Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

CHAPTER 5

ADELINE ISLA RAMIREZ

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang nakatanaw sa bintana ng kotse. Papasok na kami sa subdivision at hindi na ako mapakali na makita si mommy.

It's really been a really long year since my mother and I saw each other. Hindi ko na nga alam kung dekada na ba o ano.

"Kuya Amelio, do you think my mom is still there?" bigla kong tanong sa kanya.

"Baka naman siguro, Ma'am Isla. Si manang nag text sa akin kaya sana maabutan natin."

Napatango na lang ako at kinuha ang compact mirror ko sa loob ng bag para tignan ang sarili. Inayos ko pa ang nakalugay kong buhok habang nakangiti.

Kaya ng makarating sa Sparrow street ay agad na nawala ang ngiti sa aking labi ng makita si mommy na parang nagmamadali na pumasok sa kanyang kotse. Mabilis kong pinindot ang button sa gilid ko para bumaba ang bintana.

"Mom!" sigaw ko.

Agad na nagtama ang paningin namin. Hinahangin ang kanyang itim at mahabang buhok. Walang emosyon ang kanyang mga mata ng tama ang paningin namin.

Agad na binundol ng kaba ang aking dibdib. Why did she stare at me like that? Ang bilis ng tibok ng aking puso habang nakatingin ako sa kanya.

"Mommy!" sigaw ko ng makitang parang nagmamadaling pumasok ito sa kanyang puting kotse.

"Mom! Wait!" I shouted, agad akong lumabas sa backseat at kumaripas ng takbo patungo kay mommy.

Parang nagbibingi bingian lang ito. She headed towards the driver seat, na akala mo ay nagmamadali at maya maya ay pinaandar na ang sasakyan palabas ng subdivision.

Open na ang gate 3 na malapit sa street namin sa greenview—pangalan ng subdivision. Kaya doon na siya lumabas.

Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba—sa kaba na baka hindi ko na tuluyan pang makita si mommy.

I shouted many times as if she would hear my voice. Halos mamalat ang aking lalamunan sa pagsigaw ng kanya habang sinusubukang habulin ang puting kotse na papaalis sa akin.

Sa mga segundong 'yon... I felt like I was my 7 years old self. Ginawa ko rin ito noon ng makitang lumayas na si mommy sa bahay. I wanted to stay with her but she just left me with my father.

"Ma'am Isla! Baka po matapilok kayo!" dinig kong sigaw ni Kuya Amelio habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

"Jusko, Isla! Bumalik ka rito! Isla!" I heard Manang shout when she saw me.

"Mom..." I mumbled. "Mommy!"

Hindi ko na namalayan na habang sinusubukang habulin ang kanyang sasakyan ay kasabay no'n ang pagbuhos ng mainit kong luha. Walang tigil sa pagtulo 'yon pababa sa aking pisngi.

"C-come back... h-here. Please, m-mommy," humihikbi kong usal.

Habang bumabagal ang aking takbo ay siya naman ang paglakas ng aking hikbi habang nakatanaw na lang kay mommy sa malayo, na ngayon ay nakalabas na sa gate.

Napatakip na lang ako sa aking bibig at napaluhod sa kalsada dahil pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko sa nangyari.

"Isla, jusko naman na bata ka. Pumasok na tayo sa loob," dinig kong usal ni manang ng malapitan ako.

I lowered my head while my shoulders were shaking uncontrollably. Halos manginig ang boses ko habang hindi na nakokontrol ang paglabas ng malalakas na hikbi roon.

"S-she left me a-again..." I cried. Inangat ko ang paningin kay manang. "Manang... h-hindi niya ba ako g-gusto? Bakit hindi man lang niya ako k-kinumusta?" humihikbi kong tanong sa kanya.

"She c-could at least w-wave at m-me... smile at m-me," nasasaktan kong sambit.

Agad akong dinaluhan ni manang sa kalsada, niyakap niya ako at naramdaman ang daliri nito sa aking mahabang buhok... buhok na kaparehas kay mommy.

