alam mo 'yon! Alam mong mas importante si d-daddy sa akin. Kaya hindi ko inaasahan na sasabihin mo 'yan! Matalino ka, hindi ba? You're smart yet you didn't understand what's going on in our l-life! Ikaw palaging kasama ko sa lahat ng 'to, Alastair!"
May bigat ang bawat hikbing kumawala sa aking labi. Malakas ko sanang duduruin ang kanyang dibdib pero nauwi lang 'yon sa mahina, na para bang unti-unti na akong nanlulumo dahil sa nararamdaman ko.
Kahit na naiinis ako sa kanya ngayon. Kahit na galit ako dahil sa sinabi niya, hindi ko kayang saktan siya dahil dito. Oo, kinukurot ko siya o sinasabunutan pero pabiro 'yon.
Pero kung usapan na ganito. Na seryosohan ay hindi ko kaya. I don't want to hurt him. Dahil hindi lang siya ang nasasaktan pati na rin ako.
"Yung pag-aaral ko, kaya ko p-pa namang balikan 'yon," humihikbi kong sambit. "Kaya ko siyang balikan basta may naipon na akong pampaaral sa sarili ko."
Napapikit ako ng maramdaman ang daliri niya na pinalis ang luha. Mas lalong bumuhos 'yon nang kinulong niya ako sa kanyang bisig. Humigpit ang hawak ko sa suot niyang damit at doon lumuha.
"Pero kasi si d-daddy. . . I'm worried about him. He's the only person that I have. . . and also you, Alastair. Ayaw kong gumawa ng isang desisyon na p-pagsisisihan ko sa huli kaya ginawa ko 'yon." Tuluyan na akong nabasag sa kanyang bisig.
Halos malukot ang kanyang damit dahil sa pagkuyom ko roon. Alam kong basang basa na rin 'yon dahil ang damit niya ang sumasalo sa mainit kong luha.
"Kapag may nangyari sa kanya na ikakasisi ko at m-mawala siya. Hinding hindi ko na 'yon maibabalik pa. Hindi ko na maibabalik ang buhay ni d-daddy kapag nawala siya. Kaya sana naman maintindihan mo kung bakit ko napagdesisyunan na tumigil."
"Kaya kong bumalik sa pag-aaral, Alastair. I promise, kapag nakapag ipon ako gagawin 'yon. But for now my priority is my father." Inangat ko ang aking ulo at sinalubong ang kanyang tingin.
His eyes were bloodshot. May bakas na luha sa mga mata at tahimik na lumuluha habang nakatingin sa akin.
"I'm sorry. . . I'm sorry, m-mahal," his voice croaked. "Hindi ko lang talaga inaasahan na gagawin mo 'yon; ikaw yung tipong tao na masipag mag-aral kaya nabigla ako. . . nagalit ako. I'm sorry. Sorry sa tono ng boses ko kanina, mahal."
Sinusubukan niyang punasan ang mga luha sa mukha ko habang ang sa kanya ay malayang tumutulo pababa sa kanyang pisngi.
Mas lalong nanlabo ang mga mata ko. His lips were quivering. Pakiramdam ko sinasakal ang puso ko kapag nakikita siyang umiiyak.
"I'm sorry too, Alastair. . ." I whispered. Yumuko ako at tinago ang mukha sa kanyang dibdib bago yakapin nang mahigpit. "I know you're disappointed in me; that's why you said that. Nasaktan lang ako sa part na parang hindi mo naiintindihan kung bakit ko ginawa 'yon. I'm sorry sa nasabi ko kanina. I'm sorry."
Humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalong naluha sa bisig ko.
Kaya ngayon para na kaming ewan na parehas na umiiyak habang mahigpit na niyayakap ang sarili. Parehas na humihingi ng sorry sa isa't isa habang pinapakalma ang sarili.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon. Si daddy ay nagtataka pa nang pumasok sa loob dahil parehas na namumugto ang mata naming dalawa ni Alastair.
Ningitian niya lang kaming dalawa. Walang tinanong at nagpaalam na magpapahinga na muna sa sarili niyang kuwarto.
Pagkatapos no'n, tinuloy na namin ang pag-aayos ng mga furniture sa maliit na sala na akala mo ay walang pinag-awayan kanina.
Ngayong alam na ni Alastair ang lahat, sinabi ko na rin sa kanya na nagpasa na ako ng resume sa mga hiring ng call center agent. Sabihan niya lang daw ako na kung gusto ko pang maghanap ng iba ay tutulungan niya ako.
"Do I look good?"
Hinarap ko siya nang matapos kong ayusin ang kuwelyo ng suot kong white silk long sleeve na nakatuck in sa pang-ibaba ko. I put my long, straight, jet-black hair behind me and stand straight in front of him. Pinagpag ko pa nang kunti ang suot kong black slacks at ningitian siya.
Nasa loob kami ng kuwarto ngayon. Nakaupo na si Alastair sa kama habang nakalagay ang kamay sa baba na akala mo nag-iisip nang sasabihin.
Hindi na nakalagay sa sahig ang foam. Alastair was the one who made our bed frame. Para raw mas maayos tignan sa loob ng kuwarto namin. Siya na ang bumili ng materyales; I'm offering to do that but he won't accept it.
