Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

CHAPTER 8

ADELINE ISLA RAMIREZ

"Manang, I'm super worried and scared. I thought, hindi na talaga ako makakauwi that night," nangagamba kong sambit sa kanya habang umiinom ng iced spanish latte.

Kasalukuyan na ako ngayong nag aalmusal dahil maya maya ay papasok na ako sa school. Maaga ako nagising kanina dahil napag isipan kong mag jogging kahit saglit man lang. Nakasuot na ako ng uniform ngayon maliban sa coat ko na nakasabit ngayon sa sandalan ng bar stool chair sa tabi ko.

"But! Thankfully someone help me kahit na nakakainis siya," pagpapatuloy ko at sumimsim sa aking kape.

"Mabuti nga at tinulungan ka niyang ni Totoy. Sana sinabi mo pa rin sa amin kung nasa FCM kana, Isla. kung hindi ka man masundo ni Amelio ay puwede naman kitang abangan sa FCM."

Agad kong naibuga ang iniinom kong kape dahil sa kanyang sinabi. Mabuti na lang at hindi natalsikan ang suot kong white polo long sleeve. Namilog ang aking mga mata na tinignan si manang na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Manang!" nanlalaki ang aking mata na sambitin iyon. "Totoy? Who's Totoy?"

Ang gulat sa kanyang mga mata ay napalitan na tawa. "'Yang lalaki na palaging kinukwento mo. Ano bang pangalan no'n para hindi Totoy ang maitawag ko sa kanya."

Humaba ang aking nguso sa kanyang sinabi. "Manang may mga weird call signs talaga kayo 'no? And his name is Alastair."

"Hmm. Okay," mapangasar niyang tugon.

Agad na naningkit ang aking mga mata dahil sa naging reaksyon ni Manang.

"Manang... I don't like that stares, huh."

Mahinang natawa si manang at napailing na lang.

Napabuntong hininga na lang ako at muli na namang pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi. Mabait naman pala 'tong si Alastair kahit minsan ang asshole niya at ang hilig mang-asar.

Thanks to him talaga dahil kung hindi niya tinuro sa akin kung paano ang sakayan papuntang FCM baka madaling araw pa ako makauwi.

"Manang, I'll go ahead to the office. Pakigising na pala si Isla."

"Nandito na siya, Sir Arden."

Mabilis akong napalingon sa likod ng makita si daddy na kabababa lang galing sa hagdanan. As usual, nakasuot ito ng formal attire na suit at may itim na bag na dala for his personal things. Agad akong umiwas ng tingin at binalingan ang iced spanish latte ko. Pinaglalaruan ko na lang ang ice cubes doon.

"Oh... Isla, you're already awake. Aalis na ako papuntang trabaho, 'nak. Ingat kayo ni Amelio sa byahe, okay?" dinig kong wika nito.

Narinig ko ang yabag ng kanyang mamahaling sapatos na tumutunog kada lakad, at alam kong papunta siya sa akin. Mabilis akong umikot at maya maya ay nakita ko siya na nakatayo na pala sa gilid ko. May maliit na ngiti sa kanyang labi habang nakababa ang paningin sa akin.

"Aalis na ako, Isla. mag iingat ulit kayo ni Amelio, okay?" malambot ang tono ng kanyang boses ng magsalita.

Yumuko ito at akmang hahalikan ang noo ko ng bigla akong umiwas. Tinalikuran ko ulit siya kaya ang nangyari ay hinaplos niya na lang ang buhok ko.

"Take care always, Isla. You're my only daughter that I have."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Habang papalapit nang palapit ang first periodic examination namin ay dagsaan ang mga schoolworks na binibigay sa amin. Nausog din ang petsa kung kailan ang role play namin sa foreign language pero ang plano namin na pag gawa sa script ay tuloy pa rin.

Lahat kami nabigla pero no choice kami kundi aralin lahat ng lesson. Nagkaroon kami ng long quiz sa lahat ng subject dahil 'yon din daw ang magsisilbing reviewer namin sa parating na examination.

"Ang mahalaga naman wala akong tinatapakang tao," nakangiting wika ni Nari ng matignan ang score sa hawak nitong yellow pad. "My scores doesn't define my future."

Nakagat ko ang ibaba kong labi at hindi maiwasan ng mapahalakhak dahil sa kanyang sinabi.

"Nari!" natatawa kong wika. "Why would you say that? Babawi na lang tayo sa susunod okay?" pang aalo ko sa kanya.

Bumagsak ang kanyang balikat at pinasok na lang sa loob ng dala nitong itim na totebag ang kanyang papel.

"Syempre naman. Babawi talaga ako... try and try until you die."

"Dark ng humor mo ngayon," natatawa kong tugon.

Ningisihan niya lang ako sa kalaunan ay tinawanan ako. Inayos ko na ang aking mga gamit at gano'n din siya.

Dumadami ang mga group projects and reports namin kaya medyo busy na lahat ng mga tao rito na simulan ang mga gawain namin para hindi kami matambakan.

"Shit. nakalimutan kong bumili ng yellow pad," reklamo ni Nari kaya napalingon ako sa kanya. "Eh 'di ba may written hotel case study pa tayo na ipapasa bukas?"

Kinuha ko ang yellow pad sa bag ko na kaonti pa lang ang bawas at binigay sa kanya.

"Here, you can have mine," nakangiti kong wika at inabot sa kanya ang hawak ko.

