Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 38

Trigger warning: mentioning abortion

CHAPTER 38

ADELINE ISLA RAMIREZ

"It's all about your mother, Adeline."

My brows are still furrowed. Pakiramdam ko parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi yata maganda ang kutob ko rito.

Simula nang naging maayos na kami ni daddy. Kinalimutan ko na ang lahat kung bakit broken family na kami ngayon. Pati si mommy ay hindi ko na rin kinontak pagkatapos namin makapag-usap sa cellphone.

Una't huli na pala 'yon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n ang unang usap namin. Parang hindi na siya si mommy na nakasama ko no'n. Wala na ang malambot at malambing na tono sa kanyang boses. Ngayon ay parang nandidiri pa na tumawag ako sa kanya o narinig ang boses ko.

"What's with mom?" kunot noo kong tanong.

Ningitian niya ako at mariin lang na nakatingin sa akin. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang ulo ko.

"Hmm. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang lahat ng 'to," mahina niyang wika.

"Dad. . . pinapakaba mo naman ako."

Hindi pa rin nakakalma ang puso ko sa mabilis nitong pagtibok.

"I don't want you to see her differently because she's still your mom," panimula niya. Tumigil pa siya ng ilang segundo bago mapabuga nang hangin. "I'm not the one who cheated in our relationship, anak. It was your mother."

Napaawang ang aking labi at parang nabingi sa narinig ko. Nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi. Pakiramdam ko parang nawalan ako ng lakas na makapagsalita.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko.

"H-how. . . Si m-mommy?" Halos hindi ko magawang makapagsalita nang maayos. Nauutal ako dahil sa pagkabigla.

Malumanay pa rin ang tingin niya sa akin. Hinayaan niya na maging gano'n ang reaksyon ko.

"The marriage that we have, Adeline. It was a lavender marriage," he whispered.

"In our days, masyadong sarado pa ang pagiisip ng mga tao tungkol sa ganyan. It's like they're growing up believing that a woman is only for a man. Naniniwala sila na dapat ang lalaki ay para lang sa babae at gano'n din ang sa babae."

"Your mother is scared of society's judgement. She's scared of her parents' judgement. That's why I agreed with this. Pumayag akong pakasalan siya kasi mahal ko siya. I love your mother regardless of her sexuality."

Napalunok ako at hindi na namalayan na unti-unting kumuyom ang aking kamao. Habang pinapakinggan ang sinasabi ni daddy sa akin.

Nanatiling tikom ang aking bibig. Pero ang tainga ko ay naka-focus sa mga salitang sasabihin niya.

"Everything in our marriage starts smoothly. Just like newlyweds, we're happy and enjoying our married life." Nakangiti pa siya habang nagkukwento sa akin. But he can't hide the sadness in his eyes. "But as the time goes by, siguro na-realize niya na hindi niya talagang kayang magsettle sa ganitong setup. Marrying a man."

"She distanced herself from me. I understand that, naiintindihan ko 'yon, at alam kong dadating din ang araw na mangyayari 'yon. Kaya hindi na ako nagulat."

"She married you to hide her sexuality. . ." wala sa sarili kong sambit sa kanya.

He nodded. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa akin buhok at dumukwang para halikan ang aking noo. Malambot ang tingin ni daddy sa akin, parang may isang senaryo na pumasok sa kanyang isipan habang tinitingnan ako.

Na para bang isang flashback kung paano niya ako nakikita simula noong bata pa ako hanggang ngayon na malaki na.

"Hanggang sa dumating ang isang bagay na naging dahilan kung bakit ako lumalaban ngayon hanggang. I feel like I'm the happiest man alive," he whispered. "And it was you, Adeline."

Mahina akong natawa nang pisilin niya ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kamay ni daddy at hindi ko na namamalayan na unti-unting nanlalabo ang aking paningin.

"I can't explain how I am so happy to have you. Pakiramdam ko parang akong nakalutang sa sobrang saya. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko nang sabihin ng mama mo na buntis siya," nakangiti niyang wika sa akin.

Napapikit ako nang punasan niya ang aking luha. Paulit-ulit niyang ginagawa 'yon dahil wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni daddy. Naidilat ko ang mga mata ko. Parang nahihirapan siyang magsalita ulit na para bang takot na masaktan ako sa susunod niyang sabihin.

"Dad?" I asked.

He took a deep breath again. "I'm happy that He gave me you, Adeline."

"Your mother was quiet the whole time and I'm so nervous because she might do something about you," he whispered.

Napalunok ako.

"A few weeks after she told me she was pregnant, I found something in her email. Hindi niya alam na hindi niya na tanggal ang account niya sa cellphone ko. There was an email. . . Abortion Procedure Confirmation." Parang pati si daddy ay nanghihina sa sasabihin niya.

Napatulala ako sa sinabi niya. Akala ko may mas masakit pa sa sinabi ni mommy noong kinausap niya ako pero hindi pala. Mas lalong namuo ang aking luha. Parang may alambre na maraming tinik ang pumalibot sa aking leeg.

Ang mahina kong iyak ay unti-unting lumalakas. Pigil na pigil pa ako sa hikbi habang mahigpit na hinawakan ang kamay ni daddy.

"S-she doesn't want me?" I whispered. "She wanted to get rid of m-me? Why? Bakit ayaw niya s-sa akin, dad?" nahihirapan kong tanong sa bawat hikbi.

"Shh. . ." Napasandal ako sa kanyang balikat ng yakapin niya ako para aluhin.

"She really doesn't want a child," he whispered, parang natatakot na sabihin sa akin dahil baka tuluyan na akong masaktan.

Mas lalo pa yata akong nanlumo dahil doon. Patuloy pa rin siya sa paghaplos ng aking buhok at pinapakalma. Mahina ang bawat paghikbiko at nanatiling nakinig sa kanyang sinasabi.

