**5** Ang muling pakikita-kita
**5**
<pretty author's point of view>
Nagpaalam muna si Edok sa adviser niya na may kaibigan siyang igagala sa campus nila. Ikinuwento din niya teacher niya na yun yung babaeng pinakagusto niya sa mundo. Wala eh, close sila ng adviser nila.
Private ang school ni Edok. Nakapasok dito si Edok kasi siya ay scholar dahil sa kanyang academic excellence. Napaka-ayos ng pamamalakad sa paaralang ito dahil sa mabubuti at magagaling ang namamalakad sa paaralang ito, lalong lalo na ang presidente na kanilang Student Council na si Hershey na bestfriend ni Edok sa paaralang ito. Ano ang school na to? YOU (Yolanda Olan University) lang naman uli.
Pumayag naman agad ang adviser ni Edok sa kagustuhan niya dahil nga wala na rin namang klase at napakabait naman daw bata ni Edok.
Nagsimula ng igala ni Edok si DJ...
"Edok." sabi ni DJ
"Oh?" sabi naman ni Edok
"May canteen ba kayo dito. Gutom na ko eh."
"Hahaha, sige doon muna kita dadalhin sa foodcourt."
"Sa foodcourt, di ba sa SM pa yun?"
"Ahaha..."
"Luko ka ah! Pinagtatawanan mo ako?!" sabi ni DJ sabay suntok kay Edok
"Aray! Foodcourt kasi ang tawag sa canteen dito." Edok
"Ay, pasensiya. Anong masakit?" sabi ni DJ na nag-aalala talaga kay Edok
"Ah, eh, eto eto. Ang sakit ng puso ko bili gamutin mo!" sabi ni Edok habang nag-iinarte na nakahawak sa dibdib niya
"Papano ko gagamutin?" pag-aalala pa rin ni DJ
"Mahalin mo ako..."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
After 5 seconds...
"Baliw!" sinikmuraan ni DJ si Edok
"Aray ko, sorry na, sorry na, sorry na!" ayaw kasing tigilan ni DJ ng suntok si Edok
"Tara nga. Kain na tayo!" DJ
......
Pumunta na sila sa foodcourt...
Nagulat si DJ dahil ang dami niyang pagkain na nakikita... Ang dami din tao sa foodcourt at mukhang mga susyalin pa...
"Ano gusto mo?" tanong ni Edok kay DJ
"Yun atsaka yun atsaka yun!!!" sabi ni DJ
"Burger, fries at pizza?! Walanjo ka tol wala ka pang drinks pero ubos na ang baon ko sayo..." Edok
"Di lang naman akin yun eh, sayo din."
Naks, pinapakilig na naman po ni DJ si Edok...
"A-ah, s-sige. Upo ka na lang dun ako na lang ang bibili." Edok
Umupo nga muna si DJ at si Edok naman ang nabili... Pag-upo ni DJ...
"Oh look who's here..." sabi ng isang boses ng malditang babae
"Maldy?" DJ
"Haha, kilala mo pa pala ako ng gold digger na ito. Kamusta naman ang pamamasada?"
"Bakit, makakalimutan ko ba ang babaeng bwiset sa buhay ko..."bulong ni DJ na narinig naman ni Maldy
"Anong maldita ako?" sabi ni Maldy sabay tulak sa balikat ni DJ
Tumayo si DJ sa pagkaka-upo niya "Hahaha... Kaya nga di ba Maldy pangalan mo. Ipinagkaloob yan sayo kasi Maldy-ta ka!"
Nagulat lahat ng mga estudyante at lahat ng tao na nasa foodcourt...
"Woah, first time yun ah!" sabi nung isang lalaki
"Oo nga! Ang astig naman ng girl na toh! Ang lakas naman ng loob niyang kalabanin si Maldy." sabi naman nung isang babae
.....
"How dare you!" sabi ni Maldy kay DJ
"How dare you to how dare me?!" sabi naman ni DJ kay Maldy
"Brainless jerk!"
"Malditang alien!"
