Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**50** I wouldn't change a thing

**50**

<DJ's point of view>

Nagkukwentuhan kami ngayon ni Katarino sa sala. Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya matiis... Kakakain lang namin ng hapunan at siya yung nagpadeliver ng pagkain dito sa bahay...

"Bestfriends pala kayo ng kapatid ko noon..." siya

"Oo... At sobrang saya talaga namin noon..."

"I'm so sorry sa nagawa ng kapatid ko sayo ah!"

"Naku, di mo kailangang mag sorry. Bakit nga pala di kita nakikita pag napunta ako sa bahay ni Maldy noon?"

"Ah, sa Canada kasi ako nag aaral noon. Kasama ko si Daddy... Ayos lang ba sayo na ikakasal na sila?"

"Ah eh... Di ko alam eh... Sana magkabati muna kami... Haha..."

"Hahaha, oo nga... Sana... Geh, uwi na ako. MAGTEXT KA AH!!!"

"Pano kung ayaw ko?!"

"Kikiss kita!"

"H-Hah???"

"Wala, sabi ko babye!"

Ayun umalis na nga siya...

Bakit ako masaya ngayon? Aba'y Ewan!!!

(-,-)

......

Nasa kwarto ako ngayon at nagmumuni-muni lang... Namimiss ko kasi yung dating looks ko... Yung long sleeves lagi tapos pantalon lang tapos pagnatripan na hindi maglaba yun uli ang suot bukas... Hayyy... Pede naman siguro na magbalik ako sa dating ako noh??? Hahaha! Bukas na bukas, makikita nyo uli ang dating DJ at ngayon tutulog na muna ako...

Muahahaha... Humanda sila... (*-*)

.....

Paggising ko ng umaga, naligo agad ako at kinuha ko sa baul... Haha, baul talaga! Ang mga luma kong damit. Ang mga damit ng dating ako...

Namiss ko talaga ito grabeee!!! Bakit ang bango kahit nasa baul? Ah! Nilabhan nga pala to ni Nova... (-,-)

Isinuot ko... At pinuyod ko ang buhok ko...

Nagulat ako pagtingin ko sa salamin...

"Eto talaga ako... Ako si DJ..." nasabi ko sa sarili ko

Bumaba ako suot suot ang yellow ba long sleeves ko at ang blue jeans ko. May sumbrero din akong suot...

Nakasalubong ko si Kuya Dick...

"OI! Welcome back, DJ!!!" sabi niya

Napatawa na lang ako...

Hanggang sa makapunta ako ng kusina at nandoon silang lahat...

"Dianna! You look so different!" Lola Juliana

"Haha, lola. Si DJ talaga yan..." Kuya Jasper

"Na-miss namin yang look na yan ah!!!" Ate Mina

"DJ!" tawag ni Kuya Dick na nasa may front door

"Oh?!" ako

"Si K.O. andito!" Kuya Dick

Oh my! Andito na naman siya? Baka manibago siya sa itsura ko?! Hay, bahala na... Eto ako eh...

Sinalubong ko si Katarino...

"DJ?" sabi niya nung nakita niya ako

"A-Ayaw mo ba ng itsura ko?" ako

"Tol, yan talaga ang itsura ng kapatid ko bago siya tumungtong sa mansyon na ito..." sabi ni Kuya Dick

Ano Katarino? Titigil ka na ba sa panliligaw?

"Gusto mo bang magpalit siya???" paningit ni Nova, my assistant. Tanda nyo pa ba siya?... Haha...

Lahat kami naghihintay sa sagot ni Katarino...

"Oh ano?!" ako, ang tagal niyang nakatunganga sa akin eh

"No... It's fine... I wouldn't change I thing 'cause you're amazing, just the way you are..." kinanta niya yung last part na kinakilig naman ng mga tao sa bahay na ito

"Ayyyiiieee! Pasok ka na nga K.O. kinikilig ang kapatid ko sayo eh... Iwan muna natin siya, makaka recover din yan mamaya... XD" si Kuya Dick talaga!

Napako na lang ako sa kinakatayuan ko at nakanganga na rin pala ako... Siguro lang talaga masaya ako kasi natanggap niya talaga ang tunay na ako.. kahit na nakita niya ng una ang mala-anghel na DJ, natanggap at nagustuhan pa rin niya ngayon ang astig na DJ...

**End of 50*

Hi! Napansin nyo ba na may title na nag bawat kabanata? Hahaha,pagnagbaback read kasi ako di ko alam kung saan hahanapin eh, kaya ayun... Hahaha...

Thanks for reading

Love lots, Alegny

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com