End
End
Rozel
"Nasa'n si Iñigo?" Simangot ko habang nakatingin kay Dominador.
Humalukipkip ako at naka-kunot noo s'yang tinitigan. Agad na tumawa ang morenong si Dominador. His hair is in a clean cut. Matangkad s'ya at maganda ang hubog ng katawan. Kahit na maloko, I can't deny that he looks good--pero s'yempre, mas guwapo pa rin ang Iñigo ko.
Nakasoot si Dominador ng uniform ng Torrero University tulad ng mga kaklase naming abala rin para sa exhibit na ginaganap. Sa school grounds nakatayo ang malaking itim na tent na inilaan para sa mga Arts and Design students.
Medyo malamig dahil November na kaya naman tulad ng ilang mga kaklase ko, nakasuot din ako ng sweatshirt sa ibabaw ng suot na uniform.
Medyo marami nang tao sa tent at naka-ayos na ang lahat ng artworks ng mga ka-strand ko sa kan'ya-kan'ya nilang stations.
"Ang clingy mo, Rozel," ani Dom at lalo ko s'yang sinamaan ng tingin. "Nando'n 'yon sa mga drawing ng pusa n'ya. Kawawa ka naman, hindi na ikaw ang subject ng artwork na pinasa n'ya."
Agad akong tumingkayad para batukan si Dominador at agad s'yang napadaing sa sakit nang tamaan ko nang malakas ang batok n'ya. Ang unggoy na 'to! Oo na! Sayang na! Ako dapat 'yon pero nag-inarte kasi ako. I snorted.
If only I hadn't thought of that dumb move! Gusto ko lang namang malaman kung gusto rin ako ni Iñigo. I pouted at the thought. Pero come to think of it, effective naman, ah? I grinned.
Agad akong kinilig nang maalala ang reply n'ya sa'kin no'n.
Gusto rin naman kita, ah? Pinagselos ba kita?
No'ng ma-receive ko 'yon, napa-iyak ako. Pero kapag naaalala ko ngayon, parang gusto kong tumili nang tumili!
My biggest crush finally liked me back!
"Pinagselos-selos mo pa kasi," iling ni Dominador, namamasa na ang gilid ng mga mata katatawa at lalo akong nairita, bumabalik ang atensyon sa galit ko para sa kan'ya. "Oh? Nanghihinayang ka ngayon?" Nang-aasar na tono n'ya at lalo akong nanggigil.
"Bwisit ka!" I shouted at him and he laughed more.
"Hoy, hoy," biglang lapit ni Gemiro at agad na hinawakan ang balikat ni Dominador pero nasa akin ang tingin.
Gemiro is slightly shorter than Dominador. His skin is in a lighter complexion compared to Dom too. Mas mahaba ang buhok ni Miro kay Dom pero maiikli ang mga gilid. Si Gemiro, mukhang mabait pero mukha ring playboy---if that makes sense---different from Dom who looks really kind.
"Bakit mo binabatukan ang tropa ko?" Tanong ni Miro.
I glared at him too as I crossed my arms above my chest. Ang mga unggoy na 'to, ang lalakas mang-aasar! Kaya hindi na ako nagtataka na panay ang iwas sa akin ni Iñigo noon. Paano ba naman, ang dalawang 'to, hihintayin yatang umiyak muna 'yong tao bago nila tigilan.
Pero... ano ka ngayon, Iñigo? Iwas-iwas ka pa, sa'kin pa rin pala ang bagsak mo. I wanted to giggle at the thought.
Iñigo avoided me before because he didn't like being teased by his friends. Sa lakas mang-asar ng mga kaibigan n'ya, naiintindihan ko ang dahilan n'yang 'yon. But the night he confessed to me, he told me that when he realized that he was starting to develop an interest in me, that's when he started feeling scared of his feelings.
Hindi ko s'ya masisisi. Alam ko namang marami naman talaga akong nagustuhan noon. Pero biruan lang naman ang halos lahat doon. But I had to admit, when I first liked Iñigo, akala ko, tulad lang din ng mga nagustuhan ko noon ang nararamdaman ko para sa kan'ya.
But I realized that it was something different. Parang kapag nakikita ko s'ya, masaya ako pero humahagod ang sakit sa puso ko---hindi dahil sa nasasaktan n'ya ako pero dahil gustong-gusto ko s'ya.
"Alam n'yo, bakit hindi na lang kayong dalawa ang magsama?" Sarkastikong tanong ko kina Dom at Miro dahil sa inis ko.
Nanlaki ang mga mata ni Miro at nilingon si Dom na tiningnan din s'ya pabalik. These two guys are really close. Parang kambal na nga dahil parating magkasama.
