**48** Maniniwala ba ako?
**48**
<pretty author's point of view>
Hindi pa rin makapaniwala si DJ sa mga narinig niya kay Henry...
"DJ, ayokong ikasal kay Maldy... Papano na ang pangarap ko na makasama ka?" Henry
Hindi alam ni DJ kung bakit siya naiiyak ng mga panahong ito...
"DJ, wag ka sanang maniwala sa mga ginagawang panliligaw sa'yo ni Rino. Nalaman ko yun, noong nagkaaway kami, na nililigawan ka lang niya para maagaw ka sakin at matuloy ang kasal..." pagpapatuloy ni Henry
"Anong karapatan mo?" matigas na sabi ni DJ na nagpipigil ng mga luha niya
"Ha?" nagtatakang sagot ni Henry
"Anong karapatan mo para sabihin yang mga yan? May ibidensya ka ba na niloloko niya nga ako?" DJ
"Bakit ayaw mo akong paniwalaan? Dahil may gusto ka na din sa kanya?" Henry
Hindi malaman ni DJ ang isasagot niya... Parang ang hirap ng lumabas ng mga salita sa bibig niya...
"Paano? Hahayaan mo na akong ikasal?" sabi ni Henry
"Henry, ano bang meron tayo? Wala naman di ba? Kaya bakit mo pa sinasabi ang lahat ng ito sa akin?"
"DJ, binabalitaan lang kita tungkol sa balak nina Rino para hindi ka niya maloko, at binabalitaan lang din kita na ikakasal na ako para malaman ko kung mahal mo pa ba ako... Pero ngayon alam ko na ang sagot... Wala na akong kwenta sa'yo." Henry
Tumulo na ang mga luha ni DJ at kasabay ng pag-bagsak ng mga luhang iyon ay ang pag alis ni Henry...
Nawalan na siya ng lakas dahil sa kanyang pag iyak hanggang sa siya ay mapaupo na sa mga damo ng hardin...
Sobrang tagal na niyang naiyak. Hindi niya alam kung papano titigil. Hindi din niya alam kung bakit ganoon na lang siya magdamdam. Hindi niya lubos na matanto kung saan ba siya nalulungkot... Sa pagpapakasal ba ni Maldy at Henry o sa nasasabing pangloloko sa kanya ni Katarino?
Iyak pa din siya ng iyak...
"Bangon jan..." sabi ng isang masungit na boses
"K-Katarino?"
"Bakit ka ba naiyak? Sinong may gawa ha? Bubugbugin ko!"
"Tapatin mo nga ako... Ginagamit mo lang ba ako?"
"H-Hah? DJ..."
"ANO???!!!"
"Oo! Aaminin ko nung una na... Nagkukunwari lang ako na may pakelam ako sa'yo..."
"Bakit ang sama sama mo?!" pinagsusuntok ni DJ si Katarino
"Wait! DJ, di pa ako tapos... Gusto ko sanang malaman mo na simula nung makilala at makasama na kita... Nagkagusto na talaga ako sayo... Kaya sana patawarin mo ako... Gagawin ko ang lahat para makalimutan mo ang pangloloko ko sayo noong una..." pagmamakaawa ni Katarino
"Hinde... Pede bang iwan mo muna ako?!"
"Pero DJ... Sorry..."
"Alis na nga!"
......
Nagkulong si DJ sa kwarto niya...
"Bakit hindi ako pedeng maging masaya talaga? Mama, sana nandito ka..." sabi ni DJ sa sarili niya
.......
"Ano ba kasing ginawa mo sa kapatid ko K.O.? Di mo ba alam na napakastig nun pero napakadamdamin naman!" sabi ni Kuya Dick kay Katarino
"Sorry...Basta gagawin ko ang lahat para mapatawad ako n'yang kapatid mo..." Katarino
Hanggang ngayom naghihintay pa rin si Rino sa labas ng pintuan ni DJ na lumabas ito para magkausap sila. Nakikihintay slash nakikiramay din si Kuya Dick sa may pinto ng kwarto ni DJ...
"Nanliligaw ka ba sa kapatid ko?" Kuya Dick
"Oo... Ayos ba sa'yo?" K.O.
"Oo naman! Basta ayusin mo tong gulo nyo at wag na wag mo na uli siyang sasaktan pa. Kukuha lang ako ng ice cream, medyo majinit na dito..." Kuya Dick
"Hwahwa... Oo na sige... Dito lang ako..." K.O.
**End of 48**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com