Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**6** May sakit si Edok

**6**

<pretty author's point of view>

Pagpasok ni DJ sa bahay nila ay nakabantay na pala ang Kuya Dick sa sala nila...

"Alam mo ba kung anong oras na?" masungit na tanong ng Kuya Dick kay DJ

"Ahm, lampas alasais na. Wow tol! 4th year collage ka na at malapit ng mag-graduate bilang isang teacher ng mga kabataang highschool at isa ka pang honor student pero bakit ganun di ka pa pala marunong tumingin ng oras!?" OA na pagkakasabi ni DJ

Nakuha at naibato naman agad ni Kuya Dick ang tsinelas niya kay DJ at sumapol ito sa binti ng ating bida.

"Araaaaayyyyy KOOOW!" sigaw ni DJ

"Oh, anak anjan ka na pala!" sabi ni Mang Dino

"Tay!" sabi ni DJ sabay yakap sa ama niya "Bakit po ang aga niyo atang gumarahe ngayon?"

"Wala kasi ang sidekick ko eh!" sabi ni Mang Dino tsaka ginulo ang buhok ni DJ

"Naks si Tay!" DJ

"Kamusta ang pagpunta sa paaralan?" Mang Dino

"Hay Tay! Ang saya at ang daming nangyari!" DJ

"Hahaha! Wew! Yaan mo gagawa ako ng paraan para makapag-aral uli si bunso!" Kuya Dick

"Naks Tol. Salamat!" DJ

"H-Hi, DJ."

Biglang nawala ang ngiti ni DJ sa mukha niya.

"Kuya Jasper..." nakalimutan niyang kasama pala niya ang Kuya Jasper at ang pamilya nito sa iisang bubong. Naikwento ni Mang Dino sa kanya na kaya doon muna sa kanila titira ang Kuya Jasper niya dahil napalayas ang mga ito sa inuupahang bahay sa kadahilanang hindi ito nakakabayad ng upa.

"Pasensya na..." tumulo lahat ng luha ng Kuya Jasper niya at lumuhod ito sa harapan niya.

Nagulat silang lahat sa ginawa ng panganay nilang kapatid pati rin si Mang Dino.

"Ako ang may kasalanan kaya ka tumigil sa pag-aaral. Ako, ako! Alam kong sinabi mo sa akin noon na napatawad mo na ako, pero nararamdaman ko pa rin na bumibigat ang loob mo pag nakikita mo ako... Patawarin mo na sana talaga ako. Dick at Tatay, patawarin niyo talaga ako. Ako ang pinakapabigat sa pamilyang ito... Sana makita niyo pa rin ako bilang kuya niyo at Tay, mahal na mahal ko po kayo..." saad ng Kuya Jasper niya habang naiyak ng todo ng nakaluhod pa!

Tumulo ang luha ni DJ "K-Kuya, mahal na mahal din kita. Pero, hindi ko lang talaga matanggap na hindi na ako nakakapag-aral ngayon, hindi ko matanggap na wala na akong ipinagmamalaki sa inyo, hindi ko rin matanggap na hanggang ngayon hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko hindi lang para sa akin, para sa inyo rin... Kuya Jasper, pinapatawad na kita... *sob* *sob*" niyapos ni DJ ang kuya niya

"Ako din Kuya. Loko ka, pinapa-iyak mo kami!" sabi ni Kuya Dick sabay yakap din sa mga kapatid niya

"Di niyo ba ako isasama jan?!" Mang Dino

"Tay naman, halika nga kayo rito!" DJ

Yan, ang drama talaga nila. Pero madalas na masasaya yang mga yan!

........

Umaga na naman! Mamamasada na naman po ang ating bida. Suot niya uli kanyang sumbrerong dilaw.Nakalong sleeves at pantalon siya.

"Ba-bye DJ!" sigaw ng Kuya Dick niya na walang pasok ngayon

"Ingat kayo!" sabi naman ng Kuya Jasper niya habang buhat buhat ang anak nitong si Dina na 3 taon pa lang

"Sige kayo din!" tugon sa kanila ni DJ

Dumaan sila sa bahay nina Edok pero pers taym sa buhay niya na hindi siya binati ng 'Good Morning, Magandang Umaga o Hi, mahal' ng binata.

