Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3

Isang panibagong araw na naman ang haharapin ko. Minsan sinasabi ko sa sarili ko, Paano kung dumating ang araw na bumalik ang pandinig ko? Paano kung dumating ang araw na bumalik ang lahat sa dati?

Pero kahit na ilang beses ko pa iyon sabihin sa sarili ko, alam ko... na malabo na 'yun mangyari. Kailangan ko na lang talagang masanay at tanggapin sa mahabang panahon na may hearing aids ako, na palaging aalalay sa akin.

Patuloy na lumilipas ang bawat araw, pero hindi ako sumusuko na maging kaibigan ang lalaking nakaupo sa likuran ng upuan ko.. Si Xander.

Kahit na ilang beses na niya akong iniiwasan at hindi pinapansin, patuloy pa rin ako sa pagsuyo sa kanya.

Hanggang sa naabutan ko siyang mag-isang naglalakad. Tumakbo ako papunta sa kanya at

'Xander, pwede ba kitang maging kaibigan?'

Isinulat ko ito sa sketchbook ko at agad na ipinakita sa kanya.

Huminto siya at binasa ang nakalagay sa sketchbook ko. Medyo naintindihan ko ang sinabi niya dahil sa hearing aids ko.

"Ahh. Siiigggg—"

Pero biglang dumating ang ilang niyang kaibigan at nakita kaming dalawa na magkasama.

"Xander, papatol ka sa isang bingi? Hahaha. Kawawa ka naman." sabi ng isang lalaking nakasumbrero Kay Xander. Yumuko ako at iniwas ang tingin sa kanila.

"Ano? Hinding hindi ako papatol sa babaeng marupok." sagot ni Xander.

Napakagat ako ng labi ng marinig ko ang sinabi ni Xander. Pinipigilan kong umiyak sa harap nilang lahat.

"Bakit mo hawak ang sketchbook niya?" Tanong sa kanyang ng kaibigan niyang nakasalamin.

"Ewan ko ba? Papansin kasi siya, pinahawak pa nga sa akin itong basurang sketchbook niya." Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakita kong itinapon ni Xander ang sketchbook ko sa isang kanal. Ramdam ko na ang luha sa mga mata ko, alam kong anumang oras ay babagsak na sila. Agad kong pinulot ang sketchbook ko sa kanal kahit na basa na ito ng tubig at madumi na ito. Nagkahiwa-hiwalay na ang mga pahina nito. Pinipilit kong pagdikit dikitin ang mga piraso nito at inilagay sa tuyong lupa. Tinititigan lang ako nila Xander. Ilan sa kanila ay naririnig kong tumatawa pero ako patuloy na pinipigil ang pagtulo ng luha ko. Naghukay ako sa buhangin at duon ibinaon ang sketchbook ko dahil sa tingin ko, kailangan ko ng ibaon sa limot at iwan dito sa ilalim ng buhangin ang sketchbook ko na puno ng mga ala-ala.

Nang mapansin ko na wala na pala sila Xander sa likod ko, hinayaan ko na ang mga luha ko na tumulo.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay. Patuloy na bitbit ang ngiti ko sa mukha at agad na kong tumuloy sa kwarto ko.

Nagsulat ako sa papel ng mga nararamdaman ko pati na ang mga bagay na gusto kong sabihin kay Xander.

'Gusto ko ng magpahinga. Pagod na pagod na ako. Titigilan na kita, Xander. Sana tigilan mo na rin ang pagsigaw sa tenga ko, pagbunggo sa akin at pamamatid kasi pagod na ako.'

Binabalak kong ibigay ito sa kanya pero nagbago ang isip ko at alam kong wala naman siyang oras para basahin 'to. Kaya nilagay ko na lang ito sa basurahan.

Bukas, hindi na ako iiyak. Isang matapang na Maddie na ang makakaharap at makikilala nila bukas. Pangako ko sa sarili ko, hindi na ako.. muling iiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com