2
Mahirap maging masaya. Lalo na't wala akong naririnig. Hindi rin ako makapagsalita ng ayos. Ikaw man lumagay sa posisyon ko ngayon, kakayanin mo bang magsaya?
Alam nyo paulit ulit kong iniisip, kung bakit ako? Bakit ako pa?
Napakasaklap ng elementary years ko. Wala akong permanenteng school. Palagi kasi kaming lumilipat ng bahay. Kaya sa totoo lang, laking apartment ako. Dahil palipat lipat kami, wala akong gaanong kaibigan. Kaya, naging mas friendly ako.
Isa lang ang gusto ko sa buhay... Gusto ko magkaroon ng maraming kaibigan. Pero mukhang malayo 'yun na mangyari. 19 na ako at si Arielle lang ang maituturi kong matalik kong kaibigan. Nakilala ko siya nung Grade 4 ako. Sa 38 ko na kaklase, siya lang ang nagtagal sa akin. Kaso, sa kalagitnaan ng school year,, napag-desisyunan ng mga magulang niya na ilipat siya sa ibang school.
F L A S H B A C K
"Maddie, gising na! Nakalimutan mo na bang—" naputol ang sinasabi ni mama ng makita niya ang pagtango ng nakangiti kong mukha. Hindi ko man rinig ang mga sinasabi niya, pero alam ko na kailangan ko ng mag-ayos para pumasok sa school.
Excited na akong pumasok, nakita ko na maganda talaga ang school namin, maganda ang uniform at madaming estudyante.
Hinatid ako ni mama sa may building namin. Gumamit siya ng sign language para makausap ako.
'Good luck, Maddie! Love you, ingat ka, nak!'
Tumango na lang ako at umakyat sa hagdan para hanapin ang classroom namin. Binili rin ako ni mama ng mga hearing aids para naririnig ko ng kaunti ang sinasabi ng iba.
Sakto lang ang dating ko,, agad naman akong tinawag ng adviser namin sa harap. Sumenyas siya kaya't naintindihan ko ito.
"Class, Isa siyang transferee. Kaya, kaibiganin n'yo siya ah." Nakatingin lang ako sa adviser namin at nang mapansin kong nakatingin siyang tumango sa akin, kaya agad kong kinuha ang sketchbook sa bag ko. Ipinakita ko sa harap ng klase ang nakasulat sa sketchbook.
'Teacher, Students, Hi everyone! I'm Maddie.'
Matapos ang ilang segundo ay inilipat ko sa sunod na page. . .
'Pwede ba tayong maging magkaibigan?'
Pagkatapos kong ilipat ay tinignan ko ang buong klase at nag-iwan ng isang malaking ngiti.
Matapos nito, itinuro sa akin ng adviser namin ang lugar kung saan ako uupo.
Pagkaupo ko agad na hiningi sa akin ng isang babae kong kaklase ang sketchbook ko at sinulat niya doon ang kanyang pangalan. Ganon din ang iba kong kaklase.
Pagkauwi ko sa bahay, agad kong binuksan ang sketchbook ko at binasa lahat ng mga sinulat ng mga kaklase ko.
'I'm Chantel. Nice meeting you, baby girl! :)'
'Hi Maddie. Ako yung nasa harap ng upuan mo. I'm the President nga pala here. Skl ko lang. ~Jisoo
'I'm Arielle, Arie~ for short. Gusto kitang maging kaibigan. Pwede mo kong lapitan kapag may problema ka. Love you! <3'
Pero sa lahat ng nagsulat sa sketchbook ko, siya lang ang nakakuha ng pansin ko.
'Ahh, Xander nga pala. Ako yung nasa likod mo. Ako rin yung katabi ni Chantel. Hmm, sa tingin ko napaka-weird mo, kung pa'no ka kumilos–sobrang nakakainis. Feeling mo siguro gusto ka naming lahat. Ahh, siguro childish ka lang talaga. Haha. Sa totoo lang, ayaw kitang kaibigan.'
Habang binabasa ko 'to, pumapatak na pala ang luha sa mga mata ko. Kaya pala kapag nginingitian ko siya, binabangga at iniiwasan niya lang ako. Ano bang mali sa ginagawa ko? Gusto ko lang siyang kaibiganin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na ako sa loob ng kwarto ko. Isinarado ko ang sketchbook ko at mabilis kong iniligay pabalik sa bag ko. Humiga ako sa kama para mag-isip at paulit-ulit na tanungin ang sarili ko.
Bakit lahat ng ginagawa ko, ayaw ng ibang tao? Bakit ba ayaw nila sa akin? Dahil ba bingi ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com