Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

CHAPTER 6

ADELINE ISLA RAMIREZ

Palinga-linga ako sa paligid nang makapasok kami sa loob ng subdivision sa tapat ng school. Maraming naglalabas-pasok din na mga estudyante galing sa school namin, at iba't ibang kurso 'yon.

"Ngayon pa lang ako nakapasok dito, huh," wika ko habang naglalakad kami. "Subdivisions are supposed to be private, right? Bakit nakakapasok yung mga hindi naman residente rito?

Nagkibit balikat si Nari sa aking sinabi at habang nakaangkla pa rin ang kamay sa aking braso.

"Ay, hindi ko rin alam, eh. Basta nalaman ko na lang na nakakapasok yung mga ibang estudyante rito. Atsaka marami rin kasi na affordable na pagkain dito kaya minsan dito rin kami kumakain."

Napatango ako. "Like the pater that you said?"

"Yes! Nakakain kana ba no'n?" Nari asked.

Ngumiti ako at umiling. "No. I didn't know that."

Dahil ala una na ng hapon ay tirik na tirik na ang araw. Agad kong tinanggal ang coat na nakasuot sa akin nang matanggal ni Nari ang kanyang kamay sa aking braso para kahit papaano ay maging presko naman sa pakiramdam. Kaya ngayon ay puting polo long sleeve na ang suot ko at nakasabit na lang sa forearm ko ang tinupi kong coat.

Hindi rin naman ako masyado naiinitan dahil naka on ang pink mini turbo fan ko pero grabe ang buga rin no'n ay napakainit. I think mas maganda kung nasa aircon kami kakain.

"Girl, shredded chicken breast siya na tinimplahan ng toyo or whatever na puwede mong malagay na rekados doon," sagot ni Nari sa akin.

"Ohh... that's nice. I love chicken. how much is it ba?" I asked.

"Yung plain pater twenty lang. Tapos kapag gusto mo naman ng may egg twenty-five, tapos kapag gusto mo nung double pater forty lang. Tapos ikaw na bahala kung gusto mong mag-add on ng itlog."

Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi. "Mura lang pala! Let's try that," nakangiti kong wika.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa lumiko kami sa isang street, sa kanang bahagi. Nang tumingin ako sa kaliwa ay meron pa palang isang gate rito at nakikita ko ang mangingilan na sasakyan na pumasok. Pati na rin ang mga estudyante.

"May mall?" tanong ko sa kanya at tinuro ang nakita ko.

"Ay, oo! Next time diyan naman tayo gagala pero sa ngayon pang pater muna ang budget ko sa lunch ngayon," natatawa niyang tugon. "May food court din diyan sa Kaimall kaya marami rin tayong pagpipilian na pagkain pero saka na."

"Sure. sa ngayon subukan muna natin 'yang sinasabi mong pater," tugon ko.

"Tara!"

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Oh..."

Nakababa ang tingin ko sa naserve na pater na sinasabi ni Nira. maliit lang ang serving, pero okay na siya para mapawi ang gutom mo, atsaka base na rin sa price, hindi na rin ako mag-e-expect na marami ang serving.

Ang kapal naman ng mukha ko na magiisip na isang dakot ng kamay na shredded chicken breast ang iseserve na ibibigay sa akin kung bente lang ang presyo no'n.

"Thank you for the food," I whispered as I made the sign of the cross.

Ngumiti ako ng makitang nilalantakan na ni Nari ang kanyang kinakain. She ordered a double pater; mukhang gutom na gutom siya sa lagay na 'yon. Naisip namin na pumwesto sa labas ng store.

May harang naman 'yon kaya parang tago pa rin kami, and maganda rin ang exterior kasi parang nasa garden kami ngayon. Para kaming nasa isang patio ng garden.

"Tikman mo na," sabit ni Nira habang kumakain. "Masarap 'yan."

