CHAPTER 3
Pagbukas ni Kuya ng kwarto, bumungad agad kay Miley ang eksenang nagpatigil sa kanyang hininga. Mainit, malaswa, at parang slow motion — ang isang lalaki, marahang tinatanggal ang blouse ng babaeng nakayakap sa kanya habang magkahigpitan silang naghahalikan.
Parang nagliyab ang pisngi niya. Agad niyang tinakpan ang mga mata at napasigaw.
"Aba! Mas maganda ang narecruit mo, ah. May lahing Koreana," narinig niyang wika ng lalaki sa loob, kasabay ng mabigat na yabag papalapit.
Mabilis siyang hinawakan ni Kuya para dalhin sa lalaki, pero tumigas ang katawan ni Miley at buong lakas na sinipa siya sa pagitan ng hita.
"Da#m!" napaupo si Kuya, halos mapaluhod, at mahigpit na kinuyom ang nasaktang bahagi.
Hindi na siya nag-aksaya ng segundo. Mabilis ang mga paa niyang kumalabog sa kahoy na sahig, ang puso'y tila drum na binabayo sa dibdib.
"Habulin siya!" sigaw ng lalaking tinawag na Batchoy.
Isang grupo ang kumaripas sa likod niya. Sa isang iglap, mabilis niyang isinaboy sa sahig ang push pins at thumb tacks mula sa bag niya.
"Agh! Natusok ako!" sigaw ng isa, napaupo habang nagtatanggal ng nakabaon sa balat.
"Mangangagot ka pag naabutan ka namin!" bulalas ng isang ngungong hinihingal.
Bumungad ang isang lalaking may baril. "Isang bala ka lang!" at kasabay ng hiyaw ay ang malakas na BLAG! nang tamaan ng bala ang vase sa tabi niya.
Mabilis niyang iniwas ang katawan at, sa kabila ng takot, sumigaw pa ng pang-aasar, "Akala ko ba isang bala lang ako?!"
Lalong sumiklab ang galit ng humahabol at binilisan ang hakbang.
Paglagpas sa gate, wala pa ring kabahayan, tanging malamlam na buwan at hampas ng hangin sa pisngi niya ang kasama. Humihingal, nananakit ang binti, pero hindi siya tumigil sa pagsigaw ng tulong.
Sa di kalayuan, isang sinag ng ilaw mula sa headlights ang humati sa dilim. May kotse. At sa tabi nito — isang lalaki.
Nakasandal siya sa pinto ng sasakyan, hawak ang cellphone sa tainga, nakatungo nang bahagya na para bang may sariling mundo. Ang mahinang liwanag mula sa poste ay dumadampi sa kanyang mukha — matangos ang ilong, malalim ang mga mata na tila laging may binubuong lihim, at ang panga'y matalas na parang inukit. May ilang hibla ng buhok na tumatakas mula sa kanyang maayos na ayos, at ang leather jacket na suot niya'y yumayakap sa lapad ng kanyang balikat.
"Whoever he is, pasasalamatan ko siya pagkatapos nito," mabilis na desisyon ni Miley.
Walang pasintabi, binuksan niya ang pinto ng kotse at sumiksik sa loob. Sa pagmamadali, tumama ang sugat sa binti niya sa matigas na bagay, dahilan para mapasakit siya ng pigil na daing. Mabilis niyang tinaas ang laylayan ng pantalon para silipin ang kalmot ni Muning.
Isang malamig, mababa, at nakakakilabot na boses ang bumasag sa katahimikan. "What the hell are you doing here?"
Napatigil siya. Dahan-dahan siyang lumingon at doon tumama sa kanya ang buong anyo ng estranghero.
Matangkad. Malapad ang balikat. Ang mabangong halimuyak ng leather at kaunting pabango ay sumalubong sa kanya. Ang mga mata nito'y malamig na parang asul na yelo — walang emosyon pero nakapako sa kanya, sinusuri siya mula ulo hanggang paa. At ang labi, bahagyang nakakurba, na parang laging nasa pagitan ng ngisi at hamon.
"Miss, you better get out of my car before you piss me off." Hindi kailangan ng sigaw; sapat na ang lalim ng tinig nito para magpadala ng kilabot sa batok niya.
Hinawakan nito ang braso niya para hilahin palabas, pero nanatili siyang nakadikit sa upuan. Sa kanyang sariling kabaliwan, napansin niya ang tigas ng braso nito, parang binuo ng taon ng disiplina at pag-eensayo.
"Miley, nasa bingit ka ng kamatayan pero muscles ang iniisip mo?!" sermon niya sa sarili, iniisip ang impluwensya ng kaibigan niyang si Brends at ng wattpad novels nito.
"Let me stay," matapang niyang sabi, kahit naririnig niya ang sariling puso na sumisigaw ng takot.
"You are ruining my day," aniya, madiin ang bawat salita.
"Please... I need your help," pakiusap niya, halos bumulong.
Napatingin ito sa sugat sa binti niya, saka marahas na isinara ang pinto.
"Hnp. I see what you're up to," sabi niya, may mabigat na diin.
What I'm up to? Ano raw?!
Lumapit ito, dahilan para mapaurong si Miley hanggang mapasandal sa passenger seat. Ang mga anino mula sa headlights ay gumuguhit sa matalim nitong panga habang lumalapit.
"You said you want me to help you, right?" malamig ang tono, pero may kakaibang bigat sa bawat salita.
Sinubukan niyang buksan ang pinto, pero naka-lock.
"I thought you didn't want to get out," bulong nito sa kanyang tainga, mabagal at may bahid ng pananakot. "So I locked the door... for us."
For us?! Parang nag-flash ang lahat ng worst-case scenarios sa utak niya.
Sinubukan niyang sampalin ito, pero nasalo niya ang kamay niya, marahang ibinaba, at inangat ang kanyang baba.
"So... what kind of help?" tanong nito, inilalapit ang mukha hanggang ilang pulgada na lang ang pagitan.
Biglang sumiklab ang liwanag mula sa headlights ng paparating na sasakyan. Napadilat siya at nanlaki ang mga mata.
"Shin!" sigaw niya, sabay kurot sa pisngi nito para masigurong totoo siya.
Hinawakan nito ang kamay niya, halatang nainis. "It's you again. And my name is not Sh—"
Isang putok ng baril ang pumunit sa hangin.
Nabitawan siya nito.
"Shin!" muling sigaw niya, takot at nalilito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com