Napatawa ang mga fans ni DJ sa sinabi niya...
"Get lost you freak! Di ka nababagay sa school na to! Wala kang alam. Mang mang! Nilalandi mo si Henry!"
"Hanggang ngayon pa na ba naman Maldy?! Problema ko ba yun eh mukha kang labandera?"
Ganan po talaga ang bida natin, palaban. Di papayag na maaapi siya.
Sasampalin na sana ni Maldy si DJ pero may pumigil sa kamay niya...
"H-Henry?" kinakabahang na sabi ni Maldy
Gusto niyo bang makilala si Henry. Siya lang po naman ang karibal ni Edok kay DJ. Taray ng bida natin noh! Pinag-aagawan!
Nung grade 6 kasi sila, bago sila magkahiwa-hiwalay. Binigyan ni Henry si DJ ng letter na nagsasabing gusto niya daw ito. Nalaman naman ito ni Maldy na kaklase din nila noon na may gusto kay Henry kaya nagalit siya kay DJ. Hindi naman sumagot si DJ sa letter kasi wala nga sa isip niya yung mga bagay na ganun, yung mga kaartihan ba ga...
Nagulat si DJ sa nakita niya... feeling niya ba ga ay nasa kanya na ang lahat noong nakita niya uli si Henry...
"We need to talk..." sabi ni Henry
Di na nakapagsalita pa si DJ. Hinila siya ni Henry. Hindi alam ni DJ kung saan siya dadalhin nito.
"Hoi! Bitawan mo nga ako. Ano bang problema mo ha!" sabi ni DJ habang tinuturo ang dibdib ni Henry
Walang sabi sabi... Niyapos ni Henry si DJ.
"I miss you..." bulong ni Henry kay DJ habang nakayapos siya dito
Hindi maintindihan ni DJ ang nararamdaman niya... Feeling niya na parang may paru-paro sa tiyan niya. Di niya alam kung gutom na ba yun o kung ano. Pero ngayon niya lang naramdaman yun...
......
Sa kabilang banda, nakita lahat ni Edok ang nangyari. Alam din niya na may gusto rin si Henry kay DJ. Noong hinila ni Henry si DJ palabas, wala ng nagawa pa si Edok. Nanghina na siya... Umupo na lang siya para kainin lahat ng binili niya...
"Oh, kala ko ba'y hahatian mo ako jan sa pagkain?"
Nabulunan si Edok...
"D-DJ? A-akala ko, si Henry, Di ba? Papano?" di magkaintindihang tanong ni Edok kay DJ
"Hay, kumain ka na lang tol. Atsaka di ko naman maintindihan ang sinasabi mo eh." sabi ni DJ sabay subo ng fries
Alam nyo ba kung anong nangyari?
*flashback*
"I miss you..." bulong ni Henry kay.DJ habang nakayapos siya dito
Pumalag sa pagkakayapos si DJ "Salamat Henry ha, sa pagtulong mo sa'kin sa Maldy na yun. Sige alis na ako."
Tumakbo na paalis si DJ hindi naman siya napigilan pa ni Henry. Gusto na niya kasing kumain. Dahil nga sa akala niya na gutom lang ang nararamdaman niya sa tiyan niya, pero ang tunay nun, kinikilig siya...
Pers Taym pong kiligin ang ating bida. Pasalamat tayo kay Henry...
*end of flashback*
Uwian na at hinatid na ni Edok si DJ sa bahay niya...
"Oi, salamat nga pala ha. At dinala mo ako dun sa school mo." DJ
"Wala yun."
"Sa susunod uli." sabi ni DJ sabay sara ng pinto ng bahay nila
"OWKEY!" sigaw ni Edok para marinig siya ni DJ
Hindi alam ni DJ kung bakit gusto niya nasabi iyon... Miss na miss na talaga niya ang pumasok sa school pero iniisip niya na parang wala ng pag-asa na makakapasok pa uli siya.
**END of 5**
Yey! Ano po?
Hwahwa, comments pow?
Please votes!
Oo, plural telege.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com