Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**64** What a busy day!

**64**

<DJ's point of view>

Kinabukasan...

Hay! Nakakatunaw ng utak! Buti na lang at tapos na ako sa Science. Love ko yun eh. Tapos konting tulak na lang ako sa English dahil medyo nakaka-nose bleed. At sa Math jusko, nosebleed na nosebleed. Solve pa nga ako ng solve dito sa kwarto ni Kuya Dick eh. Siya muna ang nagtuturo sakin. Busy kasi si Katarino ngayon dahil nga may birthday party si Maldy bukas. At pagkatapos ng araw na iyon, exam ko na sa YOU

(-______________________-)

Ang gulo-gulo naman ng kwarto ni Kuya... Pssshhh...

"Ano na-solve mo na?" tanong ni kuya pagpasok ng kwarto na may dalang meryenda. 3 oras na kaming nagrereview. Pagkatapos mag-umagahan ay nagreview na agad kami.

"Wait... Nag-co-concentrate pa ako.. Tahimek." palusot ko

"Asus! Puro naman guri yang scratch paper mo eh! Last lesson na yan sa Math at pagkatapos niyan makakapasa ka na sa exam mong iyon. Matalino kang bata eh." ti-nap ni kuya ang ulo ko

"Talaga? Oo nga noh? Kaya pala ang hirap na talaga neto. Last na kasi... Sana makapasa ako para kaklase ko sina Edok, Nova, Henry at Maldy. Yung mga friends ko kuya :) " nginitian ko si Kuya Dick

"Haha! Oo na... Oh kain ka muna ng donut. Alam kong paborito mo toh." sinubuan niya ako ng isang buong donut

"Kuyo, ong swoot mo tologo!" puno kasi ang bibig ko eh

"Hahaha! Don't talk when your mouth is full! Geh solve mo na yan." tap na naman sa ulo ko. Kuya? Aso?! Aso?!

"Opo sir! Teka?! Nag-apply ka ba na sa YOU?!" makagulantang na tanong ko kay Kuya

"Di pa eh pero nagsabi na ako na tinatanggap ko na ang trabaho. Sasabay kasi ako sayo pagpunta sa YOU sa exam day mo." seryosong sabi ni Kuya

"Ah owkey..."

Nasagutan ko na yung problem at nagbigay na naman si Kuya ng iba pang problems...

Siyete...

(=_____________________=)

"Bakit mo ako pinaparusahan kuya????!!! (T=T) " umiiyak na talaga ako

"Oi! Wag kang madramang babaita ka! Kung gusto mong maging maayos ang buhay mo kailangan mong paghirapan yun noh. Atsaka dapat masanay ka na. Pag nakapasa ka sa exam mo, 4th year highschool ka na pagpasok mo. Maraming challenges ang darating sa buhay mo." lalim nun ah???

"Oo nga kuya... Tomoh ka... I love you kuyyaaaaa!!!" yinakap ko siya

"Hahaha! I love you too, bansot! xD " yinakap na rin ako ng baliw kong kuya

Hahaha, kahit ganito toh. Mahal ko toh!

......

After 4 and a half hours...

"Yeah! Ahuh! Ahuh!!! Tapos na ako yeah! Yeah! Boom Panes! Break-it-down... YOW!!!" pagrarap ko dahil sa wakas tapos na ang paghihirap ko (T_________T)

"Oo na! Tama na ang rap! Ikaw na ang fast learner! Talino eh, mana sakin." ang yabang neto eh ako naman ang naghirap ng todo (-,-)

"Tama na din ang dadak kuya! Pede ko na bang gawin ang gusto kong gawin?!" ako

"Of course. Ready na ang delicious lunch mo sa baba." sabi ni Kuya habang nagbabasa ng K-Zone magazine niya... (-,-)

Dali-dali na akong bumaba dahil gutom na gutom na ako pati ang utak ko nanunuyo na... (-,-)

"Ui! Tamang-tama DJ. Anjan si Katarino may gift siya para sayo." si Nova

"Hi, DJ! Alam kong magugustuhan mo ito. Buksan mo na bili!" excited na sabi ni Katarino

Binuksan ko na nga ang regalo niya...

Pakshet lang ah... (-_____-)

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Whole set ng Red River... May accesories, dress at sapatos...

"Do you like it???" si Katarino

"H-Hah? Oo!!! Hahaha..." patay tayo jan (=_=)

Nakatingin sakin si Nova at parang awa na awa na siya sakin sa sitwasyon ko. Ano naman kasing sasabihin ni lola pag nakita niya akong nakasuot ng produkto ng karibal niya (=_____________=)

Walanjong buhay...

"Suot mo yan bukas sa birthday party ni Maldy ah (^_^)v " Katarino

"WHAT???!!! Di ba pedeng suot ko na lang pag tayo lang dalwa?!" nabigla ako ei (-,-)

"A-Ayaw mo ba?" naging malungkot ang itsura niya

"Naku... Gustung-gusto ko nga eh! Oo, promise isusuot ko yan bukas!"

"Talaga? Promise?! (*-*) " siya

"Oo. Promise! Teka lang ah. Lalabas lang ako para lumanghap ng sariwang hangin..." tumakbo na ako papalabas ng bahay

Hihinga muna ako!!! Hay... Sa wakas... Malaya na ako!!!

"Miss, ibigay mo ang bag mo sa'kin kung ayaw mong masaktan!" sigaw nung holdaper sa babae

Litse!!! Ano ba kayo?! Huhuhuhu, kailangan ko ng kapayapaan!

