Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

CHAPTER 7

ADELINE ISLA RAMIREZ

Halos hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Anong natatae? Nababaliw na ba siya?

"For your information, hindi ako natatae," tugon ko at nagtagal ang titig ko sa kanya.

Tinignan ko ito simula ulo hanggang paa. Magulo ang brown at kulot niyang buhok, samantala ang kanyang mga mata ay namumungay na parang namumula pa yata, lalo na ang labi niya na makintab at namumula.

Wala na ang suot nitong coat at puting polo longsleeve na lang ang kanyang suot. Nakabukas ang unang butones no'n at loosen na rin ang necktie niya pero nakatuck-in pa rin naman ang suot niya sa itim nitong slacks.

"What happened to your eyes? Why is it red?" kunot noo kong tanong.

Agad siyang natigagal sa aking tanong. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkintab ng stud earring nito. I saw how he brushed his brown and wavy hair in front of me before he spoke.

"Nakainom lang," tugon nito at doon ko na naman nasilayan ang ngiti niyang mapang asar.

"So you're drunk. That's why your eyes are red?" tanong ko ulit.

Agad naman akong umatras ng kaunti dahil sa sinabi niya. I don't want to deal with drunk people. Nakita ko na umiling ito at napansin niya ang pag-atras ko. Hindi naman siya lumapit sa akin kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"'No, 'yan boss. Hindi ako lasing. Mataas alcohol tolerance ko," tugon nito.

"Boss? What's with your call sign to me today?" naiirita kong tanong. "Atsaka, anong ginagawa mo rito?"

Noon ay ma'am ang tawag niya sa akin ngayon, boss naman. May sira yata ang utak nito. Nang tumingala ako sa kanya ay nahuli ko na nakatingin na pala ito sa akin. Nagkibit balikat lang siya at pinasok ang kamay sa loob ng bulsa ng suot nitong itim na slacks.

"Ay malamang ho nandito ang sakayan pauwi sa bahay namin kaya nandito ako. Kung iniisip mo na sinusundan kita. Huwag kang assumera, boss. Grabe ka sa part na 'yon," tugon nito.

Mabilis kong iniwas ang aking paningin dahil sa sinabi niya. Well, he's right, Isla. bakit mo naman iisipin na gano'n gagawin niya? Gosh, nakakahiya ka!

"Oh, bakit ka pa nandito akala ko ba sinusundo ka?" tanong niya.

"None of your business," tipid kong tugon at tumingin sa gilid ko para hindi ko siya mapansin.

"Attitude talaga," dinig kong bulong nito kaya mabilis ko siyang pinanlisikan ng mata bago umiwas ng tingin.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo roon at kunwari napapatingin-tingin pa ako sa paligid na akala mo ay talagang marunong mag-commute para hindi niya mapansin na hindi ko alam kung paano makakauwi!

I didn't bother to talk to Alastair; nanatili lang akong nakatayo, and ngayon tuluyan na talagang bumaba ang araw at gabi na!

Now what, Isla! Paano ka makakauwi niyan!? Gabi na, at mga headlight ng mga sasakyan at street light ay nakikita ko na.

"Teka nga, sabihin mo nga sa akin, marunong ka ba talaga umuwi sa inyo o hindi? Kasi kung alam mo lang halos ilang oras ka nang nakatayo riyan," biglang sambit ni Alastair at hinawakan ang aking braso.

Mabilis akong napalingon sa kaniya at natataranta na tinanggal ang kamay niya sa aking braso.

"Ano ba! Don't touch me, okay!" biglang kong sambit.

Gosh, Isla. hindi naman siya aggressive; bakit ka ba gumaganyan? Agad naman siyang natigilan dahil sa naging reaksyon ko kaya nagbigay na naman siya ng distansya.

"Okay... chill. I'm sorry," mahinahon niyang tugon. "Tinatanong ko lang naman—"

Mabilis kong binalewala ang boses sa isipan ko at huminga ng malalim. Agad kong naramdaman ang panginit ng gilid ng aking mata at naiinis na hinarap siya.

"Fine! I didn't know how to commute. Ano, masaya kana? Aasarin mo na naman ako, gano'n? Gosh, apaka mature mo talaga 'no."

Napakamot siya sa kanyang batok at napalinga-linga sa kanan at kaliwa nito na akala mo ay naghahanap ng masasakyan na jeep.

"Anak ng... eh dapat kasi sinabi mo agad kung saan ka uuwi e'di sana naparahan kita ng jeep."

"I'm not your responsibility, okay? Kaya tigilan mo na 'yang kakaano mo sa akin," iritable kong tugon. "Umuwi kana nga sa inyo," pangtataboy ko sa kanya.

"Pride kasi inuuna kaya ayan napapala mo," paninisi niya. "Saan ka ba bababa, ha?"

Agad akong humalukipkip at nilingon siya habang may bahid na pagkairita sa aking mukha.

"Alam mo iwasan mo muna mag-attitude ngayon para makauwi ka na. Saan ka ba bababa?"

"FCM."

Napahilot na lang siya sa kanyang sentido at tinuro ang isang jeep na nakaparada sa gilid namin.

"Hay nako, alam mo ilang jeep na tumitigil d'yan sa gilid mo. D'yan ka sasakay kapag mag cocommute ka pauwi sa inyo."

Agad akong napalingon sa tinuro niya. May isang lalake na nagtatawag doon ng mga pasahero para makasakay na sa jeep.

"Walang FCM na nakalagay roon kaya hindi ko alam kung paano sasakay."

Napakamot siya sa kanyang buhok at napabuntong hininga. "Tara na nga, sumakay kana doon."

