Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**11** 1st day sa Tummylicious

**11**

<DJ's point of view>

Ui, PERS TAYM toh ah! Si author kasi napasarap sa <pretty author's point of view>

&lt;a/n: Oi DJ! Umayos ka. Pinagbigyan lang kita ngayon dapat kaya <pretty author's point of view> pa rin toh

Haha, ok po. Magpapakabait na po si DJ! /(*-*)\v

Back to the reality! Wow, English yun ah!

Eto na ako ngayon at suot suot ang uniform ko. Kulay yellow na dress na knee level ang haba. May white apron din tong kasama. Isusuot ko na lang yun pag nasa YOU na ako. Ang sarap ng pakiramdam ko kasi magtatrabaho ako sa isang school. Naka-pony tail din ako. Isa kasi yun sa requirements ni Ate Gracia.

Ang saya din nina tatay noong nalaman nila na may trabaho na ako para habang sira pa ang jeep ay makakaipon pa rin kami.

Ang saya ko lalo kasi mababantayan ko ang Kuya Dick ko. Sa YOU din kasi siya napasok ng college eh. Proud ako sa kanya kasi balang araw magiging teacher na siya!

Lumabas na ako ng bahay...

Naalala ko si Edok, may pasok na nga pala siya ngayon...

Sasabay kaya ako sa kanya?

Naku! Wag DJ! Maha-highblood ka lang.

Sumakay na ako ng jeep...

.......

Andito na ako sa foodcourt ng YOU. Ang dami ng tao. Pumunta ako agad sa stall ng Tummylicious. Binati naman agad ako ni Ate Gracia.

"Hi DJ! Napakaganda mo talagang bata ka! Sa tala ng buong buhay ko sayo lang ata bumagay ang uniform na yan eh! Tingnan mo naman ang itsura ko. Hahaha..." Ate Gracia

"Hehe, hindi ko nga po alam na ganito pala ang itsura ko pag nagbestida ako." ako

"Ah, ngayon ka lang uli nakapagbestida?" Ate Gracia

"Opo, simula po ng iwan kami ng magaling naming ina." nakuyom ko ang mga palad ko. Naalala ko na naman uli ang ina kong iniwan kami

"Sige ineng, ikwento mo lang..." umupo kaming dalwa

"Simula noong iniwan kami ni mama, anim na taong gulang pa lamang ako noon, kinalimutan ko ng babae ako at mahina. Pinalakas ko ang loob ko at sumabak sa anumang problema hanggang sa nakabili kami ng jeep at naging kabuhayan namin. Hanggang sa tumigil ako sa pag-aaral dahil nagipit na kami. At heto po ako ngayon, tumutulong sa ama ko sa pamamasada." pinipigil ko lang na tumulo ang mga luha ko, at eto kinakaya ko pa naman

"Kung ganun DJ, bakit ka nag-apply bilang cashier dito kung namamasada na pala kayo ng iyong tatay?"

"Nasira po kasi ang makina ng jeep at matagal pa daw po iyon bago magawa. Nauubos na po ang mga inipon namin kaya naisipan ko pong humanap muna ng trabaho."

"Ang ganun ba. Hayaan mo. Magiging masaya ka dito. Libre na lahat ng kain mo dito. Sabihin mo lang kung kailangan mo na uling bumalik sa pamamasada dahil mukhang masaya ka doon. Ako ma ang bahala sa lahat."

"Naku, salamat po talaga!" ang bait naman ni Ate Gracia

Nagkwentuhan muna kami ni Ate Gracia. HRM pala ang tinapos niya at ngayon ay 22 years old na siya, binalak niyang itayo ang Tummylicious dahil mas malaki daw ang kita pag meron kang sariling stall. Ang astig noh!

........

<pretty author's point of view>

"Asan na nga pala si Ed? Bakit hindi ka niya hinatid? Ano ba naman yang boypren mo!" sabi ni Ate Gracia habang nagwawalis

"Ay, si Edok po? Hindi ko po yun boy---" hindi natapos si DJ kasi sumingit agad si Ate Gracia

"Edok? Mas maganda pala yung pantawag kay Ed! Pwede bang yun na lang din ang itawag ko sa kanya?"

"Oo naman po."

Speaking of Edok, andito na pala siya...

"Hi, mahal! Wow ang cute mo naman! Sana lagi ka na lang naka-uniform ng Tummylicious para lagi kang nakapalda! \(*o*)/" si Edok sabay akbay kay DJ

Papalag sana si DJ pero,

"Bagay na bagay talaga kayo! Sana hindi kayo maghiwalay! /('-')\" Ate Gracia

Natahimik tuloy si DJ...

"Ay! Bye na! May klase na pala ako!" sabi ni Edok

"Umalis ka na nga. Bwiset. /(-,-")\" bulong ni DJ

Bumalik si Edok...

"Nakalimutan mo ata yung good bye kiss ko? (*,*)" Edok

Todo sama ng tingin si DJ kay Edok...

"Ok. Mamaya na lang." si Edok karipas ng takbo

........

Sa kabilang banda...

Eto si Maldy, bibili ng juice sa Tummylicious kung saan nagtatrabaho ang ating bida...

"I want Apple Juice, please..." Maldy

"..." DJ

"Oh my Giii?! As in? DJ is that you?! Ha-ha-ha? You are still pushing youself to Henry noh?! What a gold digger?!" sinasabi yan ni Maldy habang nasandok ng juice si DJ

to be continued...

**END of 11**

Sorry guys. Naputol kasi. Wahahaha...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com