"Huhuhu, please! Wag po! This is important to me! Saktan nyo na lang ako." sabi nung babae

"Matatag ka noh! Akin na nga yung bag mo!" holdaper

"Hoy! Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag kang mandamay ng inosenteng tao! Lumayas ka na nga dito! Magtrabaho ka! Wag kang mang holdap diyan!!! Ano jojombagin na kita eh... Waaahhh!" inamba ko na susuntukin ko ang mukha niya

Ayun tatakbo... Natakot! Hahaha!!! xD

"Wow! Thanks! You're my heroine!!!" yinapos pa ako ni ate

"Ahehe, wala yun. Nakaka-badtrip kasi eh." ako

"Ako nga pala si Sha. And you are?"

"Ahm, DJ." nagshake hands kami

"Salamat talaga DJ! Ang astig mo! Utang ko sayo ang buhay ko!" sabi pa ni Sha

"Ah, bakit ka nga pala napapunta dito sa subdivision na ito?" ako

"Haha, ahm, tutal na malapit naman ang loob ko sayo. Pede ba kitang maalok ng lunch para makapagkwentuhan tayo?" alok niya sakin

"Ahm... Oo, sige." ako

......

Sumakay kami sa pink car niya. May sarili rin siyang driver parang ako... Hehe...

Akala ko naman sa karinderya lang ako ni Sha dadalhin tapos yun pala sa isang sosyal na restaurant niya ako dinala. May nag-v-violin pa nga dito sa loob at ang so-sosyal pa ng mga tao dito. Nakakahiya naman kasi nakapambahay lang ako. Naka-pedal tapos t-shirt na bigay sakin ni Edok. Tanda nyo pa ba yun? Yung Hello Kitty na may nakasulat na I'm Cute... (*-*)

Umupo na kami ni Sha at umorder na siya...

Sinimulan na niya ang usapan...

"Ahm, di ba may tinatanong ka sa akin kanina? Kung bakit ako nasa High Hills Subdivision?" si Sha

"Ah, oo. Bakit nga ba?" ako

"Ah, hehe kasi naisipan kong dalawin kanina ang ex-boyfriend ko para makapag-ayos na kami pero nawalan naman ako ng lakas ng loob at yun naisipan ko na lang na umuwi. Sa kasamaang palad, may nakasalubong akong holdaper at buti na lang at andun ka to save me. Hahaha..."

"Hahaha, wala yun! Pero napansin ko lang ah... Mayaman ka naman pero bakit mas ginusto mo pang masaktan ka nung holdaper kaysa ibigay mo na lang yung bag mo sa kanya?..."

"Alam mo tama ka eh. Kaya ko naman paltan ang nga materyal na bagay na makukuha ng hunghang na holdaper na yun pero may sentimental value kasi ang bag na ito eh. Napakamahalaga talaga ng bag na ito sakin." sabi niya sabay hawak sa pink leather bag niya na mukhang mamahalin talaga

"Ah, bakit naman?" ako

"Bigay kasi eto ng masungit kong ex-bofie. Hihi, kahit masungit siya nabigay niya ito sakin nung monthsary namin." medyo naiiyak siya pero nahihiya ata siyang umiyak sa harapan ko kaya pinipigil niya eto

"Alam kong di ka OK kaya p---"

"Huhuhu! DJ, I can't take this anymore! Mahal ko pa rin siya pero ayaw na niya sakin." yan umiyak na nga siya

"Alam mo dapat siguro na mag-usap kayo ng maayos para di ka nagkakaganyan..." nakanguso kong sabi, medyo OA kasi siya (-,-)

"I'm sorry kung masyado akong OA pero na-try ko na kasing kausapin siya and nothing happened."

"Mahal mo ba talaga siya?" ako

"Yes, of course..."

"So, kaya mo ba siyang pakawalan kung saan siya masaya?" ako

"Siguro oo para sa ikakasaya niya naman eh."

"Sha, bilib ako sayo."

"Thanks DJ. Sana mas makilala pa.kita and I hope we will be friends." Sha

"Oo naman." nginitian ko siya

Dumating na ang order namin. At grabe! Ang sasarap ng mga ito! Buti na lang pala sumama ako kay siya mukhang mas masarap ang mga ito kaysa sa mga pagkain sa bahay eh. Hahaha!!!

Tapos na kaming kumain...

"Salamat talaga DJ ah!" siya

"Walang anuman. Uwi na ako ah baka kasi hinahanap na ako sa bahay eh. Sa susunod na lang uli!" ako

"Ok!" kumaway na siya sakin

......

Sa bahay...

"San ka galing?" salubong sakin ni Kuya Dick

"Ah, nagpahangin lang jan sa labas." ako

"Kumain ka na ba?" si Kuya Jasper

"Ah oo kuya. Kayo?" ako

"Ah, ok na kaming lahat..." nakangiting sabi ni Kuya Jasper

"Pasensya na ah kung di ako dito sa bahay naglunch." ako

"Ok lang yun. Hehe, umalis na nga pala si K.O. Bukas na lang daw kayo magkita sa birthday party." Kuya Dick

"Ah ok." ako

"Geh maiwan ka na namin ni Kuya Jasper." sabi ni Kuya Dick at umalis silang nakangiti. Teka??? Ano bang nangyari nung nawala ako? Bakit ang saya saya nila?

Lahat pa ng makasalubong ko sa bahay, ang lalapad ng mga ngiti. Anong nakain nila? Hala!!! Baka nahawa sila kay Nova!!!!!

**End of 64**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com