Napayakap na lang ako sa kanya habang patuloy sa pagluha. Hindi ko na pinansin ang paghapdi at kirot ng aking tuhod; I know I already have a wound there.

Kitang kita ko ang awa sa mga mata ni manang ng magtagpo ang aming paningin. Agad kong naramdaman ang pagkirot sa aking dibdib dahil do'n.

Naawa siya sa akin. Naawa si manang.

Kung naawa siya para sa akin, mas naawa ako sa sarili ko.

Naawa ako sa sarili ko na gusto ko lang naman na makasama kahit saglit si mommy, pero bakit parang ayaw niyang mangyari 'yon?

"Isla, hija..." 'yon na lang ang nasabi ni manang habang patuloy pa rin ako sa pagluga.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

The whole day that my mother left me again, I was crying that time. Manang treated my wounds as I mumbled 'mom' over and over again like a kid.

Masakit pa rin ang tuhod ko dahil sa natamo kong sugat. Alam kong kapansin-pansin ang pamumula ng aking tuhod dahil sa mga sugat dahil maputi ang aking kutis. Wala naman akong choice na takpan 'to dahil parang ang baduy naman.

I should buy some slacks next time, para kung mangyari man 'to makakalagay ako ng pangtapal dito sa sugat ko ng hindi napapansin ng ibang tao.

"Isla—hala, anong nangyari sa tuhod mo?" nagaalalang tanong ni Nari.

"Anong nangyari? Anong nangyari?" pagsingit ni Ciro, para siyang chismoso sa lagay na 'yon.

Kumunot ang noo ko ng makitang parang kabuteng sumilip sa likuran ni Nari. Umiling ako sa kanila at tahimik na naupo sa upuan. Agad na napukaw ng ang aking pansin si Alastair na nakaupo lang sa upuan nito at may kinuhang binder sa loob ng bag.

"It's just a scratch," tugon ko at ningitian sila.

"Shet, ngayon ko lang nakitang nakangiti sa akin si Isla. Friends na ba tayo n'yan? Laging mainit ulo mo sa amin, eh," natatawang sambit ni Ciro.

Tinaasan ko siya ng kilay at agad na nawala ang ngiti sa labi. "Hilig niyong mambwisit," tugon ko.

Tinawanan niya lang ako at nagpaalam na babalik na siya sa upuan niya. Napabuntong hininga na lang ako at nagpalumbaba habang tulala sa whiteboard.

"Okay ka lang ba talaga, Isla?" Nari asked softly. Bakas sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala nito.

Naramdaman ko ang mahinang tapik nito sa aking balikat na akala mo ay kinocomfort ako.

"Kung wala kang makausap nandito lang ako, ah?" malambot anga tono ng kanyang boses. "We're friends after all."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at ningitian. "Thank you, Nari."

After a couple minutes our professor of foreign language just arrived. Nakangiti siya sa amin habang bitbit ang mga hawak nitong folder at laptop.

"Hola, mga mhie!"

Natigilan ako ng marinig ang kanyang sinabi at doon na realize na ang magiging language ng sa FL subject namin ay...

Spanish.

There's just a brief explanation about our foreign language. Nag-explain lang ang professor namin kung ano ang mga gagawin namin, at nag-start 'yon sa alphabet ng spanish at kung paano 'yon bigkasin.

"Okay, class. Next is the letter L. You'll pronounce the letter L in spanish alphabet, ele... ang pag pronounce ng letter l sa isang word ay nakadepende 'yon lalo na kapag doble ang letter l. Let me give you an example; first is the quesadilla. How do you usually pronounce it?"

"Quesadilla, sir," sagot ng isa kong classmate.

Tumango-tango ang professor namin. "Alam ko na karamihan sa inyo ay ganyan ang pagbigkas, but class, that's wrong."