Sumenyas siya na dumiretso roon kaya wala akong choice kundi sundin siya para makauwi at makapagpahinga na ako. Ramdam na ramdam ko na ang pagod sa aking binti at paa dahil naka heels pa ako.

"Pag may nakita kang Philcoa o Litex madadaanan niyan yung FCM kaya doon ka dapat sasakay. Wala kang makikitang FCM na karatula diyan sakanila kaya sa susunod matuto kang magtanong, ah," muli na naman kumunot ang noo ko ng marinig ang tono ng kanyang pananalita.

"Alam mo kung hindi mo gustong makatulong sa akin, umalis ka na nga sa harapan ko. Halatang napipilitan ka lang, eh," irita kong sambit at inirapan siya.

Mahina siyang natawa imbis na mainis.

"Iwasan mo rin kasi palaging mainitin 'yong ulo. Daig mo pa yung matandang dalaga, eh."

"Sino ba kasi may kasalanan kung bakit ganito kainit ang ulo ko? Hindi ba ikaw?"

Agad siyang humalakhak at tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis.

"Uy, hindi ko na kasalanan 'yan, ah. Wala naman akong ginagawa sa 'yo."

"Ugh, can you just shut up na lang, Alastair—"

"Pre! Kanina ka pa hinihintay ni Ciro sa billiaran. Akala ko ba yosi break ka lang? Kanina kapa amats, eh."

Agad akong natigilan ng makita ang isa kong classmate na nilapitan si Alastair. Natigilan siya ng makita ako at umangat ang kamay para kawayan ako pero mabilis lang siyang naharangan ni Alastair.

"Anong amats ka d'yan. Mauuna na ako sa inyo kaya hindi na ako makakabalik sa billiaran. Pasabihan na lang si Ciro, ah," dinig kong tugon ni Alastair.

"Ano ba 'yan, pre, umay naman sa 'yo. May sasagot ulit ng isang set, oh. Tara na! Tinitimpla na yung kwatro kantos ililipat na lang 'yon sa tower."

"Hindi na nga. Kayo na lang muna umubos doon, atsaka maaga pasok bukas, ah. Bangag bangag kayo sa hangover niyan bukas."

Nagkausap pa sila ng kakilala nito bago ako muling lingunin. Nginuso niya ang loob ng jeep at pinaparating na pumasok na ako kaya tahimik ko na lang siyang sinunod.

"Dulo ka," seryoso niyang wika.

Agad akong natigilan ng marinig ang kanyang boses. Agad akong tumabi sa dulong jeep at katabi ko ay babae rin. Magkabilaang dulo kami ngayon nakaupo kaya magkatapat kaming dalawa.

Umandar na ang jeep, at napahawak ako sa gilid nang bahagyang gumalaw 'yon ng sobra. Nakapark kasi 'yon sa gutter mismo at paandarin na iyon patungong kalsada. Grabe, ganito pala ang nararanasan nila araw-araw?

I Should be really grateful that Kuya Amelio fetch and drop me off at the campus.

Mabilis akong kumuha ng isang daan sa wallet para magbayad nang maunahan ako ni Alastair.

"Bayad nga po, isang FCM 'tsaka isang Philcoa parehas estudyante."

Agad akong natigilan sa kanyang ginawa. Akmang magsasalita pa sana ako ng pigilan niya ako.

"I—"

"Bukas mo na lang ako bayaran," wika nito at bigla ng nanahimik.

Naitikom ko na lang ang aking bibig at pinagmasdan siyang umidlip sa kanyang kinauupuan. Malayo rin pala ang bahay niya kasi mauuna akong makakababa kesa sa kanya. Buong byahe ay nakatingin lang ako sa kanya dahil mukhang tinatamaan na 'to ng alak.

Probably it's because the road was bumpy, kaya panay alog nang alog ang sinasakyan naming jeep at doon nahihilo siya.

Agad na nagstop ang jeep sa bandang SM fairview para magbaba ng mga pasahero kasama ang babaeng katabi ko kaya lumuluwag na ang mga upuan.

Doon ay naalimpungatan si Alastair at nagsalubong na naman ang paningin namin. Agad naman akong umiwas ng tingin at inabala na ang sarili sa mga iilang jeep na dumadaan sa highway nang may humarang doon.

Napaatras pa ako at napatingin dahil bigla na lang pumasok ang lalake roon. Nagkatinginan pa kaming dalawa at akmang uupo sa tabi ko nang maunahan siya ni Alastair.

"Teka lang bossing nauna ako diyan," malalim ang boses ni Alastair ng magsalita at naupo sa aking tabi.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang palitan ng tingin nila sa isa't isa, at maya-maya na ay naging puno na ulit ang jeep.

Sinisigurado niya na may maliit na distansya pa rin siya sa akin pero dahil sa siksikan na ang mga pasahero sa jeep at halos magkadikit na ang balat namin sa isa't isa. Hinayaan ko na lang 'yon at inabala na lang ang sarili sa pagtitingin ng mga sasakyan sa kalsada.

Tahimik ang byahe at himala hindi niya ako inaasar. Namalayan ko na nakatulog pala ako sa byahe at nagising na lang ng kalabitin ako ni Alastair. Agad akong nagising at napatingin sa kanya.

"FCM na. Alam mo na ba pauwi sa inyo?" tanong nito.

Mabilis akong sumilip sa labas at doon ko nakita ang Fairview Center Mall. Yes! Makakauwi na ako. Agad akong tumango at binitbit ng maigi ang bag.

"Yes. mauuna na ako."

"Mga baba sa FCM, oh!" sigaw ng driver ng jeep.

Bumaba na ako sa jeep at nilingon siya sa huling pagkakataon.

"Thank you, Alastair."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com