"I got her pregnant. When she found out about that, she planned to have an abortion. Sobra akong nagalit tungkol doon."

"Kinausap ko siya nang maayos. Kung ayaw niya sa 'yo, ako ang mag-aalaga. It took me a few more days before I could convince her not to go through with the abortion. Lagi akong nakabantay sa kanya; natatakot ako na paalisin siya sa bahay kasi baka mamaya dumiretso siya sa clinic para tapusin ka."

Sumisinghot-singhot pa ako nang kumalas sa pagkakayakap kay daddy. Pinunasan niya ang mga luha ko bago halikan ang tuktok ng aking ulo.

Pilit niya akong kinakalma at patuloy pa rin sa pagpunas nang aking luha. Kahit na nanlalabo ay kitang kita ko ang panlalambot ng ekspresyon sa mukha ni daddy.

"Adeline, you're very important to me. You're the daughter I've always dreamed of and prayed for all my life. That's why I want to give you everything. . . to provide you everything that you want and to give you a stable life. I want to protect you because you're my only daughter."

"I know I failed you. I failed you to give a happy and complete family and I'm so sorry for that." Malungkot ang ngiting sumilay sa labi ni daddy. Namumula ang kanyang mata, at alam kong naluluha na ito.

Pigil ang aking hikbi na umiling. Hinawakan ko ang kamay ni daddy at pilit na ngumiti kahit na nanginginig ang labi.

"It's okay, d-dad," I whispered. "It's really okay, I promise. There's no perfect family. Naiintindihan ko na ang lahat, gusto ko lang din mag-sorry sa mga sinasabi ko noon. I was so immature back then for all the things I said and for blaming you, now that I know the real reason."

Hindi ko na natiis ang sarili. Mahigpit ko siyang niyakap at tahimik na lumuha.

"Thank you for saving me, dad. Thank you for not letting mom get rid of m-me. Thank you so much. I love you," garalgal ang boses ko ng magsalita.

"I love you too, Adeline," mahina niyang. I'm like a kid now, bawling my eyes out in my father's arms. Sumisinghot-singhot pa ako habang lumuluha. "I'll do anything for you, anak. Alam mo 'yan."

Tumango-tango ako. Umabot pa yata ng ilang minuto hanggang sa kumalma na ako. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ni daddy na parang na-cu-cute-tan pa dahil sa mukha kong namumula.

"You're still my little Adeline," he whispered.

Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang gilid ng aking noo na akala mo ay may hinawakan sa isang parte roon.

"You didn't remember anything, anak?"

My brows knotted. "Remember what, dad?"

Malungkot siyang ngumiti. "Iniisip ko na ngayon na parang ang sama ko bilang ama kung hindi ko sasabihin din sa 'yo 'to."

Napahawak ako sa hinawakan niya. Sa pagkakatanda ko ay may peklat ako rito. It's like a stitches scar. Hindi ko rin naman alam kung saan ko nakuha 'to dahil masyado pa yata akong bata no'n nung nagkaroon ako ng ganito.

"This stitches scar, dad?" I laughed a little and smiled at him. Sinisinok-sinok pa ako dahil sa pag-iyak. "Sa sobrang kulit ba noon ay hindi ko na maalala paano ko nakuha 'to?"

Malungkot siyang ngumiti at napailing. Agad na naglaho ang ngiti ko dahil do'n.

"Then what, dad?" naguguluhan kong tanong.

"You had amnesia when you were a child," diretsahan niyang sagot. "Nabangga ka ng kotse noong tumakas ka sa bahay. You saw your mo—"

Nagalaw ko ang aking ulo nang maramdaman ang pag kirot no'n sa sinabi ni daddy. Pakiramdam ko parang may nakakabinging tunog na ako lang ang nakarinig. Napapikit ako at wala sa sarili na napahaplos sa ulo.

"It's all your fault!"

"Ako na naman!? Ako na naman ang may kasalanan!?"

"I'll let you do what you want, Odette. Hinayaan kita! Pero kung si Adeline ang madadamay, ibang usapan na 'to!"

"Adeline! Hang on there. We're going to the hospital, anak. Daddy is here now, okay?Don't worry. Everything will be okay, anak. Don't sleep, muna."

Mariin akong napapikit at hindi na napigilang tumayo. Napaatras pa ako habang nakahawak pa rin sa aking ulo. What was that? Ano 'yon? Bakit may naririnig akong boses at mga senaryong parang kasing bilis ng hangin na dumaan sa isipan ko?

"Adeline? Are you okay?" tanong ni daddy na may pagaalala sa tono ng kanyang boses.

Napahingal ako at dinilat ang mata. Kasabay no'n ang pagtunog nang cellphone ni daddy na nakapatong sa maliit na lamesa. Tahimik kong kinuha 'yon at binigay sa kanya.

"I think I need to go now, dad. I'm going to cook you some food so you can take your medicine. I-i'm okay; it's just a plain headache," pag rarason ko at mabilis siyang niyakap. "Someone is calling. Mukhang importante 'to, sagutin mo muna. Babalik ako mamaya rito kapag nakaluto na ako ng pagkain natin."

Hindi ko na hinintay ang sunod niyang sinabi. Nang makalabas sa kanyang kuwarto ay napasandal ako sa pader. Naghuhurumentado sa bilis ang tibok ng puso ko. Halos mabingi ako sa sobrang lakas din ng kabog.

Amnesia?

I don't understand; hindi ko rin maalala na may gano'ng nangyari. Maybe I can talk to him again if the pain in my head subsides—

I winced as sharp pains seemed to run through my head. Napahingal ako at napadausdos na lang sa kinasasandalan ko hanggang mapaupo sa sahig.

"It hurts," I whispered.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com