**33** Muling ibalik ang Edok+DJ
**33**
<DJ's point of view>
Nasa garden kami ngayon ni Edok. Woah! Pati pala garden dito sa mansyon ni mama, malaki rin!
Hay, nasusuka ako sa tuwing naaalala ko ang mga pinagsasabi ko kanina...
Whelllkkkk! <---sound effect po yan ng nasusuka XD
"Kamusta ka na?" simula ni Edok
"A-ayos lang naman..." ako,uso lag talaga ang pag uutal ko ngayon
"Ang saya ko..." sabi niya na abot tenga ang ngiti habang kinikilog kilig
"Baket?"
"Namiss mo ko eh!" sigaw niya
"Baliw! Mali yung mga narinig mo kanina! Ika nga nila: Past is past, don't discuss!" natalino talaga ako pagdating ng mga panahong naiipit na ako
"Weeeehhhh!!! Past can last so let's discuss!" sabi ni Edok
"Baluga ka!" ako
"Wiiieee! Namiss mo ako! Baka next time, mahalin mo na ako!" Edok
Bigla naman akong natahimik di ko alam kung bakit...
"Oh? Natahimik ka jan?" tanong ni Edok
"E-Edok... Maitanong ko lang, kayo na ba ni Hershey kasi nakikita ko kayong laging masaya tapos lagi din kayong magkasama?"
"Hah? Di ah? Bakit, selos ka nuuuhhh!!!" sabi ni Edok sabay pindot sa pisngi ko
At nagtatakbo siya palayo sakin...
"Oi, buwiset ka! Halika nga dito! Selos ka jan?!" hinagad ko siya
Parehas kaming mabilis tumakbo pero ang malas niya kasi natalisod siya... at natalisod ako sa kanya...
"Aray kuuuhhh!" ako
Parehas kami ngayong nakaupo sa damuhan ng garden...
"DJ, ayos ka lang ba?" sabi ni Edok sabay hawak sa kamay ko
"Y-yap! Ayos lang ako brad!" ako
"Sure ka brad?" si Edok
"Oo nga!" ako
"Hahahahaha!"
(?,?) problema ni Edok?
"Naalala ko kasi nung naghabulan tayo nun! Anim na taon pa lang tayong dalwa nun. Hinabol mo ako kasi kinuha ko yung tsinelas mong batman ang design. Tapos nawalan ka ng balanse nun tapos, pffft!!! N-nahulog ka sa kanal!!! Ahahahahahah!" sabi ni Edok habang di magkaintindihan sa pagtawa
"Kung ikaw kaya jan ang mahulog sa kanal! Ang tagala kaya bago nawala yung amoy nun!" reklamo ko
"Hahahaha! Hanggang ngayon nga eh, naaamoy ko pa!"
"Shatttappp! Mabango na ako ngayon!"
Inamoy niya yung buhok ko...
"Bango nga! Hahahaha!"
"Nang aasar ka pa rin ah! Kung ipagkalat ko kaya sa mga kaklase mo na takot ka sa ipis?!" panakot ko sa kanya
"Wwwaaagggg!" sigaw niya na para bang huling araw na niya sa mundo
"Ahahaha! Tapos di ko makalimutan nung paga ang mukha mo nun dahil naumpog sa pader dahil lang sa pag iwas mo sa isang lumilipad na i-ipis!!! Ahahaha!!!"
"Hhhmmmppphhh!!! Bata pa naman tayo nun ah! Ngayon kaya di na ako takot sa ipis!" pagmamayabang niya
"IPIS!!!" sigaw ko
Napayapos siya sa punong malapit samin. "Hah? Asan, asan???!!! Patayin mo na!!!!!"
"Kala ko ba di ka na takot?! Ahahahaha!!!"
Hay, ayun... nagtawanan lang kami ng nagtawanan... Lalo na pag naaalala namin ang kabataan namin...
Kahit nakakasuka para sa isang ASTIG na tulad ko sasabihin ko pa rin toh...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ako, si Dianna Jolin Padilla ay namiss si Ed Okmanyo.
O mas kilala bilang Edok... Ang kababata ko at lagi kong kakampi hanggang ngayon...
**End of 33**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com