"Oh, bakit kaya walang bati si Edok sayo ngayon?" napansin din pala ito ni Mang Dino

Napatungo lang si DJ at inayos ang kanyang sumbrero...

.......

Sa kalagitnaan ng pamamasada ng mag-ama. 4:30 na ng hapon. Naisakay nila sa jeep si Hershey.

"Ui, Dianna!" bati ni Hershey

"Oi! Hehe, DJ na lang tawag mo sakin..." masayang tugon ni DJ kay Hershey

"Ah, hehe OK! Asan nga pala si Ed? Di kasi siya pumasok eh." tanong ni Hershey kay DJ

Nag-alala naman agad si DJ kay Edok...

"Ha? Hindi ko rin alam kung asan yung lalaking yun eh." sagot ni DJ

"Ah, oh sige. Pabigay na lang sa kanya ito. Pasabi na lang na yan yung mga assigments" sabi ni Hershey sabay abot ng isang papel kay DJ

Nanginang ang mga mata ni DJ. Naaalala niya pa yung mga panahong nanunulad siya ng assignments kay Edok dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin doon. Lalong lalo na sa Math.

"Oh, sige ako na ang bahalang magbigay nito sa kanya." DJ

.....

Gumarahe na ang jeep nina Mang Dino. Dumiretso naman agad si DJ sa bahay ni Edok.

Kumatok na siya...

Binuksan ito ni Aling Fely, ang ina ni Edok...

"Oh, DJ bakit ka napabisita?" sabi ni Aling Fely

"May pinapaabot po kasi ang kaklase ni Edok sa kanya." DJ

"Oh, sige pasok ka!" Aling Fely

Pumasok si DJ. Higit na mas malaki, maganda at maayos ang bahay nina Edok kaysa kanilang bahay...

"Bakit po pala hindi pumasok si Edok?" tanong ni DJ

"Ay naku, ineng ay nilalagnat ba ga ang batang iyon!" sagot ni Aling Fely na parang naaaduwa dahil nilalagnat si Edok

"Ah ganun po ba..." DJ

"DJ kuuuuuhhhhhh!!!!!!" OA na pagkakasigaw ni Edok na may bimbong basa na hawak hawak niya na nakapatong sa noo noong nakita si DJ

"Bata ka! Bakit ka bumangon!" sabi ni Aling Fely

"Nay naman oh! Alam niyo naman na nandito ang BABES kow!" Edok

"Hay, bahala ka nga jang bata ka! Hay, DJ, pagpasensyahan mo na tong si Edok ha. Magluluto lang ako" Aling Fely

"Hehe, sige po." DJ

Pagkaalis na pagkaalis ni Aling Fely ay sinapok ni DJ si Edok...

"Aray! DJ naman oh! Di mo ba ako na miss?!" Edok

"H-Ha?!" DJ

"Sabi ko ang ganda mo!" Edok

Bigla namang namula ang mukha ni DJ...

"A-Ahm, eto nga pala, pinabibigay ni Hershey. Assignments niyo daw." DJ

"Wo, thanks! Tutulungan mo ako?" Edok

"B-Bakit may sinabi ba ako?" DJ

"Wala, sige." malungkot na sabi ni Edok

"Geh uwi na ako." sabi ni DJ

Pagkalabas niya ng bahay nina Edok ay naglakad siya papunta sa bahay nila ngunit may humarang sa kanyang dalwang lalaking naka-itim, mga mukhang bodyguards sila...

"S-Sino kayo? Ano ang kailangan niyo?" kinakabahang tanong ni DJ

"Miss ikaw ba si Dianna Jolin?" tanong ng mga lalaki

"Bakit?" sabi ni DJ na handang makipaglaban

May isang gwapong lalaki ang lumusot sa pagitan ng dalwang bodyguards...

"Ahm, Hi, DJ..."

"Henry?!" gulat na sabi ni DJ

**END of 6**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com