Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

CHAPTER 9

ADELINE ISLA RAMIREZ

"That's a lot!"

Naghahalo ang pangangamba at saya sa dibdib ko habang nakatingin sa mga iilang tower na nakapatong sa pinagdudugtong dugtong na pahabang lamesa.

"Hindi tayo uubos niyan, Isla," natatawang wika ni Nari sa akin. "Maraming susunod na mga kaibigan ng mag bibirthday. Tayo ang mauuna kasi syempre uuwi pa tayo."

Napatango na lang ako at tahimik na sumunod sa kanya. Actually, may mangingilan ng mga tao rito. May mga nag bibilliard na nga sa bandang dulo at ang iba naman ay nagsisimulang uminom na.

"Tabi ka nalang sa akin, ah," sambit ni Nari.

"Of course, ikaw lang naman ang friend ko rito."

Kahit gabi na ay malakas pa rin ang tugtugan nila rito. Nakaupo na kami sa itim na mono block chair at nagsisimula ng umikot ang pag papainom ng alak. Kumuha lang ako ng sariling plastic cups at si Nari ang naglalagay ng alak sa akin na galing sa tower kapag ako na.

I rarely drink to be honest, halos bilang lang sa mga daliri ko ang pag inom ng alak sa isang taon. Pero dahil kasama ko ang mga kaibigan din ni Nari na kinakausap din ako para hindi ako ma-out of place ay mukhang napainom na lang din ako bilang pakikisama na rin.

"Laway conscious ka 'no?" tanong ng isang babaeng kaibigan ni Nari.

Ningitian ko lang siya kumuha ng Cornick na pulutan at kinain.

"We understand that you're laway conscious don't worry," nakangiting sambit ng babae at inisahang inom ang tinimplang alak nila. "Kapag may kailangan ka sabihan mo lang kami. Huwag kang mahiya."

Somehow because of what she says there's a warm feeling in my heart. Tahimik lang naman ako sa pwesto namin, halo halo ang mga boses na naririnig ko at ang nagawa ko na lang ay pakinggan sila.

Ang saya lang nila pakinggan. Puno ng mga halakhak at hiyawan ang naririnig ko dahil lumalalim na rin ang gabi... mas lalong napaparami rin ang inom namin.

"Ang nakakainis lang kasi nagreview ako doon tapos hindi naman pala lumabas sa exam!" dinig kong reklamo ni Nari. "Argh! Sayang effort."

Akmang kukunin ko ang plastic cup ko na walang laman ng naunahan na ako ni Nari at parang automatic na niyang nilalagyan ng alak ang plastic cup ko.

"Ikaw na, Isla. Lasing kana ba? Anong nararamdaman mo? Nahilo kaba or ano?" sunod sunod na tanong ni Nari sa akin. "Ang tahimik mo kasi at parang na glue yata pwet mo sa upuan."

Sumenyas lang ako ng okay bago siya tawanan at ininom ng mabilis ang alak. Masarap ang pagkakatimpla ng alak nila, mas hindi masyado nalalasahan ang alak dahil sobrang lamig.

I like it! I like it very much!

"Walangya na 'yan! Hoy! tangina niyo bakit ngayon lang kayo pumunta. Paubos na 'tong pangatlong tower, oh."

Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ang isang sigaw. Malapit lang sa entrada nitong place ang pwesto ko, agad kong nakikita ang mga lumalabas at pumapasok dito.

"Dadagdagan ko naman 'yan apaka oa ah," dinig kong boses ni Ciro ng makalapit ito sa tumawag sa kanila—he's the birthday boy. "Regalo ko na sa 'yo, kaibigan. Dalawang kwatro kantos. Baka maginarte ka pa d'yan, ah."

"Kupal! Marami pang mga ganyan sa box. Huwag kana bumili. Nasaan si Alastair? Hinahanap na siya nung kalaro niya sa billiaran kanina pa."

"Nag yosi break saglit pero papunta na 'yon dito. Wala na naman kasi sa moo—oh, ayan na pala siya."

As usual, parang kabute na sumulpot si Alastair sa gilid ni Ciro. Pero imbis na tumingin siya sa may birthday ngayon ay sa akin naman siya napatingin.

Nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa. Seryoso ang mukha nito ay nagkakamot sa kanyang batok, gross may kuto ba siya kaya kumakamot siya doon?

Hindi na ito naka suot ng uniform namin dahil naka plain white shirt at black short lang ito. Bumaba ang tingin ko sa paa nito, naka Nike slides lang siya at pansin na pansin ko ang manipis na balahibo nito sa kanyang binti.

Pero ng umangat ang paningin ko sa kanya at dapat pala hindi ko na lang siya tinignan dahil naka on na naman yata ang mapang asar nitong labi bago maging seryoso ulit ng parang may marealize.

Ako na ang kusang umiwas at nakinig na lang sa mga pinagkukwentuhan nila Nari.

"Isla! Ikaw na ulit!" pasigaw na sambit ni Nari.

"Hey, you don't need to shout," natatawa kong wika at tinanggap ang binigay niyang alak.

"Sorry, masaya lang!"

Hindi ko na napigilan na mapahalakhak sa kanya.

Tuluyan ng lumalalim ang gabi at hindi ko na napapansin ang oras.

Nakipaghalubilo na sa amin sila Ciro pero itong si Alastair ay busy sa mga kalaro niya sa billiaran. May sarili silang tower, doon sila naka pwesto sa lamesa sa tabi ng billiard table.

Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin maiiwasan na magtagpo ang tingin namin sa isa't isa. Inuunahan ko na lang siya ng irap dahil nang aasar na naman siya sa akin, nang aasar ang ngiti niya!

"Isla! Lakas mo pala uminom, ah," dinig kong wika ni Ciro sa akin.

Mabilis akong napalingon sa kanya at bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na pinatong sa aking balikat. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako.

"Ciro, don't touch me please—"

"Hands off, Ciro. Hindi 'yan nagpapahawak pag nakainom ka."

Napapasong tinanggal ni Ciro ang kanyang kamay sa balikat ko at mukhang nagets niya ang ibig sabihin ni Alastair.

Feeling kabute na naman siya ngayon! Kanina nag bibilliard lang iyan tapos ngayon nandito na siya sa amin.

"Shit. Sorry, Isla. Okay ka lang?"

I nodded. "I'm okay, thank you."

Napabuga na lang si Ciro ng hangin at nagusap na lang kaming dalawa ng may distansya hanggang sa magpaalam ito na magbibilliard na siya. Kinuha niya pa ang cue stick kay Alastair bago siya umalis kaya ngayon ay si Alastair na lang ang nasa gilid ko.

Si Nari naman ay patuloy pa rin sa pag dadaldal. Kung sino sino na lang ang ineentertain at ang random na ng topic niya. Nakikinig na lang ako dahil nadadala na rin ako sa tawa at kung paano siya magkuwento at mas lalo na rin siguro sa alak na iniinom ko.

I also forgot kung nakailang inom na ako and I already felt tipsy but I still can manage myself.

"Galing, boss. Palamig?" tanong ni Alastair sa mapang asar na tono ng maupo sa tabi ko, siya ngayon nang pumalit sa isang babae na nakatabi ko.

Inirapan ko siya. "Mataas mag lagay si Nari."

I heard Alastair chuckled. Napalingon ako sa kanya ng makitang kumuha siya ng panibagong plastic cup at nagsalin ng alak sa baso niya.

"Puwede naman bawasan," tipid niyang sabi.

I scoffed. Sumimsim ako sa alak at habang tumatagal ay parang hindi ko na nalalasahan ang alak.

"I like it. Masarap ang timpla nila kaya ayos lang. Atsaka hindi ako kill joy," naiirita kong wika.

"Naks, pandayo ka na pala eh," mapangasar nitong tugon.

Nanlilisik ang mga mata ko na nilingon siya. "You're starting again—"

Agad akong natigilan sa pagsasalita ng mapansin na iba kung paano ko binibigkas ang mga salita. It's like a slurry word and it looks like I'm eating it!

"It's a prank lang pala ang pandayo, boss. Lasing kana, ah. Sabay kayo uuwi ni Nari?"