"Oo nga 'no? Bakit hindi natin naisip 'yon?" Natatawang tanong ni Miro habang sensuwal hinahaplos ang pisngi ni Dom.
Agad na napabunghalit ng tawa si Dom at itinulak ang mukha ni Miro palayo sa kan'ya.
"Nasa'n ba si Iñigo?" Tanong ko.
"Nagbabantay nga ng project n'ya," ani Dom, pumapameywang. "Bakit kasi hindi kayo nagtabi ng station?"
"Eh 'di, lalo mo akong inasar na ang clingy-clingy ko?" Inis na sabi ko sa kan'ya na agad na ginatungan ni Miro.
"Bakit? Hindi ba?" Dominador asked back and I groaned in frustration.
"Iñigo, kain tayo, please?" Gemiro mocked me.
I groaned and tried to hit him but he moved away and laughed. Nilambing ko lang naman si Iñigo nang isang beses sa harapan nila, tapos ginamit na nila 'yon pang-asar sa'kin!
"Iñigo, bakit 'di mo ako ni-reply-an kagabi, ha? Natulog ka kaagad, hindi pa naman ako tulog!" Patuloy ni Miro sa pang-aasar sa'kin at agad ko s'yang hinabol para sabunutan.
Gemiro ran around the whole tent and I ran after him just so I could hit him. 'Yon nga lang, napahinto ako nang mapansin na may pinapalibutang artwork ang mga bumibisita sa exhibit.
Bahala na ang walang-kuwentang Miro na 'yon na tumakbo paikot-ikot sa tent.
Catching my breath, I slowly walked towards the crowd and curiously looked at what they were looking at. I tucked some strands of my curly hair behind my ear and carefully passed through the crowd.
It was Nicodaine's artwork. Standing on five different easels are five different canvases. Agad akong humawak sa ibabaw ng puso kong kumakabog pa rin dahil sa pagtakbo kanina. I am not that close with Nicodaine. Hindi kami madalas kung mag-usap at mas malapit ako kina Dominador at Gemiro. That's why I don't exactly know what she's going through.
I just know that her mother was sick and that she broke up with her boyfriend---the Perfect Heartbreaker---Leion Eleazar Zendejas. And he was the subject of all five paintings.
I bit my lip as pain crawled on my chest when my eyes landed on the last canvas. Whatever she may be going through, I hope the next days will be better for Nicodaine. The past months were surely cruel to her--especially with that one incident related to Eva, her partner for our Filipino project.
Galit na galit noon si Iñigo kay Eva pero parating pinipigilan ni Nicodaine. I was disappointed with Eva too but I couldn't do anything but help Nicodaine just like how Iñigo helped her.
Dati akong nagselos sa kan'ya dahil malapit s'ya kay Iñigo. She's his best friend after all. Pero nang makilala ko sila, I learned how wonderful of a person Nicodaine was and I couldn't think ill of her. And their friendship, I really admire it. I'm thankful that they had each other.
"Hindi na raw puwedeng bilhin," narinig kong sabi ng isa sa mga nakatingin sa mga paintings na gawa ni Nicodaine.
Puwedeng ibenta ang mga artworks na ipinasa namin para sa exhibit. Ang makukuhang bayad, ibibigay sa charity. Pero may choice din naman kaming huwag ibenta ang mga gawa namin.
My piece, I couldn't make myself sell it. Una, gusto kong akin lang ang art piece ko. Pangalawa, si Iñigo ang art piece ko at guwapo n'yang mga picture 'yon kaya bakit ko naman ipamimigay? I almost rolled my eyes at the thought.
Speaking of my art pieces, dapat ko nga pala 'yong bantayan!
I immediately went to where my station was located and I saw three girls giggling while looking at Iñigo's pictures, my art pieces. Agad akong napasimangot at lumapit. Humalukipkip ako nang tumayo sa likod ng photographs na ako mismo ang kumuha at nag-edit.
Nasa limang pictures ni Iñigo ang nandoon. Ang dalawa, kuha no'ng unang beses ko s'yang tinanong kung puwede ko ba s'yang maging subject para sa project. Ang tatlo naman, kinuhanan no'ng kami na. My mood slightly got better at the words kami na.
I know, right?
Ang tatlo ro'n, nakatingin na si Iñigo sa camera nang malalim. But in reality, he was looking at me in those pictures. Iñigo really looks like an angel. Maputi at may kulot na buhok. May dimple sa pisngi. Matangkad. It's just that, contrary to the description which was always associated with him---that he looks like an angel---Dominador, Gemiro, and Nicodaine would always say that Iñigo is a cunning devil.
"Can we buy it?" Tanong ng isa sa mga babae sa akin at kahit gusto kong sumagot nang pabalang, maayos akong sumagot.
