**62** GUMA ko at UTOL ko
**62**
<DJ's point of view>
Nasa Seaside na kami at pumipili na si Katarino ng kakainin namin mula sa menu...
Ako naman di mapakali dahil sa nalaman ko. Di ko alam kung sasabihin ko kay Katarino na kami ang may ari ng Yellow Stone o itatago ko muna kasi may date kami ngayon...
(-____________-)
Di ako makapag-desisyon...
Isa lang ang naisip kong paraan!!!
(*______________*)
"Ahm, Katarino, c-cr lang ako." pagpapaalam ko
"Ah ok." siya
Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko...
"Ok ka lang ba?" si Katarino
"Ah, oo naman!" ako
"Sure ka?" hinawakan niya ang noo ko (>___<)
"U-Uwo nga brad!" yan umastig tuloy XD
"Ahehe? Geh..."
Nagdiretso na ako sa cr at dinial ko agad ang number ni Nova...
"Nova!" ako
"Oh? Bakit?" si Nova
"Kilala mo na ba ang owner ng Red River?"
"Hah? Di nga eh. Gusto mo research ko?"
"Di na kailangan... Kilala ko na
(T________T) "
"Oh, yun naman pala eh. Teka DJ, bakit paiyak ka na?" Nova
"Eh kasi... Si..."
"Ano?"
"Yung lola ni Katarino yung may ari ng Red River..."
"Ibisabihin???!!!"
"Oo, kakompitensya natin ang pamilya nila... Sasabihin ko ba na ako ang tagapagmana ng Yellow Stone?"
"Siguro ateng... wag muna... May date kayo eh... Pagkatapos na lang ng date nyo."
"Hah? Di ko ata kaya yun... Bukas ko na lang kaya sabihin?"
"Hay, ienjoy mo muna ang araw na kasama mo siya tsaka mo na intindihin yung Yellow at Red chuchuness na yan! Busy ako sa pagmamanicure dito. Babush!"
*toooot toooot toooot*
(TT_________________TT)
Binaba na niya agad... Anong klaseng kaibigan siya? May tatanong pa aku ei...
Hayae na nga... Kakain muna ako...
Pero tama si Nova. Enjoy muna!
(9*-*)9
Bumalik na ako sa table namin ni Katarino at nakasmile ng di maintindihan... (-,-)
"Pffft!" muntik ng maibuga ni Katarino yung juice na iniinom niya
"Tinatawa mo jan?" ako (-,-)
"Haha, yung ngiti mo kasi... Sunako lang ampeg?"
"Sunako? Wow! Ibigsabihin nanonood ka din ng Yamato Nadeshiko?! (*0*) "
"Oo naman. Di ko inakalang nanonood ka din pala nun. (0,0) "
"Ahehehe, nakakarelate lang kasi ako kay Sunako..." ako habang nagkakamot ng ulo
"Haha, ganun ba? XD " (-,-) kainis naman ang expression niya
"Kain na tayo!" siya
.......
"Salamat ah. Binigyan mo ako ng chance para masolo kita kahit isang araw lang." sabi ni Katarino
Nasa may gate na kami ng bahay. Kakahatid niya lang sakin...
"Ano ka ba wala yun! Napilitan lang ako... Waha, de joke (*-*)v " ako/baliw
"Hahaha, ewan ko sayo DJ! Pero basta. Alam kong di masyadong makasaysayan yung date natin pero sana nag-enjoy ka." tumalikod na siya para sumakay sa kotse niya
"Katarino!" humarap na uli siya sakin "Alam mo naman siguro na... ehem... first date ko toh... Nag-enjoy ako promise... Salamat ah! :) "
Lumapit siya sakin ng mabilis at...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
niyakap niya ako <3
Yan na naman yung puso ko..
*gusto-mo-siya-mahal-mo-na-lagot-ka-bakla-ka-na*
Ang wirdo ng tibok ng puso ko no? (",)
Pero gusto, ahm... mahal ko na talaga siya... Sabihin na nating GUMA ko siya... GUsto na malapit ng MAhalin... Nemen! XD
Pumasok ako sa bahay ng nakangiti...
Sinalubong naman ako ni Nova...
"Oh ano? Masaya ba ang date?" si Nova
"Oo. Kahit simple lang..." nakangiting sabi ko
"Haha, HALATA!!! Sana may sunod pa noh!" si Nova
"Haha, baliw!" ako
"Ahm, may bisita ka nga pala nasa kusina siya. Nangingingain... (-,-) " si Nova
"Ah, geh. Punta na ako sa kusina."
.....