Kumunot ang noo ko ng mapansin na parang may kakaiba sa tono ng kanyang pananalita pero binalewala ko lang 'yon. Hindi ko siya pinansin at sumandal na lang sa sandalan ng mono block chair at sumisimsim sa alak.

"Tigilan mo pang iirita mo sa akin, Alastair. Ang hilig mong mang inis 'no? In born na ba 'yang pagiging gago mo?"

Agad ko siyang hinarap ng maubos ang iniinom ko sa plastic cup. This is the last because i'm starting to get dizzy, magpapababa na lang ako ng alak bago umuwi.

Nakita ko ang pag awang ng kanyang mapupulang labi dahil sa sinabi ko at maya maya ay napahalakhak siya.

"Shit. Ngayon ko lang narinig na nagmura ka ng ganyan. Isa pa nga."

"Are you crazy?"

"English na naman ngayon. Ano ba iyan iwan mo muna pagiging malditang englishera mo."

The whole time that I'm trying to sober up, hindi umaalis si Alastair sa tabi ko na pinagtataka ko. Dahil doon ay wala rin tigil ang pag bibwisit niya sa akin!

Kahit ilang beses na siyang tinatawag ni Ciro na siya na raw maglalaro ay hindi pa rin umaalis. Nakakainis! Mas gusto pa yata niya na ako pa ang mangtaboy sa kanya at gumana naman iyon!

Kaya ngayon sabay kaming dalawa ni Nari na nagtungo sa CR nitong place para umihi dahil ihing ihi na ako.

"Oh my gosh, Nari! Don't pee there! Tumayo ka!" hinawakan ko ang kanyang braso para mapatayo pero hindi siya nagpahila.

Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang umihi sa lapag ng banyo ng maisarado ko ang pintuan. We're both fucked up tonight, I can still feel the dizziness because of the alcohol.

Pero itong si Nari ay hindi ko na alam. Nakangiti ito habang nakapikit at abala pa rin sa pag ihi. Ako ngayon umiihi sa inidoro habang siya ay sa tiles. Nang matapos kaming dalawa ay ako na nag buhos ng kanya at sabay na kaming lumabas.

Nang makabalik kami sa table ay biglang nag pop up ang text ni Kuya Amelio.

Kuya Amelio:

mam isla nasa labas nako ng subdivision. pinaalis nako kanina ni sir arden kasi wala kapa raw anong oras na.

hintayin na lang kita sa labas ng gate 1 ng school niyo.

Nanlaki ang aking mata at muntik pang mabuwal sa kinatatayuan ng makaramdam ng hilo. Pabagsak akong naupo sa monoblock chair at nagsimulang ligpitin ang gamit ko.

"I need to go na. Kuya Amelio is already at the front of gate 1," nagmamadali kong sambit.

Parang mas lalo pa akong nahilo dahil sa biglaang kilos ko. Napaupo ako muli sa mono block at napapikit dahil pakiramdam ko nag cartwheel ang mundo ko.

"Oh no! Isla! Uuwi kana?" narinig kong malungkot na tanong ni Nari.

Nang idinilat ko ang aking mga mata ay napakalapit ng kanyang mukha sa akin. Napangiti na lang ako ng walang dahilan at mahinang pinisil ang kanyang ilong.

"Yes! Kuya Amelio is waiting for me!"

"That's so sad! I'm going to miss you!"

"Ciro! 'No ba 'to si Nari tsaka Isla nagsisigawan eh kulang na lang maghalikan 'tong dalawa sa sobrang lapit sa isa't isa."

Binalewala ko ang mga sinasabi nila at naguusap lang kaming dalawa ni Nari habang nililigpit ang gamit ko. I even retouched my make up just to freshen up my look before I go back to my house.

"Uy, ayos, boss ah. Namumula ka na nga sa ininom mong alak nagawa mo pa talagang mag blush on," sambit ni Alastair ng malapitan ako. "Namumula kana nga, may blind blush ka pa tapos drunk blush pa ang ganap d'yan sa mukha mo. Kamatis kana talaga diyan."