"Hindi, eh," I said and they frowned at me.
Agad ko silang nginitian. Shoo.
"Damot," I heard one of them mumble before they started to walk away.
Agad ko silang pinanlakihan ng mga mata nang maglakad na sila paalis at halos irapan. Hindi ba nila alam na taken na ang lalaki sa pictures na 'to? I groaned.
"Ayan oh, pinagkakaguluhan."
Agad akong napalingon sa paparating na si Dominador na hatak-hatak si Iñigo na kunot-noong nakatingin sa akin. Dominador was slightly pointing at me. Ako? Pinagkakaguluhan?
I immediately beamed at Iñigo when I saw him and I think his eyes glinted when our eyes met. Pakiramdam ko, nagpipigil din s'ya ng ngisi. There's this feeling of warmth when I noticed that and I can't help but smile more.
Bagay na bagay sa kan'ya ang uniform kahit na uniform lang naman 'yon. Is it really like this when you like someone? Everything looks good on them?
The cuts and lines of his polo really fit him well. I like it, especially that he wears it neatly.
"Pinagkakaguluhan?" Lingon ni Iñigo kay Dominador. "Wala ngang tumitingin ng art pieces n'ya."
Agad na napalitan ng kunot na noo at simangot ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Iñigo.
"Hoy!" Galit kong tawag sa atensyon ni Iñigo at gulat s'yang napatingin sa'kin. "Mukha mo 'to tapos natatawa kang walang tumitingin?"
Napangiwi si Iñigo nang ma-realize ang sinabi ko at agad na napabunghalit ng tawa si Dominador. Agad na binatukan ni Iñigo si Dom at minura.
Lumapit sa akin si Iñigo at tinabihan ako sa likod ng ipinasa kong project. He looked at me and I looked back at him. Agad akong humalukipkip.
"Pa'nong may titingin, lagi mong tinatarayan?" Natatawang sabi ni Iñigo at inayos n'ya ang medyo nagulo kong kulot na buhok.
I consciously fixed my hair too. Tumakbo nga pala ako kanina. Nagulo siguro ang buhok ko! And maybe, I look like a mess too.
Tapos baka amoy-pawis na 'ko! Iñigo always smells good! Kahit pagkatapos ng mga PE classes namin, mabango pa rin s'ya. Although he's always busy because of helping Nicodaine, he always looks fresh and coordinated.
Minsan tuloy, napapabulong ako sa hangin ng "boyfriend ko 'yan!"
Kumuha ng panyo si Iñigo sa bulsa n'ya at agad na pinunasan ang kaunting pawis sa noo ko. I stood quietly in front of him, smiling. Hinayaan ko s'yang punasan ang pawis ko.
"Pagod ka na?" He asked me.
Agad kong inangat ang tingin kay Iñigo at nagsalubong ang mga tingin naming dalawa. I love how effortlessly caring he is.
"Kain tayo?" Excited na tanong ko.
Agad na ngumiti si Iñigo at nakita ko ang dimple n'ya dahil do'n. Agad na uminit ang mga pisngi ko. His eyes are really attractive. Pero ang pinaka-gusto ko sa kan'ya ay ang ngiti n'ya. Minsan ko lang kasi kung makita noon. Medyo mas madalas ngayon pero bihira pa rin kaya lagi kong inaabangan.
"Okay," he softly said and patted my head. "Where do you want to eat?"
"Kahit sa'n!" I smiled at him. "Basta kasama ka," banat ko at halos irapan ako ni Iñigo dahil do'n.
Bumaba ang kamay ni Iñigo papunta sa kamay ko at pinagsiklop n'ya ang mga kamay naming dalawa. Lalong gumalabog ang puso ko sa dibdib ko dahil do'n. We already held hands before but I can't make myself get used to it.
I like being held by him.
"Libre mo 'ko?" Biro ni Iñigo sa'kin at sinamaan ko s'ya ng tingin kahit na alam kong s'ya pa rin naman ang manlilibre sa huli.
I haven't realized this before, but one of the things I really like about Iñigo is that I can feel his feelings even though he says or do something contrary. Minsan, hindi maganda ang ugali n'yang 'yon, pero sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang mapangiti. It's because I learned how his words and actions work. I now know him better.
And I love learning more things about him.
"Iñigo," I called his name and he hummed as he looked at me.
"You know that I love you, right?" I asked him, squeezing his hand.
Agad na tumigil sa paglalakad si Iñigo at tinitigan ako. Inayos n'ya nang kaunti ang buhok ko at gumuhit ang isang maliit na ngiti sa mga labi n'ya.
"I know, Rozel," he mumbled as his eyes glinted with adoration. "I love you too."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com