After a couple of weeks, may tumawag sa akin for an interview. Nag-send sila ng schedule kung kailan nila ako i-interview sa mismong company. Pumasa ako sa unang interview dahil same day lang din sila nagsasabi if pasado ka o hindi.
Ngayon naman ay final interview kaya naka-formal attire ako ngayon.
"Perfect! Ang ganda ng mahal ko," nakangiti niyang wika. Umangat ang kanyang kamay at sumenyas na lumapit ako sa kanya.
Agad naman akong sumunod at mahinang napahagikhik nang hapitin niya ang baywang ko para paupuin sa kanyang hita.
"Yung ganda mo mahal, hindi ka pang call center agent," bulong niya sa akin. "Puwede kang mag-apply bilang secretary."
Napanguso na lang ako at maya-maya ay napangisi rin nang hawiin niya ang aking buhok. Mariin ang tingin niya sa akin, kitang-kita ang pagkislap ng mga mata na akala ko ngayon lang ako nakita na ganito ang ayos.
Nakaawang ang kanyang mapulang labi. Dahil doon hindi ko tuloy napigilan na halikan 'yon. Siya naman ngayon ang napanguso at tinikom ang bibig.
"Huwag ka ngang ganyan, mahal. Baka hindi ka makaabot sa interview mo kung hahalik-halikan mo 'ko," sambit niya ng ikinatawa ko.
"You're getting hard," pang-aasar ko.
Napabuntong hininga na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko.
"Ganda ng mahal ko," nakangiti niyang bigkas. "Tara na? Hatid na kita. Hihintayin kita sa labas ng company para sabay na rin tayong umuwi. Tapos date na rin tayo."
Kusa nang sumilay ang matamis kong ngiti at parang batang tumango. Hinalikan ko siya sa huling pagkakataon. Bumakat ang red lipstick ko sa labi niya pero parang wala ang 'yon sa kanya.
"Yes! Let's go!"
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Hindi na rin sa akin naging mahirap ang lahat nang matanggap ako sa trabaho. Finally, I'm now a call center agent at Everise. Permanent na rin ang work-from-home setup ko.
This is really a big help for me because I can still focus on taking care of my father. Kung mag-onsite ako, baka hindi rin ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa pag-aalala sa kanya na siya lang ang mag-isa rito sa bahay.
Lalo na at wala na si Alastair dito. Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng bumalik si Alastair sa Caloocan. Nakakainis lang din dahil namimiss ko na siya kahit wala pang isang linggo.
Napabuntonghininga na lang ako at pinatong sa sofa ang mga equipment na gagamitin ko kapag magsisimula na ako sa trabaho. Provided ito ng company namin kaya nagtungo ako roon para kunin 'to.
"Dad!" tawag ko mula sa sala.
"I'm here in my room, Adeline."
Napantig ang tainga ko ng marinig ang boses ni daddy. Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi at nagtungo roon.
Napadaan pa ako sa digital wall clock namin. It's already 5 in the afternoon. Maya-maya ay magluluto na ako ng ulam namin para makainom na rin siya ng gamot.
"Sorry ngayon lang nakauwi, dad," saad ko nang makapasok sa loob.
Bumaba ang tingin ko nang may hawak-hawak siyang litrato. Dahil sa kuryosidad, lumapit ako at naupo sa tabi niya para tingnan kung ano 'yon.
"It's okay, anak. Nandito lang naman ako sa bahay," he assured.
"I can't leave you here for a longer time, dad. Mag-aalala ako," tugon ko.
Mahina siyang natawa at nanatili pa rin na nakatingin sa hawak niyang litrato. Nang makita kung ano 'yon ay pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko.
It was mom. In her younger days. Probably around in the 20s. Her hair was just like mine. Shiny jet black and straight hair.
"That's mom. . ." I whispered.
"I know. . . and I miss her so much."
Napalunok ako at pilit na tinatanggal ang bagay na nakaharang sa lalamunan. May gusto akong sabihin pero hindi ko magawa—
"I know you grew up thinking that I'm the reason our family fell apart," panimula ni daddy. "Minsan nagagalit ako sa sarili ko dahil masyado ka pang bata nang maranasan 'yon. As much as possible, I want you to have a good childhood experience in our home. I want to protect you from this cruel world because you're my only daughter."
Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko parang nahulog ang puso ko sa tyan dahil sa sinabi niya. What does he mean?
"Huh? I-i'm confused, dad. . ." nauutal kong tanong kasabay ng panlalamig ng aking palad.
Binaba niya ang hawak niyang litrato. Lumingon siya sa akin na may ngiti sa labi. Malambot, marahan, at malumanay ang ngiti niya.
"Every secret and lie can stay hidden forever. You're in your right age, Adeline and I think this is the right time to tell you about this. Ayaw ko naman na kung sakaling mawawala na ako ay hindi ko pa masasabi sa 'yo 'to."
Parang dinaga ang dibdib ko sa kaba. Dahil sa huli niyang sinabi ay nagumapaw ang mainit kong luha. Mabilis na nanlabo ang aking paningin.
"Dad, don't say that. Gagaling ka pa s'yempre," naiiyak kong wika. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. "You can't leave me pa, okay? I still need you here. I still need a father."
Ningitian niya lang ako bago inabot ang likod ng aking ulo para halikan ang aking noo.
"Anong sasabihin mo? What are secrets and lies? Naguguluhan ako," tanong ko sa kanya.
"It's all about your mother, Adeline."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com