**4** Si DJ sa YOU
**4**
<pretty author's point of view>
Lunes na at sa sobrang excited ni DJ na makapunta uli sa isang school ay ang aga niyang pumunta sa bahay nina Edok. Anong oras na? 5:00 am pa lang naman.
Nagpaalam muna si DJ sa ama niya di muna siya makakasama sa pamamasada nila kasi sasama siya kay Edok sa school. Pumayag naman agad ang tatay niya, shempre para yun sa kasayahan ng anak niya eh.
Dahil nahihiya si DJ na kumatok sa bahay nina Edok ay naghintay na lamang siya sa labas.
Pagbukas ng pinto ni Edok...
"Waaaaaaahhhhhhhh!!!"
(?_?) <~~~ mukha ni DJ
"Baket?" DJ
"D-DJ?! Ang aga mo naman!" Edok
"Bilisan mo na!!!" sabi ni DJ sabay hatak sa kamay ni Edok
Naka-pantalon at t-shirt lang si DJ. May dala din siyang jacket. Sumakay sila ng jeep.
Madilim pa kasi nga madaling araw pa lang. Di makita ni DJ ang itsura ni Edok. Di pa niya kasi nakikita na naka-uniform si Edok eh. Lagi kasi siyang kasama ng tatay niya sa pamamasada. Tapos pagnagkikita naman sila ni Edok lagi lang itong nakapangbahay...
Dahil sa inaantok pa si DJ, nakatulog siya...
.......
<Edok's point of view>
Ang sarap sa pakiramdam... Nung natutulog ang isang Dianna Jolin sa balikat mo. Ang ganda niya talaga pag tulog, mukha talaga siyang babae... Bakit kasi di pa niya ako sinasagot?
Nandito na pala kami sa tapat ng school...
"Para po!" sabi ko sa driver
........
<pretty author's point of view>
Nagising na si DJ dahil narinig niyang pumara ng pagkalakas si Edok. Pagmulat niya... Nagulat siya...
"Ang porma ah!..." sabi ni DJ
"Ha... Hehe..." Edok
"H-ha? Wala!"
Ngayon lang kasi uli nakita ni DJ si Edok na naka-uniform at hindi mukhang taga squaters area. Ang huling kita niya dito na nakasuot ng uniform ay yung grade 6 sila nung graduation. Yun din ang pinakahuling araw na nagsuot si DJ ng uniform...
Hanggang pagbaba nila ng jeep ay nakatitig pa rin si DJ kay Edok...
'Siyete, otso, dyis. DJ, nababakla ka ba? Kay Edok?!!!??' sabi ni DJ sa isip niya
"DJ, ok ka lang?" tanong ni Edok sa kanya
"Ha, ah, oo!" kinalog-kalog ni DJ ang ulo niya
"Ed!" sigaw ng isang babae
Ed ang tawag kay Edok ng mga tao sa school niya. At ang nagpasimula naman ng pagtawag ng Edok kay Ed ay si DJ kaya ayos lang iyon kay Ed, AY! Edok nga pala ang tawag ng ating bida kay Ed kaya EDOK din dapat ang tawag natin sa kanya! Deal?! Hwahwa...
"Hi, Hershey!" sabi ni Edok dun sa babae
"Sino siya?" sabi nung si Hershey sabay turo sa bida natin
"Ah, siya si Dianna." sabi ni Edok sabay kamot sa batok
"Ah, siya pala yung kinukwento mo sa'kin lagi. Sige punta lang ako sa foodcourt!" Hershey
"Dianna talaga?" tanong ni DJ
"He-he... Itu-tour nga pala kita sa school ko tutal wala naman masyadong klase ngayon kasi Foundation day na sa Friday at malapit na din ang Christmas Vacation kaya puro pagpapractice ang inaatupag namin ngayun..." Edok
"Sige." DJ
Poker face lang po si DJ pero ang totoo excited na excited na siya sa paglilibot ng school ni Edok.
**END of 4**
Please vote and comment! Hwahwa... love you guys!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com