Ningitian ko lang siya at tinanggal sa ibabaw ang shredded chicken breast para ilagay sa gilid ng java rice bago magsimulang kumain. Agad na tumahimik ang paligid dahil abala kami sa kinakain namin ngayon.

Hindi rin ako madaldal ni Nari dahil mas naka focus lang siya sa kanyang kinakain kaya gano'n na lang din ang aking ginawa.

After we eat, nilibot libot niya pa ako sa kabuuhan ng subdivision. Lumabas na kami sa street ng pinagkainan namin ng pater at naglakad pa sa mismong kalsada bago kumanan ulit.

"Paikot ikot lang tayo rito. For sure makakabisado mo na rin," pang dadaldal ni Nari sa akin.

"It's a little scary here, Nari. puro mga puno at halaman na nandito, ah," tugon ko.

"Iikot lang din tayo, ang labas natin doon lang din sa street ng pinagkainan natin ng pater. Ito na lang hindi natin napupuntahan."

Napatango na lang ako sa kanyang sinabi. Marami-rami rin palang mga food cart ang nandidito. Kaya ang nangyari napabili na naman kami ng pagkain at kinain iyon habang naglalakad.

"And dito naman minsan tumatambay ang mga students. If gusto nila gumimik, mag billiards, o uminom," biglang sambit ni Nari at tinuro ang gilid ko.

Agad kong nakita ang open area na punong puno ng mga estudyante. May mga taga-school din dahil sa mga ID lace nila. There's also a fairly light hanging in the ceiling of the roof; nakapatay pa iyon dahil maaga pa pero for sure maganda iyon kapag nabuksan na.

Maayos din ang pagkakaplastar ng mga plastic table and chairs; sa bandang dulo ay nandoon nakahilera ang isang malaki at mahaba na billiard board, at nakita ko na may naglalaro pa roon.

Nagkakasiyahan ang mga ibang estudyante habang umiinom ng alak. Alam ko naman na alak ang iniinom nila dahil may mga tower ng alak na nakapatong sa kanilang mga lamesa.

"I like the vibes here," nakangiti kong sambit at nilingon si Nari pero agad din na nawala ang ngiti sa labi ng makita wala na siya sa tabi.

"Nari!" tawag ko sa kanyang ngalan ng makitang nauna na pala siya sa loob.

"Kasama ko kaibigan ko. Her name is Isla," narinig kong wika ni Nari ng makalapit sa kanya. Agad niya akong nilingon at sumenyas na lumapit sa akin. "Isla! Come here, papakilala kita sa mga iba kong friend na nalipat sa ibang section."

Tipid ko lang silang ningitian at umangat ang kamay para kawayan.

"Hi! Nice to meet you all," magiliw kong bati.

"Hi, Isla! Nice to meet you rin," sunod sunod na bati ng ibang kasamahan ni Nari.

Nanatili lang akong tahimik sa gilid ni Nari; I realized that Nari is social butterfly, ang dali-dali lang sa kanya na makihalubilo sa iba.

"Sa susunod kasi sumabay kayo sa akin mag enroll. Sa first semester ng third year natin sabay-sabay na lang tayo para maging classmate niyo rin 'tong frenny ko," naramdaman ko ang kamay ni Nari na sinakbit sa aking braso.

"Sige ba!" nakangiting tugon ng isang kaibigang lalaki ni Nari at tinignan ako. "Para masali na rin si Isla sa circle of friends natin—ay automatic kana palang kasama sa amin dahil na recruit kana ni Minari," natatawa niyang usal.

Tinawanan ko lang sila at napailing na lang. Medyo nahihiya pa ako makihalubilo sa kanila pero magiging komportable rin ako sa susunod.

"Minari, shot ka muna, oh. Kanina ka pa dumadaldal at namumulutan diyan. Ano ka siniswerte," dinig kong wika ng isa pang kaibigan nito na nakaupo sa isang itim na monoblock chair.