"The correct way on how you'll pronounce a spanish word that had a double L is you'll change the pronunciation of L on Y. for example, in the quesadilla, the correct pronunciation of that word is quesadiya."

Napatango tango na lang kami sa kanyang sinabi.

"Another example for double L is pico de gallo. The gallo should sound like gayo, kaya ang pagkakabasa sa buong word na yan ay pico de gayo."

Marami pa siyang sinabi sa amin na kung ano-ano. Dahil mahaba ang oras namin sa kanya, marami rin ang kanyang naituro sa amin. The Spanish language is quite interesting, to be honest; may mga similarities 'yon sa mga salita natin ngayon. Well, obvious naman na 'yon dahil ilang taon din na nanakop ang mga espanyol sa bansa natin.

"Ugh, may panibagong rason na naman kung paano ako mabaliw," reklamo ni Nari at napasubsob na lang sa armchair nito. "Akala ko ba kapag HM luto luto lang?"

"Spanish is not that bad, you know," nakangiti kong wika sa kanya.

Napaungot na lang siya at nilingon ako habang nakababa pa rin ang kanyang ulo sa armchair.

"Partner na kita, ah," usal nito.

Tinawanan ko lang siya. "I don't have a choice, Nari. Ikaw lang naman ang kaibigan ko rito."

I heard her chuckle before she straightened her posture. Agad siyang kumuha ng one fourth na papel at nilista ang pangalan naming dalawa para ipasa 'yon sa professor namin. After mag lesson ng professor namin ay nag announce siya na magkakaroon kami ng parang roleplay pero dalawang partner lang.

Agad na napatingin ako sa puwesto nila Alastair at Ciro dahil napansin ko na parang hindi niya yata ako binulabog ngayon. Oh thank goodness, buti naman at hindi niya 'yon tinuloy dahil wala ako sa mood makipag bangayan ngayon.

Nakita ko na naguusap silang dalawa at may tinitignan sa cellphone. Palipat-lipat ang tingin ni Alastair sa cellphone nito at may sinusulat sa binder habang si Ciro naman ay may sinasabi sa kanya.

Don't tell me gumagawa na sila ng script ngayon?!

Mabilis kong nilingon si Nari. "We should start making a script."

Kung nagsisimula na sila ngayon, dapat kami rin! Baka mamaya ay marinig ko na naman na magyayabang 'tong si Alastair na may gawa na tapos wala akong maipapamukha. Baka mainis lang ako.

"Huh!? Puwede bang sa susunod na araw na lang? Payag ako kung sa susunod na araw, atsaka puwede rin na doon tayo sa bahay gumawa. Alam mo na bonding with friend na rin!"

Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Sure!"

Nang mapagplanuhan na kung kailan kami gagawa ng script para sa activity sa foreign language namin, at ngayon makalipas ng tatlong subject ay dismissal namin. Nagrelease na sa edusuite ng school kung kailan ang examination namin kaya ngayon balak ko na mag-advance review para sa examination namin.

"Isla! Sama ka sa akin?"

Mabilis akong napalingon sa gilid ng marinig ang boses ni Isla. palabas na ako ngayon sa gate 1 ng campus dahil hihintayin ko na lang si Kuya Amelio.

"Where?"

"Doon, oh," nginuso niya ang isang subdivision na open for public. Nakikita ko ang mangilan-ngilang estudyante na pumapasok sa loob.

"What are we going to do there?"

"Lunch? Tara kain tayo pater."

My brows furrowed. "Pater? What's—"

"Sus, mamaya na 'yang question and answer portion. Text mo muna driver mo na mamaya ka pa makakauwi."

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso; inangkla niya 'yon habang masaya na nakangiti sa akin.

"Let's go na!"

Napapailing na binuksan ko ang cellphone para itext si Kuya Amelio.

To Kuya Amelio:

Kuya, don't fetch me na pala I'm with my friend. Nari is her name. She said that we're going to eat somewhere, kaya baka mamaya pa ako makakauwi. Please tell manang na rin.

Thank you po.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com