52
Rozel Roxas
5:32
Rozel:
Good morning!!! 🌞
Dadalhin ko 'yong laptop ko. 👉👈
Papa-check ko mamaya 'yung ginawa ko.
5:35
Iñigo:
Okay lang kung i-send mo na lang dito.
I-checheck ko na lang.
Thanks.
Rozel:
Halaaa.
Naka-alis na 'ko sa'min.
Hehe.
Iñigo:
5:30 ka pumapasok?
Rozel:
Oo, early bird.
Iñigo:
Kahit alas-otso ang klase?
Rozel:
Kan'ya-kan'yang trip 'yan sa buhay.
😗
Seen
--
Dominador Calleja
6:32
Dominador:
Iñigo, ito 'yong sa part ko.
Sent an attachment.
Iñigo:
Okay. Ipasa mo kay Rozel mamaya.
May dala raw s'yang laptop.
Kakain muna ako bago pumasok.
Sasabay ka? Ayain mo si Miro.
Dominador:
Laptop???
Ano 'to, thesis? HAHAHAHA
Iñigo:
Sabi ko nga, kahit dito na lang i-send 'yong file.
But she left their house at 5:30.
Dominador:
5:30?
PM?
Iñigo:
Anong PM?
Papasok ka ba sa 8 AM mong klase nang 5 PM ka aalis ng bahay?
Dominador:
Pero sino rin ang papasok ng 5:30 AM kahit alas otso ang pasok???
Two cities away ba si Rozel?
HAHAHAHAHA
Iñigo:
Ewan ko.
Early bird daw s'ya.
Dominador:
Anong early bird?
Lagi nga s'yang late?
HAHAHAHA
Iñigo:
Ewan ko sa'yo hahaha
Ipasa mo sa kan'ya mamaya 'yong file.
Sa laptop n'ya na lang tayo mag-compile.
Dominador:
Noted, sir.
Sa caf ba kakain?
Diretso na 'ko ro'n.
Iñigo:
Oo.
--
Gemiro Gellera
7:01
Gemiro:
Nand'yan na kayo sa caf?
Nakasabay kong pumasok si Rozel.
Inaya ko ring kumain, okay lang?
Iñigo:
Nauna pa akong pumasok sa kan'ya?
Gemiro:
Huh?
Laging late si Rozel kaya lagi ka talagang nauunang pumasok sa kan'ya. HAHAHA
Iñigo:
Sabi n'ya, umalis s'ya ng bahay nila kaninang 5:30.
Gemiro:
Siraulo???
Sino'ng papasok ng 5:30 AM tapos 8 AM ang klase?
HAHHAHAHA
Gemiro:
Teka.
Bakit mo alam? 🤔
HMMM.
Iñigo:
Bilisan mo. Nasa caf kami.
Gemiro:
HAHAHAHAHA wth
Dodge lvl 9999
Delivered
Gemiro:
Hoy!
Sumagot ka! HAHAHAHA
Bakit mo alam na 5:30 AM umalis ng bahay si Rozel?
Updated ka, ah?
Delivered
Gemiro:
Ayaw talagang sumagot, oh.
Kay Rozel ako magtatanong.
HAHAHAHAHA
Delivered
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com