Hindi ko siya pinansin at sinakbit na ang tote bag ko bago tumayo. Si Nari ay kasama ni Ciro na ngayon ay pilit na pinapaangkas sa motor ni Alastair para ihatid ito. Gusto pa yata ni Nari na ihatid niya ako sa labas nitong subdivision dahil siya raw ang nagdala sa akin dito dapat daw ay siya rin ang maghatid sa akin papunta sa labas.

"Uuwi kana ba, Isla? Ihatid na lang kit—"

"Ako na maghahatid sa kanya sa labas," pagputol sa ni Alastair sa sinabi ng isang lalake. "May bibilhin din ako kaya ako na lang."

"Ay, gano'n ba pre sige sige. Ingat kayo!"

Hindi na ako nagprotesta dahil gusto ko na rin umuwi. Agad akong nagpaalam sa may birthday at tahimik na naglakad palabas dito sa subdivision. Nauna lang akong naglakad at nasa likuran ko lang si Alastair na tahimik not until na marinig ang boses nito.

"Psst."

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong naglakad.

"Psst. Hoy."

Naiiritang nilingon ko siya at pinanlisikan siya ng mga mata.

"I have a name, Alastair. Don't just psst and hoy at me."

"Famous kasi bakit hindi ka namamansin diyan, ha," tanong niya sa akin.

"What do you want ba? Don't tease me right now because my head is pouding like crazy."

Narinig ko ang pag tunog ng kanyang dila at mahinang natawa sa aking sinabi.

"Ayan kasi inom pa. Ano iisa ka pa?"

Kumunot ang noo ko at mahigpit ang hawak sa aking totebag ng mabilis na lumapit sa kanya dahil sa inis. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko napansin na may lubak pala sa nilalakaran ko kaya natisod ako.

Alam kong babagsak ako sa lapag pero agad kong naramdaman ang bisig ni Alastair na pumulupot sa aking beywang para saluhin. Nanlaki ang aking mga mata dahil doon.

Bilang lang ang mga nagkalat na street lamp dito pero mabuti na lang at isa roon ay malapit sa amin kaya kitang kita ko ang pagkabigla sa mata ni Alastair.

Nakaawang ang mapulang labi, namilog ang itim nitong mga mata at nakataas ang dalawang makapal na kilay dahil sa pagkabigla.

At parang doon natauhan siya sa nangyari dahil basta basta niya na lang akong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig.

"Ouch!"

"Shit. Sorry!"

Sinubukan niya pa akong tinulungan pero agad kong hinampas kamay niya at matalim siyang tinitigan.

"Thank you, ah!" sarkastiko kong wika sa akin. "Thank you talaga."

"E'di you're welcome—" hindi niya natuloy ang kanyang sinabi ng makitang nanlilisik pa rin ang aking mga mata.

"Sorry na nga. Ayaw mo ng hinahawakan ka kapag nakainom yung humawak sa 'yo 'di ba? Syempre kahit gago akong tao marunong pa rin akong rumespeto ng boundaries ng tao 'no."

"So annoying," iritable kong wika.

Pinagpag ko ang suot kong uniform at mabilis siyang tinalikuran para makaalis na. Naging tahimik lang din ang bawat lakad namin.

Sinamahan niya lang akong tumawid at nilapitan si Kuya Amelio na akala mo ay parang matagal ng kakilala. Feeling close na agad siya kay Kuya.

"Ma'am Isla, akin na po bag niyo."

Tahimik kong inabot kay Kuya Amelio ang bag at agad na pumasok sa back seat at nahiga. Sumunod si Kuya sa driver seat at may binigay sa akin na malambot na bagay, isang blanket 'yon.

Agad kong kinumot 'yon sa sarili at pinikit na ang mata dahil sa antok.

"Kuya, if he's still there please tell him that I said thank you."

"Okay po, ma'am."

Narinig ko ang pamilyar na tunog ng pagbaba ng bintana ng salamin at maya maya ay nagsalita na si kuya.

"Maraming salamat daw sabi ni Ma'am Isla."

"She's welcome, kuya. Ingat po kayo ng malditang 'yan."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com