(0,0)! <--- ako
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
EDOOOOKKKK!!! (*0*)
"Ui, tol. Ang sarap talaga ng pagkain dito sa mansyon nyo!" si Edok
"Hahaha! Di ka pa rin nagbabago! Buti naman napabisita ka?" ako
"Ah, oo. Namiss kita iiihhh!" pinisil niya ang ilong ko (>_<)
"Aray, tol! Tigilan mo nga ako! Ehem, namiss din kita. Alam mo ba yun?"
"Hay, DJ. Bakit ganun kinikilig pa rin ako pag sinasabi mo yang mga salitang yan..." kinindatan niya pa ako sabay kagat ng fried chicken na niluto naman ni manang para sakin (-,-)
"Ano ka ba? Wag ka ngang ganan! Kamusta nga pala kayo ni Hershey? Masaya ba ang buhay ng may jowa?" ako
Naging tahimik lang siya...
"T-Tol, may problema ba?" nag-aalalang tanong ko kay Edok
"DJ... ahm... w-wala na k-kami ni Hershey." maluha-luha na siya ng sinabi niya yun
"H-Hah?! Bakit naman?"
"Pinakilala niya kasi ako sa mga magulang niya eh tapos tutol yung mga magulang niya samin. Hindi daw ako nababagay sa anak nila..." umiiyak na si Edok ngayon
Tinapik-tapik ko ang likod niya, ayoko na nakikita siyang naiyak eh... "Ssshhh... Tol... Wag bakla, tana kay Hershey. Ayusin natin toh, kausapin natin ang mga magulang niya. Tol, matino ka. Ay! Medyo lang pala pero alam ko naman na mahal mo si Hershey di ba?"
Na-miss ko talaga ang mga panahon na kami lang ni Edok slash bestfriend ko slash utol ko ang magkaramay...
"DJ, yun nga ang problema eh. Umalis na sila ng bansa kahapon lang. Tol! Ang sakit sakit! Ginawa ko ang lahat para mahigitan ko ang pagmamahal na binigay niya sakin at kahit papano naman ay nagawa ko yun. Akala ko talaga kami na para sa isa't isa! Pero di pala. Iniwan nya lang din ako... May narealize tuloy ako..."
"Ano yun?"
"Ikaw pa rin pala ang TINITIBOK NG PUSO ko..."
*S-I-L-E-N-C-E*
*PPPAAAAKKK!!!*
Nasapak ko lang naman si Edok! (-,-)
"Aray ko naman TOL eh! Totoo naman eh! Kaya nga na-double dead ang puso ko ng nalaman ko kay Nova na may ka-date ka pala ngayon..." nag-pout siya
"Umayos ka nga. Baka matikman mo na naman ang death punch ko. Sige ka!"
"Pero DJ ah... Seryoso mode muna tayo... Ibang klase yang Katarinong yan ah! Napa-transform ka niya bilang 'medyo' babae ah! Noong huli kitang nakita ang ganda ganda mo! Para kang si Maria Mercedes! Tapos ang sweet niyo pang dalwa!"
"Heh! Magtigil ka nga! Mas sweet kaya kayo nun ni Hershey"
Natahimik na naman siya...
"Ahm, sorry..." ako
"De, ayos lang... Ahm, nabalitaan ko nga pala yung nangyaring trahedya... Kamusta yung braso mo? Patingin nga!" siya
Tinupi ko ang longsleeves ko at nakita niya ang mahaba kong sugat...
"Woah! Tol, ang galing mo! Kinaya mo yan? Ang haba ng hiwa mo! Isang ruler eh! Super hero ka talaga!" sabi niya na may pataas-taas pa ng kamay
"Haha, Baliw! Si Maldy nga yung napuruhan eh pero ayos na siya ngayon. At alam mo ba bati na kami!" ako
"Talaga! Congrats!" siya
"Kamusta naman yang chicken na.nilapang mo? Yung buto, baka gusto mo na ring kainin?" ako
"Ahehe, sorry ah! Napasarap talaga ang kain ko eh. Ahm, geh. Gabi na pala. Salamat DJ!" yinapos niya ako "Hhhmmmhh! Mamimiss na naman kita tol!"
"Ah! May cellphone na pala ako. Eto number ko." inabot ko sa kanya ang isang piraso ng papel na sinulatan ko ng number ko "Text text tayo!"
"Ah, geh ba! Lumelevel up na talaga ang loves ko!"
"Ahm, tsaka nga pala Edok, sana mahanap mo na ang babaeng para talaga sayo." binigyan ko siya ng astig na ngiti
"Hahaha! Oo naman... Basta andito lang ako kung hinahanap mo ang lalaking para talaga sayo..."
"EDDDOOOKKK!!!???"
"Wahahaha! Joke lang! Geh tol, layas na ako!"
"Ingat!"
Nakakamiss nga naman yung mokong na yun noh! Hay...
**End of 62**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com