"Baliw, pass muna ako. Kasama ko 'tong si Isla. It's me and mah frenny date today," pambibiro ni Nari.

"Siraulo talaga 'to. E'di huwag kang mamulutan kung hindi ka iinom. Ginagawa mong kanin pulutan namin eh. Kurot ka nang kurot."

"Damot!"

Hinayaan ko lang na makihalubilo si Nari sa mga kaibigan nito at doon napagisip na maglibot din ng tingin sa kabuuhan ng gimikan nila ngayong nakapasok na kami sa loob. May mga tugtugan din akong naririnig na medyo familiar sa akin.

Mga kanta ni Al James at iba pang mga kanta ng mga artist na kavibes ng kanta niya. Naririnig ko ang mga iilang estudyante na sinasabayan ang kanta at meron naman ay nagtatawanan.

Agad na napako ang aking paningin sa isang lamesa na may tatlong tower ng alak na nakapuwesto sa bandang dulo nitong lugar; sa tabi sila ng billiard board nakapuwesto. Doon nagtama ang paningin namin ni Alastair.

Kanina pa pala sila nakatingin sa akin at nahuli ko siya! Ano na naman bang trip nitong baliw na 'to?

Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin na akala mo ay parang hindi niya inaasahan na nandito ako kasama si Nari. Pero agad din na naglaho ang kunot sa kanyang noo at tumaas lang ang gilid ng kanyang labi, ang mapang asar nitong ngiti ay nakikita ko na naman.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at iniwas na agad ang tingin dahil wala akong plano na sirain ang araw ko kakatingin sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa tabi ni Nari at nakikisabayan din sa kanilang pinaguusapan. Ang warm lang sa feelings dahil kahit na hindi ko sila close sinusubukan naman nila akong kausapin para hindi ako ma-left out.

Which is quite good because I never felt this before with my old circle of friends that I cut off.

After Nari and her friends catch up together, we decide to go to the coffee shop. And I swear nakakapresko na sa feeling na yumayakap na sa akin ang lamig ng buga ng aircon. Nagtagal na kami roon na halos tumagal kami ng ilang oras hanggang sa maggagabi na.

"Isla, sure ka ba? Puwede naman na hintayin na lang kita na makasakay."

I shook my head. "No, Nari. I think you should go ahead na. Hihintayin ko na lang na may dumaan na jeep dito. Alam ko naman na paano umuwi," engk, that's not true.

I really don't know how to commute because ever since I started studying, hatid sundo na ako ni Kuya Amelio. I tried to text him and manang but manang said that the car that Kuya Amelio used was in the talyer. Pinapaayos dahil nabutas ang gulong!

Now what? Hindi ko alam kung anong sasakyan ko. Ayaw ko rin na makaabala kay Nari dahil parang uwing-uwi na rin siya.

"Sige, huwag kang mag dadalawang isip na itext ako kung anong mangyari sa 'yo, ah. Mauuna na ako dahil natatae na talaga ako kanina pa."

Namilog ang aking mata dahil sa kanyang sinabi. She's really a vulgar person. Mahina akong natawa at kinayawan na siya.

"Okay! Take care, Nari."

"You too, Isla!"

Nakatayo ako sa sidewalk sa labas ng gate 1 ng campus at pinapanood na may dumadaan na jeep. Naalala ko ang sinasabi ni Kuya Amelio kung saan ako bababa kapag mag cocommute ako, kaso bakit parang wala akong makita na gano'n?!

Gosh. I'm gonna cry na. I want to go home immediately because I need to study pa!

"Ano meron sa 'yo, boss. Parang may lbm kana sa lagay na 'yan. Natatae ka ba? May banyo sa campus, ah. Bakit hindi ka mag-deposit doon?"

Agad na nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang isang pamilyar na boses sa aking gilid, at doon nakita ko na agad kung sino 'yon. Para siyang kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot sa tabi ko!

Ano na namang ginagawa ni Alastair dito?

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com