Agad siyang natigilan sa sinabi ko at bumaba ang tingin sa hawak kong papel.

"Huh? Sigurado ka ba? Eh parang kaonti pa lang yata bawas niyan."

I nodded. "You're right, Nari. kaonti pa lang bawas niyan kaya kunin mo na 'to."

"Anong gagamitin mo?" kunot noo niyang tanong.

"I have plenty stocks of that inside my room," tugon ko. "That's my father's business. Gumagawa sila ng mga papel, and notebooks. Nakita ko na gamit mo rin yung brand nila kaya you can have mine."

Nalaglag ang kanyang panga. "Gago, seryoso ka ba? Sainyo yung Papertrial Corp."

Napaayos ang ng upo ng marinig ang mura no'n. Is it for me or it's just her expression. Tinanguan ko lang siya at tipid na ningitian dahil nabigla ako sa mura nito.

"Anak ng... ang yaman niyo pala talaga."

Naiilang na ningitian ko siya. "I really don't use that word. Naiilang ako at hindi sanay."

Ningitian niya lang ako at mahinang binangga ang aking balikat na akala mo ay nanunudyo.

"Humble talaga ng frenny ko. You know what, Isla? I'm happy that you're not that kind of rich people who arrogantly brag about their things and money."

"Well... I don't have money to brag. I think ang pangit lang din kasi na ipagyayabang ko ang kung anong meron sa akin eh hindi ko naman pinaghirapan 'yon. Yes, I know we're rich but it's because of my father," tumaas ang gilid ng aking labi at ningitian siya ng mapang asar.

"Siguro kapag yumaman na ako dahil sa trabaho ko saka na ako magyayabang," pagbibiro ko.

Agad kong narinig ang halakhak niya dahil sa aking sinabi. Agad siyang nag thank you sa binigay ko at niyakap niya pa ako ng mahigpit.

"That's my frenny!"

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Finally, our first periodic examination are done. I feel super drained and exhausted the whole week! Parang gusto ko tuloy ng pamper day sa weekends ng marelax ang sarili.

"Puro usog na lang!" reklamo ni Nari. "Kaya tayo natatambakan sa mga gawain, eh. Nakakaloka, feeling ko sasabog na ang utak ko."

"Final naman na bukas na tayo gagawa ng script sa FL hindi ba?" tanong ko sa kanya.

Pagod itong tumango habang nagliligpit ng gamit. "Yes. Ano pa lang gusto mong kainin natin doon? Pili ka na ng food para sa tanghalian, meryenda at hapunan!" excited niyang wika.

"Dinner? Doon din ako mag didinner?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Kasalukuyan na rin akong nagliligpit ng gamit dahil tapos na ang klase namin this day. Sa sobrang busy ngayong week ay hindi na nagawang bwisit ni Alastair ang araw ko ngayon. Napansin ko rin na masyadong seryoso na rin siya ngayong week gano'n din ang kaibigan niya na si Ciro.

Probably because it's exam week this week, kaya hindi niya magawang manira ng araw ng ibang tao.

"Aba siyempre 'no. hindi ako papayag na maaga kang uuwi. Minsan lang tayo mag bonding at minsan ka lang din pumunta sa bahay kaya dapat susulitin ko na. Atsaka wala rin sila mama 'tsaka papa kasi muhkang may lakad, kaya tayong dalawa lang do'n. Kahit mag feel at home ka pa."

Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi.

"You're such a good friend, Nari! Pero wala akong maisip na food, puwede naman yung simple. How about fried chicken?"

Napatango ito. "Hmm. puwede rin, fried chicken sa pananghalian... how about sa meryenda?"

"Umm... chicken nuggets?" nakangiti kong sagot at parang nag aalanganin pa.

"For dinner?"

"Chicken... tenders..."

"Gusto mo bang magkapakpak at tumilaok?" natatawang tanong ni Nari sa akin.

Humaba lang ang nguso ko at pabirong inirapan pero tinawanan niya lang ako. Siya na raw ang bahala kung ano ang kakainin namin pero dahil paborito ko raw ang manok ay fried chicken na ang pananghalian namin.

"Akala ko magaling ka magluto."

Kunot noo ko siyang nilingon habang naglalakad na kami ngayon palabas ng gate 1 sa campus.

"Porket HM kinuha magaling na magluto? Hindi ba puwedeng saka pa lang ako matututo sa pagluluto ngayon?"

I heard Nari's chuckled. "Sabagay may point ka naman..."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Kung ang pamper day mo ay spa, salon, at iba pa. Sa amin naman ay ito!"

Tinuro sa akin ni Nari ang iilang tower ng mga alak na nakapatong sa hiniram nilang mahabang lamesa at pinagdugtong dugtong 'yon. Nahila niya na agad ako rito sa place kung saan sila gumigimik.

Nakapagpaalam na ako kay Kuya Amelio na susunduin niya ako mamaya kapag nag text ako kaya hindi na ako magcocommute kapag ginabi na ako. Gumala pa kami sa kaimall kasama si Nari bago dumiretso rito sa place nila.

Dahil pa-gabi na ay tuluyan ko ng nakita ang mga nakabukas na fairylights nakasabit sa kisame at ang iba naman ay nasa puno. Kaya maliwanag na maliwanag na ang buong kapaligiran.

"It's one of my friend birthday today kaya nag aya sila ng inuman! Sakto reward na rin 'to kasi tapos na ang exam week," nakangiting wika ni Nari.

"Deserve natin 'to!" she squealed.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com