Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

Tahimik na mundo, tahimik na palagid. Ganito ako nabubuhay.

Madeleine Frondozo at gamit ang sketchbook ko tayo mag-uusap.

'Ako si Maddie! Nice meeting you' ito ang mga salitang sinulat ko sa unang pahina ng sketchbook ko.

'Pwede ba tayong maging magkaibigan?' Ito ang sunod kong isinulat sa pangalawang pahina.

Hindi na ako makapaghintay na magpasukan. Pero ano bang bago sa pasukan? Well, palagi naman na unang araw o unang linggo lang exciting na pumasok. Wala pa naman akong nakikilalang tao na excited na pumasok ng 10 buwan para mag-aral.

Sa totoo lang, ayokong pumasok. Natatakot ako na maulit sa akin lahat ng nangyari dati. Masyado na yung matagal, 9 years old pa lang siguro ako nun. Hindi ko talaga makakalimutan ang Grade 4 Class E. Lalo na ang mga kaklase ko. Alam ko sa sarili ko na ayaw nila sa akin, pero kahit na ganon, may mga naging kaibigan pa rin ako.

Hay naku! Isang linggo na lang at birthday ko na nga pala. Huuuu! Papayagan na kaya akong lumabas ni mama mag-isa. Gusto kong makita ang ganda ng paligid sa labas. Gusto kong gumawa ng mga magagandang memories ng ako lang mag-isa.

Gusto ko ng makalimot...

Gusto ko na siyang kalimutan...

Napansin kong tumulo ang luha sa kanang mata ko. Agad ko itong pinunasan, pero hindi na napigilan ng sarili ko na umiyak. Oo, mahina ako at hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko.

"Bhoki buu de uku warennuh? Bokii?" sinabi ko sa sarili ko habang patuloy sa pagpatak ang luha ko. Paulit ulit kong tinatanong at sinasabi ang mga katagang ito sa sarili ko. Madalas ko rin itong isulat sa likod ng sketchbook ko.

'Bakit ba ako hindi makarinig? Bakit?'

Dahil hindi ako makarinig, ganon din ang pagsasalita ko. Hindi ako makapagsalita ng ayos. Pakiramdam ko, ibinuhos sa akin ang lahat ng kamalasan sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com